Nakakalungkot mang isipin na marami sa mga tao na nalinlang parin ng maling paraan ng paglilingkod. Imbis sa tunay na Dios ang paglingkuran ay doon sa rebulto nagbigay ng pagpapahalaga.Atin po itong suriin at alamin kung paano ang tamang paraan. may paunang salita na si apostol pablo tungkol dito:
"Yamang tayo nga’y LaHI ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao." Gawa 17:29
Yung mga tunay na lahi ng Diyos hindi iniisip na ang PAGKA DIYOS ay katulad ng ginto, pilak o ng bato na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao. Ano ang sasapitin sa hanggang sa ngayoy sumasamba pa rin sa mga rebulto na kanilang mga diyos-diyosan?
"Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam, ng mga sumasamba sa diyus- diyosan, at lahat ng mga sinungaling. Ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan." Pahayag 21:8
kakatakot po ang kasasapitan ng mga sumasamba sa mga rebulto. .nakalaan na sa asupre. . -ang iba, nagpapalusot, hindi naman daw nila sinasamba ang rebulto.at patron . talaga. ? basahin nga natin. .
‘‘Taun-taon ay idinaraos ang fiesta rito. Nakasalalay sa parangal at pagsamba sa ating Patron. Pero kasabay nito ay pasasalamat sa mabuting ani. Kaya ang pagbawal ng fiesta ay hindi maaaring mangyari. Hindi maiiwasan ang magpasalamat ang mga taga-nayon. Puwedeng bawasan ang karangyaan at gastos pero ang pasasalamat at pagsamba ay kailangang ipagpatuloy. Maalala ko nga pala, hindi lang tayo nagpapasalamat samagandang ani.’’
source:
" DOON PO SA NAYON " ni Sen.Juan M. Flavier Philstar, June 01, 2002
Pagsamba sa patron, turo daw ngbibliya? Alam nating lahat na ang pagsamba sa mga rebulto at imahen ay kasuklam suklam sa Diyos. Eto ang sinasabi ng bibliya ukol dito:
"Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao. May bibig sila, nguni’t hindi nagsasalita; may mga mata, nguni’t hindi nakakakita; May mga tainga sila, nguni’t hindi nakaririnig; may ilong sila, nguni’t hindi nakaaamoy; May mga kamay sila, nguni’t hindi nangakakaramdam; may mga paa, nguni’t hindi nakalalakad; ni bulong man ay walang makalabas sa kanilang lalamunan. Ang nagsigawa sa mga iyon ay matutulad sa kanila; lahat ng nananalig sa kanila." Awit 115: 4-8
Anong ginagawa nila sa kanilang mga rebulto?
"Pinapasan nila ito para ilibot sa ibang lugar, pagkatapos ay ibabalik sa kanyang lalagyan. Mananatili ito roon at hindi makakakilos. Dalanginan man ito'y hindi makakasagot, at hindi makatutulong sa panahon ng pagsubok." Isaiah 4:7
Dahil may paa nga, hindi naman nakakalakad,kita nyu po ganu ka mali ang kanilang gnagawa, makikita natin kadalasan kapag may fiesta, pinapasan at inililibot ang patron. .tugmang tugma talaga ang mga nasa biblia kung gaano kasuklam suklam ang kanilang ginawa. .
Tanong: Katanggap tanggap ba ito sa Diyos?sabi kasi sa kanilang palusot, dinaan nila ang pagpupuri sa Dios sa pamamagitan ng kanilang mga rebulto at patron, paya. kaya ang Dios? Ito ang sabi ng Diyos:
" Ako si Yahweh; 'yan ang aking pangalan; walang makakaangkin ng aking karangalan; ang papuri'y sa akin, hindi sa diyus-diyosan " Isaiah 42:8
Malinaw pala. .di talaga papayag ang Dios. . paanu ito sinabi sa Biblia . ?
"Kahit na alam nilang may Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man lang. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip. Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga hayop na gumagapang. Ang katotohanan tungkol sa Diyos ay tinalikuran at pinalitan nila ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen. " Roma 1: 21, 23, 25
Alam nilang may DIYOS pero sa halip na siya ang PASALAMATAN eh mga PATRON nila ang kanilang pinasalamatan, pinuri at sinamba. Anong pala ang sabi ng bibliya tungkol sa mga pista? Eto po ang sagot:
"Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga." Col. 2:16
Sabi ng bibliya,:
."HUWAG NA KAYONG MAGPAPASAKOP PA SA ANUMANG ALITUNTUNIN tungkol sa pagkain o inumin, TUNGKOL SA MGAKAPISTAHAN..."
Yan maliwanag na maliwanag. Eto pa sabi ng bibliya
"Ngayong kilala na ninyo ang Diyos-- o kaya, ngayong kilala na kayo ng Diyos- ano't ibig naman ninyong magpaalipin sa mga alituntuning iyon walang saysay? Marami kayong ipinagpipista-- sari-saring araw, buwan, panahon, at taon. Nangangamba ako na baka masayanag lamang angpagod ko sa inyo." Gal. 4:9-11 SNB
kaya po. .malinaw na malinaw. .ang pagsamba po sa mga rebulto at patroN. .kasuklam suklam po sa harap ng Dios. kaya po. kaming mga Iglesia Ni Cristo. Wala pong mga rebulto .o di nakikisali sa mga fiesta. sapagkat. .mali ito sa harap ng Dios.
3 komento:
Anong salin po ba ang isaiah 4:7
Good
Sino ba Ang Diyos na dapat sambahin at kilalanin Ng tao
Mag-post ng isang Komento