Maraming tagapangaral ang gumamit ng talatang ito upang patunayan daw na Dios si Cristo. Ang nasa larawan ay isang kaanib naman ng Ang Dating Daan o MCGI na nagpapatunay nagumamit din sila sa salin na ito. Subalit, kung susuriin ba natin ang tunay na nakasulat, tutugma kaya sa kanilang pag iba sa tunay na nakasulat? Upang mapatunayan natin kung sino ang nangdadaya sa bahaging ito ay mas mabuting suriin natin.
Ang dahilan kung bakit inakala ng marami na si Jesus ay Diyos ay dahil sa pagkakasalin ng Filipos 2:6-8 sa Magandang Balita Biblia.
Sa kaalaman ng LAHAT, Ito ay isang SALIN ng Biblia sa Filipino na pinagtulungang gawin ng mga iskolar na PROTESTANTE at KATOLIKO. Paano nila isinalin ang talatang Filipos 2:6-8? Isinalin nila ito batay na rin sa kanilang paniniwala na si Jesus ay Diyos at iniba ang nakasulat. Ganito ang laman ng talata sa MBB
“ Na kahit Siya'y tunay at likas na DIYOS, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin. Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus.” Filip. 2:6-8, MBB
Isinalin nila ang mga talatang ito sa paraang lilitaw na si Jesus ay Diyos. Kung hindi ka magsusuri ay talagang madadaya tayo, Inalis na nila ang salitang “NASA ANYO” . Anong maling turo ang ibinunga ng salin ng Filipos 2:6-8 sa Magandang Balita Biblia? Lumilitaw dito na dalawa ng Diyos: isang Diyos (Jesus) na hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos, at isang Diyos na hindi pinagpilitang pantayan. Sinasalungat nito ang itinuro ni Jesus at ni Apostol Pablo na ang Ama lamang ang iisang tunay na Diyos (Juan17:1, 3; I Cor.8:6).
Ikalawa, kung si Cristo rin ang Diyos, paano mauunawaan ang kasunod na talata sa Fil.2:9?
Sa talatang 9 ay nakasulat na si Jesus ay itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Malinaw na iba ang itinampok at binigyan sa nagtampok at nagbigay. Kaya iba si Cristo sa Diyos.
Kung gayon, ano ang tunay na nakasulat kung susuriin natin ang Greek ? Pansinin natin ang isang salin :
ΦΙΛΙΠΠΗΣΙΟΥΣ 2:6 ος εν μορφη θεου υπαρχων ουχ αρπαγμον ηγησατο το ειναι ισα θεω[Textus Receptus]
Kung babasahin po ay :
" os en MORFI THEOU yparchon ouch arpagmon igisato to einai isa theo. "
Pansinin po ninyo ang " μορφη θεου " na kung babasahin yan ay "morfi theo". Ang " Morfi" po ay FORM o anyo, at malinaw na ito ang kanilang binawas sa Biblia upang madaya ang tao. Nakakalungkot sapagkat marami na ang kanilang nadaya dito. Ano ang katumbas na salin? Narito ang isang salin na ANG BIBLIA :
Filipos 2:6 Na siya, bagama't NASA ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, [Ang Biblia]
Natitiyak natin na ang sinumang tagapangaral na gumagamit sa Filipos 2:6-8 bilang batayan sa pagtuturo na si Jesus ang tunay na Diyos ay nagkakamali ng pagkaunawa.
Ayon sa mga naniniwalang si Cristo ay Diyos, ang Filipos 2:6-8 daw ay nagpapatunay na si Jesus ay Diyos. Kahit raw sinabing “nasa anyong Diyos.” ay patotoo parin daw na Dios sapagkat si Jesus ay “nasa anyong Diyos,” Siya raw ay Diyos. Ating suriin, dahil ba sa sinabi sa Filipos 2:6-8 na si Cristo ay “nasa anyong Diyos”. Dios na?
Balikan natin ulit ang Talata na hindi yung ginamit sa pandaraya :
“ Na siya, bagama't nasa anyong Dios , ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, “Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: “At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.” [Ang Biblia]
Si Apostol Pablo mismo ang sumulat na si Cristo ay “nasa anyong Diyos” kaya hayaan nating siya rin ang magpaliwanag nito. Bakit niya sinabi na si Cristo ay “nasa anyong Diyos”? Sinabi ni Apostol Pablo na si Cristo ay “nasa anyong Diyos” sapagkat Siya ay larawan ng Diyos:
“…upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.” II Cor. 4:4
"Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang; " col. 1:15
Ngunit paano naging larawan ng Diyos ang ating Panginoong Jesucristo? Larawan ba Siya ng Diyos sa kalikasan? Hindi, sapagkat ang Diyos ay espiritu samantalang si Cristo ay may laman at buto (Luk. 24:39 ).
Si Cristo ay larawan ng Diyos sa kaabanalan. Narito ang katunayan:
“Sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios:magpakabanal nga kayo at kayo'y maging mga banal; sapagka’t ako’y banal…” [Lev.11:44]
Kung paanong ang Diyos ay banal, ganoon din si Cristo.
“Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis…” [Heb. 7:26]
Ang dahilan nito ay sapagkat si Cristo ay pinabanal ng Diyos:
“Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan…”[Juan10:36]
Bagaman ang lahat ng tao ay nilikha ng Dios ayun sa larawan Niya [ Genesis 1:27], sa KABANALAN parin [Efeso 1:4], ay walang nakatugon sapagkat lahat ay nagkasala :
Roma 5:12, MB
".....lumaganap ang kamatayan sa lahat
ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala "
Roma 3:23
" Sapagka't ang lahat ay nangagkasala
nga, at hindi nangakaabot sa
kaluwalhatian ng Dios; "
Dahil dito, napakalaki ng suliranin ng tao. Nawala siya sa pagiging KALARAWAN NG DIOS at nagkaroon na ng kamatayan, hindi lamang sa pagkalagot ng hininga, kundi ang IKALAWANG KAMATAYAN na kaparusahang walang hanggan sa dagat- dagatang apoy (Apoc.20:14 )
MULING MAGING KALARAWAN
Upang maligtas sa parusa ay kailangang makabalik ang tao sa uring kalarawan ng Dios. Paano mangyayari ito? Dapat siyang maging katulad ng LARAWAN NG ANAK NG DIOS:
Roma 8:29
" Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid "
Ito ay sapagkat si Jesuscristo nga ang
larawan ng Dios.
Colosas 1:15
" Na siya ang larawan ng Dios na di
nakikita, ang panganay ng lahat ng mga
nilalang "
Ayon sa Biblia, si Cristo lamang ang taong hindi nagkasala [ Juan 8:40; 1 ped. 2:21-22 ]. Kaya Siya lamang ang nakatupad ng layunin ng Dios na ang tao ay maging kauri Niya (Dios) sa pag-ibig at kabanalan. Ang mga taong larawan ni Cristo, kung gayon, ang kalarawan ng Dios.
Ang Diyos at si Cristo ay kapuwa banal. Kung gayon, sa kabanalan “larawan ng Diyos” si Cristo, kaya sinabi ni Apostol Pablo na si Cristo ay “nasa anyong Diyos.” suriin naman natin ang binanggit din ni Apostol Pablo sa Filipos 2:6-8 na “di niya inaring pagkapantay niya sa Diyos.” ganito po ang dahilan :
“Sinabi ni Yahweh, ‘Saan ninyo ako itutulad? Mayroon bang makapapantay sa akin?”
“Dili-dilihin ninyo Ang matagal nang nakaraan. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, At liban sa akin ay wala nang iba.” [Isa. 46:5, 9, MBB]
Maaari bang may kapantay ang nag-iisa? Kung may kapantay ang Diyos sa pagiging Diyos, lilitaw na hindi na Siya ang iisang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Sasalungat na ito sa itinuturo ng
Biblia.
Suriin naman po natin bakit hinubad niya ito? ano ang HINUBAD niya?
Roma 8:3-4
" Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na NAGANYO LAMANG SALARIN at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan"
" Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu "
Ang sabi ng talata, sya ay nag anyong salarin, samakatuwid ang KABANALAN parin ang hinubad ni Cristo at nag anyong alipin o salarin. Bakit naman po siya nag anyung SALARIN? Ganito po ang ating mababasa :
2 cor 5:21 " Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios."
Siyay ibinilang na makasalanan upang makipagkaisa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng DIOS sa pamamagitan niya. Banal pa ba si Cristo dahil hinubad na niya ito? baka po matanung ng ilan. ganito po ang kasagutan :
Roma 10:36 " Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios? "
Banal parin po sapagkat siya nga ay pinabanal ng AMA na siyang nagsugo sa kanya.Kaya po sanay naging malinaw at maituwid ang mga maling isipan.
53 komento:
Kung susuriin lang sanang mabuti na ang pamamaraan ay hindi literal na konklusyon ang gagawin, mabubuksan sana ang mga kaisipan na patuloy na binubulag ng dios ng sanlibutang ito.
Ang pagiging iisa ng Dios ay wala tayong pagaalinlangan na ganun nga. Subalit ang sabihin na tanging ang Ama lang ang tunay na Dios ay maraming magiging kontaradiksyon sa Biblia.
1+1=2 ang formula ng mga literal magisip.
Subalit sa Dios ay hindi palaging ganoon lalo pa't kung ang pag uusapan ay ang tungkol sa pagiging Dios ni Cristo.
Ang pagiging Dios ni Cristo ay pilit na hinahanapan ng mga paliwanag na kokontra sa sinasabi ng Biblia. Ang nakakalungkot, pag ang salin ay malinaw na nagsasabi na Dios nga si Cristo, iisa lang ang iisipin, mali ang salin o basura.
Isang halimbawa na hindi literal sa Biblia ay ang pagiging iisa ng babae at lalake kapag sila ay mag asawa. Bagama't dalawa silang persona ay iisa lang sila sa paningin ng Dios.
Kung pag aaralan natin ang nakasulat sa Fil. 2, ang sabi ni Apostol Pablo ay gayahin natin ang klase ng pagpapakumbaba ni Cristo na bagamat Dios ay hindi niya inaring isang bagay na naratapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios kundi bagkus hinubad niya ito
Naipakita ng Panginoon ang kapakumbabaan sa pamamagitan ng bagamat siyay Dios ay hinubad niya ang kanyang Pagka Diyos. Mula sa pagiging walang laman at dugo tungo sa pagkakaroon ng mga komposisyon ng kung anong mayroon ang tao , na di nga bat laman at buto.
Dapat mapansin na bago siya nagkaroon ng laman at buto ay nasa kalagayan siya na walang komposisyon ng laman at buto . Kaya naman hindi pwedeng sabihin o gawing rason na kaya siya hindi Dios ay dahil meron siyang laman at buto. Pilit na pinagkukumpara ng mga taong ang paniniwala ay literal , ang kalagayan ni Cristo nung maging tao ngunit hindi dun sa aspeto bago siya magkatawang tao. Ano ba siya dati? Napakalinaw naman sa Juan 1:1 na siya ay Dios. ANG SALITA na sinasabing Dios ay nagkatawangtao. Anong malabo dun? Nalalabuan lang naman ang iba kasi nga nakatatak sa isip na literal magisip na iisa lang naman ang Dios . Na kung Dios din si Cristo di dalawa na ang Dios? Hay buhay,,
Hindi nyo ba napapansin na sa kanila ay mas maraming Dios? Ang Ama, ang spoken word at ang trono. Pati trono, dios? Sagot naman nila, E kasi yun ay luklukan ng Diyos. Di ang langit pala Dios din kasi ito ay tirahan ng Dios. E bakit ang Espiritu Santo na anila ay kapangyarihan daw ng Diyos ay hindi raw Dios. Kaya naman ayaw pagbasahin ang mga miyembro kasi malilito.
Ang nakakalungkot, me kilala akong medyo may edad na na aniya ay since birth raw ay member na siya ,ay hindi kilala ang Espiritu Santo. Bakit ayaw kaya nilang ipakilala? Hindi ba ipinakilala siya ng Panginoong CristoJesus bilang ang Mangaaliw? At ang gamit na salita patungkol sa Kanya ay 'siya'. Ano bang ibig sabihin nun? Hindi ba siya ay isang personalidad din? Kung siya ay basta kapangyarihan lang ng Dios bakit kaya kailangan pang constantly ay capitalized pag binabanggit ang Espiritu Santo.
Hindi kaya may significant yun?
Kung ako ang tatanungin syempre meron.
Kunsabagay, hindi sila masisisi kung bakit ganun na lang ang kanilang kapit sa paniniwala na ang Ama lang ang Dios. Literal nilang inunawa ang panalangin ng Panginoong Jesus nung isang pagkakataon ay sinabi niya na; ..ang makilala ka nila na iisang Dios na tunay.
E paano naman kaya yung isang pangyayari na sinabi ng Panginoon na walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Pero sigurado may sagot na naman sila.
Ito ang dapat nilang pag isipan:
Ako bilang sumasamba kay Cristo ay itinuturing ko siyang Diyos. Ngunit sinasabi nila ay hindi isang tunay na Dios, ano ngayon ang lalabas?
Tip :
Ang tawag sa baril kapag hindi totoo ay baril barilan.
At ang tawag sa hindi tunay na tao ay tau-tauhan, ano naman ang tawag kapag hindi tunay na Dios?
Kaya aminin man nila at sa hindi ay diyos diyosan si Cristo.
Kakalungkot...
Bakit naman kailangan pang i apruba? Siguro pag walang maisagot ay hindi na lang ipapublish.
Request a dabate mr.obmil :)
Si itlog
Bakit hindi ka mag banggit ng talata na si Cristo mismo ang nagsabi na siya ay Diyos? Hindi pwedeng basehan ang opinyon ng tao dahil ang tao ay may kanya kanyang opinyon. Ano ba ang sinasabi sa Bibliya? Magbigay ka ng mga talata, may sagot sa mga yan. Pero anong sagot mo sa pagpapahayag ng mga Apostol at ang panginoong Jesus Cristo na may iisang Diyos lamang?
credits po sa true author
Ang pahayag po na si Cristo ay tao ay hindi po amin kundi ang Panginoong Jesus po mismo ang may sabi nito:
Juan 8:40
“Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.”
Hindi lamang malinaw na ipinahyag dito ng Panginoong Jesus na Siya ay tao kundi ipinakita rin niya na IBA SIYA SA DIYOS. Ang sabi Niya ay "taong sa inyo'y nagsasaysay ng katotohanan na aking narinig sa Dios." IBA SI JESUS NA NARINIG ANG KATOTOHANAN KAYSA SA DIYOS NA KINARINGGAN NIYA NG KATOTOHANAN.
Ang pahayag ng Panginoong Jesus na Siya ay tao ay KATUMBAS NA SIYA AY HINDI DIYOS. Ganito ang pahayag ng Panginoong Diyos sa
Oseas 11:9
“Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: SAPAGKA'T AKO'Y DIOS, AT HINDI TAO; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.”
Malinaw po ang pahayag ng Diyos na “Ako’y Dios, at hindi tao.” Ang totoo ay sinabi rin po ng Panginoong Diyos na ang tao ay hindi Diyos:
Ezekiel 28:2
“Anak ng tao, sabihin mo sa prinsipe sa Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang iyong puso ay nagmataas, at iyong sinabi, Ako'y dios, ako'y nauupo sa upuan ng Dios, sa gitna ng mga dagat; gayon man IKAW AY TAO, AT HINDI DIOS, bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios;” (Emphasis mine)
Malinaw po na nakasulat sa Biblia ang pahayag ng Diyos mismo na ANG DIYOS AY HINDI TAO, AT ANG TAO AY HINDI DIYOS.
PANSININ PO NINYO: KUNG ANG DIYOS AY HINDI TAO AT ANG TAO AY HINDI DIYOS, AT SI CRISTO MISMO ANG MAY PAHAYAG NA SIYA AY TAO, SAMAKATUWID, ANG KATUMBAS NG SINABI NI CRISTO AY SIYA’Y HINDI DIYOS.
Ang Diyos po ay hindi tao sapagkat Siya ay espiritu sa likas na kalagayan (Juan 4:24), na ang katumbas po ay Siya’y walang laman at buto:
Lukas 24:38-39
“At sinabi niya sa kanila, Bakit Kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”
Ang Diyos po ay espiritu – walang laman at buto, samantalang ang tao ay laman (Gen. 6:3). Samakatuwid, ANG DIYOS AY HINDI TAO SAPAGKAT SIYA AY ESPIRITU WALANG LAMAN AT BUTO, AT ANG TAO AY HINDI DIYOS SAPAGKAT SIYA’Y MAY LAMAN AT BUTO.
Sa Lukas 24:38-39 ay malinaw din po na sinabi ni Cristo na “ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita NA NASA AKIN.”
Kaya kung tatanggapin natin na si Cristo ay Diyos na totoo at taong totoo ay nalalabas na si Cristo ay totoong walang laman at buto, at totoong may laman at buto.
Totoo po na walang imposible sa Diyos, subalit isa ring katotohanan na hindi gagawin ng Diyos ang isang “kaguluhan” – ‘confusion” at “absurdity” na tulad ng “Diyos na totoo” (walang laman at buto) at “taong totoo” (may laman at buto) – sapagkat ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan:
I Corinto 14:33 KJV
“For God is not the author of confusion…”
Dapat ding tandaan na ang Diyos ay tapat sa Kaniyang salita na hindi niya sisirain o babaliin ang Kaniyang sinalita:
Santiago 1:17
“Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.”
Sinabi ng Diyos na “Ako’y Dios (isang espiritu, walang laman at buto) at hindi tao (hindi isang may laman at buto).” Hindi ito sisirain, hindi ito babaliin ng Diyos na “walang pagbabago, kahit anino man ng pag-iiba.”
Samakatuwid, tandaan po natin ang mga katotohanan na itinuturo ng Biblia:
(1) Si Cristo mismo ang nagsabi na Siya ay tao (Juan 8:40).
(2) Ipinakita rin ni Cristo na iba Siya sa Diyos (Juan 8:40).
(3) Ang katumbas ng sinabi ni Cristo na Siya ay tao ay siya’y HINDI DIYOS, sapagkat ang Diyos ay hindi tao at ang tao ay hindi Diyos (Ose. 11:9; Ezek. 28:2)...
CREDITS SA ORIGINAL AUTHOR

(3) Ang katumbas ng sinabi ni Cristo na Siya ay tao ay siya’y HINDI DIYOS, sapagkat ang Diyos ay hindi tao at ang tao ay hindi Diyos (Ose. 11:9; Ezek. 28:2).

(4) Hindi maaaring si Cristo ay tao at Diyos pa sapagkat lalabas na si Cristo ay may laman at buto (taong totoo) at walang laman at buto (Diyos na totoo).(Luk. 24:38-39)
(5) Sabihin man na walang imposible sa Diyos subalit gagawin ng Diyos ang isang kaguluhan (confusion at absurdity) na ang kapuwa walang laman at buto at may laman at buto, sapagkat ang Diyos ay “not the author of confusion.” (I Cor. 14:33 KJV)
(6) Ang Diyos ay tapat sa Kaniyang salita Sinabi ng Diyos na “Ako’y Dios (isang espiritu, walang laman at buto) at hindi tao (hindi isang may laman at buto).” Hindi ito sisirain, hindi ito babaliin ng Diyos na “walang pagbabago, kahit anino man ng pag-iiba.”
Kung hindi si Cristo ang kinikilalang Diyos ng Iglesia Ni Cristo ay ano ang pagkakilala ng Iglesia Ni Cristo sa Kaniya at sino ang kinikilala naming iisang tunay na Diyos? Ganito ang mismong pahayag ni Cristo:
Juan 17:1,3
“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”
Ang Ama ang kinikilala naming iisang tunay na Diyos, at si Cristo ang Anak ng Diyos na Kaniyang isinugo
di mo alam tawag sa di tunay na Dios ? Dyus-Dyusan po ang sagot tama ka di tunay na baril ay baril barilan kasi talagang pilit mo lang na pinalalabas na ang totoong kalagayan ng Panginoong Hesukristo ay Dios na sya ang Dios mali po kaya hinubad ni kristo at nagpakababa na sya kasi itinaas sya ng lubos ng Dios na katulad ng Dios ganito yan ganito tamang tip kung ang isda ay lumalangoy tapos ang isang tao marunong lumangoy ibigsabihin isda narin sya? kasi marunong din sya lumangoy maunawaan nyo sana at maintindihan.
Mali nga po ang salin kc iniba ng mga iskolar nyong protestante at mga katoliko. Kayo na kinatuparan ng hula na lilitaw at mag papangaral ng ibang "Jesus"
Isa pa wala kang mababasang persopersona sa bibliya. Walang tatlong persona sa bibliya. Aral ng Katoliko yan. Kung sumunsunod ka sa aral na yan edi kaisa ka sa mga maling tagapangaral. Mga bulaang propeta. Ang Panginoong Jesus ang tanungin mo kung Dios ba sya? Ang sabi nya Sinugo sya ng Dios. Kahit kailanman wala syang binangit na Dios ako. Wag po kayo gumawa ng sariling aral na lumalabag sa nakasulat sa Banal na Kasulatan. Ang isa sa utos sa atin ng Dios ay wag babawasa ni daragdagan ang salita Nya na nakasulat sa Biblia

Palagay ko kulang ang pang unawa nyo s bibliya........basahin nyo nlng ang mga matatandang kasulatan o mismo sa wilang hebrew o greek para malaman nyo na tunay na kalagayan ni jesus......mag aral kayo ng totoo.....wag kayong pabulag pra mkita nyo ang evanghilio ni jesus bilang diyos na nkarating s lupa.

Ang Diyos ay nag-iwan ng halimbawa sa ating Pamilya at makikita natin na ang Ama ang may pinaka mataas na kapangyarihan at kapamahalan at bawat meyembro ng pamilya ay sumusunod sa kanyang ipinag-uutos.... At kung may Anak siyang Panganay ay ang Anak niyang Panganay ang pumapangalawa sa kanyang na mamahala sa pamilya kapag wala ang kanyang Ama at ganyan ang kalalagayan ng Ama at Anak...

Dapat inunawa mo muna ang paliwanag ng article alam mo brad kung tatanggapin mo Diyos si Cristo... Lalabas kinokontra Niya ang sarili Niya pahayag sa Juan 17:1,3 susundan ko ang logic mo..
Ang sabi sa ni Cristo sa Juan 27:1,3 malinaw at maliwanag ANG AMA LAMANG ANG NAG IISA AT TUNAY NA DIYOS..
Kung tatanggapin nating Diyos din si cristo sa filipos 2:5-6 anung uri ngayon Siyang Diyos? Nag iisang tunay na ang nasa juan 17:1,3 lilitaw na hindi tunay o pekeng Diyos si Cristo ayon sa pagkakaunawa mo sa filipos 2:5.
Kaya nakakatiyak akong tama ang artikulo sapagkat wala itong sinalungat na katotohanang nakasulat sa biblia hindi katulad ng mali mong pagkaunawa sa filipos 2:5 na salungat sa juan 17:1,3
Ang tanong ko ay ito, nung namatay si Cristo. Alin sa kanya ang namatay? Ang katawang ka an or espirito? Kasi Sabi nyo hindi Diyos si Cristo kasi namatay Sita may hangganan at pinagmulan siya. Ang tanong Alin ang namatay sa kanya?
trevor obmil, mas malinaw parin ang nasa itaas kaysa sa iyong pagpapaliwanag. Mas nakakalungkot isipin na hindi ka biniyayaan ng karunungan para unawain ang nilalaman ng BIBLIYA. Mateo 13:10-17
kaya sinabi walang ibang mabuti kundi ang Dios lamang.ay pagtatanggi ni Cristo yon at pagpapakumbaba.kasi kumikilala siya sa Dios..eh ang Dios ba may kinikilalang Dios.
ang sabi sa juan 17:1,3 ang Ama lamang ang tunay na Diyos...
kung magkaganon,anong uri si cristo na Diyos?
bagamat sinabi niya ang Ama ang tunay na Diyos...
kung si cristo at ang Ama iisa dahil sa ginamit niyo ang gen 2:24.
ang tanong ko :
anong nature ng Ama at ng anak bago sila nagkaisa?
noong hindi pa sila nagkaisa,ilan sila?
lahat ba na kalayan abg Ama at Anak iisa sila ba sila n body?
sa biblia hindi sinabi na si cristo ay maliit na diyos...
hindi rin sinabi na huwad siya na diyos...
kung magkaganon...anong klasi o uri si cristo na diyos?
Tama ka dun tol, si Jesus ay Diyos din. Ang pinagkaiba lang ng Anak sa Ama eh ang Ama ang pinagmulan ng lahat ng bagay bagkus si Jesus nga ay galing sa Ama. Pero hindi ibig sabihin na si Jesus ay tao lamang o hindi Diyos. Si Jesus ay galing sa sinapupunan ng Diyos Ama at hindi sya galing sa alabok. So patunay na hindi tao si Jesus dahil nga hindi sya galing sa alabok dahil ang mga tao o tayo ay galing sa alabok at sa alabok din paroroon. Bagkus Sya ay nagkatawang tao upang tubusin ang mga tao sa kasalanan. Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos. Kung gustong gawin ng Dyos Ama sa knyang Anak na maging Dyos eh magagawa nya yun dahil sa pagmamahal nya sa kanyang Anak.
Tama Nasa anyo "form"
Pero bkit pa sasabihin hindi nanatiling kapantay?
Yun salitang iyon ay napaka bisa para sabihin...

Tama ka Brod.
Kabobo mo Naman naniniwala ka SA lumang tipan gamit Ang MBB pero pag dating SA lumang tipan SA felipos 2 di ka naniniwala eh Isa Lang sumulat niyan na ngtranslate
Babaw ng logic mo
Literal na sinabi ng Dios na sya lamang ang Dios na nagiisa. Literal din po na sinabi ni jesucristo kung sino sya
Hahahahaha napaka babaw ng pagkaunawa nyo sa bibliya mga INC
Luput maghilot ng talata iglesia ni manalo hahaha
Napaka ganda ng paliwanag subalit mali parin ang pang unawa ng INM sa pagkaDiyos ng Panginoong Hesu Kristo. Napakalinaw at napaka gandang halimbawa ang Filipos 2:6-8 sa pagiging Diyos ni Kristo. Subalit, dahil sa kanyang pag-ibig sa atin ay hindi nya ipinagpilitang kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad nya ito. Totoong hindi Diyos si Kristo nung time dahil nga Sya ay nagpakababa pero ano nga ba ang kanyang kalikasan bago man likhain ang lahat?
JUAN 17:5
FSV
Kaya ngayon, Ama, sa iyong harapan ay luwalhatiin mo ako ng kaluwalhatiang taglay ko noong ako'y kasama mo bago pa man nagkaroon ng sanlibutan.. Ano nga ba INM?
Marami ang gumagamit ng ibat iabang verso para palitawin na Dios si Cristo. Subalit bigyan natin ng malalim na pagsusuri ang I TIMOTEO 2:5, " Sapagakat may isang Dios at may isang tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus " Ano ang mga punto na dapat nating malaman dito? Nasan na ba ang Panginoong Jesucristo ng ituro ito ni Apostol Pablo? Halos 30 taon na nasa langit ang Panginoong Jesucristo ng ituro ito ni Apostol Pablo subalit iisang Dios pa rin lang (ang Ama) ang itinuro ni Apostol Pablo gayong nasa langit na ang Panginoong Jesucristo. At lalong napakalinaw na TAO ang itinuro ni Apostol Pablo na kalagayan ni Cristo bilang tagapamagitan ngayong Siya'y nasa langit na!!!
Marami ang gumagamit ng ibat ibang verso para palitawin na Dios si Cristo. Subalit bigyan natin ng malalim na pagsusuri ang I TIMOTEO 2:5, " Sapagakat may isang Dios at may isang tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus " Anu-ano ang mga punto na dapat nating maunawaan sa pagtuturong ito ni Apostol Pablo? Halos 30 taon na nasa langit ang Panginoong Jesucristo noon nang ituro ito ni Apostol Pablo. Maliwanag na itinuro niya dito na iisa lamang ang Dios (ang Ama) bagama't nasa langit na ang Panginoong Jesucristo. At lalong napakalinaw na TAO ang itinuro niyang likas na kalagayan ni Cristo bilang tagapamagitan ngayong Siya'y nasa langit na.
Ang sumulat po ng blog ay nagpahayag ng mga punto at sinoportahan ng Bible verses. Sino po kaya ang sinasalungat ninyo, yung blogger o yung nakasulat sa Biblia na inihayag niya?
John 10:30
"Ako at ang Ama ay iisa."
To cut the story short,
John 10:30
Sinabi ni Hesus, "Ako at ang Ama ay iisa."
dami pong pliwanag..smktwid po ba, cnsabi nyo na ndi Dios ang Panginoobg Jesus at iisa lamang ang Dios kundi ang Ama.. so ano po si Kristo??? tao?
napaka BOBO naman umintindi nito, maipagpilitan ung pangongontra nya kahit mukang tanga lang.
Ang tanong.. bakit hindi lumaban ng debate ang iglesya ni cristo s mcgi kung pinandigan ninyo ang aral ninyo.. ang dami ninyo alibi at dahilan. Imbes ang puno ang magtanggol s meyembro ang puno p ang ipinagtanggol..Si manalo n mismo ang nagsabi n ang manggagawa nya ay sinungaling binabago ang ulat.
Literal niyo namang tinanggap na lulukan ang Diyos, kaawa awa kayo, literal bang may kanang kamay ang Diyos dahil sinabi ni Cristo na siya ang kanang KAMAY ng Diyos?
Mateo 26:64
Sinabi ni Jesus sa kanya, “Kayo na ang nagsabi niyan, ngunit sinasabi ko sa inyo, pagkatapos nito ay makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at dumarating na nasa ibabaw ng mga ulap ng himpapawid.”
Literal bang nasa kanang kamay ng Diyos si Cristo? Hindi, literal bang luklukan ni Cristo ang Diyos? HINDI. Dahil ang Diyos kinakanan si Cristo kaya ang luklukan ay tumutukoy sa pagiging kanang kamay ni CRISTO at kapangyarihan
Tanong, kung si Cristo ay Diyos, sino yung Cristo na kinakanan ng Diyos?
Natatawa ako dahil ginamit mopa ang Marcos 10:18 ano ba nakasulat dito?
18Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang.
Itinanggi ni Cristo na siya'y mavuti, ang mabuti ay ang Diyos lamang
Bakit niya sinabi yun?17Nang siya'y paalis na, may isang lalaking patakbong lumapit kay Jesus, lumuhod sa harapan niya at nagtanong, “Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?”
Malinaw na may tumawag sa kahya na mabuti, kahayagan na hindi Siya ang Diyos, iniba ni CRISTO ang sarili niya sa Diyos. Ngunit ang takatang ito ay hindi literal na hindi na mabuti si Cristo.
Ang mga lingkod ng Diyos ay mabuti, ngunit ang Diyos ay PINAKA MABUTI, o sa Madaling salita, ang Diyos ay perfectly good. Nahahayag ang pagkakaiba nang Diyos at ni Cristo sa talatang yan, ngunit ginamit niyo pa
Hahahaha hindi tunay na kristiano ang hindi naniniwala na si kristo ay tunay na diyos
wala namang Roma 10:36...hanggang verse 21 lang ang kabanatang 10 ng Roma...san yan nakuha?
ang nakakalungkot dyan ang isue dyan isa lang daw ang DIYOS tama naman yung walang mali dun ang AMA lamang ang nagiisang DIYOS, eh panu nman yung ANAK anu itatawg dun peke, ang mahirap lang dito ying paniniwala, nila na si JESUCRISTO ay tao lang, isipin po ninyo na ang tao ay si JESUS at ang CRISTO ay ang Bugtong na ANAK ng AMA sa Langit, yung lang nman ang mahirap dun sa ayaw kumilala ka CRISTO, pero ginagalang nila, ang mahirap sa kanila, hindi sila makapaniwala na ang Lalake pwede manganak yung lang kase sinasabi nila mero daw bang lalake na nanganak meron ang DIYOS AMA sa langit SALITA lang pwede ng mangyari.0
Ang Diyos ay iisa lang, wala pa na mas mataas o kinikilala na iba pang Diyos, mula sya sa kawalan, ang kanyang kapangyarihan taglay ay mula pa sa simula at walang katapusan, dakila sa lahat, alam nya ang araw ng kawakasan ng sanlibutan, walang makakahigit sa kanya, anumang bagay na hindi nasulat sa bibliya un ay sa Diyos wag mo isipin dahil baka iyong ikapahamak, bagkos isalig mo sa bibliya upang ikaw ay hindi maligaw... TAO si Cristo at hindi Diyos
Malinaw nmnnpo ang paliwanag..kung binasa mopo yuong buong paliwanag nanduon yung unang sulat from greek word. At kung paano ito minaling kahulugan at iniba ng mga tagapagsalin.
Duon sa "nasa anyong diyos" si Cristo, hinubad nya ito, ang pagiging banal o malinis sa lupa. Bkt? dahil upang akuin ang kasalanan ng mga tao dahil sa kanya, mula sa kaniyang mahalagang dugo..alam nyo po ba ang tanging tinubos lamang ni Cristo ng kaniyang mahalagang dugo? Iglesia Katolika po ba? Born again? o iba pang relihiyon? Wala pong iba kundi Iglesia ni Cristo lamang. Mainam po kung magsuri po muna kayo sa INC na may kalakip na pagtatanong. Kapag nagpadoktrina ka o natapos mong mapakinggan ang doktrina officialy INC kana po? hindi papo..dahil puno ng pagsusuri ang isang taong aanib sa INC. Kaya magsuri po kayo
Kung mali pala ang salin ng MBB eh bakit niyo ginagamit yung sitas na Gawa 20:28?
D ko gets sagot mo po
Pina paingat mo sila sa mga ibat ibanf salin ng Bibliya na maaring hindi pomapabor sa kung ano ang pina paniwalaan nyo PERO hindi mo inilagay ang SALIN NG BIBLIYA NA GINAGAMIT MO. ANONG BERSIYON NG BIBLIYA ANG GINAGAMIT MO? Ang salin ba sa TAGALOG na salita ay seguradong tugma sa pinanggalingan nito sa salitang INGLES at sa iba pang bersyon ng Bibliya ng Protestante at Katoliko?
di ba iisa lang ang IGlesia na tayo ng ating Panginoong Hesu Kristo???nagpapatunay lang na ito ang Iglesia Ni Cristo na sa pamamagitan ng pagkasangkapan sa kapatid na Felix Manalo muli ito bumangon sa Pilipinas ang Iglesiang tatag ng Panginoong Hesu Kristo ayon sa mga hula at patotoo na nakasulat sa bibliya, Isipin niyo po, sa dinami dami ng relihiyon na sa buong mundo, tanging INC lang ang nagtataguyod sa aral na iisa lang ang Diyos, yan ang Ama at tao sa kalagayan ang Panginoong Hesu Kristo, bagamat tao lang pero hindi ordinaryo o basta tao lang sapagkat ginawa siyang Panginoon ng Ama na dapat sambahin, Siya ang Tagapamagitan sa Dios at sa tao, Siya ang tagapagligtas ng Kanyang IGlesia, Siya ang Ulo ng katawan o Iglesia, Siya ang anak ng Diyos, at tanging tao na walang kasalanan, patunay na ito ay binukod at hinirang ng Diyos upang magiging Kanya, sapagkat noon pa man nagbubukod na ang Panginoong Diyos ng magiging Kanya gaya ng Bayang Israel noong una..sapagkat kong ang INC ang mali at ang maraming IGlesia ngayon na nagsasabi na Diyos si Cristo ang tama at sila ang tunay na sa Diyos, hindi masusunod ang nakasulat sa bibliya na iisa lang ang IGlesia na tatag ng Panginoong Hesus sapagkat napakaraming tatag na IGlesia ang nagtataguyod ng ganyang aral at isa pa ang Iglesia na kay Cristo ay dapat iisa ang pag-iisip, may isang tagapamahala, iisa ang layunin, nagkakaisa sila sa lahat ng gawain at paglilingkod which is hindi mo makikita sa mga IGlesia ngayon, tulad ng sa born again, ang daming sekta diyan pero iba iba ang pinuno, ibaba ang aral at diskarte, which is hindi ganyan ang katangian ng IGlesia na tatag ng Panginoong Hesu Kristo...
Mag-post ng isang Komento