Miyerkules, Oktubre 15, 2014

Ang Karapatdapat na Panalangin






Ang panalangin ay Isang napakahalagang bahagi sa Ating buhay, sapagkat sa gayong paraan ating nailalapit sa Dios kung ano man ang ating ninanais sa buhay. Kaya, upang ating malaman ang mga aral at gabay ukol dito, ay dapat ating maunawaan kung SA PAANONG PARAAN ANG PAGSAGOT NG DIOS, ANG DAPAT KAYLANGAN UPANG TAYO AY SAGUTIN, at Siyempre, may pagkakataon ding may HINDI SASAGUTIN. Atin nang uunahin ang Iba't ibang paraan ng pagsagot ng Dios.


ANG IBA'T- IBANG PARAAN NG PAGSAGOT NG DIOS SA ATING MGA PANALANGIN


Sinasagot ang panalangin- pinalalakas ang loob


Awit 138:3
" Kapag ako'y nananalangin, sinasagot mo ako, AT PINALALAKAS ANG AKING LOOB sa pamamagitan ng pagbibigay ng lakas na aking kailangan " [ Living Bible ]



May pagkakataong agd agad sinasagot

Isa. 65:24
" Bago pa sila tumawag ay sasagutin ko na sila; nagsasalita pa sila ay didinggin ko na " [ NPV ]


Dan. 10:12
" At nagpatuloy siya ng pagsasalita, ' Daniel, huwag kang matakot. Mula sa unang araw na itinalaga mo ang iyong sarili sa pagkakamit ng pagkaunawa at iyong pagpapakababa sa harapan ng iyong Dios, NARINIG ANG IYONG MGA SALITA, at naparito ako upang tugunin ang mga iyon " [ NPV ]



Kung minsan ay nagtatagal

Luc. 18:7
" Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa Kaniyang mga hinirang na dumaraing sa Kaniya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal iyon " [ MB ]



Kung minsan ay iba sa ating hinahangad

2 Cor. 12:8-9
" Sa tatlong magkakaibang pagkakataon ay nakiusap ako sa Dios na muli niya akong palakasin.
" Sa bawat pagkakataon ay sinabi niya, ' HINDI, Nguni't ako'y kasama mo; iyan lamang ang iyong kailangan. Ang aking kapangyarihan ay lubos na nahahayag sa mga taong mahihina.' Ngayon, nagagalak akong ipagmapuri kung gaano ako kahina; nagagalak akong maging isang buhay na patotoo ng kapangyarihan ni Cristo, sa halip na ipagmapuri ang sarili kong lakas at mga kakayahan. " [ Living Bible ]


Higit sa inaasahan

Efeso 3:20
" Ngayon ay luwalhatiin nawa ang Dios, na sa pamamagitan ng kaniyang napakalakas na kapangyarihan sa atin ay may kakayahang gumawa ng higit pa sa anumang pangahasan nating hilingin o maging pangarapin man- lampas pa sa ating pinakamasidhing mga panalangin, mithiin, isipan o inaasahan." [ Living Bible ]


● Sa panahon ng kabagabagan o kaguluhan, o karamdaman, o kagipitan


Awit 50:15
" At tawagin mo ako sa panahon ng kabagabagan; ililigtas kita, at ako'y iyong pararangalan. "[ NPV]

Awit 91:15
" Tatawag siya sa akin, tutugunin ko siya; sasamahan ko siya sa gitna ng kaguluhan, ililigtas ko siya at pararangalan." [ NPV]

Santiago 5:16
" Aminin ninyo sa Isa't isa ang inyong mga kamalian at ipanalangin ang bawat isa upang sa gayon gumaling kayo. Ang maningas na panalangin ng isang taong matuwid ay may dakilang kapangyarihan at kahangahangang nagagawa." [Living Bible]

Isaias 41:17
" Ang mga dukha at nangangailangan at maghahanap ng tubig, ngunit walang matagpuan; natuyo na sa matinding uhaw ang kanilang mga dila. Ngunit akong PANGINOON ang tutugon; Ako, ang Dios ng Israel, ay hindi magtatakwil sa kanila ." [NPV]



Dinirinig mula sa templo

Awit 18:6
" Sa aking pagkabahala, tumawag ako sa PANGINOON; Dumaing ako sa aking Dios para tulungan. Mula sa kaniyang templo'y narinig niya ang aking tinig. Sa kaniyang harapa'y dumating ang daing at kaniyang narinig." [ NPV]



ANG KAILANGAN UPANG TAYO'Y KANIYANG SAGUTIN


Hinahanap ang Dios ng buong puso


Awit 34:4
" Hinanap ko ang PANGINOON, at tinugon niya ako; inalis niyang lahat ang aking pagkatakot." [NPV]


Jeremias 29:12-13
" Kung magkagayon, tatawag kayo sa akin, dudulog kayo at mananalangin sa akin, at didinggin ko kayo.
" Hahanapin ninyo ako at inyong masusumpungan kung hahanapin ninyo ako ng buong puso. " [ NPV]



Matiyagang naghintay

Awit 40:1
" Ako'y matiyagang naghihintay sa PANGINOON; nilingon niya ako at dininig ang aking taghoy." [NPV]



Manumbalik-talikdan ang kasalanan

2 Cor. 7:14
" Kung ang aking bayan na tinawag sa aking pangalan ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikdan ang kanilang masasamang gawain, diringgin ko sila mula sa langit, patatawarin ang kanilang mga kasalanan at pagagalingin ko ang kanilang lupain." [NPV]


Nananampalataya

Mat.21:22
" Kung kayo'y nananampalataya, anumang hingin ninyo sa panalangin ay ibibigay sa inyo." [NPV]

Santiago 5:15
" Ang panalanging may pananampalataya ay magpapagaling sa maysakit; ibabangon siya ng panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya." [ NPV]



Humihingi ng naaayon sa kalooban ng Dios

1 Juan 5;14
" Ito ang ating katiyakan sa pagdulog natin sa Dios: ibibigay niya sa atin ang anumang hingin nating naaayon sa kaniyang kalooban." [NPV]


Nasa katotohanan

Awit 145:18
" Sa lahat ng tumatawag sa kaniya, ang PANGINOON ay malapit, sa lahat ng tumatawag sa kaniya sa katotohanan. " [NPV]


Mahal ang Dios


Awit 91:14-15
" Sapagkat sabi ng Panginoon, 'Dahil mahal niya ako, ililigtas ko Siya; padadakilain ko siya sapagkat nagtitiwala siya sa aking pangalan.
" Kapag tumatawag siya sa akin, ako'y sasagot; sasamahan ko siya sa panahon ng kabagabagan, at ililigtas ko siya at pararangalan." [ Living Bible]


Sinusunod ang mga utos

1 Juan 3:22
" Sa gayon tatanggapin natin ang anumang hingin natin pagkat sinusunod natin ang kaniyang mga utos at ginagawa ang mga bagay na nakalulugod sa kaniya." [NPV]


Nananatili

Juan 15:7
" Ngunit kung mananatili kayo sa akin at susundin ang aking mga utos, maaari ninyong hilingin ang anumang ibig ninyo, at ito'y ipagkakaloob sa inyo." [ Living Bible]


Namumuhay ng matuwid

Awit 34:15
" Sapagkat ang paningin ng Panginoon ay matamang nagmamasid sa lahat ng mga namumuhay nang matuwid, at pinakikinggan niya sila kapag sila'v dumaing." [ Living Bible]


Hingin sa Pangalan ni Cristo

Juan 14:13
" Anuman ang hilingin ninyo sa aking Pangalan ay gagawin ko upang maluwalhati ang Ama sa pamamagitan ng Anak." [ NPV]



ANG TIYAK NA HINDI NIYA SASAGUTIN


Humingi ng masama

Sant.4:3
" Kung humingi man kayo hindi rin ninyo natatanggap pagkat masama ang inyong mga layuninpara gamitin sa inyong mga kalayawan." [ NPV]



Namumuhay sa kasalanan

Isaias 59:2
" Ngunit ang suliranin ay pinutol ng inyong mga kasalanan ang kaugnayan ninyo sa Diyos. Dahil sa kasalanan ipinihit niya ang kaniyang mukha palayo sa inyo at hindi na siya makikinig." [Living Bible]


Juan 9:31
" Ang totoo, hindi nakikinig ang Dios sa mga taong masama, ngunit mayroon siyang bukas na pakinig sa mga taong sumasamba sa kaniya at gumagawa ng kaniyang kalooban." [Living Bible]



Kapag walang pagpapahalaga sa mga handog 



Mal.1:7-9
" 'Kapag nagdadala kayo ng maruming handog sa aking dambana.' ' Maruruming handog? Kailan namin ginagawa ang gayong bagay ?' "
" Kapag inyong sinasabi, ' Huwag na kayong mag-abala pang magdala ng anumang bagay na napakahalaga upang ihandog sa Diyos!'
" Inyong sinasabi sa mga tao, ' Tama lamang na ihandog sa dambana ng Panginoon ang mga pilay na hayop oo, kahit ang mga maysakit at bulag.' At sinasabi ninyong hindi ito masama? Minsa'y subukin ninyo itong gawin sa inyong gobernador - at tingnan ninyo kung gaano siyang masisiyahan!

" ' Kaawaan mo kami, O Diyos,' inyong inuusal; ' Pagpalain mo kami, O Diyos!' Ngunit kapag nagdadala kayo ng gayong uri ng handog, bakit niya kayo pagpapakitaan ng kagandahang-loob sa anumang paraan?' ". [ Living Bible]


Lumalayo sa Dios- Sa hindi pagsunod


Jer. 14:10, 12
" At sinabi ng Panginoon: Iniibig ninyong lumayo sa akin at hindi sinikap na sumunod sa aking mga daan. Ngayon, hindi ko na kayo tatanggapin bilang aking Bayan; ngayo'y aalalahanin kong lahat ang nagawa ninyong kasamaan, at parurusahan ko ang inyong mga kasalanan."
" Kapag sila'y nag-aayuno, hindi ko sila papansinin; kapag dinala nila ang kanilang mga handog at hain sa akin, hindi ko tatanggapin ang mga ito. Ang ibibigay ko sa kanila bilang kapalit ay digmaan at kagutom at mga sakit." [ Living Bible]



Ipinagwalang-bahala ang mga payo at saway


Kawikaan 1:24-25,28
" Ngunit, tinanggihan ninyo ako nang Ako'y tumawag, at di pinansin nang ilahad ko ang aking kamay.
" Ipinagwalang-bahala ninyo ang lahat ng payo ko, at tinanggihan ang lahat ng aking paalala.
" Tatawagin nila ako subalit hindi ako sasagot; hahanapin nila ako, ngunit hindi ako masusumpungan." [ NPV]


Zakarias 7;11-13
" Ngunit hindi nila ito pinansin. Nagmatigas sila, tumalikod at tinakpan ang kanilang mga tainga.
" Ang mga puso nila'y ginawa nilang sintigas ng bato. Ayaw nilang pakinggan ang kautusan, ni ang mga salita ng PANGINOON na makapangyarihan sa lahat ng ipinadala ng Kaniyang Espiritu sa pamamagitan ng mga unang propeta. Dahil dito, labis na nagalit ang PANGINOON na makapangyarihan sa lahat.
" Nang ako'y tumawag, hindi sila nakinig; kaya nang sila naman ang tumawag, hindi ko sila pakikinggan,' sabi ng PANGINOON na makapangyarihan sa lahat. " [ NPV]



Nag-aalinlangan


Santiago 1:6-7
" Ngunit kung hihingi, dapat siyang manalig at huwag mag-alinlangan, pagkat ang nag-alinlangan ay tulad ng alon sa dagat na itinataboy ng hangin
" Huwag isipin ng taong iyon na tatanggap siya ng anuman sa Panginoon." [ NPV]

1 komento:

Unknown ayon kay ...

Gustu kopong malaman kung ano poba ang ibig sabihin ng nasa awit 136 na ganito ang sinasabi.
2.OH mag pasalamat kayo sa Dios ng mga Dios sa pagkat ang kanyang kagandahang loob ay magpakailanman
3. Oh mag pasalamat kayo sa panginoon ng mga panginoon sapagkat ang kanyang kagandahang loob ay magpa kailanman.

Kung Dios ng mga Dios magiging marami Pala ang dios kung ganun. Pero sa Biblia isalang ang dios ang ama.

Kung panginoon ng mga panginoon abay dadami Pala ang panginoon hindi Lang si Cristo kung ganun. Hihintayin kopo ang inyong kasagutan. Maraming salamat po