Ano ba ang tungkol sa IKAPU?
Ang ikapu o ang pagkakaloob ng ika sampung bahagi ng tinatangkilik ay batas ng Dios. Ito ay banal sa Panginoon.
Levitico 27:30
"At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging BANAL SA PANGINOON."
Si Abraham bilang pagsunod ay nagbigay ng ikasampung bahagi kay Melquisedec na saserdote ng Dios...
[ Genesis 14:18-20; Heb. 7:1-2,9]
Ang bayang Israel ay pinananagot na magbigay ng IKAPU sa lahat ng kanilang ani... [Deut. 14:22,28; 2 Cronica 31:5]…
ISANG MALIIT NA KASALANAN BA ANG DI PAGBIBIGAY NG IKAPU? Ang di pagbibigay ng IKAPU ay katumbas ng PAGNANAKAW SA DIOS...
Malakias 3:8
"NANANAKAWAN baga ng tao ang Dios? Gayon ma'y ninanakaw ninyo ako. Ngunit inyong sinasabi, Sa ano ka namin nanakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog"
Subalit ng dumating ang Panahong Cristiano, palibhasa'y nagkaroon ng pagbabago sa kautusan [Heb.8:7,13] maging sa palatuntunan ng pagsamba [Heb.9:1], ang Paraan at kautusan ukol sa pagkakaloob o paghahandog ay nagbago.
Ang pagkakaloob o paghahandog ay hindi idinidikta o itinatakda gaya ng batas ukol sa IKAPU.
Sa panahong Cristiano ang paraan ng paghahandog ay:
"PASYA NG PUSO"
2Cor. 9:7
"Magbigay ang bawa't isa ayon sa IPINASIYA NG KANYANG PUSO; huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagkat iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya."
at "AYON SA KINIKITA"
1 Cor. 16:2NPV
"Tuwing unang araw ng sanlinggo, bawat isa sa inyo'y magbukod ng isang halaga AYON SA KANYANG KINIKITA para pagpariyan ko ay hindi na kailangang lumikom pa."
Maliwanag na HINDI TINATAKDAAN gaya ng pagtatakda ng 10% ang paraan ng paghahandog sa Panahong Cristiano. Kundi Pasya ng Puso at Batay sa Kinikita.
Sa Panahong Cristiano, sino ang kinakitaan ni Cristo na nagbibigay ng IKAPU? Ang mga Eskriba at mga Fariseo na KAAWAY NI CRISTO..ang ginagawa nilang pag iikapu ay tinuligsa ni Cristo.
Mateo 23:23
"Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat nangagbibigay kayo ng sa IKAPU ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan..."
Lucas 11:42
" Datapuwa't sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka't nagbibigay kayo ng IKAPU ng yerbabuena, at ng ruda, at ng bawa't gugulayin, at pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pagibig ng Dios: datapuwa't dapat ngang gawin ninyo ang mga ito, at huwag pabayaan di ginagawa ang mga yaon. "
2 komento:
Ser ano po ito san po mababasa ung ayon sa kinikita? 2Cor. 9:7
"Magbigay ang bawa't isa ayon sa IPINASIYA NG KANYANG PUSO; huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagkat iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya."
at "AYON SA KINIKITA"? parang may nadagdag po, di po bawal magdagdag sa nasusulat?
Ano ba ang nadagdag?
Mag-post ng isang Komento