Huwebes, Disyembre 19, 2013

Pagsasalin ng Dugo. bawal ba?

Ayon sa aral ng saksi ni jehova, mali nga raw o bawal anv PAGSASALIN NG DUGO, sapagkat ito umano ay katumbas na rin daw ng pagkain ng dugo. Nakakamanghang aral hindi po ba.^__^

Subalit, kung Biblia ang sangguniin, sasang-ayunan kaya ang kanilang akala ukol rito?o ito'y isang maling pang-unawa? Tayo ay sasagutin mula sa Biblia.



Una, Wala po tayong mababasa na mali o pinagbawal po ang pagsalin ng dugo, kundi ito lamang po ay pinagbawal na huwag kainin, at tiyak wala silang maipakitang katibayan. Sa bagong tipan na natin ilatag kung paano po ito pinagbawal ang pagkan sa dugo. Sabi ni Pablo :



"...Huwag silang kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag kakain ng dugo at ng hayop na binigti, at huwagmakikiapid." Gawa 21: 25



Sabi ni Apostol Santiago :



"Sa halip, sulatan natin sila at sabihang huwag kumain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag makikiapid, huwag kakain ng hayop na binigti, at huwag kakain ng dugo." Gawa 15:20



Sabi ng mga APOSTOL at PINUNO NG IGLESIA:



"Ipinadala nila sa kanila ang sulat na ganito ang nilalaman: "Kaming mga apostol at pinuno ng iglesya ay bumabati sa mga mananampalatayang Hentil sa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia." 

"Huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga iyan at mapapabuti kayo. Paalam." Gawa15:23,29

Iilan lang po yan sa mga talata na talang ang dugo ay huwag kainin,e anu ba ang dahilan kung may Dugo, o anu po pala talaga ang Dugo?



"Ngunit huwag ninyong kakainin ang dugo sapagkat nasa dugo ang buhay; ang sangkap ng buhay ay hindi dapat kainin." Deut. 12:23 BMBB



"Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay ; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman." Deut. 12:23



Malinaw po na ang dugo ay siyang buhay.at nagbibigay ng buhay. Ngayun. Ipinabawal ba ang pagsalin ng dugo? Masama bang mag-donate ng  dugo? Ano ba ang dugo ayon sa Panginoong Diyos? 



Levitico 17:11 “Sapagka't ANG BUHAY NG LAMAN AY NASA DUGO; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: SAPAGKA'T ANG DUGO'Y SIYANG TUMUTUBOS DAHIL SA BUHAY.”




Malinaw po. Ang dugo ay ang sumusunud:



-buhay 

-pangtubos ng buhay


Anu pa? At ang pagbibigay ng buhay sa ating kapuwa ay pagpapakita ng dakilang pag-ibig ayon kay Cristo:




Juan 15:13

“Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na IBIGAY NG ISANG TAO ANG KANIYANG BUHAY DAHIL SA KANIYANG MGA KAIBIGAN.”


Ang pagdodonate o pagbibigay ng dugo o buhay ay pagpapakita ng dakilang pag- ibig sa kaibigan o ating kapuwa. Kaya ang INC ay sumusoprta sa ganitong gawain ang PAGDODONATE NG DUGO . Ginagawa ito ng mga kapatid sa INC bilang pagtugon sa pangangailangan ng ating kapuwa upang madugtungan o mailigtas ang kanilang buhay.


Walang komento: