Juan 1:18
"Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya."
na katumbas din sa talata na ito,
Juan 6:46.
""Hindi sa ang sinoma'y nakakita sa Ama, kundi yaong nanggaling sa Dios, siya ang nakakita sa Ama."
Ngayun po, atin po itong pag aralan, anu po ba talaga ang kalagayan o katangian po ng Isang tunay na Dios ayun sa mga pagtuturo sa biblia ? Ganito po ang patotoo ng biblia :
1 Timoteo 1:17
"Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, DI NAKIKITA, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.""
Ito ang katangian ng Isa Dios na tunay, ay Di talaga nakikita, . bakit po, anu ba talaga ang kalagayan kapag hindi sya nakikita?sipiin natin ang pahayag mula sa juan 4:24 ganito ang ating mababasa :
juan 4:24
"ang Dios ay Espirito...."
Malinaw po sa atin,na kaya pala sinabi na ang Dios hindi nakikita,sapagkat Espirito ang kalagayan nya, na ito naman po ay nilinaw ni Cristo na ang Espirito ay walang laman at buto (Lukas 24:39 )
Ngayun Ano ba ang kahulugan ng sinabi ni Cristo na siya lamang ang nakakita sa Ama? Sa Juan 14:7 ay ganito ang mababasa :
"Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon SIYA'Y INYONG MANGAKIKILALA, at siya'y INYONG NAKITA.""
Malinaw po pala sa talata, pati din tayo ay nakakita sa Dios,ngunit hindi ito literal, kundi pagkilala natin ito sa kanya. .at si Cristo lamang ang nakakilala sa AMA, at itoy ipinakilala nya sa atin, na gaya ng nasa talata ng juan 1:18 :
"siya ang nagpakilala sa kanya"
Ngunit hindi ito marapat ipakahulugan na Siya ay Diyos, sapagkat Siya ay sugo ng Diyos.na gaya ng nasa talata :
Juan 7:28-29
"Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin ay tunay, NA HINDI NINYO NAKIKILALA. SIYA'Y NAKIKILALA KO; SAPAGKA'T AKO'Y MULA SA KANIYA, at siya ang nagsugo sa akin."
Nakikilala ni Cristo ang Diyos sapakat Siya'y mula sa Diyos. Hindi ito maaaring ipakahulugan na si Cristo ang Diyos sapagkat siya ay isinugo ng Diyos. Iba ang Diyos na nagsugo kaysa kay Cristo na isinugo. Iba si Cristo na nanggaling sa Diyos kaysa sa Diyos na pinagmulan Niya.
.jpg)
12 komento:
Ano kayu din nakakita sa dios???😁😁😁😆😆😆😆😆😆😆
Wala ngang nakakita tapos sabe mo sa post mo nakita nyo din baliw ka ata😆
Ibig sabihin di nio nakilala dahil walangang nakakita kailanman
Kontra kontra ka😆
Sir bat ambobo mo
Wala nga nakakita kailanman na tao e di walang nakakilala kailanman na tao
pati kayu nakakita sa ama?
Wala ng nakakilala kailanman na tao
Katumbas ng walang nakakita kailanman na tao
Hindi pala kayu tao😆😆😆
Kontra ah
Naglatag k ng kung akoy inyong nakikilala ay nakilala nio na ang ama at sabe nakita na ninyo siya
Tanong nakita ng tao o hindi
Nakilala ba?
Sagot walang tao nakakita kailaman e d hindi kayu tao nkita nio pala😁
Ayrah V Delos Reyes porke ba nakakila ay LITERAL NG NAKAKITA?
ayan ang maling unawa mo iha
Lalabas madameng nakakita kung literal palang nakita ang nakakilala
Kokontrahin mo to
Walang tao nakakita kailanman si kristo lang kase literal nyang nakita
Hindi katulad ng iba nakilala peru hindi literal na nakita
kaya tama ang Juan 1:18 walang kontrahan
walang tao nakakita kailanman sya lang LITERAL
Hindi literal n nakita Ang Diyos na may laman at buto.. sabi nga Ang Diyos ay spirito... Bilang INC ano ba Ang nakita ko ( Hindi literal na nakita) kundi Ang Pag-ibig ng Diyos kahit na di tayo karapatdapat sa kaligtasan pilit nya parin tayong kina kandili..
Walang tao nakakita kailanman sa ama,ang bugtong na anak sya ang nakakita sa ama
Juan 1:18
E di hindi talagang tao si Cristo nagkatawang tao lang, nakita nya ang Ama.
Hindi sa ang sinoma'y nakakita sa Ama, kundi yaong nanggaling sa Dios, siya ang nakakita sa Ama.
John 6:46
Sino ang nangaling sa Dios?
Basa.
Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.
John 8:42
Inc gagamit ng John 14:7 para kontrahin ang stand ko😁
Ang Dating Biblia (1905) Juan 14:7 Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita.
Aba lalabas daw hindi na din tao ang nakakilala kase nakita
Aba ginawang LITERAL ang pag unawa porke nakilala eh LITERAL NA AGAD NAKITA😁
so dahil sa kakatutol ng iglot sa stand ko na
Walang tao kailanman nakakita sa ama
Lumalabas tuloy mali ang pagkakasulat sa Juan 1:18😁
Marameng tao kailanman ang nakakita sa ama
Kase nga nakilala nila peru hindi nangangahulugang literal na agad nakita😁
Dahil ang bugtong na anak lamang ang nakakita ayon sa Juan 1:18
Malamang literal yun na nakita😁
Kinengkoyo lang bos sige susundan kita nakakita pala ay nakakilala ang kahulugan
Walang taong nakakilala kailanman sa dios ang bugotng na amak sya ang nakakilala
So hindi tao si kriato siya lanag ang nakakilala😁
Boss sablay pa din isipa ka pa uli ibang pamimilipit
Binigyan mo lang ng kahulagan ang ang nakakita meaning kuno nun nakakilala
Subukan natin iapply
Yang sinasabe mo
Walang taong NAKAKILALA KAILANMAN SA AMA
ang bugtong na anak sya lamang ang nakakilala
Ganon pa din hindi talaga tao nagkataeang tao lang
Usesless pinagsasabe mo😁😁😁
1. Ang Tekstong Orihinal ay Nagsasaad ng “Ang Diyos na Bugtong na Anak”
Sa Griyego, ang Juan 1:18 ay ganito:
θεὸν οὐδεὶς ἑώρακεν πώποτε· ὁ μονογενὴς θεὸς ὁ ὢν εἰς τὸν κόλπον τοῦ πατρὸς ἐκεῖνος ἐξηγήσατο.
(Theon oudeis heōraken pōpote; ho monogenēs theos ho ōn eis ton kolpon tou patros, ekeinos exēgēsato.)
Isinalin ito nang tama sa English ng NASB, NIV, at ESV bilang:
“No one has ever seen God; the only begotten God, who is in the bosom of the Father, He has made Him known.”
Pansinin: Hindi lang “bugtong na Anak” kundi “bugtong na Diyos” (Greek: monogenēs theos).
Ibig sabihin, si Cristo ay may pagka-Diyos ngunit Siya ang naglalahad at nagbubunyag ng Ama.
Kaya’t malinaw: ang Anak mismo ay Diyos, ngunit naiiba sa Ama.
2. Ang "Walang nakakita kailanman sa Diyos" ay tumutukoy sa Ama
Ang “walang nakakita kailanman sa Diyos” ay tumutukoy sa Ama (Juan 6:46).
Ngunit si Cristo, ang “bugtong na Anak” o “bugtong na Diyos,” ay nagpahayag ng Ama sa mga tao.
Kaya’t ang kahulugan ay:
Walang sinumang nakakita kailanman sa Diyos Ama, ngunit ang Anak na Diyos (na nasa sinapupunan ng Ama) ang nagpakilala sa Kanya.
Hindi sinasabi na hindi Diyos si Cristo—kundi Siya mismo ang naglalahad ng Ama sapagkat Siya ay may likas na pagka-Diyos at nakikibahagi sa parehong kalikasan ng Ama.
3. Ang “Nasa Sinapupunan ng Ama” ay Patunay ng Kanyang Pagka-Isa sa Kalikasan ng Diyos
Ang pariralang “nasa sinapupunan ng Ama” (en kolpō tou patros) ay nagsasaad ng malapit na ugnayang likas, hindi nilikha.
Ibig sabihin:
Siya ay hindi nilikha, kundi nagmula sa pinakaloob ng pagka-Diyos ng Ama.
Siya ay kasing-likas ng Ama, kaya’t tinatawag na “monogenēs theos” – ang “bugtong na Diyos.”
Ito’y kapareho ng sinasabi sa Juan 1:1:
“Ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.”
4. Ang “Siya ang nagpakilala” ay gawain ng Diyos Mismo
Ang pandiwang ginamit sa “siya ang nagpakilala sa Kanya” (Greek: exēgēsato) ay nangangahulugang “ipinahayag nang ganap.”
Ito ay hindi basta “ipinakilala” gaya ng isang tao lang na nagpapahayag ng ibang tao.
Ito’y pahayag ng pagka-Diyos mismo – ang Diyos ang tanging makapagpapahayag ng Diyos.
Kaya’t kung si Cristo ay nakapagpahayag ng Diyos Ama nang ganap,
ito’y dahil Siya ay Diyos na nagkatawang-tao (Juan 1:14).
5. Ang “Mula sa Diyos” ay Hindi Lang Isinugo, Kundi Nagmula sa Pagka-Diyos
Totoo, sinabi ni Jesus:
“Ako’y mula sa Kaniya.” (Juan 7:29)
Ngunit ang salitang “mula” (para, ek tou Theou eimi) ay nangangahulugang pinagmulan ng kalikasan – hindi basta “isinugo lamang.”
Tulad ng Juan 16:28:
“Ako’y nagbuhat sa Ama, at naparito ako sa sanglibutan; muling iiwan ko ang sanglibutan, at paroroon ako sa Ama.”
Kung Siya ay nilikha lamang, hindi Niya masasabi ito.
Ngunit dahil Siya’y nagmula sa Ama sa likas na pagka-Diyos, kaya Niya ring bumalik sa Ama —
isang patunay ng Kanyang pre-existence at pagka-Diyos.
6. Suporta mula sa Ibang Talata
Colosas 1:15, 19:
“Na siyang larawan ng Dios na di nakikita... sapagka’t minarapat ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahan sa Kanya.”
Hebreo 1:3:
“Na siya ang sinag ng kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kanyang pagkatao...”
Juan 14:9:
“Ang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama.”
Ang mga talatang ito ay nagpapakita na si Cristo ay hindi ibang nilalang, kundi ang nakikitang kapahayagan ng Diyos na di nakikita.
🔹 7. Konklusyon
Ang Juan 1:18 ay hindi patunay laban sa pagka-Diyos ni Cristo, kundi isang malakas na patunay na Siya mismo ay Diyos na nagbubunyag sa Ama.
Ang Ama ang Diyos na di nakikita, at ang Anak ang Diyos na nagpakilala sa Kanya sa katawang-tao.
“No one has ever seen God; the only begotten God, who is in the bosom of the Father, He has made Him known.”
(John 1:18, NASB)
Samakatuwid:
Hindi dalawang Diyos, kundi isang Diyos na may dalawang Persona — Ama at Anak.
Ang Anak ay “monogenēs theos”, ang Diyos na bugtong,
na nagkatawang-tao upang ipahayag ang Ama at iligtas ang sanlibutan.
Mag-post ng isang Komento