Martes, Disyembre 24, 2013

BANAL NA HAPUNAN


paano ba isasagawa ang pagbabanal na hapunan?


Ang mga manunulugsa sa Iglesia Ni Cristo ay isa ito sa kanilang ginagamit na mga panuligsa.Lalo na nang mga hindi ka pananampalataya na panay ang tuligsa.ang pumapasok sa kanilang isip na mga katanungan, Bakit ang Banal na Hapunan ay Umaga daw? at Bakit may Abuluyan o paghahandog na isanasagawa, Isa isahin natin at nang matauhan at maturuan lalo na sa mga nagsusuri.

Ano ba ang Banal na Hapunan?Bakit ito isinasagawa.




1 Corinto 11:24 “At nang siya'y makapagpasalamat, 
ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y
 aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo:
 GAWIN NINYO ITO SA PAGAALAALA SA AKIN.”


1 Corinto 11:25 “At gayon din naman
 hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon,
 na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang
 bagong tipan sa aking dugo: 
GAWIN NINYO ITO SA TUWING 
KAYO'Y MAGSISIINOM,
 SA PAGAALAALA SA AKIN.”


Ang  PAGKAIN NG TINAPAY at ang PAG-INOM SA SARO o ng KATAS NG UBAS, na bahagi ng PAGBABANAL NA HAPUNAN ay ginagawa upang ALALAHANIN ANG PANGINOONG JESUCRISTO. Paanu ba naisagawa nuon ang pagbabanal na hapunan?

Nung PANAHON ng Panginoong Jesus, ito ay isinabay niya sa HAPUNANG PANGPASKUWA, o ng KAPISTAHAN ng TINAPAY ng walang LEBADURA ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:



Marcos 14:12 “AT NANG UNANG ARAW
 NG MGA TINAPAY NA WALANG LEBADURA,
 NANG KANILANG INIHAHAIN ANG
 KORDERO NG PASKUA, ay sinabi sa
 kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan 
mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda
 ka upang makakain ng KORDERO NG PASKUA?”



Isang pagdiriwang sa mga JUDIYO ang Kapisthan ng Tinapay ng walang LEBADURA, at sa gabi ng HAPUNANG PANGPASKUA ay kumakain sila at nagsasalo-salo sa KORDERO o TUPA NG PASKUA. Iba ito sa BANAL NA HAPUNAN, dahil ito ay talagang KAINAN.

Pagkatapos ng MAKAKAIN NG HAPUNANG PANGPASKUA, ay saka isinagawa ng PANGINOONG JESUS ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:




Lucas 22:14-15 “At nang dumating 
ang oras, ay naupo siya, at ang mga 
apostol ay kasalo niya. At sinabi niya
 sa kanila, PINAKAHAHANGAD
 KONG KANIN NA KASALO NINYO
 ANG KORDERO NG PASKUANG ITO
 bago ako maghirap:”


Lucas 22:20 “Gayon din naman ang saro,
 PAGKATAPOS NA MAKAHAPON,
na sinasabi, ANG SARONG ITO'Y
ANG BAGONG TIPAN SA AKING DUGO,
 NA NABUBUHOS NANG DAHIL SA INYO.”



 
Maliwanag ang sabi: PAGKATAPOS NA MAKAHAPON, ibig sabihin TAPOS NA NILANG KAININ ANG HAPUNANG PANGPASKUA, tsaka isinagawa ang PAGBABANAL NA HAPUNAN. Ang mga GENTIL na naging KAANIB sa UNANG IGLESIA, ay hindi nagdiriwang ng KAPISTAHAN NG PASKUA, dahil hindi naman sila mga JUDIYO, ang HAPUNANG PANGPASKUA ay requirement lamang na gawin ng mga Judiyo. Narito ang dahilan:



Exodo 12:27 “Na inyong sasabihin:
SIYANG PAGHAHAIN SA
PASKUA NG PANGINOON,
NA KANIYANG NILAMPASAN
 ANG MGA BAHAY NG MGA
ANAK NI ISRAEL SA EGIPTO,
 nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio,
at iniligtas ang aming mga
sangbahayan. At ang bayan
 ay nagyukod ng ulo at sumamba.”




Ang HAPUNANG PANGPASKUA ay isang PAGGUNITA sa ginawang PAGLAGPAS na kung tawagin sa English ay PASS OVER nung panahon ni Moises na pinatay ang lahat ng PANGANAY , at hindi nadamay ang mga anak ng bayan ng ISRAEL kundi ang mga panganay lamang ng mga EGIPCIO, dahil sa nilagpasan sila dahil sa paglalagay nila ng DUGO ng TUPA sa kanilang mga Pintuan. Kaya sa dako ng mga GENTIL na hindi nagsasagawa ng HAPUNAN NG PASKUA ay sa PANAHON ng PAGTITIPON nila ito isinagawa:




1 Corinto 11:20 “Kaya’t sa inyong PAGTITIPON,
hindi BANAL NA HAPUNAN ng Panginoon
 ang kinakain ninyo. [
Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]



Ito ‘yong talata na kinagagalitan ni Apostol Pablo ang mga Cristiano sa Corinto, na nagsagawa ng BANAL NA HAPUNAN ng walang kaayusan na inakalang ito ay ORDINARYONG HAPUNAN lamang na kaya isasagawa ay para MABUSOG, kaya niya nasabi na hindi BANAL NA HAPUNAN ang kanilang kinain. Pero maliwanag niyang sinabi na iyan ay sa panahon ng PAGTITIPON.


At ang PAGTITIPON na isinasagawa ng mga UNANG CRISTIANO ay ang PAGSAMBA sa Diyos:



1 Corinto 14:26 “Ano nga ito, mga kapatid?
PAGKA KAYO'Y NANGAGKAKATIPON
ANG BAWA'T ISA SA INYO'Y MAY ISANG AWIT,
MAY ISANG ARAL, MAY ISANG PAHAYAG,
 MAY WIKA, MAY ISANG PAGPAPALIWANAG.
 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.”



Ang mga UNANG CRISTIANO na kabilang sa DAKO ng mga GENTIL, ay nagsagawa ng kanilang BANAL NA HAPUNAN sa kanilang PAGTITIPON o PAGSAMBA.

Kaya ang Iglesia ni Cristo po ay ganun din, ISINABAY ANG BANAL NA HAPUNAN sa aming PAGSAMBA, gaya ng ginawa ng mga UNANG CRISTIANO, dahil tayo man ay hindi required na magsagawa ng HAPUNANG PANGPASKUA, dahil hindi naman tayo LAHING JUDIO.


BAKIT MAY HANDOG ?

Ang PAGSAMBA ang may ABULOY, hindi ang BANAL NA HAPUNAN:



Hebreo 13:15-16 “Sa pamamagitan nga
 niya ay maghandog tayong palagi ng
 hain ng PAGPUPURI SA DIOS,
sa makatuwid baga, ay ng bunga
 ng mga labi na nagpapahayag ng
 kaniyang pangalan. Datapuwa't ang
 paggawa ng mabuti AT ANG PAGABULOY
ay huwag ninyong kalimutan:
sapagka't sa mga gayong hain
 ang Dios ay totoong nalulugod.”



Sa panahon ng PAGPUPURI SA DIYOS, sa PANAHON ng PAGSAMBA ginagawa ang ABULUYAN, isinabay lamang ang BANAL NA HAPUNAN. Walang ABULUYAN ang BANAL NA HAPUNAN, NAGAABULOY kami sa PAGSAMBA, at hindi sa BANAL NA HAPUNAN.

At gaya ng binangit sa taas, Bakit ang BANAL NA HAPUNAN ay pwede sa umaga?</>
Ito ay sa PAG-AALAALA kay Cristo, kaya puwede nating GAWIN, kahit sa UMAGA, TANGHALI o maging sa GABI. Ang “BANAL NA HAPUNAN ” ay ang PANGALAN na itinawag sa gawaing ito ng PAG-AALALA SA KANIYA. Kaya HINDI APPLICABLE ang “ELEMENT OF TIME” sa pangalang o katawagang ito. Katulad ng mga halimbawa sa ibaba ng mga KATAWAGAN o SALITA na hindi APLIKABLE ang TINATAWAG NA “ELEMENT OF TIME”…

Katulad ng “SIMBANG GABI” na isinasagawa sa MADALING ARAW Katulad ng salitang “MIRIENDA ”na sa English ay AFTERNOON TEA , na puwede ring GAWIN SA UMAGA.Ang salitang “NIGHT GOWN”, ay hindi nangangahulugang sa GABI MO LANG PUWEDENG ISUOT iyon. At kapag isinuot mo sa UMAGA ay hindi na siya NIGHT GOWN.Iyong MUTA SA MATA na tinatawag sa ENGLISH na MORNING GLORY, pero hindi nangangahulugan na sa UMAGA ka lang puwedeng magkaroon nun.

Ito naway maging tulong sa mga nagsusuri.At sa naging bulag sa katotohanan..Huwag padala sa maling Aral na bunga ng Haka haka lamang.gaya ng nakasulat sa Roma12:16, na ganito ang sinasabi:




“ Mangagkaisa kayo ng pagiisip.
Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip
 sa mga bagay na kapalaluan,
 kundi makiayon kayo sa mga
 bagay na may kapakumbabaan.
 Huwag kayong mga pantas
 sa inyong sariling mga haka. ”

5 komento:

BUTZ RODELAS ayon kay ...

https://www.youtube.com/watch?v=JMt397tMXMo

BUTZ RODELAS ayon kay ...

https://www.youtube.com/watch?v=s22GhRYbrKs

Unknown ayon kay ...

Hello po. Tanong ko lang po, bakit po once a year lang ang pagbabanal na hapunan? Maraming salamat po!

Unknown ayon kay ...

Dami nyo nilatag na talata . Pero walang nabasa n banal n hapunan mapang dagdag kayo sa sinasabi ng bible . Bawal yun Proud to be MCGI lahat nasa biblia sinasabi

Unknown ayon kay ...

Salamat po sa blog po niyo, naintindihan ko na po kung bat may banal na hapunan.