Juan 1:1
" Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. "
Ang Juan 1:1 ay isa sa mga talata ng Biblia na pangunahing ginagamit ng iba upang patunayan na Diyos si Cristo. Gayunman, ito ay TINUTULAN din bilang batayan sa gayong paniniwala ng mga nasa hanay mismo ng MGA NANINIWALAN SI CRISTO AY DIYOS:
"(iii) Sa huli ay sinabi ni Juan na ang salita ay Diyos. Ito ay isang kasabihang mahirap nating mauunawaan, ito'y mahirap dahil ang wikang Griyego, na siyang ginagamit ni Juan sa pagsulat, ay may paraan ng pagsasabi ng mga bagay na iba sa paraan ng pagsasalita sa Ingles. Kapag ang Griyego ay gumagamit ng pangngalan (NOUN), halos lagi itong gumagamit ng pantukoy (ARTICLE) na kasama nito. Ang Diyos sa Griyego ay THEOS at ang pantukoy ay HO. Kapag ang Griyego ay nagsasalita tungkol sa Diyos hindi nito basta na lamang sinasabi na THEOS; sinasabi nito na HO THEOS. Ngayon, kapag hindi ginagamit sa Griyego ang tuwirang pantukoy kasama ng pangngalan, ang pangngalan na iyon ay mas nagiging pang-uri(ADJECTIVE). Hindi sinasabi ni Juan na ang salita (VERBO) ay HO THEOS; na waring ang salita ay ang Diyos mismo. Sinasabi niya na ang salita ay THEOS-wala ang tuwirang pantukoy... Nang sabihin ni Juan na ang SALITA AY DIYOS, hindi niya sinasabing si Jesus ay Siya mismong Diyos; sinasabi niyang si Jesus ay lubos na katulad ng Diyos sa pag-iisip, sa damdamin...." (The Daily Study Bible Series -- The Gospel of John, Vol. 1, p. 39)
Pinatutunayan sa aklat na ito na ang salitang "Diyos" sa sugnay na "ang Verbo ay Diyos" ay hindi NOUN O PANGNGALAN kundi ADJECTIVE o pang-uri. Sa Griyego kapag, gumamit ng pangngalan tulad ng THEOS(Diyos), ito ay pangkaraniwang ginagamitan ng article o PANTUKOY na HO. Kapag ang Theos ay hindi ginamitan ng pantukoy na HO, ito raw ay "mas magiging" PANG-URI. Lumilitaw, kung gayon, na ang salitang " DIYOS" sa sugnay na "ANG VERBO AY DIYOS" ay PANG-URI---inuuri lamang nito ang Verbo at hindi pinatutunayan na ang Verbo ay ang Diyos. Kaya, ayon sa pagsusuri ng iba sa talatang ito, ang sugnay na, "ANG VERBO AY DIYOS" ay dapat isaling, "ANG VERBO AY BANAL". :
"...Ipinapapansin ng mga iskolar ng Bagong Tipan na ang bantog na salin ng talata sa paunang salita,' ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos' (Juan 1:1) ay mali ang pagkakasalin mula sa orihinal na Griyego. Ang THEOS na may pantukoy ay dapat isalin na Diyos, subalit ang tamang salin ng THEOS na walang pantukoy ay dapat na 'BANAL'. Sa ibang salita, ang salin ay dapat na ,' Ang Verbo ay sumasa Diyos at ang Verbo ay Banal'. Karamihan sa mga iskolar ng Bagong Tipan ay sumasang-ayon dito. " ( One ChristMany Religions, p. 123)
Sapagkat ang sugnay na " Ang Verbo ay Diyos" ay paglalarawan o pag-uuri lamang sa Verbo, hindi nito pinatutunayan na si Cristo ay Diyos. Tunghayan naman natin ang pahayag ng iba pang mga nagsuri sa talatang ito:
"... Bawat taong tapat ay dapat sumang-ayon na ang pagsasabi ni Juan na ang Salita[Verbo] o Logos ' ay Banal ' ay hindi pagsasabing siya ang Diyos na kasama nito. Sinasabi lamang nito ang isang katangian ng Salita o Logos, subalit hindi nito sinasabi na siya rin ang Diyos.
" Ang dahilan kung kaya isinalin nila ang salitang Griyego na 'banal', at hindi 'Diyos', ay sapagkat ito ay ang pangngalang Griyego na the-os' na walang tuwirang pantukoy, kaya isang anarthrous the-os'. ... ang anarthrous na pagkakabalangkas ng pangungusap ay tumutukoy da katangian ng isang bagay ..." (New World Translation ot the Christian Greek Scriptures, p. 774)
Maliwanag, kung gayon, na ayon mismo sa mga nagtataguyod ng aral na si Cristo ay Diyos, ang Juan 1:1 ay hindi katunayan na si Cristo ay Diyos.
Ang mga pag-amin na ito ng mga iskolar at mga tagapagturo sa mga relihiyong naniniwala na Diyos si Cristo ay nagpapatunay na ang aral na kanilang itinataguyod ay wala talagang batayan sa Biblia. Huwad na pananampalataya ang maitataguyod ng isang tao kung paniniwalaan niyang Diyos si Cristo. Hindi tayo dapat na maipahamak ng maling paniniwala. Kaya nga ibinabala ng mga apostol:
2 Corinto 11:3
" Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain. "
2 Corinto 11:4
" Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo. "
Kaya, hinihikayat namin kayo na suriin ang paniniwala ng Iglesia ni Cristo tungkol sa ating Panginoong Jesucristo upang maliwanagan kayo sa mga katotohanang isinasaad.
Sa mga marami pang karagdagang patoto at pagpapaliwanag ukol dito ay maari nyu bisitahin:
http://iglesianicristolahingtapat.blogspot.in/2014/01/juan-1114-dios-ba-talaga-si-cristo.html?m=1
Sana ay patuloy na marami pa ang magsuri at tatanggap sa katotohanan na mga aral sa loob ng Iglesia ni Cristo.
2 komento:
Tanging sa sugo lamang nahayag ang mga nilalaman ng bibliya. Ang sugo sa mga huling araw. Si kapatid na Felix Y. Manalo
Ang sugo lamang ang may karapatang mangaral ng katotohanan
Mag-post ng isang Komento