Lunes, Disyembre 23, 2013

Ang tunay na mga ANAK NG DIOS



Ang pagiging bahagi sa mga anak ng Dios ay napakahalagang bagay sa isang kaugnayan ng tao sa Dios, sapagkat siya'y may bahagi sa mga pagpapala at biyaya ng Dios hindi lang sa buhay na ito kundi maging sa tagapagmana ng BUHAY NA WALANG HANGGAN. Subalit palasak sa paniniwala ng mga tao, lahat ng tao raw sa mundo ay anak ng Dios basta kumilala lang umano sa Kaniya, sapagkat sa paniniwalang nilalang naman daw ng Dios ang tao. Ito ang marapat na malaman ng lahat at maituwid sa kanilang isipan na tama kaya ang paniniwalang ito? At sapat lang bang maunawaan na Dios ang lumikha sa tao kaya anak na agad siya ng Dios? Ang hindi kasi alam ng karamihan na ang tao ay itinakwil ng Dios sa pagiging anak ng magkasala ito. Ganito ang pahayag ng Biblia:


"Silay nagpakasama. Dahil dito'y di sila marapat tawaging anak, Isang lahing tampalasan at balakyot" Deut. 32:5,MBB


Ng ang tao ay nagkasala ay naging kaaway ito sa Dios at hindi MARAPAT NA TAWAGING ANAK NG DIOS. Ano pa? at itinuring pang kaaway ng Dios:



"At kayo nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama" col. 1:21



Simula't simula na nagkasala ang tao ay itinuring na KAAWAY ng Dios, dahil sa kaniyang PAGKAKASALA. Kaya nakatakda ang tao sa parusa ng Dios:


"Kundi isang kakilakilabot na pahihintay sa paghuhukom,at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway" Heb.10:27


Dahil sa galit ng Dios, ang kaaway at ang nagkakasala ay nakalaan sa kakilakilabot na paghihintay sa kabangisan ng Apoy [Impiyerno]. Kaya ang hindi kabilang sa mga itinuring na mga anak ng Dios ay nababalot ng poot at galit ng Dios. Sila ay naging kaaway sa harapan Niya. Kaya isang tanong: PAANO MAGING ANAK NG DIOS?  SA anong paraan? Ganito ang pagtuturo:


"Datapwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisimpalataya sa kaniyang pangalan" Juan 1:12



Ang tinutukoy ayun sa talata ay dapat nyang tanggapin at sampalatayan ang pangalan ng Panginoong Jesucristo. Subalit sapat na ba na sabihin lamang ng isang tao na TANGGAP na niya ang Pangalan ni Cristo upang matawag na ANAK NG DIOS gaya ng mga turo ng maraming mangangaral ngayon ? Gaya ng pagsasabi na:


"tanggapin si Jesus at sampalatayanan sya  at sapat na para maging anak ng Dios"


Ang sasagot niyan ay mas mabuting si Cristo na upang maging mas malinaw. Sino lamang ang sumampalataya sa kanya para maging mga anak ng Dios?


"Datapuwa't hindi kayo nagsisampalataya, sapagka't hindi kayo sa aking mga tupa" juan 10:26


Dapat pala kabilang ang tao sa Kanyang mga tupa. Kaya kung may kabilang mayroon din palang hindi. Subalit, Paano nga ba makikilala ang mga tunay na nga tupa ni Cristo? Ganito ang sagot:


"Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisunod sa akin" juan 10:27


Ang sabi, SILA ANG NAKIKINIG AT SUMUSUNOD kay Cristo. Ito ang mga taong Kaniya lamang kinikilala na kanyang mga tupa. Alin ang mga salita ni Jesus ang kanilang sinusunod?


"Kaya't muling sinabi ni Jesus,  'tandaan ninyo: ako ang pintuang  dinaraanan ng mga tupa. .  . Ako ang pintuan.  Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas." juan 10:7,9, MB


May sinabi si Cristo na Siya ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. At ang mga tunay na sumusunod sa Kaniya ay pumasok dito o sa Kaniya. Subalit alam nating hindi literal ang kahulugan nun sapagkat hindi naman magkakasya sa literal na katawan ni Cristo ang mga tupa. Isa pa, nasa langit na si Cristo. Kaya ang tanong, saan pala napaloob ang mga tupang pumasok kay Jesus ? Ganito ang sagot:


"I am the door, anyone who  comes into the fold through me shall be safe." john 10:9 , New English Bible

sa filipino:

"Ako ang pintuan; ang sinumang pumasok sa KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas" 


Ang mga pumasok kay Jesus ay napaloob sa KAWAN NG MGA TUPA. Ang KAWAN na tinawag ni Apostol pablo ay ang Iglesia Ni Cristo:


"Ingatan ninyo kung gayon ang  inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espirito Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo" Gawa 20:28, Lamsa Trans.

Malinaw po na yung mga nakinig at sumunod sa salita ni Cristo ay yung mga umanib at pumasok sa IGLESIA NI CRISTO. At dahil sa sila ang kinikilala ni Cristo na kaniyang mga tupa, at sumampalataya sa Kaniya, Sila ang nagtamo ng karapatang maging MGA ANAK NG DIOS [juan 1:12]


Samakatuwid, yung hindi pumasok sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay hindi tunay na sumampalataya at hindi tunay na mga anak ng Dios. At walang karapatan sa pagmamana ng kaharian ng Dios.


ANG PANGAKONG MAMANAHIN NG MGA ANAK NG DIOS


Gaano ba kahalaga ang pagiging anak ng Dios? Ang paging anak ng Dios ay isang pagpapala at pag ibig na ipinagkaloob sa mga pumasok sa IGLESIA NI CRISTO


"Masdan ninyo kung gaanong  pagibig ang ipinagkaloob sa  atin ng Ama, upan tayo'y mangatawag na mga anak mg Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanlibutan, sapagka't siya'y hindi nakilala nito" 1juan 3:1


Bakit ang karapatan sa pagiging anak ng Dios ay dapat ituring na malaking pag-ibig at pagpapalang kaloob nya?  Ganito ang pahayag ni Apostol Pablo:



"Ang Espiritu din ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios: at kung mga anak, ay mga tagapagmana ni Cristo: kung gayong nga makipagtiis tayo sa kaniya ,  upang tayo'y lumuluwalhati namang kasama nya" Roma 8:16-17



Ang mga anak ng Dios lamang ang tiyak na mga kasamang tagapagmana ni Cristo, subalit hindi ang lupang ito ang kanilang mamanahin, kundi ang bagong langit at bagong lupa na tinatahanan ng katuwiran :



"Ngunit ayon sa kanyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran" 2 pedro 3:13


Ito ang bayang banal na doon ay wala nang pagluha, wala nang hirap o panambitan man at hindi na magkakaroon ng kamatayan [Apoc. 21:1-4]. Isang napakalaking biyaya ang makakamit ng mga tunay na mga anak ng Dios. Sa kanila ang putong ng buhay na matatagpuan sa bagong langit at bagong lupa nasa kanila'y naghihintay. Kaylan ba ito matatanggap at makamit ng mga anak ng Dios?



"Sapagkat ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kanya" Filipos 3:20-21



Ang mga anak ng Dios ay itinuturing na ang kanilang pagkamamamayan ay hindi rito sa lupa kundi nasa langit. Kaya pagdating nila sa langit kasama ang Panginoong Jesucristo ay maipagkaloob ito sa kanila. Matiyaga silang naghihintay sa pagbalik ni Jesus sapagkat alam nila na sa araw na yaon ay ang kanilang katawan na may kasiraan at kamatayan kasama ang mga kahirapan at mga kabagabagan ay mawawala at ang lahat babaguhin na maging katulad ng katawan ng Panginoon na maluwalhati,walang kasiraan at walang kamatayan [juan 15:52-54].


Kayang ang pagiging anak ng Dios ay isang napakadakilang kaloob at pagpapala na doon lamang sa tunay na mga hinirang na sunod sa Kaniyang kalooban at hindi sa salita lamang at walang katotohanan.

Walang komento: