Huwebes, Disyembre 19, 2013

Juan 1:18 , juan 6:46 Dios kaya si Cristo?


Ang mga mangangaral na nartuturo sa pagka Dios ni Cristo ay may mga talata na pinanghawakan, para palitawin ang pagkaDios daw ni Cristo, ang malaking batayan nila , ay ang nakakita sa Dios ay si Cristo, na ganito ating sipiin :



Juan 1:18
"Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya."

na katumbas din sa talata na ito,


Juan 6:46.
""Hindi sa ang sinoma'y nakakita sa Ama, kundi yaong nanggaling sa Dios, siya ang nakakita sa Ama."



Ngayun po, atin po itong pag aralan, anu po ba talaga ang kalagayan o katangian po ng Isang tunay na Dios ayun sa mga pagtuturo sa biblia ? Ganito po ang patotoo ng biblia :


1 Timoteo 1:17
"Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, DI NAKIKITA, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.""



Ito ang katangian ng Isa Dios na tunay, ay Di talaga nakikita, . bakit po, anu ba talaga ang kalagayan kapag hindi sya nakikita?sipiin natin ang pahayag mula sa juan 4:24 ganito ang ating mababasa :



juan 4:24
"ang Dios ay Espirito...."


Malinaw po sa atin,na kaya pala sinabi na ang Dios hindi nakikita,sapagkat Espirito ang kalagayan nya, na ito naman po ay nilinaw ni Cristo na ang Espirito ay walang laman at buto (Lukas 24:39 )



Ngayun Ano ba ang kahulugan ng sinabi ni Cristo na siya lamang ang nakakita sa Ama? Sa Juan 14:7 ay ganito ang mababasa :


"Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon SIYA'Y INYONG MANGAKIKILALA, at siya'y INYONG NAKITA.""




Malinaw po pala sa talata, pati din tayo ay nakakita sa Dios,ngunit hindi ito literal, kundi pagkilala 
natin ito sa kanya. .at si Cristo lamang ang nakakilala sa AMA, at itoy ipinakilala nya sa atin, na gaya ng nasa talata ng juan 1:18 :

"siya ang nagpakilala sa kanya"


Ngunit hindi ito marapat ipakahulugan na Siya ay Diyos, sapagkat Siya ay sugo ng Diyos.na gaya ng nasa talata :



Juan 7:28-29
"Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin ay tunay, NA HINDI NINYO NAKIKILALA. SIYA'Y NAKIKILALA KO; SAPAGKA'T AKO'Y MULA SA KANIYA, at siya ang nagsugo sa akin."





Nakikilala ni Cristo ang Diyos sapakat Siya'y mula sa Diyos. Hindi ito maaaring ipakahulugan na si Cristo ang Diyos sapagkat siya ay isinugo ng Diyos. Iba ang Diyos na nagsugo kaysa kay Cristo na isinugo. Iba si Cristo na nanggaling sa Diyos kaysa sa Diyos na pinagmulan Niya.

11 komento:

Gemma Sanchez ayon kay ...

Ano kayu din nakakita sa dios???πŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†

Gemma Sanchez ayon kay ...

Wala ngang nakakita tapos sabe mo sa post mo nakita nyo din baliw ka ataπŸ˜†

Gemma Sanchez ayon kay ...

Ibig sabihin di nio nakilala dahil walangang nakakita kailanman
Kontra kontra kaπŸ˜†

Gemma Sanchez ayon kay ...

Sir bat ambobo mo
Wala nga nakakita kailanman na tao e di walang nakakilala kailanman na tao

Gemma Sanchez ayon kay ...

pati kayu nakakita sa ama?
Wala ng nakakilala kailanman na tao
Katumbas ng walang nakakita kailanman na tao

Hindi pala kayu taoπŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†
Kontra ah

Gemma Sanchez ayon kay ...

Naglatag k ng kung akoy inyong nakikilala ay nakilala nio na ang ama at sabe nakita na ninyo siya

Tanong nakita ng tao o hindi
Nakilala ba?

Sagot walang tao nakakita kailaman e d hindi kayu tao nkita nio pala😁


Not angel ayon kay ...

Ayrah V Delos Reyes porke ba nakakila ay LITERAL NG NAKAKITA?

ayan ang maling unawa mo iha

Lalabas madameng nakakita kung literal palang nakita ang nakakilala

Kokontrahin mo to
Walang tao nakakita kailanman si kristo lang kase literal nyang nakita

Hindi katulad ng iba nakilala peru hindi literal na nakita
kaya tama ang Juan 1:18 walang kontrahan
walang tao nakakita kailanman sya lang LITERAL

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Hindi literal n nakita Ang Diyos na may laman at buto.. sabi nga Ang Diyos ay spirito... Bilang INC ano ba Ang nakita ko ( Hindi literal na nakita) kundi Ang Pag-ibig ng Diyos kahit na di tayo karapatdapat sa kaligtasan pilit nya parin tayong kina kandili..

Not angel ayon kay ...

Walang tao nakakita kailanman sa ama,ang bugtong na anak sya ang nakakita sa ama
Juan 1:18

E di hindi talagang tao si Cristo nagkatawang tao lang, nakita nya ang Ama.

Hindi sa ang sinoma'y nakakita sa Ama, kundi yaong nanggaling sa Dios, siya ang nakakita sa Ama.

John 6:46

Sino ang nangaling sa Dios?

Basa.

Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.

John 8:42

Inc gagamit ng John 14:7 para kontrahin ang stand ko😁

Ang Dating Biblia (1905) Juan 14:7 Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita.

Aba lalabas daw hindi na din tao ang nakakilala kase nakita

Aba ginawang LITERAL ang pag unawa porke nakilala eh LITERAL NA AGAD NAKITA😁

so dahil sa kakatutol ng iglot sa stand ko na
Walang tao kailanman nakakita sa ama

Lumalabas tuloy mali ang pagkakasulat sa Juan 1:18😁

Marameng tao kailanman ang nakakita sa ama

Kase nga nakilala nila peru hindi nangangahulugang literal na agad nakita😁

Dahil ang bugtong na anak lamang ang nakakita ayon sa Juan 1:18
Malamang literal yun na nakita😁

Not angel ayon kay ...

Kinengkoyo lang bos sige susundan kita nakakita pala ay nakakilala ang kahulugan

Walang taong nakakilala kailanman sa dios ang bugotng na amak sya ang nakakilala



So hindi tao si kriato siya lanag ang nakakilala😁

Gemma Sanchez ayon kay ...

Boss sablay pa din isipa ka pa uli ibang pamimilipit

Binigyan mo lang ng kahulagan ang ang nakakita meaning kuno nun nakakilala

Subukan natin iapply

Yang sinasabe mo
Walang taong NAKAKILALA KAILANMAN SA AMA
ang bugtong na anak sya lamang ang nakakilala

Ganon pa din hindi talaga tao nagkataeang tao lang
Usesless pinagsasabe mo😁😁😁