Isa sa talata na minsan na minali ng pagkaunawa ng marami dahil sa sabi ng mga hudyo noon na nais pumatay kay Jesus , na inakala nilang nagpaka Dios raw si Jesus. Ginamit nila ito na sa katotohanan raw Sinabi nila ito. Ganito ang ating mababasa :
Juan 10:33 MBB
" Sumagot ang mga pinuno ng mga Judio, “Hindi dahil sa mabubuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa PAGLAPASTANGAN MO SA DIYOS! Sapagkat NAGPAPANGGAP KANG DIYOS, bagama't tao ka lamang.”
Dito conclude nila agad, Dios raw si Jesus dahil mababasa at sinabi nilang NAGPAKUNWARING DIOS Si Jesus. Kung paniniwalaan ang kanilang argumento, parang narin ginawa nating sinungaling si Jesus dahil Kahit kaylan ay hindi sinabi ni Jesus na NAGPAKA-DIOS Siya. Si Jesus ay nagpakilala hindi bilang Dios, kundi bilang ANAK NG DIOS, SINUGO NG DIOS. Ganito ang ating mababasa :
Juan 10:36 MBB
" Ako'y pinili at ISINUGO NG AMA; paano ninyo ngayon masasabing nilalapastangan ko ang Diyos dahil sa sinabi kong ako ang ANAK NG DIYOS? "
Dito nagkamali ng pang-unawa ang kausap ni Jesus. Tinuwid sila ni Jesus at sinabi, PAANO NIYA MALAPASTANGAN ANG DIOS, DAHIL BA SA PAGSABI NA SIYA AY " SINUGO NG AMA, at bilang ANAK NG DIOS".
Malinaw na Mali ang Kanilang iniisip, mali ang pang unawa ng mga bumato kay Jesus, ganun din ang gumamit ng TALATA na ito upang palitawin na Dios si Jesus. Malinaw na maging sa panahon ngayon, ganun din nagkamali ng iniisip ang mga maraming Tao ngayon. Imbis ang pagiging "ANAK NG DIOS AT SINUGO NG DIOS", ang inisip Dios na raw. Ano pa ang Sabi ng mga Tao na kausap ni Jesus?
Juan 8:41
" Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama. Sinabi nila sa kaniya, Hindi kami inianak sa pakikiapid; MAY ISANG Ama kami, ang Dios. "
Kahit ang HUDYO noon ay ALAM at naniniwala na ang AMA LAMANG ang IISANG DIOS, ang hindi lamang nila matanggap ay ang pagpakilala ni Jesus bilang ANAK NG DIOS AT SINUGO NG DIOS, Sapagkat, gaya ng mga iniisip ng ilang tao ngayon, KAPAG KA ANAK NG DIOS, DIOS NA KAAGAD. Ganun din ang nasa isip ng mga tao na nais pumatay kay Jesus, na inakala na nagpaka Dios dahil inangkin na ANAK NG DIOS.
Sinita ba ni Cristo at sinabi ang ganito?:
"DIOS DIN AKO, "...? Hindi po.....Paano sinagot ni Jesus?
Juan 8:42
" Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ANG DIOS ANG INYONG AMA, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako. "
Inangkin ba ni Jesus? Hindi po...WALANG TUTUL si JESUS na ang AMA ANG IISANG DIOS...Ang tinutulan niya, ay kung TUNAY NA KILALA AT INIIBIG NILA ANG DIOS, dapat ay tanggapin din Siya BILANG "SINUGO", na nanggaling sa Dios..
Hindi nila matanggap ang mga PAHAYAG na ito ni Jesus. Ang INIISIP NILA, Dios na si Jesus. Kaya, ano ang sabi ni Jesus gaya ng naniniwala ng pagka Dios ni Jesus na mali ang inakala?
Juan 8:43-44
" BAKIT DI NINYO MAUNAWAAN ang sinasabi ko? Hindi ba't ito'y dahil sa ayaw n'yong tanggapin ang itinuturo ko?
" Bakit di ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Hindi ba't ito'y dahil sa ayaw n'yong tanggapin ang itinuturo ko? ANG DIYABLO ANG INYONG AMA! At ang kagustuhan niya ang ibig ninyong gawin. Noon pa man ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Likas sa kanya ang magsinungaling, sapagkat siya'y talagang sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan. "[MBB]
Ang sabi ni Jesus, ang HINDI MAKAUNAWA sa kaniyang sinabi ay sa DIYABLO. Gaya ng mga KAUSAP niya, Ang pagpapakilala ni Jesus:
1. TAO SIYA (Juan 8:40)
2. NANGGALING AT ISINUGO NG DIOS (Juan 8:42)
3. SINUGO NG DIOS , ANAK NG DIOS (Juan 10:36)
Iyan ang mga binanggit ni Jesus, hindi ang pagpapakilala na Siya'y Dios. Mali lamang ang pag UNAWA NA DIOS raw si Jesus. Kaya ang Sabi ni Jesus, sa Kaniyang panalangin na dapat sana ay makilala nilang Dios, walang iba kundi ang AMA LAMANG
Juan 17:1, 3 MBB
" Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya.
" Ito ang buhay na walang hanggan: ANG MAKILALA KA NILA, ANG IISA AT TUNAY NA DIYOS, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. "
Sabi ni Jesus, ang MAKILALA KA NILA, hindi ang MAKILALA NILA TAYO, Siya ay idinugtong na kilalanin BILANG SINUGO ng DIOS hindi mismo ang Dios. Kaya ito ang Katotohanang Aral na DAPAT MAUNAWAAN.
3 komento:
mga butata mga anti-crist mga kaaway ni cristo talaga kayo
sina sabi ng Dios
Efeso1:2Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
juan 10:30 Ako at ang Ama ay iisa.
1 timothy 4:1 Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio, saan kayo galing sa catholico at sino nag talikod kayo mga anti-crist talaga kayo mga INC Iniwan Ni Cristo dahil kaaway kayo ni cristo hesus na Panginoon dahil siya ang Dios paano nyo nasasabi na kayo ligtas pagka tapos hindi nyo kilala si cristo juan 14:6 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.sapagkat hindi nyo kilala siya hindi nyo kialal ang ama juan 14:7
hindi kayo maligtas sa darating na araw kapag bumalik na ang Panginoong hesus
Gasgas na po yang argumentong yan..
Mag-post ng isang Komento