Ang Pamamahala sa loob ng Iglesia ni Cristo ay walang sawang sa pagpapaalaala sa boung Iglesia lalo na sa pagtugon sa gawaing paghahandog at pagpapasalamat sa Diyos. Sila'y patuloy na nagtuturo at pinapangunahan ang lahat sa tama at tunay na paglilingkod, tulad po sa mga pagsamba at mga pagkakatipon. Ukol sa gampaning paghahandog, alam natin n ito'y pangunahing kailangan upang maging ganap ang paglilingkod ng Isang tao sa harap ng Diyos, kaya nag-aalay ng mga paghahandog, subalit maaaring maitanong natin, lahat kaya ng paghahandog ay tinatanggap? Ganito ang isang halimbawa mula noong unang panahon.
Genesis 4:3-5
At nangyari nang lumalakad ang panahon ay nagdala si Cain ng isang handog na mga bunga ng lupa sa Panginoon. At nagdala rin naman si Abel ng mga panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon. At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog: Datapuwa't hindi nilingap si Cain at ang kaniyang handog. At naginit na mainam si Cain, at namanglaw ang kaniyang mukha.
Malinaw po na,may paghahandog nang ginawa, at may tinatanggap at may di rin tinatanggap, atin din suriin, tama kaya ang sabi ng ibang relihiyun na pwd itong gawin kahit saan gusto? atin po basahin sa biblia :
Deuteronomio 12:4-6, 11
" Huwag kayong gagawa ng ganito sa Panginoon ninyong Dios. Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng kaniyang pangalan, sa makatuwid baga'y sa kaniyang tahanan ay inyong hahanapin, at doon kayo paroroon: At doon ninyo dadalhin ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, at ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang inyong mga panata, at ang inyong mga kusang handog, at ang mga panganay sa inyong mga bakahan at sa inyong mga kawan:
Ay mangyayari nga, na ang dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan ay doon ninyo dadalhin ang lahat na aking iniuutos sa inyo; ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang lahat ng inyong piling panata na inyong ipinananata sa Panginoon: "
Malinaw po ,na hindi sa ating gusto ,kundi sa piling dako lamang na pinili ng Dios,at ito ay sa kanyang tahan o sa bahay sambahan.
Bilang nasa panahon tayung Cristiyano, anu po ang tagubilin ?
Mga Taga-Colosas 3:15
" At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat. "
Sa isang katawang po,dun ang marapat na paghahandog ,at tayo ay magpasalamat, alam naman po natin na ang tinutokoy po na katawan ay ang Iglesia ( col. 1:18) at sa maraming pag aaral, ito ay ang Iglesia Ni Cristo .
Anu po pala talaga ang paraan, at marapat na paghahandog? atin po basahin sa biblia na ganito ang pahayag
Levitico 22:10, 20
Hindi makakakain ang sinomang taga ibang bayan ng banal na bagay: sinomang nakikipanuluyan sa saserdote, o aliping upahan niya ay hindi makakakain ng banal na bagay. Datapuwa't alin mang may kapintasan, ay huwag ninyong ihahandog; sapagka't hindi tatanggapin sa inyo.
Ang banal na bagay o galing mabuting paraan, yun laman po ang tinatanggap ng Dios.Anu po pala talaga ang tuntunin sa mga paghahandog? atin pong basahin:
II Mga Taga-Corinto 9:7
Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.
Galing po sa sariling kaloOban,o bukas sa loOb, ng bawat isa,yung ang tamang tuntunin,Saan po naman natin dapat kunin ang pinanggalingan ng ating Handog. ? at anu po ang dapat natin unahin ?
I Mga Taga-Corinto 16:2
Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.
Galing din po sa ating kinikita o sa ikinabubuhay ang dapat nating ihandog, Anu po dapat gawin? ayun sa ating nabasa?
"magbukod"
Ito ang marapat na paraan, kaya salamat po sapagkat ito ay gnagawa ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo. Bukod po dun. .anu pa ang dapat nating ihandog sa Dios?
I Mga Taga-Corinto 13:3
At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.
Malinaw po, ang sabi po ng pagtuturo, kalakip ang ating PAG- IBIG. Anung uri po naman dapat ang ating mga paghahandog?
Mga Taga-Roma 12:1-2
Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba. At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito:
kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng
Dios.
Hinahanap po sa atin,na tayo po ay Ganap,Banal at Buhay. .di tayo makikiayun sa gnagawa ng mga taga sanlibutan, na basta nalang nakapaghando ay Ok na. . e anu po pala dapat galing ang mga paghahandog?
Mga Kawikaan 15:8
Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran.
Tandaan po natin ito lahat, may uri po ng handog ang katanggap tanggap,at ito ay galing sa matuwid lamang. .sana po mga kapatid. patuloy parin po tayo sa mga paghahandog, at ayun sa pasya ng ating puso.Anu po dapat ang ating hingin at idalangin?
Mga Awit 51:10-12
Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu.
Ang magkaroon ng malinis na puso, patuloy po nating hilingin po, na mananatili tayo sa loob ng Iglesia ni Cristo. .at patuloy tayo na gabayan ng Espirito Santo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento