Sabado, Disyembre 28, 2013

Gawa 3:15 Dios kaya si Cristo?

May talata na namang pilit na baluktotin ng karamihan,lalo na yung naniniwala na Dios si Cristo. upang palitawin na Dios nga daw , ginamit ang talatang ito ng gawa 3:15 :



"At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay : na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay; mga
saksi kami ng mga bagay na ito."





ang pinaka Key word na naman nila ang salitang "Lumikha ng buhay" .Konklud na naman ka agad.Ang kanilang paniniwala ay Pag sinabing BUHAY ay ang katawan nating ito. Tama kaya ang paniniwala nila. .Pag aralan natin. SA BIBLIA, sino lamang ba ang lumikha ng mundo,at maging sa lahat ng bagay, at maging sa atin.?



Isaias 64:8 "Nguni't ngayon, Oh Panginoon,  ikaw ay aming AMA; kami ang malagkit na putik,
 at ikaw ay magpapalyok sa amin;  at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay."



Malinaw po na tayo palang lahat ay talagang ang AMA LAMANG ang gumawa,anu po ang malaking kasalanan ng ayaw pagkilala sa AMA bilang gumawa ng lahat ng bagay.



Malakias 2:10 Wala baga tayong lahat na isang ama?  hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin?  bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa  laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan  ang tipan ng ating mga magulang?



Ang turo po ng Biblia.Isang Dios lamang ang gumawa. Isang AMA lamang.kaya Yan po ang katotohanang Dapat nating isapuso.ANO pala ang kahulugan ng talata ng gawa 3:15 na "lumikha ng Buhay si Cristo"

Itanong natin mismo kay Kristo kung ano ang ibig sabihin nito:




"Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na
walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak." Juan 17:2



Binigyan pala ng KAPANGYARIHAN ng DIYOS siKristo na bigyan ng BUHAY na walang hanggan ang lahat ng ibinigay niya sa kaniya. Eto pa ang sabi niya:




"Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, "Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa" Mateo 28: 18



Ipinagkaloob pala kay Cristo ang lahat ng kapangyarihan, para sa BUHAY NA WALANG HANGGAN.
Anu naman ang gagawin ni Cristo kung maipagkaloOb na sa kanya.siya naba ay Dios na? o magpapailalim parin sa Dios?

"Ganito ang sinasabi ng kasulatan,



"Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kanyang kapangyarihan. " Ngunit sa salitang "lahat
ng bagay," maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa
gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat." I Cor. 15:27-28



Hindi pa rin pala, dahil mismong si Kristo ay papailalim din sa KAPANGYARIHAN NG DIYOS.
Bakit daw?

"Sa gayon, lubusang maghahari ang DIYOS sa LAHAT."   Yun pala ang ibig sabihin ng nasa Gawa 3:15, hindi ito dahil siya ay MANLILIKHA kundi binigyan lamang siya ng Diyos ng otoridad o KAPANGYARIHAN para dito. Kaya nga sa ibang salin ng bibliya ay ganito ang banggit:


"Pinatay ninyo ang Pinagmumulan ng buhay , ngunit siya'y muling binuhay ng Diyos, at saksi
kami sa pangyayaring iyon." BMBB, MBB




Maling mali na naman ang pagamit sa talata upang gawing tama ang Mali, kaya ang payo ng Biblia ganito:


Roma 12:16 “ Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag
kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka. ”



Mali ang mag haka haka agad,Kaya payo po namin.makinig po kayo sa Doktrina sa loob ng Iglesia Ni Cristo. . Sa pakikinig po dyan nyu malaman ang tunay na pananampalataya.


Roma 10:17 “Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa
pamamagitan ng salita ni Cristo.”



Salamat po.

Walang komento: