Martes, Disyembre 31, 2013

Ang Sugo Ng Dios

Maraming aral na ating napatunayan na ang Dios, naghahalal ng mga Sinugo upang tumupad ng kanyang mga salita.

Maraming hindi naniniwala,at ayaw tanggapin na ang kapatid na 
Felix Y. Manalo ay isa sa Inihalal ng Dios,atin ngayung pag aralan ang mga katunayan at mga pagpapatotoo na mayrun ngang Sugo ng Dios na itinalaga sa mga Huling araw na ito.

Tandaan po natin,ang mga Sinugo ng Dios ay may taglay nitong sumusunod:


Isaias 8:20  "Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila. "

Ang UMAGA ay katumbas ng LIWANAG(Isa.58:8). Na Hindi mapapasa kanila kung Hindi Taglay ang DALAWANG bagay na Ito.



1. KAUTUSAN (Kawikaan 6:23)

 Ang itinuturo niya ay hango sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia, at hindi galing sa kaniyang sarili lamang(Juan 7:16-18), at hindi niya ginagamitan ng pansariling pagpapaliwanag, at ng kaniyang sariling karunungan. Hindi siya nag-iimbento ng aral dahil lahat ng kaniyang itinuturo ay mababasa sa Biblia.

2. PATOTOO
 (Apocalypsis 19:10)

Dapat may hula o propesiya na tumutukoy sa kaniyang kahalalan o “authority” ng kaniyang pagkasugo sapagkat siyang nagpapatunay ng kaniyang karapatan sa pangangaral- sa madaling salita, kinakailangang ang isang nagpapakilalang sugo ay hinuhulaan o may hula sa Biblia ng kaniyang pagiging sugo. Ating Isa isahin at bigyang Linaw ang katuparang ito.


ANG DAKONG PAGMUMULAN NG SUGO NG DIOS

.

Ang mga hula o propesiya sa Biblia ng mga sinugo ay maraming taon pa bago ang paglitaw nila sa daigdig. Ito ang isa sa palatandaan ng pagiging tunay - ang
 PATOTOO sa kanila ng Diyos na sila ay mga Tunay na sugo.mga halimbawa po nito.




SI JUAN BAUTISTA:

Maraming taon bago ang pagkapanganak kay Juan Bautista ay hinulaan na ang kaniyang pagdating at ang tungkulin na kaniyang gagampanan. Gaya ng mababasa sa aklat ni propeta Isaias:



Isaias 40:3
 ANG TINIG NG ISANG SUMISIGAW, IHANDA NINYO SA ILANG ANG DAAN
NG PANGINOON PANTAYIN NINYO SA ILANG ANG LANSANGAN PARA SA ATING DIOS.”




Makalipas ang ilang daang taon nangaral si Juan Bautista at siya mismo ang nagpatotoo na siya ang katuparan ng hulang ito.



Juan 1:19-23
“At ito ang PATOTOO NI JUAN, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga? At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo. At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi. Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? Upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili? Sinabi niya, AKO ANG TINIG NG ISANG HUMIHIYAW SA ILANG, TUWIRIN NINYO ANG DAAN NG PANGINOON, GAYA NG SINABI NG PROPETA ISAIAS.”



Sa ating napansin na KUNG KANiNO LAMANG NATUPAD ANG HULA AY SIYA MISMO ANG NAGPAPALIWANAG NITO. Mapapansin din na sa hula, hindi binabanggit ng Diyos ang pangalan ng hinuhulaan kundi ang kaniyang tungkulin na gagampanan, at saan siya magmumula, bilang katunayan ng kaniyang kahalalan at karapatan sa pangangaral.



SI APOSTOL PABLO:



Si Apostol Pablo na isa ring sugo ng Diyos ay may hula din na tumutukoy sa kaniya maraming taon bago pa ang kaniyang pagsilang sa mundo:




Isaias 49:6
“Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, IKAW AY AKING IBIBIGAY NA PINAKAILAW SA MGA GENTIL UPANG IKAW AY MAGING AKING KALIGTASAN HANGGANG SA WAKAS NG LUPA.”



Na nang magkaroon ng katuparan ay ipinaliwanag din ni apostol Pablo ang kahulugan nito at nagpatotoo rin na ito’y natupad sa kaniya:




Gawa 13:46-47
“At NAGSIPAGSALITA NG BUONG KATAPANGAN SI PABLO at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil.  Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, INILAGAY KITANG ISANG ILAW NG MGA GENTIL, UPANG IKAW AY MAGING SA IKALILIGTASHANGGANGSA KAHULIHULIHANG HANGGANAN NG LUPA.”




ANG PANGINOONG JESUCRISTO:


Katulad din ng ibang mga sugo ng Diyos, ang ating Panginoong Jesu-Cristo na siyang pinakadakilang sugo 
( Filipos 2:9 ) ay may hula rin na tumutukoy sa kaniya na nagpapatunay at kahayagan ng kaniyang karapatan bilang tunay na sugo, bago ang kaniyang paglitaw o ang kaniyang pagsilang sa sanglibutan. Narito ang hula na tumutukoy sa kaniya:




Isaias 61:1-2
“ANG ESPIRITU NG PANGINOONG DIOS AY SUMASA AKIN; SAPAGKA'T
PINAHIRAN AKO NG PANGINOON UPANG IPANGARAL ANG MABUBUTING BALITA SA MGA MAAMO; KANIYANG SINUGO AKO UPANG MAGPAGALING NG MGA BAGBAG NA PUSO, UPANG MAGTANYAG NG KALAYAAN SA MGA BIHAG, AT MAGBUKAS NG BILANGGUAN SA NANGABIBILANGGO; UPANG MAGTANYAG NG
KALUGODLUGOD NA TAON NG PANGINOON, AT NG KAARAWAN NG PANGHIHIGANTI NG ATING DIOS; UPANG ALIWIN YAONG LAHAT NA NAGSISITANGIS;”





Na katulad din ng mga una nating halimbawa, dumating ang panahon na ipinaliwanag din ni Jesus na siya ang kinatuparan ng hulang ito:




Lucas 4:16-21
“At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa. AT IBINIGAY SA KANIYA ANG AKLAT NG PROPETA ISAIAS. AT BINUKLAT NIYA ANG AKLAT,
NA NASUMPUNGAN NIYA ANG DAKONG KINASUSULATAN, SUMASA AKIN ANG ESPIRITU NG PANGINOON, SAPAGKA'T AKO'Y PINAHIRAN NIYA UPANG IPANGARAL ANG MABUBUTING BALITA SA MGA DUKHA: AKO'Y SINUGO NIYA UPANG ITANYAG SA MGA BIHAG ANG PAGKALIGTAS, AT SA MGA BULAG ANG PAGKAKITA, UPANG BIGYAN NG KALAYAAN ANG NANGAAAPI, UPANG ITANYAG ANG KAAYAAYANG TAON NG PANGINOON. At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya. AT SIYA'Y NAGPASIMULANG MAGSABI SA KANILA, NGAYO'Y NAGANAP ANG KASULATANG ITO SA INYONG MGA PAKINIG.”





Kapansin-pansin na binasa muna ni Jesus ang dakong kinasusulatan ng hulang tumutukoy sa kaniya at saka niya ito ipinaliwanag. Makikilala ang mga tunay na sugo kung sila’y hinuhulaan sa Biblia, bago pa sila isinilang, hindi sinasabi ang pangalan ng hinuhulaan kundi ang huhulaan ay ang kanilang paglitaw, ang kanilang tungkuling gagampanan na siyang katibayan ng kanilang karapatan sa pangangaral.




TATLONG SUGO NG DIYOS NA HINULAAN SA AKLAT NI PROPETA ISAIAS PARE- PAREHONG NAGPATOTOO AT NAGPALIWANAG NA SILA ANG KINATUPARAN NG PROPESIYA o HULA NA NATUPAD SA KANILA.




ANG KAPATID NA FELIX Y. MANALO




paanu naman hinulaan ? Mayroon Bang Itinalagang Huling Sugo Ang Diyos? Sa 
Isa. 41:4, ay ganito ang ipinakikilala:



“ Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga.”




Ayon sa Diyos, Siya ang gumawa at yumari ng mga sali’t saling lahi mula nang una. Ang Diyos ay kasama ng mga unang tinawag. Kasama rin ba ang Diyos ng Kanyang tinawag na HULI? Kasama ng huli. Kailan tatawagin ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo? 
Sa Isa. 41:9, ay sinasabi ang ganito:



“Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.”




Ang Huling Sugo ay tatawagin ng Diyos mula sa
 “mga wakas ng lupa.” Kailan ang tiyak na panahon ng “mga wakas ng lupa?” Sa pag-alam ng tiyak na panahon nito ay hindi natin maiiwasan na pag-aralan ang pagkakahati-hati ng panahon ni Cristo. Sa ilang bahagi nababahagi ang panahon ni
Cristo? Sa 
Apoc. 5:1, ay ganito ang sinasabi:




“At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.”




Sa talatang ating ginamit ay may binanggit na isang aklat na may pitong tatak. Tunay bang aklat o libro ito? Sa 
Isa. 29:11, ay ganito ang paliwanag:



“At ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo'y gaya ng mga salita ng aklat na natatatakan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka't natatatakan.”



Tunay bang aklat o libro ang may pitong tatak? Hindi, kundi mga pangitain na itinulad lamang sa aklat. Ang aklat o pangitain ay may pitong tatak. Ipinakita nga ba sa pangitain ang panahon ni Cristo, mula sa Kanyang pagkapanganak hanggang sa Kanyang pagparito sa paghuhukom? Sa 
Apoc. 1:10, 19, ay ipinakikilala ang ganito:



“Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak. “Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating.”




Ipinakita ba sa pangitain ang buong panahon ni Cristo? Ipinakita. Ang buong panahon ni Cristo ay ipinakita kay Juan Apostol sa pangitain at ipinasulat. Ito ang itinulad sa pitong buko ng panahon ni Cristo. Alin sa pitong tatak o buko ng panahon ni Cristo ang “
mga wakas ng lupa”? Ito’y nasa dulo ng ikaanim na tatak. Bakit? Sapagka’t ang dulo ng ikaanim na tatak ay ISANG WAKAS. Pagkatapos ng ikaanim na tatak ay simula naman ng ikapitong tatak at ito ang wakas na hati ng panahon ni Cristo, sapagka’t sa dulo nito ay ang paghuhukom. Kaya ang katapusan ng ikaanim na tatak at ang simula ng ikapitong tatak ay DALAWANG WAKAS. Kung gayon, ang “mga wakas ng lupa” ay nagsisimula sa dulo ng ikaanim na tatak ng panahon ni Cristo na siyang panahon ng pagtawag ng Diyos sa Kanyang HULING SUGO. Paano natin matitiyak kung kalian ang panahon ng “mga wakas ng lupa” ayon sa kalendaryo ng tao?



Dapat nating malaman ang pangyayaring naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak o buko ng panahon ni Cristo. Ano ba ang pangyayaring naganap sa panahong iyon? Sa 
Apoc. 6:12, 15, ay sinasabi ang ganito:




“ At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak…” Ano ang pangyayaring naganap
sa dulo nito?  “At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok. ”





Ano ang pangyayaring naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak ng panahon ni Cristo? Ang pagtatago sa yungib ng mga hari, ng mga prinsipe, ng mga pangulong kapitan, ng mayayaman, ng mga laya at ng mga alipin. Ano ang dahilan at
magsisipagtago sa yungib ang lahat halos ng uri ng mga tao? Sa Jer. 4:13, 19, ay ganito ang pahayag:




“Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.

“Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay
kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.”






Ano ang dahilan at magsisipagtago sa yungib ang lahat halos ng uri ng mga tao sa katapusan ng ikaanim na tatak ng panahon ni Cristo? Sila’y magsisipagtago sa yungib dahil sa magaganap na 
DIGMAAN. Anong uring digmaan ito? Ito’y isang digmaang makabago, sapagka’t ito’y gagamitan ng mga kasangkapang pandigma na makabago na hindi pa ginamit sa mga digmaang nakaraan. Anu-
anong mga bagong kasangkapang pandigma ang gagamitin?

 

Gagamitan ito ng mga karo na sasagupang parang mga ipuipo na umiikot. Ito ang mga tangke. Gagamitan din ng mga kabayong matulin pa kay sa mga agila na may dalang kapahamakan. Ito ang mga eroplano na kung tawagin ng Kasaysayan ay
 “ aerial cavalry” o kabayuhang paghimpapawid. Kapag sumasalakay ang mga eroplano ng mga kaaway ay inihuhudyat o may sirenang tumutunog na babala sa mga tao na sila’y dapat magsipagtago sa yungib.  Ang mga tao naman ay magsisipagtago sa “air raid shelter” o sa yungib.

Anong uring digmaan ang unang ginamitan ng mga tangke at ng mga eroplano ? Ayon sa pahayag ng Diyos ang digmaang iyan ay DIGMAANG PANDAIGDIG, sapagka’t ang lahat ng mga bansa at ang lahat ng kanilang mga hukbo ay makakasangkot sa digmaang iyan (Isa. 34:1-2).



Mayroon nga bang naganap na Digmaang Pandaigdig na unang ginamitan ng mga tangke at ng mga eroplano? Mayroon. Alin ito? Ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 
1914. Kung gayon, ang tiyak na panahon ng mga “wakas ng lupa” ayon sa kalendaryo ng tao ay 1914. Ayon naman sa ating Panginoong Jesucristo, magaganap nga ba ang digmaang ito sa katapusan ng ikaanim na tatak na siyang pintuan ng ikapitong tatak o buko ng panahon ni Cristo?




“Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.” (Mat.24:33).



Ayon sa ating Panginoong Jesucristo, kapag nakita na ang digmaang ito, ito’y pintuan na. Pintuan ng ano itong digmaan noong 1914?  Sa 
Apoc. 8:1, ay sinasabi ang ganito:


“At nang buksan niya ang ikapitong tatak…” 



Ang digmaan noong 1914 ay pintuan ng ikapitong tatak ng panahon ni Cristo. Ang katapusan ng ikaanim na tatak ay siyang 
pinto ng ikapitong tatak na huling hati ng panahon ni Cristo. Kaya ang UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG ay naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak na tinatawag na “mga wakas ng lupa” o 1914. Kung gayon, ang tiyak na panahon ng pagtawag ng Diyos sa Kanyang HULING SUGO ay 1914.


Paano Inihalal Ng Diyos Ang Kanyang Huling Sugo



Sa 
Isa. 41:9, ay ganito ang pahayag:




“ Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi
kita itinakuwil.”





Paano inihalal ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo? Ang Huling Sugo ay tinawag ng Diyos mula sa mga sulok niyaon. Alin ba ang mga sulok na ito? Ang mga sulok o direksiyon ng lupa. Alin-alin ito? 
Silangan, Kanluran, Hilagaan at Timugan (Isa. 43:5-6).



Sa lahat ba ng mga sulok o direksiyong ito ng lupa tatawagin ang Huling Sugo?  Hindi, kundi sa mga sulok. Saan-saang mga sulok o direksiyon ng lupa tatawagin ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo?

Sa Timugan, sa Hilagaan at sa Silanganan. Paano tinawag ng Diyos ang Sugong ito sa Timugan?


Ang Sugong ito, dati’y isang Katoliko.  Ang Iglesia Katolika na nasa Pilipinas ay galing sa 
Roma. Ang Roma, ayon sa mapa, ay nasa TIMOG ng Europa. Pagkaraan ng ilang panahon, ang Sugong ito’y nalipat sa Protestante. Ang Protestanteng nasa Pilipinas ay nanggaling sa Hilagang Amerika.



Ang Amerika bagaman at nasa Kanluran ng mundo ay nagkaroon ito ng dalawang lupalop. Ang isa’y tinatawag na
 Hilagang Amerika (North Amerika) at ang isa nama’y tinatawag na Timog Amerika (South Amerika). Ito’y nakakatulad din ng lalawigan ng Ilocos, bagaman nasa Hilaga ng Luson ay may tinatawag na Ilocos Norte at Ilocos Sur. Alin naman ang tiyak na dako ng Sugong ito na tinutukoy ng Diyos sa hula? Sa Isa. 46:11, ay ganito ang pahayag:




“ Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong
gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin naming gagawin.”





Alin ang dako ng Huling Sugo na tinutukoy ng Diyos sa hula? Ayon sa hula, ang Diyos ay may tinawag na Ibong Mandaragit mula sa silanganan. Ito ba’y talagang ibon? Hindi, ito’y taong gumagawa ng payo ng Diyos. Saan nagmula ang tao?

Sa 
malayong lupain. Sapagka’t ang ibon ay yaon din ang tao at ang ibon ay mula sa Silanganan at ang tao ay mula sa Malayo, kaya ang pagmumulan ng Sugong ito ay sa Malayong Silangan.

Saan naman magmumula ang lahi ng Sugong ito? Sa Isa. 43:5-6, ay
sinasabi ang ganito:




“ Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;

“Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.”






Ang lahi ng Sugong ito sa Huling Araw ay magmumula rin sa Malayong Silangan. Pinupuna kami ng aming mga kalaban sa paggamit ng Isa. 43:5-6. Hindi raw kami marunong gumamit ng talata ng Biblia. Bakit?  Sapagka’t iyon daw salitang Silangan at Malayo na magkahiwalay ng talata ay pinagsasama at pinaglalapit daw namin.

Ang salitang Silangan daw ay nasa talatang 5 at ang salitang Malayo raw naman ay nasa talatang 6. Kung ang salitang Silangan at Malayo sa Bibliang Tagalog na isinalin ng mga Protestante ay magkahiwalay at hindi magkasama sa isang talata ay hindi dapat isisi sa amin.

Hindi rin dapat na paratangan kami na hindi marunong gumamit ng mga talata ng Biblia kung aming pagsamahin sa isang talata ang dalawang salitang ito. Bakit? Sapagka’t hindi kami ang nagsalin ng Biblia. Sa Bibliang Ingles ba’y talagang magkasama sa isang talata ang salitang Silangan at Malayo? Opo. Sa Isa. 43:5, sa salin ni James Moffatt, ay ganito ang sinasabi:




“From the far east will I bring your offspring…” (Mula sa Malayong Silangan ay dadalhin ko ang iyong lahi…).



Samakatuwid, ayon sa katuparan ng hula, ang Sugo ng Diyos sa Huling Araw at ang kanyang lahi ay magmumula sa Malayong Silangan. Aling bansa ang tinatawag na Malayong Silangan?

Sa World History nina Boak, Slosson at Anderson, sa pahina 445, ay ganito ang
sinasabi:




“The Philippines were Spain’s share of the first colonizing movement in the Far
East.”




Sa Wikang Pilipino ay ganito ang ibig sabihin:



“Ang Pilipinas ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa Malayong
Silangan.”



Anung mga patotoo pa mula sa Biblia na ito ay ang Pilipinas ang pagmumulan ng Sugo




Isaias 41:4-5
 “Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una?
Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga, Nakita ng mga pulo, at nangatakot; ang mga wakas ng lupa ay nagsipanginig: sila'y nagsilapit, at
nagsiparito.”




May binabanggit dito ang Diyos na huli dahil ang sabi niya’y 
“ kasama ng huli”, na ang ibig sabihin ay sasamahan ng Diyos ang huling sugo niyang ito. May sinabi din siyang “ Nakita ng mga pulo”, na ang ibig sabihin na ang dakong pagmumulan ng sugong ito ay binubuo ng mga pulo at doon lilitaw at makikita ang huling sugong ito ng Diyos. Saan matatagpuan ang mga pulong ito na siyang
makakakita sa paglitaw ng huling sugo? Sa aklat pa rin ni Isaias:



Isaias 24:15
 “Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat.”



Ang mga pulo na makakasaksi sa paglitaw ng huling sugo ng Diyos ay nasa silanganan, anong silanganan ang tinutukoy? Saang panig ng daigdig ito matatagpuan? Ating basahin sa English Bible ang nasabing hula:



Isaiah 46:11
 “ Calling a ravenous bird from the east, the man that
executeth my counsel from a far country : yea, I have spoken it, I will also bring it to pass; I have purposed it, I will also do it.” 
[ King James Version ]




Ang sabi ng Biblia 
“far country” o malayong bansa na nasa “ east” o silanganan. Samakatuwid ang sugong ito na hinuhulaan ay manggagaling sa isang malayong bansa – malayo sa bansang Israel, kaya malinaw na hindi sa Israel manggagling – isang malayong bansa sa silanganan na binubuo ng mga pulo . Maliwanag na ang tinutukoy ay ang PILIPINAS.



Ang tawag sa PILIPINAS :




“Perlas ng Silanganan” sapagkat ang Pilipinas ay nasa silanganan o “FAR EAST”. Ang pinanggalingan ng PANGALAN ng PILIPINAS:


“Las Islas de Felipe ” sa tagalog ay “Mga Pulo ni Felipe” (Mula kay King Philip II ang Hari ng Spain nung panahon na tayo ay sakupin noong 16 th Century). At totoo naming binubo ang Pilipinas ng napakaraming pulo na mahigit 
7,000 na mga isla o pulo na siyang pinakamarami sa buong Asia kaya nga ang tawag sa bansa natin ay PHILIPPINE ISLANDS na sa tagalog ay KAPULUAN NG PILIPINAS . Kumuha pa tayo ng dagdag na patotoo o katibayan:


Ating basahin sa Hebrew (ang original na wikang ginamit sa pagkakasulat ng aklat ni Isaias) ang nasabing talata:





Mapapansin sa original na wika sa Isaias 46:11  atin nang ipinakita sa itaas ating mapapansin sa bandang itaas sa gawing kanan ang salitang “mimizrach ” (iyong “may bilog” – pansinin din ang pronounciation na nasa gawing kaliwa sa ibaba ng Hebrew word) na may root word na “ mizrach ” na tumutukoy sa salitang “silanganan ” na siyang panggagalingan ng “Ibong Mandaragit”.



Ano ba ang ibig sabihin ng Hebrew word na mizrach ?


“.., mizrach , is used of the far east with a less definite signification.
[
Smith’s Bible Dictionary]



Ayon sa isang kilalang Bible Dictionary ang salitang mizrach ay ginamit upang tumukoy sa “far east” o malayong silangan . Kaya tiyak na tiyak na talagang ang Pilipinas ang tinutukoy na panggagalingan ng sugong hinuulaan…at ito’y may patotoo pa mula sa isang Pari ng Iglesia Katolika. Na nagpapatunay na ang Pilipinas ay nasa FAR EAST o Malayong Silangan:



"It cannot be without significance that the country which stands almost at the geographical center of the Far East, the Philippines, should also be that in which Christianity has taken the deepest root." (Asia and the Philippines, written by a Jesuit Priest Horacio dela Costa, page.169 )



Sa Filipino:


“Hindi maaaring mawalan ng kabuluhan na ang bansa na matatagpuan sa halos panggitnang pang- heograpiya ng Malayong Silangan, ang Pilipinas , na siyang kinatatagang mabuti ng Cristianismo.”




Kaya atin ngayong natitiyak na talagang may sugo ang Diyos na lilitaw sa Pilipinas – at ito’y ang Kapatid na Felix Manalo. Aling bansa ang tinatawag na Malayong Silangan? Ang PILIPINAS. Kung gayon, ang Sugo ng Diyos sa huling Araw na ito ay taga Pilipinas o isang Pilipino. Siya’y naging Katoliko muna, pagkatapos ay naging Protestante, at saka pa lamang tinawag ng Diyos sa kanyang
bayang Pilipinas na maging Sugo noong 1914.

Paano natin matitiyak at makikilala kung sino ang kinatuparan ng hulang ito? Sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mismong taong kinatuparan ng hula. Sino ang nagpapakilalang kinatuparan ng hulang ito? Si Kapatid na Felix Manalo.


Tangi ba sa kanya ay may iba pang nagpapakilala na kinatuparan ng hulang ito? Wala na! Bakit naman wala nang iba pang kinatuparan ng hulang ito kundi si Kapatid na Felix Manalo? Sapagka’t ang hula ay tanging ukol lamang sa kanya at para sa kanya! Totoo bang si Kapatid na Manalo dati’y isang Katoliko at pagkatapos ay naging Protestante? Opo. Totoo bang mula sa Protestante ay tinawag siya ng Diyos sa kanyang Bayang Pilipinas noong 1914 upang maging Kanyang Sugo sa Huling Araw na ito? Opo. Ano ang katunayan? Ipinangaral ni Kapatid na Manalo ang Iglesia ni Cristo at ito’y narehistro sa ating Pamahalaan noong 1914. Tunay na Pilipino ba siya? Opo. Kung gayon, si Kapatid na Felix Manalo ang Huling Sugo ng Diyos sa Huling Araw na ito na tinawag ng Diyos dito sa Pilipinas noong 1914.



Ano Ang Kahalalang Ibinigay ng Diyos Sa Huling Sugo?



Sa Isa. 41:9, ay ganito ang sinasabi:




“Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.”




Ano ang kahalalang ibinigay ng Diyos sa Huling Sugo? Kinikilala ng Diyos na ang Huling Sugo ay Kanyang lingkod, Kanyang pinili at hindi Niya itatakwil. Bakit pinagsabihan ng Diyos ang Huling
Sugo na hindi Niya itatakwil? Sapagka’t ang Sugong ito’y itatakuwil ng mga tao at kahit ng mga taksil na naging ministro sa Iglesia ni Cristo. Itinakuwil nga ba siya? Itinakuwil. Ngunit itinakuwil ba siya ng Diyos? Hindi! Ano ang katunayan? Nang maalis ang mga taksil na ministro na ipinasok ng lihim sa Iglesia, ang Iglesia ni Cristo ay lalong lumago at lumakas sa banal na tulong at biyaya ng Diyos. Ano
ang uri ng gawain ng Sugong ito sa Huling Araw ayon sa hula? Sa Isa. 46:11, ay ganito ang pahayag:




“ Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin naming papangyayarihin; aking,
pinanukala, akin naming gagawin.”




Sa ano itinulad ang uri ng gawain ng Sugong ito? Itinulad sa ibong mandaragit. Bakit itinulad sa ibong mandaragit ang Gawain ng Sugong ito? Sapagka’t sa pagbangon ng Sugong ito rito sa Pilipinas noong 1914, ang mga tao sa Pilipinas ay mayroon nang kinabibilangang relihiyon, kaya mula roon ay kanyang daragitin ang mga taong tinatawag ng Diyos sa Iglesia ni Cristo. Ayon din sa hula, saang mga relihiyon manggagaling ang karamihang daragitin ng Sugong ito? Sa Isa 43:6, ay sinasabi ang ganito:




“ Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.”





Saan manggagaling na mga relihiyon ang karamihang daragitin ng Huling Sugo? Sa mga relihiyong manggagaling sa TIMUGAN at HILAGAAN. Ang relihiyong nanggaling sa Timugan ay ang Iglesia Katolika, sapagka’t ang Roma na pinagmulan ng Iglesia Katolika ay nasa Timog ng Europa. Ang relihiyon naming nanggaling sa Hilaga ay ang mga Protestante sa Hilagang Amerika na dumating dito sa Pilipinas. Totoo nga bang ang karamihan sa mga taong nadadala sa Iglesia ni Cristo ay nanggaling sa Iglesia Katolika at sa mga Protestante? Opo. Paano sila dinaragit ng Huling Sugo?

Dinaragit sila ng Huling Sugo hindi upang kanyang silain, kundi upang gawing mga anak ng Diyos na mga lalake at babae. Siya ang gagawa ng payo ng Diyos upang madala sila sa marapat na paglilingkod. Siya ang naghahanda ng mga leksiyong itinuturo sa mga propaganda, sa mga pagduduktrina at sa mga pagsamba ng Iglesia ni Cristo kung araw ng Huwebes at Linggo.

Ano ang katunayang ang gawaing ito ng Huling Sugo ay pangangaral ng Ebanghelyo? Sa isa pang hula ng Diyos sa Apoc. 7:2-3, ay sinasabing:




“Ang ibang anghel na umaakyat sa sikatan ng araw na taglay ang tatak ng Diyos na buhay…” 


Sa paghahawak ng tatak ng Diyos ay nag-iisa siya, datapuwa’t sa pagsasagawa ng pagtatatak ay mayroon na siyang mga katulong.  Kaya ang sabi sa talatang 3 ay,


“hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Diyos.”




Ang tatak ay ang Espiritu Santo at ang pagtatatak ay ang pangangaral ng Ebanghelyo ( Efe. 1:13 ).  Ang salitang “anghel” ay maliwanag na pinatutunayan sa Biblia at maging ng mga Diksiyonaryo (talatinigan) na ang kahulugan ay “SUGO” o “UTUSAN” ng Diyos.



Kaya ang ibang anghel sa Apoc.7:2, ay Sugong tagapangaral ng Ebanghelyo. Ang Sugong ito’y magmumula sa sikatan ng araw o sa silanganan. Dahil dito’ynatitiyak natin na ang “Ibong Mandaragit” at ang “Ibang Anghel” ay iisang tao ang tinutukoy ng Diyos sa hula, at ito’y si Kapatid na Felix Manalo ang tiyak na kinatuparan. Ano ang mga pangako ng Diyos sa Kanyang huling Sugong ito na magmumula sa Malayong Silangan o sa Pilipinas?

Sa Isa. 41:10, ay ganito ang sinasabi:



“Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.”





Ano ang mga pangako ng Diyos sa Kanyang huling Sugo o kay Kapatid na Felix Manalo? Sinabi ng Diyos sa Sugong ito:




“Huwag kang manlupaypay, Ako’y iyong Diyos.”




Ang pangakong ito ay katulad din ng pangako ng Diyos kay Abraham. Sinabi ng Diyos kay Abraham:



“Ako’y iyong Diyos.”



Kung gayon, sa huling araw na ito ay ipinakikilala ng Diyos na ang Kanyang Huling Sugo ang taong may Diyos. Ang Diyos ay napadidiyos sa kanya. Kaya ang sinumang tao na ibig dumiyos sa Diyos ay nararapat makisama o makiisa sa Kanyang Huling Sugong ito. Ang sabi pa ng Diyos sa Kanyang Huling Sugo:




“Aking palalakasin ka.” 



Natupad ba ang pangakong ito kay Kapatid na Felix Manalo? Opo. Ano ang katunayan nito? Ang mabilis na paglago at malakas na paglaganap ng Iglesia ni Cristo sa pangunguna ni Kapatid na Manalo, na ito’y pinatutunayan din ng mga pari at ng mga pastor sa kanilang mga aklat na sinulat.

Sa kasalukuyan ay maraming mga Katoliko, mga Protestante, mga Aglipayano at iba’t iba pang relihiyon ang nakaanib na at patuloy na umaanib pa sa Iglesia ni Cristo. Sinabi pa ng Diyos sa Kaniyang Huling Sugo:



“Aking tutulungan ka.”

Tinulungan nga ba ng Diyos si Kapatid na Manalo? Opo. Ano ang katibayan nito? Ang malalaki, magaganda at mga mamahaling kapilya na naitayo at ipinatatayo pa ng Iglesia ni Cristo sa iba’t-ibang dako ng Kapuluang Pilipinas na hinahangaan din maging ng mga kalaban ng pananampalatayang ito.

Ang makapangyarihang gawang ito na marahil ay hindi iniisip ng sinuman na matutupad sa Iglesia ni Cristo ay malinaw na tulong ng Diyos kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo. Ipinangako pa rin ng Diyos sa Kanyang Huling Sugo:



“Aking aalalayan ka ng kanang kamay ng Aking katuwiran.”



Natupad ba ang pangakong ito kay kapatid na Manalo? Opo. Ano ang katunayang ating masasaksihan? Ang katunayang ating masasaksihan na si Kapatid na Manalo ay inaalalayan ng kanang kamay ng Katuwiran ng Diyos, na ang katuwiran ng Diyos ay ang Ebanghelyo, sa pamamagitan ng masiglang pangunguna at pagtatagumpay sa larangan ng pangangaral ng mga salita ng Diyos. Paano natin mapaniniwalaan na si Kapatid na Manalo at ang Iglesia ni Cristo ang nangunguna at nagtatagumpay sa larangan ng pamamahayag ng Ebanghelyo?

Natutupad kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo ang sinasabi sa Isa. 41:11-12 na ganito:



“ Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito:
silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak.
“Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang
nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng
bagay ng wala.”





Ano ang natutupad kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo na nagpapatunay na ito’y nangunguna nga at nagtatagumpay sa larangan ng pangagaral ng Ebanghelyo sa tulong ng alalay ng kanang kamay ng katuwiran ng Diyos?

Lahat ng lalaban sa Sugong ito at sa Iglesia ni Cristo ay mapapahiya at malilito. Ito’y isang katotohanang nasaksihan hindi lamang ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo, kundi maging ng hindi pa kaanib sa Iglesia ni Cristo. At sa panahong ito’y wala na halos ibig makipaglaban ng diskusyon sa mga ministro ng Iglesia ni Cristo, sapagka’t sila’y nangapapahiya at nalilito lamang sa panahon ng labanan.

Ang mga dating mahihigpit na kaaway ay marami na ang nagsipanaw at ang iba namang buhay pa ay para namang wala na. Tangi ba rito’y ano pa ang pangako ng Diyos sa Kanyang Huling Sugo?

Sa Isa.  41:13-15, ay ganito ang pahayag:




“Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na
magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.
“Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel."


“Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa.”





Natupad din ba kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo ang pangakong ito ng Diyos? Opo. Ano ang katunayan nito? Dahil sa ang Huling Sugong ito’y ginawa ng Diyos na bagong kasangkapang panggiik, ay gigiikin at didikdikin niyang durog ang mga bundok o ang mga pamunuan. Paano ito nangyari? Sa mga kampanya ng mga pagpapahayag ng mga salita ng Diyos ay dinudurog ng Sugong ito ang mga MALING ARAL ng iba’t ibang pamunuan ng mga iglesia. Sa mga pagduduktrina at
maging sa mga pagsamba ng Iglesia ni Cristo ay dinidikdik na durog ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo ang mga ARAL NG KADILIMAN, unang-una na ang Iglesia katolika na tulad sa pinakamalaking bundok sa mga relihiyon.

Samakatuwid, ang mga pangakong ito na natupad kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo ang matibay na katunayan na Sugo nga ng Diyos si kapatid na Felix Manalo sa huling araw na ito. Tinutupad ng Diyos ang Kanyang pangako sa Kanyang Huling Sugo.

Isinumpa ng Diyos na kapag sinalita Niya’y gagawin Niya at kapag pinanukala niya’y papangyayarihin Niya (Isa. 46:11 )


Nguni’t ipinalalagay ng mga kumakalaban sa Iglesia ni Cristo na sa Israel daw ukol ang pangakong ito at hindi kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo sa huling araw. Sila’y nagkakamali, sapagka’t hindi ang lahat lamang ng mula kay Abraham ang kinikilalang Israel, kundi yaong mga anak man sa pangako. Kaya ang mga kay Cristo o ang Iglesia ni Cristo ay mga anak sa pangako at sila’y ibinibilang na binhi ni Abraham (Rom. 9:6-8; Gal. 3:29 ).




Ano Ang Magiging Buhay Ng Huling Sugo Ng Diyos?




Sa 
Isa. 41:16, ay ganito ang sinasabi:



“Iyong pahahanginan, at tatangayin ng hangin, at pangangalatin ng ipoipo: at ikaw ay magagalak sa Panginoon, ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel.”



Ang magiging buhay ng Huling Sugo ng Diyos ay maligaya, sapagka’t siya’y magagalak sa Panginoon. Paluluwalhatiin ng Diyos ang kanyang pamumuhay, dahil sa mga tagumpay sa kaluwalhatian ng Diyos at ng Iglesia ni Cristo. Aling kaluwalhatian ito? Sa 
Isa. 14:18, ay sinasabi ang ganito:




“Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.”



Ang kaluwalhatiang tulad ng sa mga hari sa lupa. Ito ba’y isang katotohanan na nakikita nating natutupad sa Sugo ng Diyos sa Huling Araw na ito? Opo.  Ano ang katunayan nito? Ang pagtanggap sa kanya ng mga tao, hindi lamang ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo, kundi ng mga hindi pa kaanib sa Iglesia ni Cristo na higit sa pagtanggap sa mga kinikilalang dakilang tao sa sanlibutan. Kinikilala siya at binibigyan ng mataas na pagpaparangal ng magkakalabang pangkating ukol sa lupa.

Bagaman ang sugo ng Diyos sa Huling Araw na ito ay itinulad sa UOD na Jacob, na kung sukatin sa kalagayan ay 
mahina at walang katangiang tulad ng mga dakila at marurunong na kinikilala ng mga tao sa lupa, gayunman, ang kaluwalhatiang tinamo sa Diyos ng Huling Sugo ay hindi nila natamo.

Bakit ang mga kahanga- hangang bagay na ito ay nagiging isang ganap na katotohanan sa buhay ng Huling Sugo? Sapagka’t tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako sa kanyang Sugo sa Huling Araw na ito. Ang sugong ito’y palalakasin at tutulungan ng Diyos ( Isa. 41:10 ).



Si kapatid na Felix Manalo ay pinalakas ng Diyos na dahil dito’y naging mabilis ang paglago ng Iglesia ni Cristo. Siya’y tinulungan ng Diyos na pinatutunayan ng hindi matatawarang pag-unlad ng Iglesia ni Cristo, na nagpapatuloy sa pagtatayo ng mga kapilyang malalaki, magaganda na nagkakahalaga ng angaw-angaw na piso. Nakabibili ng malalawak na lupa na pinagtatayuan ng mga makabagong kapilya. Ang Sugong ito’y inalalayan ng Diyos ng Kanyang katuwiran, kaya ang lahat ng mga tagapangaral na lumaban sa Kanya ay napapahiya at nalilito.

Sanay nakatulong sa mga nagsusuri,at patuloy na nagsusuri sa aral ng IGLESIA NI CRISTO

Lunes, Disyembre 30, 2013

Pamahiin Dapat Bang paniwalaan?





Marami sa ating mga kababayan na sinusunod parin ang mga pamamaraan ng mga pamahiin na namana mula sa mga Ninuno pa.

Ang ilan nito ay na mga sample ay gaya ng mga sumusunod :

● bawal matulog ng basa ang buhok

● bawal mag papicture ng tatluhan dahil mamatay ang nasa gitna

● kapag nakakita ka ng itim na pusa, ibig sabihin n'un ay malas

● kapag daw ay nahulog ang tinidor habang
kumakain, may darating daw na bisitang lalaki; kung kutsara naman ay bisitang babae

● malas rin daw kapag tumingin ka sa basag na salamin

● hindi raw puwedeng ikasal ang magkapatid sa iisang taon, sukob daw' yon! --ang isa'y mamalasin at ang isa nama'y susuwertehin

● Huwag daw isuot ang damit pangkasal bago ang takdang araw ng kasal dahil baka daw hindi matuloy

● Huwag magwalis sa gabi dahil baka pati
suwerte ay mawalis din.

● Magsuot daw ng polka dots o may bilog-bilog na damit tuwing sasapit ang Bagong taon para swertehen.

● Ikutin ang pinggan kung hindi pa tapos
kumain at may aalis na kasama sa bahay para daw hindi madisgrasya.

● Paglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong ng patay para madaling malutas ang kaso kung ito ay pinatay.

● bawal daw kumain nang gulay na gumagapang kapag may patay dahil parang gumagapang lang daw ang inyong pamilya

● bawal daw magwalis pag may patay dahil parang winawalis lang din ang pamilya nyo

● kapag ang isang tao ay nananaginip na
binubunutan nang ngipin,mayroong kamag-anak na mamatay.

Iilan lamang po yan sa mga pamahiin na patuloy nilang sinusunod.

Ano ba ang epekto nito sa tao? may turo ba talaga ng Biblia na huwag itong paniwalaan? narito po :



DEUTERONOMIO 18:10-12
"Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga PAMAHIIN o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga KARUMALDUMAL na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo."



Ito pala ay masa at karumaldumal sa Harap ng Dios, Kaya po may payo na huwag tayo masusumpungan sa gayong gawain.Sapagkat ito ay Hindi aral mula sa Dios, Sapagkat ito ay aral lamang ng tao, anu ang payo mula sa Biblia?


Tito 1:14
 “Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.”

Huwag tayo maniniwala sa mga gawa gawa lamang ng tao,Ang dapat paniwalaan ay ang aral lamang mula sa Banal na kasulatan o Biblia:

2 Timoteo 3:15-17 
“Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pag-tutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.” [ Ang Bagong Magandang Balita, Biblia ]

Ang lahat po ng Aral, na nagtuturo ng katotohanan ay nasa Banal na kasulatan. Anu po ang idudulot sa katotohanang mula sa Biblia?

2 Timoteo 3:17
 “Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.”

Malinaw at maliwanag, na upang maturuang lubos ang Tao.Kaya huwag po tayo makiayon sa mga aral na gawa gawa ng tao . At Sa pamamagitan ng Haka Haka lamang. gaya ng nakasulat :

“ Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka. ”  Roma 12:16 

Sa anung paraan lamang ba dapat tayo sumunod?May mga pagtuturo ba? narito po Alamin natin sa Gawa 16:30-34, ganito ang nakasulat:

“At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas? At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan. At sa kaniya'y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng
nangasa kaniyang bahay. At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya. At sila'y kaniyang ipinanhik sa kaniyang bahay, at hinainan sila ng pagkain, at nagalak na totoo, pati ng buong sangbahayan niya, na nagsisampalataya sa Dios.”

Papaano ba nagkakaroon ng pananampalataya ang tao ayon sa Banal na Kasulatan? Sa Roma 10:17 ay ganito ang nakasulat:

“Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.”

Salita ni Cristo parin ang ating paniwalaan, At huwag ang mga gawa gawa ng Tao lamang. Ang tunay na Cristiano ang mga naniniwala lamang sa Aral na ayun kay Cristo. at sa Dios.

Linggo, Disyembre 29, 2013

Isaias 9:6 Dios ba si Cristo?

Isa na naman ito Talata na ginagamit ng karamihan upang palabasin na talagang tunay at ganap na Dios si Cristo,

ganito po ang nilalaman ng talata ng Isaias 9:6


Isaias 9:6
“Sapagka't sa atin ay IPINANGANAK ANG ISANG BATA, sa atin ay ibinigay ang isang ANAK NA LALAKE; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ANG KANIYANG PANGALAN AY  TATAWAGING Kamanghamangha, Tagapayo, MAKAPANGYARIHANG DIOS,
WALANG HANGGANG AMA,
Pangulo ng Kapayapaan.”




Atin pong pansin, "Ang kanyang pangalan"



Samakatuwid ang mga salitang:


KAMANGHAMANGHA, TAGAPAYO, MAKAPANGYARIHANG DIOS,
WALANG HANGGANG AMA, PANGULO NG KAPAYAPAAN.”




Ay hindi tumutukoy sa bata kundi sa kaniyang PANGALAN, maliwanag kung gayon na ang PANGALAN na ipantatawag sa bata ay ang may LITERAL MEANING o ang siyang may katumbas ng mga salitang nabanggit at hindi ang mismong bata ang tinutukoy ng mga salitang ito. Ano ang katangian ng Dios na kanilang malalabag kung ipagpipilit na Dios ang ipinanganak? ganito po.


Bilang 23:19

“ANG DIOS AY HINDI TAO na magsisinungaling, NI ANAK NG TAO na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?”


Malinaw na ang Dios po ay Hindi anak ng tao.Anu pala yung tinutokoy na PANGALAN?
Ating tunghayan sa isang salin ng Biblia na inilathala ng mga JUDIO:


Sa Filipino na po :



Isaias 9:6

“Sa atin ay ipinanganak ang isang bata, isang anak na lalake ay ibinigay sa atin; at ang pamamahala ay nasasa kaniyang balikat; at ang kaniyang pangalan ay tatawaging PELE- JOEZ-EL- GIBBOR-ABI-AD-SAR-
SHALOM”
[ [The Jewish Publication Society, 1917 ]




Ang pangalang PELE- JOEZ-EL- GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM , ay isa sa mga PANGALAN ng Panginoong JESUS o iyong tinatawag sa English na THEOPHORIC NAME .



Ano ba ang ibig sabihin ng salitang THEOPHORY?



"Theophory [1] refers to the practice of embedding the name of a god or a deity in, usually, a proper name. Much Hebrew theophory occur s in the Bible , particularly in the Old Testament ..."

Source:

http://en.wikipedia.org/wiki/Theophory_in_the_Bible



Ang THEOPHORY ay ang paglalagay ng PANGALAN ng Diyos sa PANGALAN na itinatawag sa TAO.
Dahil may mga PANGALAN sa Biblia na nagtataglay ng PANGALAN ng Diyos, Mga halimbawa:


Ezrael – Help of God

Gabriel, Gavriel – Man of God, God has shown Himself Mighty, Hero of God or Strong one of God


Gaghiel – Roaring Beast of God

Gamaliel – Reward of God


Hamaliel – Grace of God

Hanael – Glory of God

Immanuel – God with us

Imriel – Eloquence of God

Iruel – Fear of God

Ishmael, Ishamael – Heard by God, Named by God , or God Hearkens


Yisrael – Struggles with God or Prince of God

Elijah (Elias) – Whose God is Jah, God Jah , The Strong [dubious – discuss ] Jah , God of Jah, My God is Jah. Reference to the meaning of both ( Eli)-( Jah)

Isaiah – Salvation of Yahweh

Jeremiah – "Raised by YahwehYahweh exalts"Yahweh Appointed""Yahweh's Chosen"


Jeshaiah – Salvation of Yahweh


Ang mismong PANGALAN ni JESUS:


Yehoshua ( Joshua, Jesus) – Yahweh saves, Yahweh is Savour, Yahweh is my Salvation



Kaya nga ang banggit ay ANG KANIYANG PANGALAN at hindi sinabi na ANG KANIYANG MGA PANGALAN, dahil ang PELE-JOEZ-EL- GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM , ay ISANG MAHABANG PANGALAN LAMANG, wala itong tuldok ni kuwit sa pagitan.


Kaya isang pagkakamali ang naggawa ng mga nagsipagsalin ng Biblia na isalin ang LITERAL na KAHULUGAN nito sa wikang ENGLISH at iba pa. Tama ang ginawa ng mga Judio na pinanatili ang Orihinal nitong anyo sa Wikang Hebreo . Dahil sa ito ay ISANG PANGALAN, at hindi ISANG PANGUNGUSAP.



Ang PELE-JOEZ-EL-GIBBOR- ABI-AD-SAR-SHALOM ay Isang THEOPHORIC NAME na ipinantatawag kay JESUS, tulad ng kaniyang isa pang THEOPHORIC NAME na EMMANUEL, na may LITERAL MEANING na

“SUMASAATIN ANG DIYOS” .


Pero hindi nangangahulugan na si Cristo ang Diyos na sumaatin, kundi kahulugan lamang ng kaniyang
PANGALAN iyon, Sapagkat niliwanag ni Cristo iyan:



Juan 8:28-29

“Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI, KUNDI SINALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA. AT ANG NAGSUGO SA AKIN AY SUMASA AKIN; hindi niya ako binayaang nagiisa; SAPAGKA'T GINAGAWA KONG LAGI ANG MGA BAGAY NA SA KANIYA'Y NAKALULUGOD.”



Maliwanag kung gayon na ang DIYOS na SUMAATIN ay hindi si Cristo kundi ang AMA na NAGSUGO sa KANIYA Kaya nga hindi komo ganun na ang kahulugan ng isang PANGALAN ang ibig sabihin noon ay iyon na rin ang kalagayan nung tinatawag sa PANGALANG iyon.



Kumuha pa tayo ng isa pang halimbawa:


Isaias 8:1
“At sinabi ng Panginoon sa akin, Kumuha ka ng malapad na tabla, at sulatan mo ng panulat ng tao, Kay MAHER-SALALHASH- BAZ;”




Kung isasalin ang MAHER- SALALHASH-BAZ sa English ay MAKE HASTE TO PLUNDER, na sa TAGALOG ay:

MAGMADALI UPANG MAKAPANGULIMBAT o MAKAPAGNAKAW.



Kung ating uunawain iyan gaya ng kanilang pagintindi sa ISAIAS 9:6 na dahil sa iyan ang meaning nung pangalan ng ANAK ni ISAIAS hindi ba lalabas niyan na ang ANAK ni Isaias ay isang MAGNANAKAW ?



Lagi po nating TATANDAAN na iba ang KAHULUGAN ng PANGALAN sa KALAGAYAN ng taong PINATUTUNGKULAN. IBA ANG MAY KATANGIAN ng mga sumusunud :


WALANG HANGANG AMA


1 Timoteo 1:17

"Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, DI NAKIKITA, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa."



Alam naman nating ang walang hanggang AMA ,yun pala ang Dios na walang kamatayan at Di nakikita,sapagkat siya ay Espirito (juan 4:24) at si Cristo taoNg tao na nagmula at narinig mula sa Dios.(juan8:40)


MAKAPANGYARIHANG DIOS


Genesis 35:11
“At sinabi sa kaniya ng Dios, ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat;..”



Ang tunay na Dios makapangyarihan sa lahat, magagawa ang lahat ng bagay at walang imposible.

Matthew 19:26

" Tiningnan sila ni Jesus at sinabi,“Hindi ito magagawa ng tao,ngunit
magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.




Lucas 1:37

"Ito ay sapagkat sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mapagyayari"



Paanu ni Cristo maipakilala ang tunay at iisang Dios. sarili Ba nya? ganito ang mababasa :


Juan 17:1, 3


Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.




Kaya po malinaw po na malinaw kung paanu po Makikilala ang iisan Dios na tunay.na yun ang ipinakilala ni Cristo.

Kaya po ang mga Iglesia Ni Cristo.patuloy sa paghikayat sa lahat na makinig sa aral sa Loob ng Iglesia Ni Cristo upang malaman ang mga katotohanan. Sa Pakikinig ng mga salita ng Dios, Dito natin malaman ang katotohanan.


Roma 10:17
“Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.”



Salamat po.

Sabado, Disyembre 28, 2013

New years Resolution


Taon taon, Halos lahat ng tao gumagawa ng NEW YEARS RESOLUTION. Bilang Cristiano , ang magandang Gawin ng tao ay ang Magkarun ng pagsisisi sa Sarili.


“Kapag hindi ninyo pinagsisihan at
tinalikdan ang inyong mga
kasalanan, mapapahamak din
kayong lahat.”
(Luc. 13:5)


magsisi at talikdan ang kasalanan.Gaano pala ka importante ang pagsisisi?at paanu matanggap ang ating mga kasalanan.?
narito po :



" Kaya nga, hindi na
hahatulang maparusahan ang mga
taong nakipag-isa na kay Cristo
Jesus.
Wala na ako a sa
kapangyarihan ng kasalanan at
kamatayan sapagkat pinalaya na
ako ng kapangyarihan ng Espiritung
nagbibigay-buhay sa pamamagitan
ni Cristo Jesus."

(Roma 8:1-2 MBB)




Ang nakikipag kaisa lamang kay Cristo At HINDI LAHAT NA MGA NAGSISISI. yun lamang ana mapapawalang sala.Mahalaga, kung gayon, na
malaman ng tao kung sino ang
tinutukoy na mga
na kay Cristo at dito siya dapat
mapabilang upang hindi
makasama sa mga parurusahan.



ANG MGA WALA NANG HATOL
at matanggap ang pagsisisi.


Sino ang mga taong na kay Cristo
at hindi na hahatulan? Ganito ang
mababasa sa Biblia:


"Ay gayon din tayo, na
marami, ay iisang katawan
kay Cristo, at mga sangkap
na samasama sa isa't
isa."
(Roma 12:5)



Ang mga taong kay Cristo ay
itinulad sa mga sangkap na sama-
sama sa iisang katawan. Ang
tinutukoy na katawang kay Cristo
ay ang Iglesia Niya:


"At siya ang ulo ng katawan,
sa makatuwid baga'y ng
iglesia."
(Col. 1:18)


Ang Iglesiang ito na katawan ni
Cristo ang tinatawag ng Biblia na
Iglesia ni Cristo (Roma 16:16).



Kaya, nakatitiyak ang mga kaanib
sa Iglesia ni Cristo na maliligtas
sila sa hatol o parusa.
Batay sa mga katotohanang ito,
maituturing kaya na magkapareho
lamang o walang pagkakaiba ang
kaanib sa tunay na Iglesia at ang
hindi kaanib? Hindi rin kaya
hahatulan o parurusahan ang nasa
labas nito? Ganito ang nakasulat
sa Biblia:




"Datapuwa't sa nangasa
labas ay Dios ang humahatol.
Alisin nga ninyo sa inyo ang
masamang tao."
(I Cor.
5:13)




Tinitiyak ng Biblia na ang mga
nasa labas ay hahatulan o
parurusahan ng Diyos. Kaya isang
malaking kamalian ang
paniniwalang makakapareho
lamang na sa Diyos ang lahat ng
relihiyon at walang pagkakaiba
ang kaanib at hindi kaanib sa
Iglesia ni Cristo.



ANG MGA TAGAPAGMANA NG
PANGAKO




Pinatutunayan ng Biblia na ang
mga kay Cristo ang kinikilalang
binhi ni Abraham at mga
tagapagmana ng pangako ng
Diyos:



"At kung kayo'y kay Cristo,
kayo nga'y binhi ni Abraham,
at mga tagapagmana ayon sa
pangako."
(Gal. 3:29)



Pansining muli na hindi sinasabi
sa Biblia na ang lahat ng tao ay
mga tagapagmana ng mga
pangako. Sa halip, ang mga kay
Cristo ang magmamana ng mga
pangako. Ano ang pangako na
mamanahin ng mga kay Cristo?



"At ito ang pangakong
kaniyang ipinangako sa atin,
ang buhay na walang
hanggan."
(I Juan 2:25)



"Nguni't, ayon sa kaniyang
pangako, ay naghihintay tayo
ng bagong langit at ng
bagong lupa, na tinatahanan
ng katuwiran."
(II Ped. 3:13)



Pinangakuan ang mga kay Cristo
ng buhay na walang hanggan. Ang
mga kay Cristo rin ang
maninirahan sa bagong langit at
bagong lupa na tinatahanan ng
katuwiran. Kaya, hindi ang lupang
ito na ating kasalukuyang
tinatahanan ang inaasahan ng mga
kay Cristo. Itinuturing nila na sa
lupang ito ay manlalakbay lamang
sila (Heb. 11:13) at ang tunay
nilang bayan ay nasa langit (Filip.
3:20).




Tunay na mapalad ang mga kay
Cristo o ang mga sangkap ng
Kaniyang katawan o Iglesia.
Pareho lamang ba ang kapalaran
ng kaanib at hindi kaanib sa
Iglesia? Ang mga hiwalay kay
Cristo o hindi sangkap ng
Kaniyang katawan o hindi kaanib
sa Iglesia ay magmamana rin kaya
ng mga pangako ng Diyos? Ganito
ang nakasulat sa Biblia:



"Hiwalay kayo noon kay
Cristo at hindi kabilang sa
Israel. Wala kayong bahagi
sa tipan at pangako ng Dios
sa kanila. Wala kayong Dios
o pag-asa sa kaligtasan."
(Efe
2:12, Salita ng Buhay )




Ang hiwalay kay Cristo ay hindi
kabilang sa Israel kung kaya hindi
ibinibilang na binhi ni Abraham.
Bukod dito, ang hiwalay kay
Cristo o wala sa Iglesia ni Cristo
ay walang bahagi sa tipan at mga
pangako. Wala silang karapatang
maglingkod sa Diyos at wala silang
pag-asa sa kaligtasan. Kaya hindi
totoo na magkapareho lamang at
walang pagkakaiba ang kaanib sa
Iglesia ni Cristo at ang hindi
kaanib. Malaki ang pagkakaiba ng
mga taong nasa loob ng Iglesia at
ng mga nasa labas.



MAGKAIBA SA PAGKABUHAY NA
MULI



Sa muling pagparito ng
Panginoong Jesucristo, kapag
binuhay nang muli ang mga
namatay, pareho lamang ba't
walang pagkakaiba ang kaanib at
di kaanib ng Iglesia ni Cristo ?
Ang sabi sa Biblia:



"Sapagka't ang Panginoon
din ang bababang mula sa
langit, na may isang sigaw,
may tinig ng arkanghel, at
may pakakak ng Dios: at ang
nangamatay kay Cristo ay
unang mangabubuhay na
maguli; Kung magkagayon,
tayong nangabubuhay, na
nangatitira, ay aagawing
kasama nila sa mga alapaap,
upang salubungin ang
Panginoon sa hangin: at sa
ganito'y sasa Panginoon tayo
magpakailan man."
(I Tes.
4:16-17)




Ang mga namatay kay Cristo,
ayon sa mga apostol, ang unang
mabubuhay na muli, at ang mga
daratnang buhay ay aagawing
kasama nila upang sumalubong sa
Panginoon at sila'y sasa Kaniya
magpakailan man. Kasama ba sa
unang pagkabuhay na mag-uli ng
mga patay ang mga hindi kaanib
sa Iglesia? Ganito ang nakasulat sa
Biblia:



"Ang mga iba sa mga patay
ay hindi nangabuhay
hanggang sa naganap ang
isang libong taon. Ito ang
unang pagkabuhay na
maguli."
(Apoc. 20:5)



Maging sa pagkabuhay na mag-uli
ay malaki ang pagkakaiba ng
kaanib sa Iglesia at ng hindi
kaanib. Ang mga kay Cristo ang
unang mabubuhay na mag-uli
samantalang ang hindi kay Cristo
ay hindi mangabubuhay hanggang
sa maganap ang isang libong taon.


Pareho lang kaya na magiging
mapalad ang kasama sa unang
pagkabuhay na muli at ang
bubuhayin makalipas ang isang
libong taon? Ganito ang sagot ng
Biblia:



"Mapalad at banal ang
makalakip sa unang
pagkabuhay na maguli: sa
mga ito'y walang
kapangyarihan ang ikalawang
kamatayan; kundi sila'y
magiging mga saserdote ng
Dios at ni Cristo, at
mangaghaharing kasama niya
sa loob ng isang libong
taon."
(Apoc 20:6)




Ang mapalad ay yaong
makakalakip sa unang pagkabuhay
na mag-uli sapagkat wala nang
kapangyarihan sa kanila ang
ikalawang kamatayan o ang
kaparusan sa dagat-dagatang apoy
(Apoc. 20:14)
. Ito ay kaayon ng
pangako ni Cristo sa Kaniyang
Iglesia na ang kapangyarihan ng
kamatayan ay hindi mananaig dito
(Mateo 16:18).



Sa kabilang dako, magiging
mapalad din kaya ang mga hindi
kaanib sa Iglesia o ang mga
bubuhayin makaraan ang isang
libong taon? Ganito ang
matutunghayan sa Biblia:



"At kung maganap na ang
isang libong taon, si Satanas
ay kakalagan sa kaniyang
bilangguan. At lalabas upang
dumaya sa mga bansa na
nasa apat na sulok ng lupa,
sa Gog at sa Magog, upang
tipunin sila sa pagbabaka: na
ang bilang nila ay gaya ng
buhangin sa dagat. At
nangagsipanhik sila sa
kalaparan ng lupa, at
kinubkob ang kampamento
ng mga banal, at ang bayang
iniibig: at bumaba ang apoy
mula sa langit, at sila'y
nasupok."
(Apoc. 20:7-9)




Ang hindi kasama sa unang
pagkabuhay na mag-uli, na ito
nga ay ang mga hindi kaanib sa
Iglesia, ay sawimpalad sapagkat
nakasulat sa Biblia na bagaman
sila ay bubuhayin, ang apoy ay
bababa mula sa langit upang sila
ay supukin.


AT TANDAAN DIN PO NATIN, di lahat ng nagsisisi ay tinanggap,kundi yun lamang kay Cristo. ang kabilang sa Iglesia Ni Cristo