Maraming nangangaral na patuloy sa pangangaral ukol umano sa pagka Dios ni Cristo. Isa na naman sa talata na kanilang ginagamit upang gawing tama ang mali. Subalit, Kahit anung pilit na pag iba ng katotohanan, mailabas parin ang katotohanan ng tunay na Aral. Ganito ang nilalaman ng talatana kanilang ginagamit. Ating suriin .
“Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo.” (II Pedro 1:1)
Dito raw tinawag na Dios si Cristo, Ngunit may malaking Suliranin kung Tatatanggapin na Tinawag ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos. Aalamin natin.
Bakit hindi maaaring tawagin ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos sa II Pedro 1:1?
Una , Sapagkat ang tinutukoy ni Apostol Pedro na DIYOS AY ANG AMA NG ATING PANGINOONG JESUSCRISTO. Matitiyak ba natin? Opo . .Ganito ang patotoo :
“Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay.” (I Pedro 1:3)
Pansinin na magkakaroon ng malaking problem sila kung pipilitin at tatanggapin na tinawag ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos, samantalang sinabi rin niya na ang Diyos ay ang Ama ni Cristo:
"Ang maging Resulta, Si Cristo ay ang Ama na Dios, at si Cristo na may AMA na Dios. Magiging dalawa ang Cristo Ngayun. "
Anu pa ang ating dapat na mapansin?
" IPINAKILALA NI APOSTOL PEDRO SI CRISTO NA “ANAK NG DIYOS NA BUHAY”
“At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.” (Mateo 16:16)
Pansinin pa ang magiging suliranin kung tatanggapin natin na si Cristo ay tinawag ni Pedro na Diyos, samantlang sinabi ni Pedro na si Cristo ay ang “Anak ng Diyos na buhay”:
Kung tinawag ni Pedro si Cristo na Diyos at tinawag din niya si Cristo na :
“ANAK NG DIYOS NA BUHAY,”
Lalabas na ang Diyos (NA SI CRISTO RAW) ay ang “ANAK NG DIYOS NA BUHAY.”
Magiging dalawa na naman ANG DIYOS .
Anu pa ang dapat nating mapansin at matitiyak? Ipinakilala ni Apostol Pedro si Cristo na
1. “SINUGO NG DIYOS”
2. “BINUHAY NA MAG-ULI NG DIYOS”; AT ANG “TAONG IBINIGAY AYON SA PASIYA AT PAGKAALAM NG DIYOS”
Ganito ang mababasa sa Biblia :
“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos.Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya.Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos at pinalaya sa kapangyarihan ng kamatayan. Hindi ito maaaring mamayani sa kanya.”
(Gawa2:22-24 MB)
Dito Sinabi mismo ni Apostol Pedro na si Cristo ay “sinugo ng Diyos” – KUNG TINAWAG NI APOSTOL PEDRO SI CRISTO NA DIYOS, LALABAS NA ANG DIYOS (NA SI CRISTO DAW) AY ISINUGO NG DIYOS.
Samantalang si Cristo mismo ang nagpatotoo na ang nagsugo ay higit na dakila kaysa sa isinugo:
“Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, walang aliping dakila kaysa kanyang panginoon; ang
sinugo ay hindi dakila kaysa nagsugo sa kanya.” (Juan 13:16 NPV)
Sinabi rin ni Apostol Pedro na si Cristo ay “binuhay na mag-uli ng Diyos” – KUNG TINAWAG NI APOSTOL PEDRO SI CRISTO NA DIYOS AY LALABAS NA ANG DIYOS (NA SI CRISTO DAW) AY BINUHAY NA MAG-ULI NG DIYOS.
Ang pagkabuhay na mag-uli ay nagpapatunay na namatay, samantalang maliwanag sa Biblia na ang Diyos ay walang kamatayan:
“Ngayon sa Haring walang hanggan, WALANG KAMATAYAN, DI NAKIKITA, SA IISANG DIOS, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.” (I Timoteo 1:17)
Ipinahayag pa ni Apostol Pedro na si Cristo ay “ang taong ibinigay ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos” – KUNG TINAWAG NI APOSTOL PEDRO SI CRISTO NA DIYOS, LALABAS NA ANG DIYOS NA SI CRISTO AY ANG “TAONG IBINIGAY AYON SA PASIYA AT PAGKAALAM NG DIYOS.
” Samantalang, ipinahayag mismo ng Diyos na Siya ay hindi tao” Ganito ang patotoo :
“Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: SAPAGKA'T AKO'Y DIOS, AT HINDI TAO; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.” (Oseas 11:9)
Ang totoo ay marami pang ipinahayag si Apotol Pedro na sasalungat sa pagsasabing tinawag niya si Cristo na Diyos. Subalit, sapat na ang mga nabanggit sa unahan upang ipakita na hindi maaaring tawagin ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos.
Ang Tunay na Tintutukoy ni Apostol Pedro sa II Pedro 1:1
Ang maaaring itanong ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos ay “Kung hindi maaari na tawagin ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos sa II Pedro 1:1 ay bakit maliwanag na nakasulat dito na sinabi ni Pedro na
“sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Cristo Jesus”?
ANG TINUTUTUKOY NG BANGGIT NI APOSTOL PEDRO NA “ATING DIYOS” AT “TAGAPAGLIGTAS” AY HINDI IISA, KUNDI MAGKAIBA.
Pinatutunayan ito ng kasunod lamang na talata, Ganito po :
“Biyaya at kapayapaan ang sa inyo'y dumami sa pagkakilala SA DIOS AT KAY JESUS NA PANGINOON natin.” (II Pedro 1:2)
Napansin ba ninyo ang kasunod lamang na talata ng II Pedro 1:1. Ang banggit sa talatang 2 ay “sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin.” Dito ay malinaw na hindi tinawag ni Apostol Pedro na Diyos ang ating Panginoong Jesucristo, bagkus ay ipinakikitang magkabukod ang “Diyos” at ang Panginoong Jesus.
Kapansin-pansin na ang mga salin ng II Pedro 1:1 na bumabanggit na
“our God and Saviour Jesus Christ”
Ay malinaw na isinasaad din sa talatang 2 na magkaiba ang Diyos at si Cristo. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa:
II Peter 1:1-2 NKJV
“Simon Peter, a bondservant and apostle of Jesus Christ, To those who have obtained like precious faith with us by the righteousness OF OUR GOD AND SAVIOR JESUS CHRIST: Grace and peace be multiplied to you in the knowledge OF GOD AND OF JESUS OUR LORD.”
II Peter 1:1-2 NIV
“Simon Peter, a servant and apostle of Jesus Christ, To those who through the righteousness of OUR GOD AND SAVIOR JESUS CHRIST have received a faith as precious as ours: Grace and peace be yours in abundance through the knowledge OF GOD AND OF JESUS OUR LORD.”
Kaya may mga salin ng II PEDRO 1:1 na malinaw naipinakitang hindi tinawag ni APOSTOL PEDRO si Cristo na Diyos at bagkus ay magkabukod o magkahiwalay ang kantang tinutukoy o binanggit. Ito ang mga sumusunod:
Complete Jewish Bible
“From: Shim‘on Kefa, a slave and emissary of Yeshua the Messiah “To: Those who, through the righteousness OF OUR GOD AND OF OUR DELIVERER YESHUA THE
MESSIAH, have been given the same kind of trust as ours.”
King James Version
“Simon Peter, a servant and an apostle of Jesus Christ, to them that have obtained like precious faith with us through the righteousness OF GOD AND OUR SAVIOUR JESUS CHRIST.”
Samakatuwid, maling “rendering” ng talata ang nagsasabing “our God and Savior Jesus Christ” sapagkat magbubunga ng pagsalungat sa iba pang pahayag ni Apostol Pedro at ng marami pang mga suliranin. Ang tamang “rendering” ay “of God and our Saviour Jesus Christ” o “of our God and of our Saviour Jesus Christ.”
Kaya isang maling aral at paniniwala na naman ang ating na bigyan linaw. Sa mg nagsususri, patuloy na sumunud sa tamang ar aral at iwan na ang dating maling kinagisnan nang maling paniniwala at paglilingkod.
6 (na) komento:
Simple as that kapatid..ang iyong ama ay tao as will you are also a man, in like manner Jesus Claiming the very begotten son of God.. since sya ay anak ng Dios kaya sya ay dios din.
Ang anak ng kalabaw ay kalabaw.. ang bunga ng punong mangga ay mangga
Gayun din ang tao..
Ang anak ng tao ay tao.
Si Jesus Christ ay anak ng Diyos kaya sya ay sya Diyos bakit ba masakit para sa inyong tangapin na si Cristo ay Dios.
At totong ngang sya ay tao din sapagkat he was partaking the flesh ny marry his mother.
Simple as that ..
Kung ganun, kung ang tatay mo ay mayor ibig sabihin niyan mayor ka rin niyan
Hindi puweding ang anak ay maging diyos dahil sabi ng tunay na diyos ay walang diyos liban sa akin at magkakaroon man, kaya bawal sa diyos na magkaroon ng diyos maliban sa kanya
Ito ang patunay kung paanong harap-harapang niloloko ng organisasyong ito ang mga miyembro nila. Malinaw na si Cristo ang tinutukoy na Diyos at Tagapagligtas sa 2 Peter 1:1. Napakaraming talata na tumutukoy sa pagka-Diyos ni Cristo.
Ang ginawa na lathalang ito ay pinilipit ang salita ng Diyos dahil ayaw paniwalaan na si Cristo ang Diyos na tinutukoy sa 2 Pedro 1:1.
Sana ay matauhan ang mga miyembro ni manalo at kwestyunin nila ang mga mali-maling turo ng grupong ito na nagtuturo ng pagsamba sa nilalang sa halip na sa Lumalang lamang (Roma 1:25).
Ipinagbabawal ng Diyos Ama at ng Diyos Anak ang pagsamba sa nilalang. Ang mahigpit nilang utos ay sa Diyos lamang sasamba at maglilingkod (Mateo 4:10).
At malinaw na si manalo ay hindi tunay na sugo ng Diyos. Mali ang kanyang turo na nawala ang Cristianismo sa unang siglo dahil ang pangako ng Diyos Anak ay sasamahan Niya ang iglesia hanggang wakas (Mateo 28:20).
@Marcos Mata, pinapaliwanag dito kung ano ang ipinahihiwatig ni Pedro sa kaniyang pahayag. dahil sa dalisay na aral ng bibliya AY INIWAWANGS O WALANG SALUNGATAN (2Cor2:13). Kung ipipilit mo na diyos nga si Cristo sa 2 Ped 1:1, sasalungat yan sa pahayag ni Pedro mismo na ang Diyos ay ang Ama ni Cristo (1Ped1:1) at ang ITINURO MISMO ni Cristo na may iisang Diyos (Juan17:3) at ang tunay na Diyos na iyon ay ang AMA (Juan17:1). Kapag ang pagtuturo ng tao TALIWAS SA BUONG KATOTOHANAN na itinuturo ng Bibliya, hindi buong katotohanan yon kundi kasinungalingan.
Sa sinasabi mo naman sa Roma 1:25, sino ba ang tinutukoy diyan ni Pablo? si Cristo ba? HINDI. ang tinutukoy niya na mga NILALANG na sinasamba ng mga tao ay ang mga PAGANO na sumasamba sa mga HAYOP at marami pang iba. Ang tanong, sino ba ang may utos na sambahin si Cristo kahit Siya ay nilalang ng Diyos? ANG DIYOS MISMO ANG MAY UTOS NITO (Fil 2:9-10) bakit? Para sa ikaluluwalhati ng DIYOS (Fil 2:11)
Sa sinasabi mo naman na Mateo 4:10, sinasabi mo na "mahigpit NILANG utos ay sa Diyos lamang sasamba", e sino ba ang nagsasalita sa mat4:10? ang AMA o ang ANAK? MALIWANAG NA ANG ANAK. bakit mo sasabihin na INUTOS NILANG DALAWA samantalang ang nagsasalita ay ang ANAK. LALABAS DIN na magiging 2 ang Diyos taliwas sa turo ng Bibliya na IISA LAMANG ANG DIYOS buhat pa ng lumang tipan sa Isa 45:21 HANGGANG sa panahong cristiano sa 1Cor8:6. At anong DIYOS-ANAK? WALANG ITINUTURO ANG BIBLIYA TUNGKOL SA SINASABI MONG DIYOS-ANAK, KUNDI ANAK NG DIYOS LANG (Mat3:17) nagiimbento kase kayo ng termino.
At sa Mateo 28:20, sino ba ang pinangakuan ni Cristo na sasamahan hanggang sa katapusan ng sanlibutan? Ang mga kaanib sa IGlesiang ITINAYO NIYA (Mat 16:18) paano ito tinawag ng mga mga apostol SA KABUOAN? Sa ROMA 16:16 'Iglesia ni Cristo'.
@Unknown,
ang tanong, PUMAPAYAG BA ANG DIYOS NA SIYA AY DIYOS NA AY TAO PA? sa Oseas 11:9 "AKOY DIYOS AT HINDI TAO" sa Eze28:2 naman "IKAW AY TAO AT HINDI DIYOS". Kaya mali ang paniniwala na MAYRONG DUAL NATURE si Cristo gayong itinuro mismo Niya na siya ay TAO sa Juan8:40, at gayon din ang pagtuturo ng mga apostol sa maraming mga talata.
Bakit NAPAKAHALAGA na makilala natin ang WASTONG TURO tungkol kay Cristo? Sa 2Cor 11:2-3, ibinababala ni Pablo na may magtuturo ng IBANG JESUS NA HINDI NILA IPINANGARAL. Ano ba ang kalagayan ni Cristo AYON SA PAGTUTURO NG MGA APOSTOL? 1Tim2:5 ayon kay Pablo "TAONG SI CRISTO JESUS" at marami pa. Kaya KUNG ang paniniwala ng tao TALIWAS sa itinuro ng mga apostol, aba ibang jesus na yan.
Mag-post ng isang Komento