Tuligsa minsan sa Iglesia ni Cristo, bakit raw hindi namin kinilala na Dios si Cristo kung sinasamba namin Siya, sapagkat nakasulat naman daw na sinabi ni Jesus "SA PANGINOON MONG DIOS KA SASAMBA". Ganito ang nakasulat :
Mateo 4:10
" Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, SA PANGINOON MONG DIOS SASAMBA KA, at siya lamang ang iyong paglilingkuran. "
Lucas 4:8
" At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Nasusulat, SA PANGINOON MONG DIOS KA SASAMBA, at siya lamang ang iyong paglilingkuran. "
Kaya raw sinasamba nila si Jesus Sapagkat sa kaniya raw galing na sa DIOS LAMANG sasamba, kaya yun ang Conclusyon agad nila.
Bakit nga ba sinalita ni Jesus ang mga Katagang iyon.? Sapagkat, sa pagkakataong iyon ay nais Siyang linlangin ni Satanas na sumamba nito :
Lucas 4:6-7
" At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo'y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka't ito'y naibigay na sa akin; at ibibigay ko kung kanino ko ibig.
Kaya nga KUNG SASAMBA KA SA HARAP KO, ay magiging iyong lahat. "
Ito ang dahilan, na itinuwid ni Jesus at Pinuna ang nais ng diablo. Ang Tanong natin ngayon, SINO ang tinutukoy ni Jesus na sambahin ang Panginoon "MONG(your)" Dios? Siya ba ito na akala nila'y si Jesus?
Ganito ang sabi naman ni Jesus:
Juan 20:17
" Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako SA AKING AMA AT INYONG AMA, at AKING DIOS AT INYONG DIOS. "
Dito ay Sinabi ni Jesus na ang Dios ng mga ALAGAD NIYA, ay ITO din ang DIOS NIYA, na walang iba kundi ang AMA. Sa makatuwid, ang mga KATAGANG " MO, IYO" Ay mga PRONOUN o PANGHALIP, hindi rin tumutukoy sa Kaniya(Jesus) kundi doon sa AMA. Kung gayon, kung isipin natin yun lamang ang Sambahin na tinutukoy ni Jesus,na ang AMA ay PARANG LILITAW DIN NA HINDI NA DAPAT SAMBAHIN SI JESUS. Isang HAKA-HAKA nalang pala at imahinasyon na siJesus ang tinutukoy na Dios na dapat samabahin.
BAKIT SINASAMBA SI JESUS?
Suriin naman natin bakit sinasamba namin si Jesus, kung ANG AMA ANG TUNUTUKOY ni Jesus na DIOS ang dapat samabahin? Ito ay Kalooban ng Dios o Ama na iluhod ang LAHAT NG TUHOD Kay Jesus:
Filipos 2:9-11
" At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at IBINIGAY sa kanya ANG PANGALANG HIGIT SA LAHAT NG PANGALAN.
" Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay LULUHOD AT MAGPUPURI ANG LAHAT NG NASA LANGIT, NASA LUPA, AT NASA ILALIM NG LUPA.
" At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon. "[MBB]
Malinaw po ang Sagot ng Biblia, Sinamba ba si Jesus dahil sa Tao Siya? Hindi kundi dahil sa mga sumusunod:
1. Dahil sa PANGALAN NA ibinigay ng DIOS na HIGIT SA LAHAT NA PANGALAN.
2. Dahil sa PANGALAN ni Jesus, ay dapat MAGPURI AT SUMAMBA ang LAHAT NG NILALANG.
3. Higit sa lahat, ito ay KALOOBAN NG DIOS,sa Kaniyang Ikalukuwalhati din naman.
Na Itong ang MARILAG NAPANGALAN na Minana ni Jesus
Hebreo 1:4
" Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y NAGMANA NG LALONG MARILAG NA PANGALAN kay sa kanila.
Kaya, Kahit ang mga Anghel ay SUMAMBA din Kay Jesus dahil sa PANGALAN na ipinagkaloob sa Kaniya:
Hebreo 1:6
" At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At SAMBAHIN SIYA NG LAHAT NG MGA ANGHEL NG DIOS. "
Katotohanan na Si Jesus ay Sinasamba dahil sa Kaniyang Pangalan na tinanggap mula doon sa Dios na nagtaas sa Kaniya (Fil.2:9). Sino ang Dios na iyon na nagbigay sa Kaniya ng PANGALANG HIGIT SA LAHAT? Sasagutin po tayo muli ng Biblia:
Juan 17:11
" At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. AMANG BANAL, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng IYONG PANGALAN, ANG PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa.[MBB]
Ang Taglay na PANGALAN ng AMA na sinasamba ay ang IBINIGAY naman kay Jesus na Kaniyang taglay na iyon ang SINASAMBA NG LAHAT NG NILANANG.
Lucas 11:2
" At sinabi niya sa kanila, Pagka kayo'y nagsisipanalangin, inyong sabihin, Ama, SAMBAHIN NAWA ANG PANGALAN MO. Dumating nawa ang kaharian mo. "
Malinaw ang mga pagtuturo ng Biblia. Si Jesus ay hindi sinasamba ng mg kaanib sa Iglesia ni Cristo, hindi bilang Dios, kundi dahil sa Kalooban ito ng Dios, dahil sa Pangalan na TAGLAY ni Jesus na ibinigay ss Kaniya na sa Ikaluluwalhati naman ng Dios.
GAANO KAHALAGA ANG PANGALAN NA IBINIGAY KAY Jesus?
Gawa 4:11-12
" Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.
" At sa kanino mang IBA AY WALANG KALIGTASAN: sapagka't WALANG IBANG PANGALAN SA SILONG NG LANGIT, NA IBINIGAY SA MGA TAO, NA SUKAT NATING IKALIGTAS. "
Napakahalaga po ng PANGALANG nasa Kay Cristo sapagkat, ito ang IKALILIGTAS ng mga tao. Ang Pagsamba kay Jesus ay hindi pagsamba bilang Dios, kundi gaya ng ating natunghayan, na ito'y KALOOBAN NG DIOS, upang ang lahat ng nilalang ay Magpuri sa Kaniya. Sa IKALULUWALHATI naman ng Dios. Kaya, ang tunay na SUMAMBA sa Dios ay ang mga sumunod sa Kaniyang Kalooban
Juan 9:31
" Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan: datapuwa't kung ang SINOMANG TAO'Y MAGING MANANAMBA SA DIOS, AT GINAGAWA ANG KANIYANG KALOOBAN, siya'y pinakikinggan niya. "
Kaya ito ang tunay na mananamba, ang sumunod sa kalooban ng Dios. na magaan sa LOOB at hindi ang AYON sa maling isipan, kundi ayon sa Kautusan at kagustuhan ng Dios
Awit 40:8
" Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso. "
4 (na) komento:
Maganda po ang paliwanag, yan po pala ay alam nyo na sa pangalan ni jesus may kaligtasan, at ang lahat ng nilalang maging sa lupa at langit ay luluhod sa kanya, ano po ibig sabihin nun, si jesus na ang pinakamataas pati po ba ang dios ay luluhkd na rin kay jesus? Kv dba po ang lahat ay luluhod na sa kanya., taning lang po tnx
SINABI BA SA TALATA NA PATI ANG DIOS AMA AY SASAMBA SA PANGINOONG JESUCRISTO?? O TSISMIS MO LANG???
JUAN 14:28
Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama:
👉sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.
1 CORINTO 15:24-28
At darating ang wakas, kapag naibigay na ni Cristo ang kaharian sa Diyos Ama, pagkatapos niyang malupig ang lahat ng paghahari, pamahalaan at kapangyarihan. Sapagkat si Cristo'y dapat maghari hanggang sa malupig niya at lubusang mapasuko ang kanyang mga kaaway. Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang lulupigin ay ang kamatayan. Ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kanyang kapangyarihan.” Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. 👉Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat.
Mag-post ng isang Komento