Lunes, Disyembre 30, 2013

Pamahiin Dapat Bang paniwalaan?





Marami sa ating mga kababayan na sinusunod parin ang mga pamamaraan ng mga pamahiin na namana mula sa mga Ninuno pa.

Ang ilan nito ay na mga sample ay gaya ng mga sumusunod :

● bawal matulog ng basa ang buhok

● bawal mag papicture ng tatluhan dahil mamatay ang nasa gitna

● kapag nakakita ka ng itim na pusa, ibig sabihin n'un ay malas

● kapag daw ay nahulog ang tinidor habang
kumakain, may darating daw na bisitang lalaki; kung kutsara naman ay bisitang babae

● malas rin daw kapag tumingin ka sa basag na salamin

● hindi raw puwedeng ikasal ang magkapatid sa iisang taon, sukob daw' yon! --ang isa'y mamalasin at ang isa nama'y susuwertehin

● Huwag daw isuot ang damit pangkasal bago ang takdang araw ng kasal dahil baka daw hindi matuloy

● Huwag magwalis sa gabi dahil baka pati
suwerte ay mawalis din.

● Magsuot daw ng polka dots o may bilog-bilog na damit tuwing sasapit ang Bagong taon para swertehen.

● Ikutin ang pinggan kung hindi pa tapos
kumain at may aalis na kasama sa bahay para daw hindi madisgrasya.

● Paglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong ng patay para madaling malutas ang kaso kung ito ay pinatay.

● bawal daw kumain nang gulay na gumagapang kapag may patay dahil parang gumagapang lang daw ang inyong pamilya

● bawal daw magwalis pag may patay dahil parang winawalis lang din ang pamilya nyo

● kapag ang isang tao ay nananaginip na
binubunutan nang ngipin,mayroong kamag-anak na mamatay.

Iilan lamang po yan sa mga pamahiin na patuloy nilang sinusunod.

Ano ba ang epekto nito sa tao? may turo ba talaga ng Biblia na huwag itong paniwalaan? narito po :



DEUTERONOMIO 18:10-12
"Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga PAMAHIIN o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga KARUMALDUMAL na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo."



Ito pala ay masa at karumaldumal sa Harap ng Dios, Kaya po may payo na huwag tayo masusumpungan sa gayong gawain.Sapagkat ito ay Hindi aral mula sa Dios, Sapagkat ito ay aral lamang ng tao, anu ang payo mula sa Biblia?


Tito 1:14
 “Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.”

Huwag tayo maniniwala sa mga gawa gawa lamang ng tao,Ang dapat paniwalaan ay ang aral lamang mula sa Banal na kasulatan o Biblia:

2 Timoteo 3:15-17 
“Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pag-tutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.” [ Ang Bagong Magandang Balita, Biblia ]

Ang lahat po ng Aral, na nagtuturo ng katotohanan ay nasa Banal na kasulatan. Anu po ang idudulot sa katotohanang mula sa Biblia?

2 Timoteo 3:17
 “Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.”

Malinaw at maliwanag, na upang maturuang lubos ang Tao.Kaya huwag po tayo makiayon sa mga aral na gawa gawa ng tao . At Sa pamamagitan ng Haka Haka lamang. gaya ng nakasulat :

“ Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka. ”  Roma 12:16 

Sa anung paraan lamang ba dapat tayo sumunod?May mga pagtuturo ba? narito po Alamin natin sa Gawa 16:30-34, ganito ang nakasulat:

“At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas? At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan. At sa kaniya'y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng
nangasa kaniyang bahay. At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya. At sila'y kaniyang ipinanhik sa kaniyang bahay, at hinainan sila ng pagkain, at nagalak na totoo, pati ng buong sangbahayan niya, na nagsisampalataya sa Dios.”

Papaano ba nagkakaroon ng pananampalataya ang tao ayon sa Banal na Kasulatan? Sa Roma 10:17 ay ganito ang nakasulat:

“Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.”

Salita ni Cristo parin ang ating paniwalaan, At huwag ang mga gawa gawa ng Tao lamang. Ang tunay na Cristiano ang mga naniniwala lamang sa Aral na ayun kay Cristo. at sa Dios.

3 komento:

Unknown ayon kay ...

INC po ako , hindi po sa nagdududa ako sa doktrina natin ,tanong ko lang po kung saang talata sa Biblia mababasa ang pagdiwang ng New Year , thank you po

Unknown ayon kay ...

Mga pamahiin ay dapat bang paniwalaan ng mga kaanib sa loob ng iglesia ni cristo

KaSalman ayon kay ...

Yan ay naging tanong ko rin.
Sana ay mapansin ang tanong na ito na matagal na at wala paring tugon. Kaya tayo ay hindi nag-ce-celebrate ng Valentine's at Christmas, dahil sa pagkakaroon nito ng pagan origin. Hindi ba't ang new year din naman? At napapaloob sa pag diriwang na ito ang napakaraming pamahiin. Salamat po sa tutugon