Linggo, Disyembre 22, 2013

Mateo 16:19 Ang pagkaloob ng karapatan kay Pedro

May nakita akong video na ginawa mismO na mga CFD , at kaya pala naging aral sa mga katoliko na si Apostol Pedro nga lang daw ang pinagkalooban ng mga susi sa kaharian ng Langit, kaya siya nga daw ang pangulo ng kanilang Iglesia.ito ang nilalaman ng talata

MAT 16 :19
"Ibibigay ko sa iyo ang mga
SUSI NG KAHARIAN NG
LANGIT:
at anomang iyong
talian sa lupa ay tatalian sa
langit; at anomang iyong
kalagan sa lupa ay kakalagan
sa langit. "

Atin po itong suriin kung talagang  exklusibo lamang ito kay Pedro ang mga pahayag na nabanggit.

Ating puntahan ang mula sa Apocalipsis ni Juan
ay nabanggit ang tungkol sa
umano’y tagapag-ingat ng susi
ni David, na sinasabi

APOC 3 :7
"At sa anghel ng iglesia sa
Filadelfia ay isulat mo: Ang mga
bagay na ito ay sinasabi ng
banal, niyaong totoo, niyaong
may SUSI NI DAVID, niyaong
nagbubukas at di mailalapat
ng sinoman, at naglalapat at
di maibubukas ng sinoman:"

nakita natin na may pinagkalooban at may taglay ng susi Ni David.
Sa  aklatng naman ng propeta Isaias,
itong si Eliacim na anak ni
Hilcias ay susuotan niya ng
balabal at bigkis ni Sebna ,
upang siya'y maging matatag.
Ayon pa ay hahalinhan ni
Aliacim si Sebna , upang
ipagkaloob sa kaniya ang
pamamahala ng una, upang
maging ama sa mga nananahan
sa Jerusalem , at sa
sangbahayan ni Juda .

Ang katungkulang pamumuno
sa sangbahayan ni David ay
mapapaatang sa kaniyang
balikat; siya sa panahong iyon
ang may taglay ng susi ni
David, na may
kapangyarihang magbukas
na walang makapagsasara,
at makapagsara na walang
makapagbubukas.

Ganito po ang nakasulat:

Isaias 22:20-22
"At mangyayari sa araw na yaon, na aking tatawagin ang aking lingkod na si Eliacim na anak ni Hilcias:

At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya'y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa sangbahayan ni Juda.

At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat; at siya'y magbubukas, at walang magsasara; at siya'y magsasara, at walang magbubukas."

Sa gayo'y lalabas ngang
napakaliwanag na ang susi ay
ganap na tumutukoy sa
Espiritu ng Dios . Sapagka’t ang
nabanggit na Espiritu sa
kalooban at kabuoan ng
kaniyang mga sisidlang hirang
(buhay na templo) ang siyang
gumagawa ng kaniyang mga
gawa.

JOB 12:14
"Narito, siya'y
nagbabagsak at hindi
maitayo uli; siya'y kumulong
ng tao at hindi
mapagbubuksan."

Tulad nga ng katuwiran na
mababasa sa itaas (Job 12:14)
ay nagbabagsak at sumisira
ang Dios na walang muling
makapagtatayo, ni
makabubuo man, at
nagkukulong ng mga tao na
hindi makawawala . Sa
madaling salita ay maliwanag
na ipinahihiwatig na kapag ang
sinoma’y nagtataglay ng "SUSI"ay kaisaisang tanda iyan,na ang kalooban at kabuoan ng
taong iyon ay pinamamahayan
at pinaghaharian nitong
Espiritu ng Dios . Siya kung
gayon ay isang banal ng Dios O sinugo ng Dios,na sa kaniyang
kapanahunan ay masiglang
kinakasangkapan ng banal na
Espiritu  sa  ikagaganap ng dakila Niyang layunin sa partikular na dako  at panahong iyon.

Ayon naman muli balikan natin sa aklat ng Mateo  ay sinasabi na ang susi ng langit ay natamo ni apostol
Pedro mula sa kagandahang
loob nitong Espiritu ng Dios na
namamahay at naghahari sa
kalooban ng panginoong
Jesucristo .

Ngunit atin dapat pansinin na hindi lamang siya
ang tumanggap, kundi ang
kabuoan ng labingdalawang
(12) apostol sa kasagsagan ng
henerasyong iyon ng mga
banal.

narito ang batayan:

MAT 18 :18
"Katotohanang sinasabi ko
sa inyo, na ang lahat ng mga
bagay na INYONG talian sa
lupa ay tatalian sa langit: at
ang lahat ng mga bagay na
INYONG kalagan sa lupa ay
kakalagan sa langit."

na ito ang pinagtibay Bilang kanilang pamamahala na sumisimbolo na kaugnayan don sa tinanggap din ni apostol pedro na susi.sa pamamahala at pagiging Sinugo

JUAN 20 :21
"Sinabi ngang muli sa
kanila ni Jesus, Kapayapaan
ang sumainyo: KUNG
PAANONG PAGKASUGO SA
AKIN NG AMA, AY GAYON
DIN NAMAN SINUSUGO KO
KAYO.

22 At nang masabi niya ito,
SILA’Y HININGAHAN NIYA,
at sa kanila’y sinabi,
TANGGAPIN NINYO ANG
ESPIRITU SANTO .

sila ang mga may taglay ng Espirito santo, mga sinugo. at may taglay

Katotohanang sinalita ng
sariling bibig ni Jesus, na ang
kaharian ng langit ay malapit na. (Mat 3:2,4:17 10:7).

MAT 3:2
"Mangagsisi kayo; sapagka't
MALAPIT NA ANG KAHARIAN
NG LANGIT.

mateo 4:17
"Mula noon ay
nagpasimulang mangaral si
Jesus, at magsabi, Mangagsisi
kayo; sapagka't MALAPIT NA
ANG KAHARIAN NG LANGIT."

mateo 10:7
"At samantalang kayo'y
nangaglalakad, ay
magsipangaral kayo, na
mangagsabi, ANG KAHARIAN
NG LANGIT AY MALAPIT NA.
Gaya din naman ng sinabi,"

MAT 12:28
"Nguni't kung sa
pamamagitan ng ESPIRITU NG
DIOS nagpapalabas ako ng mga
demonio, ay dumating nga sa
inyo ang KAHARIAN NG DIOS."

Siya sa makatuwid na
gumaganap ng banal na gawain
mula sa masiglang udyok at
makapangyarihang
pamamahala nitong Espiritu ng
Dios ay gaya ng kaharian ng
langit na bumaba sa lupa. Sa
pamamagitan ng taong iyan ay
mabubuksan ang kaharian ng
Dios at doo'y makakapasok ang
sinomang kaluluwa. Dahil sa
taglay ng kaniyang kalooban at
kabuoan ang susi (Espiritu ng
Dios) na makapagbubukas at
makapagsasara nito. Sapagka't
ang Espiritu lamang na iyon ng
Dios ang kaisaisang
makapagbubukas at
makapagsasara.  na ang tinutokoy ang pangakong buhay na walang hanggan

kaya maling mali din ang isipin na si Pedro ay ang pangulo ng Iglesia at sa kanya pinag kaloOb ang lahat ng Karapatan.

Walang komento: