Ating suriin ang mga talata na nagpapatunay daw na may Persona nga ang Dios. Kasama na dito ang kadalasang ginamit nila na version ng KJV. .
1 John 5:7
“For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one.” [ King James Version, 1769 ]
Sa Filipino:
1 Juan 5:7 “Mayroong tatlo na nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Verbo, at ang Espiritu Santo: at ang tatlong ito ay iisa.”
At ang isang salin pa :
1 John 5:7 “And there are Three who give testimony in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost. And these three are one.” [Douay Rheims Version, 1749-1752 ]
Ito pa ang isang salin :
1 John 5:7 “because three are who are testifying in the heaven, the Father, the Word, and the Holy Spirit, and these--the three--are one;” [ Young’s Literal Translation, 1862 ]
ito po minsan ang kanilang pinanghahawakan. Subalit, kung talagang suriin ng tao, ano ba talaga ang tamang nakasulat? Pansinin:
.
1 Juan 5:7 “ At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.” [Tagalog-Ang Biblia, 1905 ]
1 John 5:7 “And it is the Spirit that beareth witness, because the Spirit is the truth.” [ American Standard Version, 1897 ]
At sa mga Bibliang ito ay ganito naman ang nakalagay:
1 John 5:7-8 “There are three witnesses: the Spirit, the water, and the blood; and all three give the same testimony.” [ Good News Bible, 1992 ]
1 John 5:7-8 “There are three witnesses: the Spirit, the water, and the blood. These three witnesses agree.” [God’s Word Version, 1995 ]
1 John 5:7-8 “For there are three that bear witness: the Spirit, the water, and the blood; and these three agree as one.” [English Majority Text Version, 2002-2003 ]
Sa mga salin na ating ginamit. kapansin pansin na . salungat yata ang mga pahayag sa mga naunang mga salin na ating pinakita na kanilang ginamit. Hindi po maaaring ang Biblia ay magkaroon ng salungatan at kontrahan, Kaya marapat na alamin talaga ng tao ang KATOTOHANAN upang hindi mahulog sa maling paniniwala. Anu kaya nangyari sa mga nagsisalin ng mga Biblia? Bakit sila ay magkaiba doon sa ibang salin? nag iba na seguro ng paniniwala o di kayay natauhan na? anyare ? nawala kaya ang paniniwala nila sa Trinity?
Ano ba talaga ang dahilan? Sasagutin tayo ng mga aklat na ito:
“… The clearest testimony, the famous JOHANNINE COMMA, defended as authentic by the Roman authorities up to the turn of the century, an ‘INTERPOLATION’ into the first epistle of John, about Father, Word and Spirit, who are one, is generally regarded today as a FORGERY (originating in North Africa or Spain in the third or fourth century.” [Kűng, Hans. On Being a Christian. New York. Pocket Books, 1976.]
Sa Filipino:
“…Ang pinakamalinaw na patotoo, ang kilalang JOHANNINE COMMA, na ipinaglalabang tunay ng mga awtoridad Romano sa paglipas ng siglo, ay isang INTERPOLASIYON sa unang sulat ni Juan, tungkol sa Ama, Salita at Espiritu, na iisa, ay pangkaraniwan ng itinuturing ngayon na isang PAMEMEKE. (Nagsimula sa Hilagang Aprika o Espaniya noong ika-tatlo at ika-apat na siglo.”
Maliwanag na inaamin ni Hans Kűng, na ang JOHANNINE COMMA, [isang katawagan na tumutukoy sa 1 Juan 5:7] ito ay isang INTERPOLATION sa nasabing talata. Ano ba ibig sabihin ng interpolation?
“INTERPOLA'TION, n. A spurious word or passage inserted in the genuine writings of an author.” [ Webster’s 1828 Dictionary ]
Sa Filipino:
“INTERPOLASIYON, n. Isang pekeng salita o pangungusap na isinisingit sa tunay na isinulat ng isang may akda.”
Malinaw at. talagang huling huli po talaga, ito pala ay isang pamemeke o [FORGERY].Ang mga katoliko din kaya. ?anu kaya masasabi nila? . . ito po. .
“THE COMMA IS ABSENT IN ALL THE ANCIENT GREEK MANUSCRIPTS OF THE NT (New Testament) WITH THE EXCEPTION OF FOUR RATHER RECENT MANUSCRIPTS THAT DATE FROM THE 13TH TO 16TH CENTURIES. The Comma is lacking in such ancient Oriental versions as the Peshitta, Philoxenian, Coptic, Ethiopic, and Armenian … NO SCHOLAR ANY LONGER ACCEPTS ITS AUTHENTICITY.”[ New Catholic Encyclopedia, vol. 7. Washington, D.C.: The Catholic University of America, 1967.]
Sa Filipino:
“ANG COMMA AY WALA SA LAHAT NG MGA SINAUNANG MANUSKRITONG GRIEGO NG BAGONG TIPAN, MALIBAN SA APAT NA BAGONG MANUSKRITONG NA MAY MGA TAONG IKA-13 AT IKA-14 NA SIGLO. Ang Comma ay wala sa mga sinaunang Silanganing Bersiyon gaya ng Peshitta, Philoxenian, Coptic at Armenian… WALA NANGISKOLAR NA TUMATANGGAP SA PAGIGING TOTOO NITO.”
Ito naman pala. . sila mismo ang umamin. Maliwanag kung gayon na HINDI TOTOO ang nakalagay sa KING JAMES VERSION, at iba pang Biblia na isinalin ito ng gayon. Maliwanag nilang INAAMIN NA ITO AY PEKE at WALA SA ORIHINAL na ISINULAT ni APOSTOL JUAN. At lumitaw lamang ito noong ika TATLO hanggang ika –APAT na siglo. Bakit ano ba ang nangyari noon?
Napagkaisahan at pinagtibay ang aral ng pagiging Tunay na Diyos ni Cristo noong 325 A.D. sa Konsilyo ng Nicea Napagkaisahan at pinagtibay din ang aral ng pagiging Diyos ng Espiritu Santo noong 381 A.D . sa Konsilyo ng Constantinople., Ngayun. ayun sa awtoridad ng katoliko. . sinO ba talaga pala ang unang gumamit ng terminOng " Trinidad" ?
"The term 'Trinity' is not found in Scripture [Bible], ... The invention of the term is ascribed to Tertullian. " [Systematic Theology, by Augustus Hopkins Strong, page. 304 ]
Salin sa Filipino:
“Ang terminong ‘Trinidad’ ay hindi matatagpuan sa kasulatan (Biblia), …ang pagkakaimbento ng termino ay ipinapalagay na gawa ni Tertulliano.”
Inamin na naman ulit ng mga katoliko. . .gawa gawa lang pala ito ni TertullianO. . . tanunging ulit natin ang mga katoliko parin. . .inamin din kaya nila na ito ay hindi maka BiBlia? patutunayan sa atin iyan ng isang Catholic Bible Scholar:
"Though the exact terms in which the [Catholic] Church has formally defined the dogma of the Blessed Trinity ... are not in the Bible, and may, therefore, in a sense be called unscriptural. . ." [The Divine Trinity: A Dogmatic Treatise, by Rt. Rev. Msgr. Joseph Pohle, p. 22]
Salin sa Filipino:
“Bagamat ang eksaktong mga termino, kung saan pormal na ipinaliwanag sa atin ng Iglesia [Katolika] ang dogma tungkol sa Banal na Trinidad…ang mga ito ay wala sa Biblia, at maaari, kung gayon, na ito’y tawagin na hindi maka-kasulatan…”
Sila parin ang nagpatunay sa kanilang sablay na paniniwala. ,itong lahat pala na kanilang ginagawa ay puro lamang IMBENTO. . .PAMEMEKE. . .AT GAWA GAWA AT UTOS NG TAO. . Ito po ang pahayag ni haring David na dapat nating tandaan:
2 Samuel 7:22 “Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig.”
malinaw na ang Dios walang kagaya. Kaya mali po na ituro na may Trinity. Isang imbentong aral lamang at hindi dapat paniwalaan.
6 (na) komento:
Ikaw ang sinungaling!
Sumakatuwid, sinasabi mo na sinungaling iyang mga amo mong pari na silang may akda ng Libro nyo na binasahan lang naman ng nagpost sa blogspot nato?
Napakalinaw hindi p maunawaan
TRINITY SAlUNGAT NGA BA SA BANAL NA KASULATAN????
ARGUMENT#1: Ayon sa kanyang statement " Trinity, ito ay paniniwala ng mga tao ukol sa Diyos
na tatlo sa iiang Persona."
FACTS: Taliwas sa katotohanan dahil ang pinapakita ng Banal na kasulatan ay " TATLONG
PERSONA SA IISANG DIYOS" hindi tatlong Diyos.. Ito malinaw na binanggit sa
1 John 5:7-8
ARGUMENT#2 " salungat yata ang mga pahayag sa mga naunang mga salin na ating pinakita na
kanilang ginamit.
FACTS: Ang mga salin ay hindi magkakasulangat, Ang mga salin o "TRANSLATION" ng manunulat
ay gumagamit ng ibang intention o hinihingi ng pagkakataon. Tulag ng old KJV na
faithful sa word for word translation ngunit sa paglipas ng panahon nagkaroon ng new
KJV ito ay upang mas maunawaan ng tao ang sinasaad sa kasulatan. Ganun din sa ibang
translation NIV, NLT, RSV etc.
Makikita sa mga salin ng 1 John 5:7-8 na nababago ang paggamit termilohiya sa
paglalarawan sa AMA, ANAK at HS ngunit ang tunay na kahulugan at layunin
ng may akda ng aklat ng Juan ay hindi nababago. Ito ay maingat na sinusunod ng
mga bawat nagsasalin ng Banal na kasulatan.
ARGUMENT#3 The clearest testimony, the famous JOHANNINE COMMA.." INTERPOLA'TION, FORGERY
FACTS: kataka-taka na sadami-dami ng mga available translation ng Banal na kasulatan na
nagpapakita ng iisang kahulugan ng 1 John 5:7-8 ay napili nya ang JOHANNINE COMMA.
kung titingbangin, nagpakita ka ng 9 na salin na may iisang kahulugan pero mas
binigyang pansin mo ang JOHANNINE COMMA.
ating tignan sa original language (grk ) kung matatawag bang INTERPOLATION lang
talata sa John 5:7-8.
ὅτι τρεῖς εἰσιν οἱ μαρτυροῦντες εν τῷ οὐρανῷ, ὁ πατήρ, ὁ λόγος, καὶ τὸ Ἅγιον Πνεῦμα·
καὶ οὗτοι οἱ τρεῖς ἕν εἰσι.
πατήρ= meaning The Father
λόγος = Meaning Logos = Word= Jesus
Ἅγιον Πνεῦμα = The Holy Spirit.
Malinaw na sa orginal Language ang katuruan sa TRINITY ay ipinahahyag ng Banal na
kasulatan.
ARGUMENT4 "The term 'Trinity' is not found in Scripture [Bible], gawa gawa lang...
FACTS: Totoo na ang salitang TRINITY ay hindi makikita sa Banal na kasulatan. Gayundin
naman ang salitang BIBLIA ay hindi matatagpuan sa Banal na kasulatan, pero ito
ay ginagamit natin refering sa Banal na Kasulatan.
Ang TRINITY ay sadyang binuo upang bigyang diin ang pagpapahayag ng Banal na
Kasulatan patungkol sa Tatlong Persona o iisang DIYOS sa tatlong Persona na
ipinahayag ng Banal na kasulatan mula Genises hanggang Pahayag. Ilan sa mga ito ay
1 John 5:7-8 ; Mateo 28:19, John 14:16-17, Creation and John 1:1-14.
ARGUMENT5 2 Samuel 7:22
FACTS: " Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios" Ang salitang DIYOS dito sa orginal
language ay ELOHIM- Plural form.
Ang Samuel ay hindi sumasalungat sa katuruan ng TRINITY ng banggitin ang katagang
"sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, " ... ito ay tumutukoy
sa paglalarawan na higit ang Diyos ng kataas-taasan kaysa mga diyus-diyosan ng mga Ehipto.. bahahin ang buong kwento ng Samuel. Ang pag gamit nito para sa katuruan ng TRINITY ay Out of Context.
ARGUMENT6 " Kaya mali po na ituro na may Trinity. Isang imbentong aral lamang at hindi dapat
paniwalaan.."
FACTS: Ang katuruan patungkol sa TRINITY - Iisang DIYOS sa tatlong persona, ay hindi
isang imbentong aral bagkus isang katotohanan na ipinapahayag ng Banal na kasulatan.
Ang hindi Paniniwala sa TATLONG PERSONA, ay hindi pagtanggap sa mga kapahayagan ng
mga may akda ng BANAL na KASULATAN.
John 1:
In the beginning was the Word( JESUS ), and the Word( JESUS) was with God, and the Word ( JESUS ) was God. And the Word( JESUS) became flesh( human ) and dwelt among us, and we have seen his( JESUS ) glory, glory as of the only Son (JESUS) from the Father, full of grace and truth.
Mag-post ng isang Komento