Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tungkol sa Iglesia Ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tungkol sa Iglesia Ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Abril 14, 2014

Ang mga Nagpapatotoo tungkol sa Iglesia Ni Cristo










Sa PANAHONG CRISTIANO, ibibilang tayong mga anak ng Diyos kung may kaugnayan tayo sa Kaniyang Anak na si Jesucristo. Upang magkaroon tayo ng kaugnayan kay Cristo, kailangan maging miyembro tayo ng kaniyang Iglesia. Ang kaanib sa Iglesiang itinayo ni Cristo ang may relasyon sa Kaniya dahil sa ang Iglesia ay katawan Niya at Siya ang ujo nito (Col. 1:18; Efe. 5:32, MBB).

Kaya, kung sinasabi ng isang tao na siya'y anak ng Diyos o siya'y may relasyon kay Cristo, kailangang mapatunayan muna niyang ang Iglesia o samahang pangrelihiyong kinabibilangan niya ay siyang tunay na kay Cristo sa panahong ito. Ang panginoong Jesucristo na tagapagtatag mismo ng Iglesia, ang mga Apostol Niya, at higit sa lahat, ang Dakilang Diyos, ang mga nagpapatotoo kung alin lamang sa napakaraming iglesia at pangkatan ng pananampalataya ngayon ang iisang Iglesiang itinatag ni Cristo.

Iyon ang iglesiang dapat nating pasukan upang maging totoo at matibay ang ating pagkakatiwalang may relasyon tayo sa Panginoong Jesus, at sa gayon, tayo'y sa Ama na iisang tunay na Diyos.




ANG PATOTOO NI JESUS



Ayon sa Apocalipsis 19:10,

"ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula"


suriin natin kung ang Iglesia Ni Cristo na nagsimula sa Pilipinas ay pasado sa pamantayang ito.


Kung ang Iglesia Ni Cristo ang siya lamang Iglesiang kay Jesucristo, may patotoo ba Siya tungkol dito? May hula(prophecy) ba Siya tungkol sa paglitaw ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas noong 1914?


Ang totoo, ang pagkakatatag ng Iglesiang ito ay katuparan ng hula ni Cristo na nakasulat sa Juan 10:16 tungkol sa Kaniyang ibang mga tupa:




"Mayroon pa Akong ibang mga tupa. Sila ay wala sa kawan na narito. Kailangan ko din silang pangunahan. Sila ay makikinig sa Aking tinig. Sa hinaharap ay magkakaroon ng isang kawan at isang pastol"(Isinalin mula sa Easy-to-Read Version).


Ipinagpauna ng Panginoong Jesus na mayroon Siyang ibang mga tupa na gagawin Niyang isang kawan. Itatatag Niya sila bilang Iglesia Ni Cristo.

Pinatunayan ni Apostol Pablo na ang kawan ng Panginoon ay ang Iglesia Ni Cristo. Ganito ang sinasabi niya sa Gawa 20:28:



"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo"( Isinaling mula sa Lamsa Translation)




Ang pagtitipon ng ibang mga tupa ng Panginoong Jesus upang maging Iglesia Ni Cristo ay mangyayari sa hinaharap o sa darating na panahon. Kaya tinawag Niya silang Kaniyang ibang mga tupa dahil "WALA SILA SA KAWANG NARITO" Na tinutukoy ay ang Iglesi Ni Cristo noong unang siglo.



Hindi nangangahulugang dalawang iglesia ang itinayo ni Crirto. Ang Iglesia noong unang siglo at ang Iglesiang kinabibilangan ng Kaniyang ibang mga tupa ay iisang Iglesia Ni Cristo. Kung paanong iisa ang ulo, si Cristo, iisa lamang ang katawan o Iglesia :




Efeso 4:4
" May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo "



Colosas 1:18
" At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. "


Ang paglitaw ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas ay muling pagkakatatag sa tunay na Iglesia.
Kailangan ang muling pagtatatag sa Iglesiang nagsimula sa Jerusalem noong unang siglo sapagkat ito ay naitalikod sa pananampalataya noong pumanaw na ang mga Apostol:



Gawa 20:29-30
" Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;
At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan. "




1 Timoteo 4:1
" Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio, "




Kung paanong ipinagpauna ng Panginoon na ang Iglesia ay ililigaw ng mga bulaang propeta o mga huwad na tagapangaral :



Mateo 24:4, 9, 11
" At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.
Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.
At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. "





Hinulaan din Niya ang pagkakaroon ng isang kawan sa hinaharap na panahon o ang muling pagtatatag ng Kaniyang Iglesia.



ANG PATOTOO NG MGA APOSTOL



Nagbigay rin ang mga apostol ng patotoO na ang "ISANG KAWAN SA HINAHARAP" na binubuo ng ibang mga tupa ni Cristo ay ang Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas. Ito ang katuparan ng hinulaan ni Apostol Pedro na ikatlong grupo ng mga taong pinangakuan ng Espiritu Santo:



Gawa 2:36, 39
" Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.
Sapagka't SA INYO ANG PANGAKO, at SA INYONG MGA ANAK, at sa lahat ng NANGASA MALAYO, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya. "





Malinaw na ang "SA INYO" ay tumutukoy sa mga Israelita o mga Judio na umanib sa Iglesia noong unang siglo. Ang tinutukoy naman na "SA INYONG MGA ANAK" ay ang mga Gentil na naging Cristiano sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo, pangunahin na ni Apostol Pablo na isang Judio :




1 Corinto 4:14-15
" Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na anak.
Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio. "




Kung gayon, ang "MGA NASA MALAYO" ay hindi tumutukoy sa mga Gentil na naging kaanib sa unang siglong Iglesia. Samantalang ang mga Gentil, kasama ang mga judio, ay tinawag noong panahon ng mga apostol :



Roma 9:24
" Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil? "



Ang ikatatlong grupo naman ay tatawagin pa lamang :



"Sa lahat ng nasa malayo, maging ilan man ang tatawaging ng. . . Diyos. "



Tulad ng nabanggit na, iisa lamang ang tunay na Iglesia. Gayunman, ito ay binubuo ng tatlong grupo ng tao. Ang unang dalawang grupo na magkapanahon--ang mga Cristianong Judio at Gentil-- ang bumubuo sa Iglesia noong unang siglo. Ang ikatlong grupo ay MALAYO sa kanila sa panahon at dako. Ganito ang pagkakasalin ni C.H. Rieu sa Gawa 2:39 :



"Sapagkat ang kaloob ay ipinangako sa inyo, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayong mga panahon at dako, na tatawagin ng Panginoon nating Diyos sa kaniya"(Isinalin mula sa Rieu Translation)



ANG PATOTOO NG DIYOS




Ang malayong dako na mula roon ay tatawagin ang ibang mga tupa ni Cristo ay ang MALAYONG SILANGAN, ayon sa hula ng Diyos sa Isaias 43:5 :



" Mula sa malayong silangan dadalhin Ko ang inyong Lahi, at mula sa malayong kanluran ay titipunin ko kayo "
(Isinalin mula sa Moffatt Translation)



Kabilang sa tinatawag na dako ng mga Gentil ang Roma at Gresya na kapuwa nasa Europa. Ang mga ito ay wala sa Malayong Silangan. Ang Far East o Malayong Silangan ay ang Rehiyon sa ASYA na kinaroon ng Pilipinas (Kenneth Scott Latourette. A Short History of the Far East, p. 290), na rito lumitaw ang Iglesia Ni Cristo sa panahong ito.



Ang binanggit naman na "Malayong mga panahon" ay tumutukoy sa ekspresyong "MGA WAKAS NG LUPA. " Sa panahong iyon tatawagin o dadalhin ng Diyos ang Kaniyang mga anak na lalalaki at babae na mula sa silanganan, sa malayo. Sa Isaias 43:5-6, ay ganito ang nakasulat:




"Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo; dadalhin ko ang iyong lahi mula sa silanganan, at titipunin kita mula sa kanluran; sasabihin ko sa hilaga, 'bayaan mo!' At sa timugan, 'Humag mo silang pigilan!' Dalhin mo ang aking mga anak na mula sa malayo, at ang Aking mga anak na babae na mula sa mga wakas ng lupa"(Isinalin mula sa NKJV)



Ang wakas ng lupa ay sa Ikalawang pagparito ni Cristo o Araw ng Paghuhukom( Mat.24:3; II Ped.3:7). Ang panahon bago ang dakilang araw na iyon ay tinawag ni Cristo na "MGA PINTUAN" na ayon din sa Kaniya ay "MALAPIT NA" (Mat. 24:33). Kung gayon, ang "MGA WAKAS NG LUPA" ay ang panahong malapit na ang wakas.



Kabilang sa mga pangyayaring makikita ayon kay Cristo kung ang panahon ay nasa mga wakas na ng lupa ay mga digmaang aalingawngaw :


Mateo 24:6-7
" At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. "





Ang mga digmaang ito ay mapababalita(Mat.24:6, MB) sa buong mundo sapagkat ang mga digmaang ito mismo ay pambuong mundo.


Sa kasaysayan, may dalawang digmaang pandaigdig, WORLD WAR I(Unang Digmaang Pandaigdig) at WORLD WAR II(Ikalawang Digmaang Pandaigdig), na naganap halos 19 na siglo ang layo sa panahon ng Iglesiang pinamahalaan ng mga Apostol. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sumiklab noong Hulyo 27, 1914. Ito ang pagsisimula ng panahong "MGA WAKAS NG LUPA" kung kailan hinulaang tatawagin ng Diyos ang Kaniyang mga anak mula sa MALAYONG SILANGAN. Bilang katuparan ng hulang ito, ang IGLESIA NI CRISTO ay narehistro sa pamamahalaan ng Pilipinas sa mismong Petsang iyon.



Kung gayon, ang kawan na binubuo ng ibang mga tupa ni Cristo ay ang IGLESIA NI CRISTO na bumangon sa Pilipinas noong 1914. Ang Diyos mismo ang nagpapatotoo na ang mga kaanib sa Iglesian ito ay Kaniyang mga anak. Tiniyak ng Panginoong Jesus na sila'y Kaniyang mga tupa o mga alagad, alalaong baga'y tunay na Cristiano. At ang pahayag ng mga Apostol na sila'y tumanggap ng kaloob ng Espiritu Santo ay katumbas ng na rin ng patotoo na ang Iglesia Ni Cristo ay siyang bayan ng Diyos sa panahong ito(Efeso 1:13-14, MB).


Kaya sa Iglesia Ni Cristo nararapat maging miyembro ang lahat ng nagnanais magkaroon ng relasyon sa Panginoong Jesus upang mapabilang sa mga kinikilala ng Diyos na mga anak Niya.



Ayon kay Apostol Pablo , "Kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo "(Roma 8:16-17). Mamanahin nila ang Bayang Banal na doon ay makakapiling nila ang Diyos magpakailanman (Apoc.21:1-4).




Sabado, Abril 5, 2014

Ang tunay na Cristiano (Alagad ni Cristo)








May maliwanag na mga palatandaang mababasa sa Biblia upang makilal kung sino ang mga tunay na alagad ni Cristo.



Ang mapabilang sa mga alagad ng ating Panginoong Jesucristo ay napakahalaga sapagkat sa kanila nakalaan ang walang hanggang kaligayahan sa tahanang inihanda ng Panginoon sa langit. Dahil dito, mahalagang suriin natin kung papaano tayo mapabilang sa mga kinikilala ni Cristo na Kaniyang tunay na mga alagad. Ganito ang pahayag ng ating Panginoon:



Mateo 28:19
" Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. "



Ibig ng Panginoong Jesus na, hangga't maaari, ang lahat ay maging kaniyang mga alagad. At alinsunod sa paraang itinuro Niya, kinakailangan na ang tao ay mabautismuhan upang siya ay kilalanin ni Cristo na Kaniyang tunay na alagad.




ANG DAPAT BAUTISMUHAN




Sino ang dapat bautismuhan? Ganito ang pahayag ng ating Panginoon :



Marcos 16:15-16
" At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.
Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan
".





Ang pinangaralan ng ebanghelyo na sumampalataya ang dapat na mabautismuhan. Subalit hindi kahit sinong diumano'y nangangaral ng ebanghelyo ay dapat nang pakinggan. Itinuro ni Apostol Pablo na ang pangangaral na dapat pakinggan at sampalatayanan ay ang pangangaral ng may karapatang mangaral ng ebanghelyo, samakatuwid baga'y ang sinugo ng Diyos (Roma 10:15), upang kung siya ay mabautismuhan ay mapabilang siya sa mga tunay na alagad ng ating Panginoong Jesucristo.

Papaano makikilala ang tunay na sumampalataya at nabautismuhan? Ganito ang itinuturo ni Apostol Pablo:



"Tayong lahat, maging Judio o Griego,alipin man o malaya, ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. . ."
I Corinto 12:13 MBB




Malinaw sa pagtuturo ni Apostol Pablo na ang lahat ng tumanggap ng tunay na bautismo, anuman ang lahi o kalagayan,ay nagiging isang katawan. Ang katawan na tinutukoy ay walang iba kundi ang Iglesia (Col. 1:18). Dito idinaragdag ang mga tunay na sumampalataya at nabautismuhan (Gawa 2:41,47). Ang Iglesia na katawan ni Cristo ay tinatawag ng Biblia na Iglesia Ni Cristo:





"Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo " (Roma 16:16, NPV)




Samakatuwid, ang kinikilala ni Cristo na mga tunay na alagad Niya ay nasa Iglesia ni Cristo.



TINAWAG NA CRISTIANO




Noong unang Siglo, nang dumami ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo at makarating sa Antioquia, sinimulan silang tawaging Cristiano:




Gawa 11:26
" At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano, sa Antioquia. "



Ang katawagang "CRISTIANO" ay mula sa pangalang "CRISTO" at tumutukoy sa mga tagasunod o alagad ni Cristo. Batay rito, ang di kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay hindi tunay na Cristiano. Sinasang-ayunan ito maging ng mga kinikilalang AMA ng Iglesia Katolika.


Si Cipriano, Obispo ng Cartago, ay nagpapahayag ng ganito :


"Whoever he is and what ever he is he who is not in the Church of Christ is not a Christian "


sa Filipino :



" Sinuman siya at nasaan man siya, siya na wala sa Iglesia ni Cristo ay hindi Isang Cristiano "

[ Anne Fremantle, ed. The Papal Encyclicals. New York, USA: Mentor Books, 1956, p.39]



Si Agustin ay nagpahayag naman ng ganito :


"I will not believe it, nor will i reckon you among Christians, unless I see you in the Church of Christ. "


sa Filipino:


" Hindi ko paniniwalaan ito, ni hindi kita ibibilang na Cristiano, malibang makita kita sa Iglesia Ni Cristo. "
[The Confessions of St. Augustine, Translated by John K. Ryan. New York, USA: Image Books, 1960, p. 184]



Ayon na rin sa mga teologong Katolikong ito, ang tunay na alagad ni Cristo ay ang nasa Iglesia Ni Cristo.



SUMUSUNOD SA MGA ARAL NI CRISTO



Tangi rito, papaano pa makikilala ang ibinibilang ni Cristo na Kaniyang mga tunay na alagad? Ganito ang ating mababasa sa Biblia :



"Sinabi naman ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kaniya. 'Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo'y mga alagad Ko'. " ( Juan 8:31, MB)




Ang kinikilala ni Cristo na tunay na alagad Niya ay ang sumusunod sa Kaniyang mga aral. Kung gayon, ang hindi sumusunod sa mga aral ni Cristo ay hindi tunay na alagad Niya. Ano ang aral ni Cristo na dapat sundin at paniwalaan? Ang aral ni Jesus:



Juan 10:9
" Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan ".




Aral ni Cristo na upang ang tao ay maligtas ay dapat pumasok sa Kaniya. Ang pagpasok kay Cristo ay sa pamamagijan ng pagsangkap sa Kaniyang katawan :


1 Corinto 12:27
" Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya. "




Ang katawan na tinutukoy ay ang Iglesia:


Colosas 1:18
" At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. "



Ang pangalan ng Iglesia na katawan ni Cristo ay ang Iglesia Ni Cristo (Roma 16:16 New Pilipino Version). Samakatuwid, ang kinikilala ni Cristo na mga tunay na alagad Niya ay ang mga nasa Iglesia Ni Cristn sapagkat sila ang sumusunod sa aral ni Cristo tungkol sa dapat gawin ng tao upang maligtas.




UMIIBIG SA KAPATID




Papaano makikilala ang tunay na alagad ni Cristo? Ganito ang pahayag ng Panginoong Jesus :



Juan 13:34-35
" Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa.
Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa. "





Ang umiibig sa kaniyang kapatid sa pananampalataya ang isa sa mga katangian ng kinikilala ni Cristn na Kaniyang tunay na Alagad. Samakatuwid, ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid sa pananampalataya ay hindi masasabing tunay na alagad ni Cristo o Cristiano.




MAGBUNGA NG KABANALAN AT GAWANG MABUTI



Ano pa ang hinahanap ni Jesus upang isang tao ay mapabilang sa Kaniyang mga tunay na alagad? Ganito ang aral na itinuro ng ating Tagapagligtas :



juan 15:8
" Sa ganito'y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo'y magiging aking mga alagad. "




Kailangang ang tao ay magbunga ng marami upang kilalanin ni Cristo na siya'y kabilang sa Kaniyang tunay na mg alagad. Ang bunga na hinahanap ni Cristo ay ang bunga ng kabanalan at gawang mabuti :



Colosas 1:10
" Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios "



Filipos 1:11
" Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios."




Upang ang tao ay mapabilang sa mga kinikilalan alagad ni Jesus ay kailangang Siya'y magbunga ng gawang mabuti o kabanalan.




PAGLALAGOM



Kaya, hindi sapat na angkinin lamang ng isang tao na siya'y tunay na Cristiano at gayon na nga siya. May maliwanag na mga palatandaang mababasa sa Biblia upang makilala kung sino ang mga tunay na alagad ni Cristo. Maaari itong lagumin, gaya ng sumusunod:



  • Kinakailangang ang nangaral sa kaniya ng ebanghelyo ay may karapatan o sinugo ng Dios.
  • Dapat niyang sampalatayanan ang ebanghelyo na ipinangaral sa kaniya.
  • Kinakailangang siya ay nabautismuhan at napaloob sa Iglesia Ni Cristo.
  • Kinakailangang ibigin niya ang kaniyang mga kapatid sa pananampalataya.
  • Dapat siyang gumawa ng mabuti--ito ang pagsunod sa mga utos ng Diyos na siya ring pagbubunga ng kabanalan. 


Martes, Marso 18, 2014

Ang Isang Taong Bago





Ang Isang taong bago ay binubuo ng ulo at katawan. Sino kaya ang ulo at alin ang katawan na bumubuo rito?


TAGKLAY NG IGLESIA sa Bagong Tipan ang pangalang Iglesia ni Cristo. Nararapat lamang na itoy tawaging gayun sapagkat ang Iglesia ay itinatag ni Cristo at ang Iglesia ay pinag-isa o nilalang na isang taong bago sa paningin ng Dios. Ganito ang pahayag ni apostol Pablo :



Efeso 2:15 
 Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan"


Taliwas sa inaakala ng iba na natuturo, ang tinutukoy na” dalawa “ na nilalang na isang taong bago ay ang mga HUDYO AT GENTIL na naging kaanib sa Iglesia  noong unang siglo,sapagkat sila ay kapuwa naging mga sangkap lamang ng katawan at hindi ang kabuuan ng isang tao. Ang isang taong bago na tinutukoy ay binubuo ng ulo at katawan. Sino kung gayun ang “Dalawa” na bumubuo ng isang taong bago bilang ulo  at katawan? Ganito ang pahayag ni apostol Pablo :



Colosas 1:18
  “At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga’y ng iglesia. “



Si Cristo at ang Iglesia ang dalawa na ginawang isang taong bago. Si Cristo ang ulo at ang Iglesia ang kanyang katawan. Ang Iglesia  (ecclesia sa wikang greyigo) ay nangangahulugang  “ TINAWAG”. Ang mga kaanib nito ay tinawag upang makipag kaisa kay Cristo (I Cor. 1:9,Magandang Balita Biblia).Angkop na angkop na ang Iglesias a Bagong Tipan ay tawaging Iglesia Ni Cristo sapagkat ang mga kaanib nito ay mga sangkap ng katawan ni Cristo :



I Corinto 12:27
“ Kayo nga ang katawan ni Cristo, ang bawat isa’y samasamang mga sangkap niya “




Maging ang mga kaanib sa ibang relihiyon na nagsusuri sa Efeso 2:15 ay sumasang ayun na ang isang taong bago ay tumutukoy kay Cristo at sa Iglesia. Ganito ang kanilang mga patotoo sa wikang Filipino na :



·        Patotoo ng katoliko

“….at ang mga anak niyang naligaw ay makakabalik lamang sa Ama kung sila ay matipong magkakasama sa iisang katawan, ang Taong bago, sa pinakamataas na kahulugan ng salita, ay ang hiwaga ni Cristo. “(Catholicism, p. 27)

·       
     Patotoo ng Protestante


“….Ang taong ito ay hindi nangangahulugang sinumang indibidwal na tao, kundi, ang ‘TAO’ na tinutukoy sa kabanata 2:15, ang ‘TAO’ na binubuo ng Personal na Cristro bilang Ulo, at ang mga kaanib sa Iglesia bilang Kanyang katawan…”(Christian worker’s Commentary on the whole Bible, p. 510)


“…. Kaya ang taong bago ay kapuwa si Cristo at ang Iglesia…”(The Cost of Discipleship, p. 40)



“…. Ang punto ay ito : ang paglalarawan ni Pablo sa Igesia bilang isang katawan, kasama ang ulo, isang taong bago kay Cristo. Si Cristo ang ulo ng buong katawan kung paanung ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa. (cf. I Cor. 11:3; Efe. 5:23)… “



Ano ang kahalagahan ng pagkakalalang kay Cristo at sa Iglesia bilang isang taong bago? Sa efeso 2:15 ay sinasabi :  “Sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan. “  bakit kailangan ang isang kapayapaan at sino ang nangangailangan ng kaayapaan? Ganito ang paliwanag ng Biblia :



Isaias 57:20-21
“  Nguni't ang masama ay parang maunos na dagat; sapagka't hindi maaring humusay, at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi.  Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama. .”



Ang mga taong masama ang nangangailangan ng kapayapaan dahil sila’y nakatakdang lipulin sa araw ang Paghuhukom :



2 Pedro 3:7
"  Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama. "

KAPAYAPAAN : KAILANGAN NG LAHAT



Roma 3:9
"  Ano nga? tayo baga'y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan "


Ang buong sanlibutan ay napasailalim ng hatol ng Diyos sapagkat ang lahat ay naging masama, at “ Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa. “ (Roma 3:12) bunga sa pagkahulog sa kasalanan ng lahat ng tao (Roma 5:12). Kaya , ang lahat ng tao ay nangangailangan ng “kapayapaan sa Dios sa pamamagitan an gating Panginoong Jesucristo “ ( Roma 5:1 ).



SA PAMAMAGITAN NI CRISTO LAMANG

Ang kapayapaan sa Diyos na kailangan ng lahat ng tao ay matatamo lamang sa pamamagitan ni Cristo. Sa Efeso 2:14 ay sinasabi :



“ Sapagkat siya ang ating kapayapaan, na kanyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na ngapapahiwalay “


 Ang “ Pader “ na sinasabing “ Nasa gitna na nagpapahiwalay “ sa Diyos at sa mga tao ay ang kasalanan :


Isaias 59:2
“ Kundi pinaghihiwalay ng inyung mga kasamaan kayo at ang inyong Diyos, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya’y huwag makinig. “


Bakit si Cristo ang  ating kapayapaan? Ao ang ibig sabihin ng giniba ni cristo ang pader o ang kasalanan na nagpapahiwalay sa Diyos at sa mga tao?



Colosas 1:21-22
"  At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama.
" Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya "

Ang tao na naging kaaway at nahiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan ay ipinakipagkasundo sa kanya sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo. Sa gayon, nagiba ang pader na nagpapahiwalay sa Diyos at sa mga tao. Nang dahil sa kamatayan ni Cristo naipagkasundo ang tao sa Diyos.
            Kaya ang tinutukoy dito na nagkahiwalay na pinagkasundo sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo ay hindi ang mga Gentil at mga Judio, kundi ang Diyos at ang lahat ng mga taong tinubos ng dugo ni Cristo. Sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo ay nabayaran ang pagkakasala ng tao sa Diyos kaya napayapa ang alitan ng Diyos at ng tao :


Efeso 2:4-5
" Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,
Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas) "



                Pinatunayan sa atin ng mga talatang ito na ang tao, bagaman itinuring nang patay dahil sa kasalanan, ay binuhay na kalakip ni Cristo dahil sa malaking pag-ibig ng Diyos.



ANG KATUWIRAN SA PAGLILIGTAS

          Bakit upang  matamo ng nagkasala ang kapayapaan sa Diyos at maligtas ay dapat munang lumakip siya kay Cristo o malalang silang dalawa na isang taong bago? Sapagkat kung ang nagkasala ay hindi lalakip kay Cristo, magiging labag sa katarungan at sa batas ng Diyos na si Cristo na walang kasalanan ang mamatay. Ang batas ng Diyos ay nagtatadhana na kung sino ang nagkasala, siya ang dapat namanagot:


Deuteronomio 24:16
"  Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan. "


            Batas ng Diyos na ang nagkasala ang dapat mamatay. Papaano, kung gayon, hindi naging labag sa batas ng Diyos at naging makatarungan ang kamatayan ni Cristo gayong siya ay hindi nagkasala, dahil sa paglakip sa kaniya ng mga nagkasala, Siya ang inuring maysala :



II Cor. 5:21
“  Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios. “


                Si Cristo na walang kasalanan ang inuring maysala dahil sa mga taong lumakip sa kaniya ay ginawa Niyang kanyang katawan at siya ang lumagay na ulo (Efe.5:23; Col. 1:18 ). Sa kabuuan ay hindi na sila dalawa , kundi, iisa na—isang taong bago. Dahil ditto, naging makattuwiran ang kamatayan ni Cristo sapagkat ang pinanagutan Niya bilang ulo ay ang kanyang katawan na ito ang Iglesia. Ang paglalang mula sa  dalawa na  maging isang taong bago ang kaparaanan sa pagligtas na pananukala ng Diyos at isinakatuparan.



GANAP NA PAGKAKAISA

          Sa pamamagitan ng taong bago matatamo ang kapayapaan. Ito ang pakikipagkasundo sa Diyos ng mga tao na inihiwalay ng kasalanan upang huwag  na silang mahatulan sa araw ng Paghuhukom. Ang paglalang ng isang taong bago ay nagpapakilala ng kahalagahan ng IGLESIA NI CRISTO. Sa Cristo ang ulo at ang Iglesia ang katawan---Sila ang dalawa na nilalang a isang taong bago. Ito ay sinasang-ayunan maging sa panimula  ng aklat ng Efeso sa BIblia na magkasamang isinalin ng mga awtoridad Protestante at Katoliko :




                “ Sa unang bahagi ng efeso, tinalakay  niya ang pagkakaisa. Tinalakay rin niya ang paraan ng pagpili ng Diyos Ama sa kanyang bayan, sa pagpapatawad at pagpapalaya sa kanila mula sa kanilang kasalanan at pamamagitan ni Jesu-Cristong Anak Niya. Gayun din, binanggit niya kung papaano pinatutunayan ng Espiritu Santo ang dakilang pangakong Diyos. Sa ikalawang bahagi, nanawagan siya na sila’y  mamuhay sa paraang angkop sa kanilang pakikipagkaisa kay Cristo.
“ Gumamit siya ng ilang paghahambing upang ipakita ang pagkakaisa ng mga anak ng Diyos sa pakikipag-isa nila kay Cristo : ang Iglesya ay tulad ng katawan, si Cristoang ulo…”(EFESO: Panimula, Magandang Balita Biblia)



                Kaya, dapat maging maingat ang tao sa pagpili ng relihiyon na kaniyang aaniban. Dapat ay umanib siya sa Iglesia Ni Cristo. Lubhang mahalaga na sa Iglesia ni Cristo mapaanib ang tao sapagkat ito ang katawan ng panginoong Jesus na siyang nagkamit ng kapayapaan sa Diyos at pinangakuan Niya na maliligtas pagdating sa takdang panahon.




SANGGUNIAN

“….And his straying children can only find the way to the father
if they are gathered together in one body, the new man
whose head is our redeemer . This mystery of the new man
is in the highest sense of the word the mystery of chris. “
(De Lubac, Henri, S.j.Catholicism. New York, USA: Sheed & ward, Inc., 1964)
 
 
 
 
“…We will be ‘the New Man’ who is, in fact,
 One Man—the one Christ, Head and Members.”
(Merton, Thomas. The New Man. New York, USA: Bantam Books, 1961.)
 
 
 
“…This ‘man’ does not mean any individual man,
 bit the ‘MAN’ feferred to in chapter 2:15,
 the ‘MAN’ composed of the Personal Christ as the head,
 and tahe members of the church as His body…”
(Gray,James M.,D.D.Christian Worker’s Commentary 
on the Whole Bible.New Jersey, USA:Spire Books, 1971.)
 
 
 
“…The church is called also ‘ One New Man’.Ephesians 2:15.
The New Man is made up of members and head.”
 (O’Hair, Pastor J.C. The Christian Life. Chicago, Illinois:n.p.,1978)
 
 
 
 
“…Hence the New Man is both Christ and the Church…”
(Bonhoeffer,Dietrich. The Cost of Discipleship.
 New York, USA:The Mcmillan Company, 1949)
 
 
 
“…The point is that Paul’s image of the church
 as a body ia the image of a whole body, head included,
 a new man in Christ.Christ is the head over the whole body
 as the husband is the head over the wife 
(cf. I Cor.11:3;Eph. 5:23)…”
(Carson,D.A.,Ed. Biblical Interpretation and the church:

 Text and context. UK:Baker Book House & The Paternoster Press, 1984)