Huwebes, Disyembre 19, 2013

Iglesia Ni Cristo o Iglesia ng Dios

Maaaring sumagi sa isipan ng marami, o di kaya'y maitanong nila minsan, kung bakit Iglesia ni Cristo daw at hindi Iglesia ng Dios ang relihiyon namin, may nababasa naman daw. Kadalasan na rin nating naririnig ang samahang IGLESIA NG DIOS at siyempre nag claim naman sila na sila nga raw ang TAMA at ito umano ang tamang itawag sa tunay na Iglesia sapagkat maraming beses binanggit Ito. Ang ilan sa talata na ating mababasa ay ganito :



" Hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay noon bilang masugid na kaanib ng relihiyon ng mga Judio. Walang awa kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na ito'y wasakin." Gal. 1:13

" Sapagkat paano siyang makakapangasiwa nang maayos sabiglesya ng Diyos kung hindi niya maiayos ang sarili niyang pamilya?" I Timoteo 3:5

" Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan. "  I Tim. 3:15


Iilan lamang ito. Iyan po ay bilang patotoo umano na may mababasa. Subalit, ating suriin kung bakit nga ba ang IGLESIANG ito'y sa DIOS.? Ano ba ang dahilan? 

Sagot:

ipinapatungkol ito ni Apoatol pablo sa mga unang kaanib ng Iglesia, at sila ang kausap niya. Ipinantatawag ng Apostol  ang IGLESIA NG DIOS sa mga hentil na miyembro ng Iglesia ni Cristo, ang mga hentil na tinutukoy doon ay dating  hindi kabilang sa bayan ng Diyos, ang Israel, kaya sila ay WALANG DIYOS:



"Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayo sa mundo na walang pag-asa at walang Diyos ." Efeso 2:12


Wala po silang Diyos dahil hindi sila bayan ng Diyos:



"Tayo ang mga taong iyon na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio subalit mula rin sa mga Hentil. Ganito ang sinasabi  niya sa aklat ni Oseas,
"Ang dating hindi ko bayan ay tatawaging 'Bayan ko,' at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging 'Mahal ko." Roma 9:24-25


Kaya hindi pa nila kilala ang Diyos:



"Hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios " I tess. 4:5


Ito  ang dahilan kung bakit ipinantawag ng Apostol ang iglesia ng Diyos sa Iglesia para malaman nila na ang Iglesiang iyon ay MAY DIYOS at ang mga natawag na mga HENTIL sila ngayoy sa DIYOS NA. Yun po pala ang tinutokoy ng Mga talata na yun, Bilang Cristiano, ito ay tumutokoy bilang tagasunud ni Cristo. Anu po ang Mensahe ng Dios?



Mateo 17:5 “Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.”


Maliwanag po kung gayon na ang dapat na pakinggan natin sa PANAHONG ito, ay walang iba kundi ang ANAK ng Diyos, na walang iba kundi ang PANGINOONG JESUS. Sapat na po ba na makikinig lang tayo sa kaniya? Ganito po ang pagpapayo :


 Lucas 6:46 "At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, atbDI NINYO GINAGAWA ANG MGA BAGAY NA AKING SINASABI?”



Mayrun pong dapat nating gawin at dapat nating pakinggan na mga salita ni CRISTO.anu po pala itong sinabi ni Cristo?



"Ako nga ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas..." Juan 10:9


Mayrun pong utos na tayo ay pumasok, paanu po ba ang pagpasok ?


"At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya." Mateo 16:18

"Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay, upang siya'y maging pangunahin sa lahat. " Col. 1:18


Anu po itong katawan.?ito po ang itinayo ni cristo na siya mismo ang ulo ng katawang Ito, ang IGLESIA. Atin pong napag alaman,na ang Iglesiang ito ay itinayo ni Cristo,marapat po na isusunud sa kanyang pangalan kung anu ang kanyang itanayo,paano po tawagin ang IGLESIA NA KAY CRISTO?



"Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo ." Roma 16:16 BMBB

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”[ lamsa trans.]



Malinaw po na IGLESIA NI CRISTO ang pangalan ng Iglesiang katawan at itinayo ni Cristo. Mula din po gawa 20:28 na salin ni LAMSA ay tiniyak na IGLESIA NI CRISTO.at si Cristo ang tubos sa Dios ng kanyang Dugo.Ganoon din ang katuwiran at paniniwala namin ukol sa kung sino ba talaga ang tumubos sa Iglesia sa pamamagitan ng kaniyang dugo: ang DIYOS ba o si KRISTO? Ito ang sinasabi ng bibliya:



"higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili bilang handog na walang kapintasan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating a puso't isipan sa mga gawaing walang kabuluhan upang tayo'y makapaglingkod sa Diyos na buhay." Hebreo 9:14

"Gayundin naman, namatay si Jesus sa labas ng bayan upang linisin niya ang tao sa kanilang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. Hebreo 13:12


" Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob" Efeso 1:7


" Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Ang ipinantubos sa inyo'y hindi ang mga bagay na nasisira o nauubos, tulad ng ginto o pilak, kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo. Siya ang korderong walang batik at kapintasan." I Juan 1:18-19


" at mula kay Jesu-Cristo , ang tapat na saksi, ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay at pinuno ng mga hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya niyatayo sa ating mga kasalanan." Pahayag 1:5


" Inaawit nila ang isang bagong awit: "Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatan at sumira sa mga selyo niyon. Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos, mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa."  Pahayag 5:9



Malinaw po na si cristo ang tumubos ng kanyang Dugo. sapagkat ang Dios walang dugo at espirito ang kalagayan ( juan 4:24) At walang laman at buto ( luk. 24:39). Malinaw po sa ating napag aralan sa taas. Ang iglesia ng Diyos ay kay Kristo, ang Iglesia ni Cristo ay sa Diyos:




"Ang lahat ng sa Ama ay sa akin , kaya ko sinabing tatanggapin ng Espiritu ang mula sa akin at ipahahayag niya ito sa inyo." Juan 16:15

"Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko,
kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. Ang lahat ng sa akin ay sa iyo,at ang lahat ng sa iyo ay sa akin ; atvnapaparangalan ako sa pamamagitan nila." Juan 17:9-10

Ang Iglesia ay itinatag ni Cristo, ITO AY SA DIYOS kaya walang problema kung tinawag ang Iglesia na "iglesia ng Diyos" pero hindi ito ang OPISYAL na PANGALAN ng Iglesia dahil ito ay isang adjective lamang, o dinedescribe lang na ang IGLESIA NI CRISTO ay sa DIYOS.



"ang tunay na GLESIA NG DIOS. . . . .ang IGLESIA NI CRISTO. . ." Ang kay cristo, ay sa Dios din.

2 komento:

Unknown ayon kay ...

Mahirap maniwala sa mga speculation lang tulad neto, mas maige lumabas ang leader sa TV at magpa tanong.

Rommel Ramos ayon kay ...

speculations? inilagay ang mga talata edi basahin mo! bakit ang leader ang gusto mo tanungin bobö ka! may balak ka bang masama?