Ilan sa ating mga kaibigan, lalo na sa aral at turo ng ADD[Ang Dating Daan], na di raw tatahan ang Dios sa templong gawa sa kamay. Mali raw ito dahil mababasa sa Biblia na ang Dios ay hindi tumutahan sa mga bahay na ginawa ng tao, kaya seguro isang dahilang kung bakit hindi silay gaanong nagpapatayo ng SAMBAHAN o TEMPLO at pinapaganda ito sapagkat gaya ng sabi, HINDI NAMAN RAW DUMITO o Tumatahan ang Dios. Pinagbabatayan din naman nila ang nilalaman ng Gawa 7:48 sa pagsasabing hindi raw kailangan ang pagtatayo ng mga gusaling sambahan. Ganito ang sinasabi ng talata:
“ Gayunman, ang kataas-taasang Dios ay hindi naninirahan sa mga bahay na ginawa ng tao, ayon sa sinabi ng propeta.” (magandang balita biblia)
Hindi raw naninirahan ang Diyos sa mga bahay na ginawa ng tao. Gayundin daw ang sinasabi sa ibang talata ;
Gawa 17:24 “Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng naroroon ang siyang Panginoon ng langit at lupa, kaya’t hindi siya tumatahan sa mga templong ginawa ng tao.”
Sabi nila, di na nga raw kaylangan magtayo ng mga bhay sambahan sapagkat di yun ang tahanan ng Dios. . bago po natin simulan. . atin pong linawin, dalawang uri po ng templo ayun sa Biblia.
1. Templong gawa sa kamay - gusaling sambahan
2. Templong Banal na nakatayo sa pangulong bato sa panulok- mga tao
Mamaya sa baba tatalakayin natin ang pagkakaiba ng dalawang templo.Ang pagsasabing ang gusaling sambaha’y tahanan ng Diyos ay hindi sa pakahulugang sa gusali lumalagi ang Diyos! Kahit sa langit at maging sa langit ng mga langit ay hindi magkasiya ang Dios, lalong hindi sa isang bahay ito po.
1 Hari 8:27
“ Ngunit katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? Narito, ang langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!”
Totoong ang Diyos ay hindi tumatahan sa bahay na ginawa ng tao gaya ng sinasabi sa Gawa 7:48 at 17:24 . Subalit, ang pagiging tahanan ng Diyos ng bahay samabahan ay hindi sa paraang dito siya tumitira o lumalagi, gaya ng isang tao sa kaniyang bahay. Ganito ang paliwanag ng Biblia:
Isaias 66:1 (magandang balita biblia)
“Ito ang salita ni Yahweh:’ Ang aking trono ay ang kalangitan, at itong daigdig ang aking tuntungan; Saan ka gagawa, paano mo gagawin ang aking Templo, Na aking tiraha’t pahingahang dako?”
Ayon mismo sa Panginoong Diyos hindi ang kaniyang kasiyangaan ang tatahan sa templo o bahay-sambahan dahil hindi ito ang kaniyang dakong tirahan. Ngunit alin ang tatahan sa templo kung kaya’t ipinatayo ni Haring Solomon ang templo ng Diyos na siyang kaniyang tahanan? Ganito ang pagtuturo ng Biblia:
1 Hari 8:27-29
“ Nguni’t katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!. Gayon ma’y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik, Oh panginoon kong Dios, na Dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito: Na ano pa’t ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw, sa dakong iyong sinasabi, Ang aking pangalan ay doroon; upang dinggin ang panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa dakong ito.”
Ang pangalan ng Dios ang tumatahan sa kaniyang templo— hindi Diyos mismo. Sa bahay- sambahan o sa templo itinalaga ng Diyos na mananahan ang kaniyang pangalan dahil ang pangalan niya ang sinasamba, gaya ng itinuro ng Panginoong Jesucristo.
Mateo 6:9
Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
Bukod sa pangalan ng Diyos, tatahan din sa bahay-sambahan ang kaniyang kaluwalhatian:
Awit 26:8
“Panginoon,aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay, at ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian,”
Kaya naman sa tuwing ang mga lingkod ng Diyos ay sumasamba, ibinibigay nila sa Panginoong ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan.
Awit 29:2
Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng
kabanalan .
Sa banal na templo isinasagawa ng mga lingkod ng Diyos ang kanilang pagsamba upang maibigay sa Panginoong Diyos ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan.
Awit 5:7
Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
Tangi sa kaniyang pangalan at kaluwalhatian, alin pa ang doroon sa bahay-samabahan? Ang Dios mismo ang nagpahayag!
2 Cronica 7:16
“Ngayo’y ang aking mga mata ay didilat, at ang aking pakinig ay makikinig, sa dalangin na gagawin sa dakong ito. Sapagkat ngayon ay aking pinili at itinalaga ang bahay na ito, upang ang aking pangalan ay dumoon magpakailan man; at ang aking mga mata at aking puso ay doroong palagi.”
Doroon sa bahay-sambahan ang mata at puso ng Diyos. Ngunit hindi literal na mata at puso ang doroon. Ang Diyos ay Espiritu sa kalagayan.
Juan 4:24
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.
Nangangahulugang wala siyang laman at buto, wala siyang materya. .
Lucas 24:39
Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ngvinyong nakikita na nasa akin.
Kung bakit sinabing doroon ang kaniyan mata at puso ay sapagkat doon niya diringgin ang mga dalanging isasagawa sa kaniya: ”… at ang aking pakinig ay makikinig, sa dalangin ng gagawin sa dakong ito!
sa panahung Cristiyanu kaya? hndi na kaya tahanan ng Dios? unahin ntin ang mga unang CristianO.
Lucas 24:53
“At palaging sila’y nasa templo, na nangagpupuri sa Dios.”
Gayundin, ang mga unang Cristiano ay nagpakita ng pagpapahalaga sa templo o bahay-sambahan. Nang makaranas sila ng matinding pag-uusig ay nagkatipon sila sa templo araw araw at doon ay nagpuri sa Diyos.
Gawa 2:44,46
At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay nangagkakatipon, at lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan; At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso.
Ito po ay mahalaga sapagkat dito isinasagawa ang mga pagkakatipoN ng mga lingkod ng Dios. ang ating panginOong hesukristo ay may sinabing isang Dakilang gawa. .ating basahin.
Juan 14:12
“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawa na aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagkat ako’y paroroon sa Ama.”
anu ang isang dakilang gawa na ito?
2 Cronica 2:4-5
“ Narito, aking ipinagtatayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoong kong Dios, upang italaga sa kaniya , at upang magsunog sa harap niya ng kamngyan na may mga mainam na espesia, at maiukol sa palaging tinapay na handog, at sa mga handog na susunugin sa umaga at hapon, sa mga Sabbath, at sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan sa Panginoong naming Dios kay sa lahat ng mga Dios.”
“ At ang bahay na aking itinayo ay dakila: sapagka’t dakilang ang amin Dios.”
Ang pagtatayo po ng mga gusaling sambahan ay isang Dakilang gawa. . anu pa ang sinabi ni Cristo. .tinawag din ba nyang bahay ng ama ang Templo?
Juan 2:13-16
“ At malapit na ang paskua ng mga Judio, at umahon si Jesus sa Jerusalem. At nasumpungan niya sa templo yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati, at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo: At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa templo, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang; At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; Huwag ninyong gawin ang bahay ng aking Ama na bahay kalakal.”
Nang Makita ni Cristo na naroon sa templo o bahay ng Kaniyang Ama ang mga mangangalakal. Bagay na hindi nararapat ay itinaboy niya ang mga ito. Ginawa niyang panghampas ang mga lubid at itinaboy Niya ang mga tupa at baka, at ibinubo ang salapi ng mga mamamalit . Ginulo rin niya ang kanilang mga dulang at pagkatapos ay sinabi.
“ Huwag ninyong gawin ang bahay ng aking Ama na bahay-kalakal.”
anu pang patunay na tinawag ni Cristo na bahay ng kanyang ama ang templo?
Lucas 2:46-49
“ At ang lahat ng sa kaniya’y nangakaririnig ay nagsisipanggilalas sa kaniyang katalinuhan at sa kaniyang mga sagot. At nang siya’y mangakita nila, ay nangagtaka sila; at sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, Anak, bakit ginawa mo sa amin ang Ganyan? Narito, ang iyong ama at ako na hinahanap kang may hapis. At sinabi niya sa kanila, Bakit ninyo ako hinahanap? Di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa bahay ng aking ama.”
Malinaw po sa maraming pagkakataon,na tinawag ni Cristo, Tandaan po natin dalawang uri po ng templo. . templong banal-tayo po yun. .
1 Corinto 3:16
Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo? Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.
Hindi po tutol ang Iglesia ni Cristo sa mga katotohanang ito. Subalit dapat munang suriin ng tao kung ang katawan niya ba ay tunay na pinapanahanan ng Espiritu ng Diyos. Papaano malalaman na tayo ay ang templong pinapanahanan ng Espiritu ng Diyos? Ganito po ang mababasa natin sa
1 Pedro 2:3-7
‘’ Kung inyong napagkilala na ang Panginoon ay mapagbiyaya: ‘’ Na kayo’y Buhay, na sa katotohana’y itinakuwil ng mga tao, datapuwa’t sa Dios ay hirang, mahalaga,
‘’ Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay , ay natatayong bahay, na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.
‘’ Sapagka’t ito ang nilalaman ng kasulatan, Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang, mahahalaga: At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.
‘’ Sa inyo ngang nangananampalataya, siya’y mahalaga: datapuwa’t sa hindi nanganananampalatay, Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay Siyang naging pangulo sa panulok.’’
Maliwanag na ang Templong banal ay yaong mga taong nakatayo sa ating PanginoongJesucristo. kaya po. .sanay nakatulong sa mga nagsusuri na. ang bahay o gusaling sambahan po ay napakahalaga. .sapagkat ito ay ay mahal na mahal ng Dios. .
2 Cronica 7:16
“… pangangalagaan ko at pakamamahalin ang pook na ito magpakailanman
5 komento:
sa kanila kz hindi naman tahanan ng DIos ang mgacongregasyon nila, bldg na may mga nakasampay na damit... na nkalagay sa mga pinakamagugulong sulok ng siudad, papaanung iyon ay tatahanan nga ng AMA? kaya ang tunay at Buhay na DIOS ay nasa mga Kapilya at TEMPLO ng Iglesia ni Cristo
yan ang mali mo sir..kasi ang templo ng dios ay tayo..sa atin po mananahan ang dios at si hesus..basa po sa jhon 14 23..23Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan. 24Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.so malinaw diyan po ang sinong umibig kai hesus at ama sila au gawin nilang tahanan..
saan ka maniniwala sa tao o sinabi ni hesus
salamat po
Ang Dios ay talaga namang tumatahan nga sa bahay Niya...ang bahay ng Dios ay ang Iglesia ng Dios...
1 Kay Timoteo, 3:15 - Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.
GINAGAMIT LANG NG IBANG RELIHIYON ANG MGA TALATA NG BIBLIYA PARA MAKAIWAS SILA SA PAGGASTOS NG PAGPAPATAYO NG BAHAY SAMBAHAN, IMBES NA PANGGASTOS NILA BAKA GAMITIN NA LANG NILA SA LUHO NILA, O WORST IBULSA NA NILA O BAKA GAMITIN NILA ITO PANG NEGOSYO NILA, HINDI BA MAGTATAKA ANG MEMBRO NILA, ANG DAMING ABULUYAN PERO BARYA LANG ANG NAKIKITA NILA KUNG SAAN NAPUPUNTA ANG ABULUYAN NILA..GISING LALO NA MGA TAGA ADD, PINEPERAHAN LANG KAYO DIYAN, TIGNAN NIYO ANG DAMI NG NEGOSYO NA NAKAPANGALAN MISMO KAY SORIANO, MY GHAAD, WAG MAGPALUKO MGA KAIBIGAN
Mag-post ng isang Komento