Huwebes, Disyembre 19, 2013

Pananampalataya sa Dios


SALAMAT po sa panginOon ,  sapagkat patuloy na ginamit na mabisang kasangkapan ang pamamahala sa patuloy ng pag bigay ng gabay sa bawat kaanib sa Iglesia Ni Cristo.  lalo na  sa Mga pagsamba. ang Dios po ay may nauna nang pangako sa bawat umiibig at sumampalataya sa kanya.



Isa. 54:10

" Sapagka't ang mga
bundok ay mangapapaalis, at ang
mga burol ay mangapapalipat;
nguni't ang aking kagandahang-loob
ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin
mang tipan ng kapayapaan ay
maalis, sabi ng Panginoon na
naaawa sa iyo."



Iyan po ang pangako ng Dios,napakasarap po pag ang Dios na ang mangako,kaya anu pa kaya,kung tayong mga INC ay tatawag na,anu po ang pangako din ng panginoon sa atin. .



Awit 4:3

"Nguni't talastasin ninyo na ibinukod
ng Panginoon sa ganang kaniyang
sarili ang banal: didinggin ng
Panginoon pagka ako'y tumawag sa
kaniya."



Napakabuti po ng pangioOn sa atin,yan po ang kanyang patotoo.pababayaan kaya ng Dios ang kanyang bayan tuwing tatawag sila sa kanya?



1 samuel 12:22

"Sapagka't hindi pababayaan ng
Panginoon ang kaniyang bayan dahil
sa kaniyang dakilang pangalan,
sapagka't kinalulugdan ng Panginoon
na gawin kayong bayan niya."




Hayag po kung gaano tayo ka mahal ng Dios,napabuti po nya sa kanyang  mga hinirang Anu po ang payo ng Dios sa mga nababagabag, Di naman po natin maiwasan ang mga suliranin,anu po payo sa atin?



Awit 42:11

"Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa
ko? At bakit ka nababagabag sa loob
ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't
pupuri pa ako sa kaniya, na siyang
kagalingan ng aking mukha, at aking Dios."




Salamat po sa Dios,sapagkat patuloy tayong pina aalalahan,kaya anu po dapat nating gawin?



1tesalonica 13-14

"Nguni't kami ay nararapat
magpasalamat sa Dios dahil sa inyo,
mga kapatid na minamahal ng
Panginoon, sa pagkakahirang sa inyo
ng Dios buhat nang pasimula sa
ikaliligtas sa pagpapabanal ng
Espiritu at pananampalataya sa
katotohanan:

14 Sa kalagayang ito'y tinawag niya
kayo sa pamamagitan ng aming
evangelio, upang magkamit ng
kaluwalhatian ng ating Panginoong
Jesucristo."




Nang dahil po ng ating pananampalataya.malaki po talaga ang magagawa nito.bakit po kaylangan tayo ay matatag at magpapasalamat?



col.3:15

"At maghari sa inyong puso ang
kapayapaan ni Cristo, na diya'y
tinawag din naman kayo sa isang
katawan; at kayo'y maging
mapagpasalamat."



Dahil po kabilang tayo sa kanyang katawan.alam na po natin yan na iyan ay ang kanyang iglesia (col.1:18)
Ang dapat po e sample natin.dumanas po ng malaking pagsubok,si Job, naubos lahat ng ari arian, namatayan pa ng lahat ng mga anak,subalit di po nawalan ng pananampalataya,at sumamba parin (job 1:13-20)
Katulad din po natin Tuwang tuwa po ang sanlibutan sa atin kapag tayo ay pinag uusig ( juan 16:20) ngunit patuloy parin tayong matatag. May payo sa atin,na kung darating man ang kasamaan,salot at problema,kung tayo man ay tatawag at manalangin mga kapatid,tayo po ay kanyang diringgin ( 2cronica 20:9) Sapagkat tayo po ay mahal ng Dios. At ito po ay pinatunayan ng Dios kay job na binigay muli ang lahat (job 42:10)
Kaya mga kapatid. .maging matatag po tayo palagi. .may pwd po bang makapag hihiwalay sa atin? Mula sa talata ng biblia :



Roma 8:35,39
"sinu ang makapaghiwalay sa atin?
Ang kapighatian,pag uusig,kagutom,s
alot,kahubaran,panganib,tabak?
,kahit ang kataasan o ang kababan o
sinu mang nilalang,walang
makapaghiwalaay sa ating pag ibig
sa Dios na nasa ating panginoong
hesus."



Mga kapatid. Mahal na mahal po tayo ng pamamahala,patuloy tayo at huwag uurung.

Walang komento: