Sinasabi ng iba na mabuti pa raw ang kaarawan ng kapanganakan ng mga kaanib sa Iglesia ay kanilang ipinagdiriwang. Inaakala tuloy ng ilan na napakaliit ng pagtingin ng Iglesia ni Cristo sa Panginoong Jesucristo. Subalit kung alam lamang nila na hindi tunay na kaarawan ni Cristo ang ipinagdiriwang nila tuwing Disyembre 25, kundi iyon ay isang pistang pagano na “isinaCristiano,” marahil ay hindi papayag na magkaroon sila ng bahagi sa pagdiriwang na iyon. Ganito ang mababasa sa isang aklat Katoliko:
“It has sometimes been said that the Nativity is only a “Christianized pagan festival’.” (Handbook of Christian Feasts and Customs, p. 61)
Paano ba naimpluwensyahan ng Pagano? Paano ba nila pinila an DEC. 25? narito :
“…The choice of December 25 was influenced by the fact that the Romans, from the time of Emperor Aurelian (275), had celebrated the feast of the sun god (Sol Invictus: The Unconquered Sun) on that day. December 25 was called the 'Birthday of the Sun’, and great pagan religious celebrations of the Mithras cult were held all through the empire.” (Handbook of Christian Feasts and Customs, p. 61)
Maliwanag na ang Disyembre 25 ay hindi siyang tiyak na petsa ng kapanganakan ni Cristo. Ito ay petsa ng isang kapistahan ng mga pagano, na ang ipinagdiriwang ay ang kanilang diyos na araw (Sol Invictus o Ang Hindi Mapananaigang Araw). Ang Disyembre 25 ay tinatawag na “Araw ng Kapanganakan ng Araw” Ano ang mga halimbawa ng gawain na naimpluwensahan mula sa mga pagano? narito basahin natin :
“The candles, in some parts of England, lighted on Christmas eve, and used so long as the festive season lasts, were equally lighted by the pagans on the eve of the festival of the Babylonian god, to do honour to him: for it was one of the distinguishing peculiarities of his worship to have lighted wax candles on his altars. The Christmas tree, now so common among us, was equally common in Pagan Rome and Pagan Egypt.” (The Two Babylons Or The Papal Woship, p.97)
Nagsisindi ng kandila ang mga pagano sa bisperas ng kapistahan ng diyos ng Babilonia upang parangalan siya. Ang Christmas tree naman ay pangkaraniwan sa paganong Roma at paganong Ehipto. Maging ang mga nagsisipagsuri tungkol sa Christmas tree ay nagsasabi na ito’y isang labi ng pagsamba ng mga pagano sa punong kahoy:
“Some authorities consider the Christmas tree a survival of pagan tree worship and trace it to ancient Rome and Egypt…” (Colliers Encyclopedia, vol. 6, p. 404)
Kaya nakita po natin kung gaano po naimpluwensyahan ng Mga pagano ang Maling isipan ng karamihan. Ayun sa Biblia. anu ang payo sa atin. makiayun ba tayo sa mga pagano?
“Kaya’t ito ang masasabi ko, sa pangalan ng Panginoon:
“Huwag na kayong mamuhay na gaya ng mga paganong walang kabuluhan ang mga iniisip at nadirimlan ang kaisipan. Dahil wala silang pagkaunawa at matigas ang kanilang puso, hiwalay sila sa buhay na mula sa Dios.
“Manhid na sila, at isinuko ang kanilang mga sarili sa malalaswang gawain. Nasugapa na sila sa paggawa ng lahat ng karumihan.
“Subalit hindi ganyan ang inyong natutuhan kay Cristo!” [Efe.4:17-20, Salita ng Buhay]
Malinaw po ang payo sa atin mula sa Biblia, MAHALAGA BA ANG KAPANGANAKAN NI CRISTO? Lubhan mahalaga po. Sapagkat Ang kapanganakan ni Jesus ay isang mabuting balita na ang hatid ay malaking kagalakan sa lahat ng tao, sapagkat noong ipanganak si Jesus ay isinilang ang Tagapagligtas ng tao. Kaya nga, nang ipanganak si Jesus ay malaking hukbo ng kalangitan ang nagpuri sa Diyos.
“Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, ‘Huwag kayong matakot! Ako’y may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.
“Biglang lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking hukbo ng kalangitan, na nagpupuri sa Diyos: ‘Papuri sa Diyos sa kaitaasan, At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!’”[Luc.2:10-11,13-14,MBB]
Bakit ang pagkapanganak kay Cristo ay talagang hindi Dec.25? Ano pala ang Klima sa panahong yun? Nang si Jesus ayipanganak ay may mga pastol ng tupa na nasa parang na nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa.Hindi ito gagawin ng mga pastol sa Betlehem sa buwan ng Disyembre dahil ito ay panahon ng taglamig at kadalasang umuulan ng yelo sa gabi:
“Sa lupain ding yaon ay may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw na kaningningan ng Panginoon. Natakot sila nang gayon na lamang.”[Luc. 2:8-9, Ibid]
Anu ang patotoo ng mga nagsusuri sa Biblia? ganito naman ang ating mababasa.:
“Sa panahon ng kapanganakan [ni Cristo], ang mga pastol ay doon nakatahan sa kabukiran at nagbabantay sa kanilang mga kawan sa gabi.[Lukas 2:8]
Samantalang ang mga tupa ay maaaring
manginain sa parang kung araw sa anumang panahon sa buong taon, ang pangyayaring ang mga pastol ay nasa parang at nagpalipas ng gabi roon sa pagbabantay sa kanilang mga tupa ay nagbibigay ng katiyakan sa panahon ng kapanganakan ni Jesus. Ang tag-ulan sa Palestina ay nagsisimula sa huling bahagi ng Oktubre at tumatagal nang ilang buwan. Pagsapit ng Disyembre, ang Betlehem, tulad ng Jerusalem, ay madalas na nakararanas ng pamumuo ng manipis na yelo sa gabi. Kaya ang katotohanang ang mga pastol sa Betlehem ay nasa parang sa gabi ay nagpapahiwatig sa isang panahon bago magsimula ang tag- ulan. Imposible ring pagalitin ni Augusto Cesar ang mga Judio nang walang mahalagang kadahilanan sa pamamagitan ng pag- uutos na sila’y magpatala sa buwan ng Disyembre na isang panahong malamig at maulan, kung kalian ang paglalakbay ay totoong napakahirap.” [Aid to Bible Understanding, p. 223, isinalin mula sa Ingles]
Sa makatuwiran at makatotohanang dahilan na inilahad sa itaas ay natitiyak nating hindi nga maaaring Disyembre 25 ang petsa ng kapanganakan ni Jesus. Kaya maling ipalagay, paniwalaan, at tanggapin na ito ang petsa ng kapanganakan ng Tagapagligtas.Kaya po ang mga IGLESIA NI CRISTO hindi nakikiisa sa mga gawain lalo na mula sa gawaing pagano. Sa Banal na Kasulatan ay may binigyang-diin ang mga apostol ukol sa kapanganakan ni Cristo. Ganito ang sabi ni Apostol Pablo:
“Ngunit nang dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo’y mabibilang na mga anak ng Diyos .”[Gal.4:4-5,MB]
Sino ba ang mga nasa ilalim ng kautusan at bakit mahalaga na ang tao’y palayain sa kautusan? Ipinaliwanag ni Apostol Pablo ang ganito:
“Ang lahat ng nananangan sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan, ‘Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan’.” [Gal. 3:10,Ibid.]
Ang lahat ng tao ay nananagot sa pagsunod sa kautusan; ang hindi tumutupad ay nasa ilalim ng sumpa. Ang sumpang ito ay ang kamatayan na siyang kabayaran ng kasalanan ito ang tinutokoy ni Apostol pablo na dahilan ng pagkasilang ni Cristo.
"upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo’y mabibilang na
mga anak ng Diyos "
sinO ang mga yun? ito ang karugtong.e click
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento