Ayun sa mga naniniwala sa Trinidad, o nagtataglay ng mga larawan ng Dios sa rebulto. Ito ang talata na kanilang sagot kung may nagtatanong.
Tanong:
BAKIT NINYO NAGAWAN NG IMAHE/REBULTO ANG DIOS? MAY ANYO BA SIYA PARA MAILARAWAN O O MAGAWAN NG LARAWAN ?
Ang sagot nila. Mababasa raw sa Genesis 1:27. Ganito ang laman ng talata:
Genesis 1:27
" At nilalang ng Dios ang tao ayon sa KANIYANG SARILING LARAWAN, AYON SA LARAWAN NG DIOS siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. "
Dito'y binanggit na KALARAWAN NG DIOS ANG TAO na nilalang Niya. Kaya, conclusyun agad nila, MAY LARAWAN TALAGA ANG DIOS na pareho ang hugis sa TAO. Kaya, nagawan ng LARAWAN O IMAHE.
Ayun ba sa Banal na Kasulatan, MAIWAWANGIS BA ANG DIOS? MARAPAT BANG GAWAN NG REBULTO ANG DIOS? Sasagutin lahat mula sa Biblia :
Isaias 40:18-20
" Kanino nga ninyo itutulad ang Dios? o ANONG WANGIS ANG IWAWANGIS ninyo sa kaniya?
" Ang LARAWANG INANYUAN na binubo ng mangbububo, at binabalot ng ginto ng platero, at binubuan ng mga pilak na kuwintas.
" Siyang napakadukha sa gayong alay ay pumipili ng isang punong kahoy na hindi malalapok; siya'y humahanap sa ganang kaniya ng isang bihasang manggagawa UPANG IHANDANG LARAWANG INANYUAN, na hindi makikilos. "
Isaias 46:5-6
" Kanino ninyo ako ITUTULAD, AT IPAPARIS, at IWAWANGIS AKO, upang kami ay magkagaya?
Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; sila'y nangagpapatirapa, oo, sila'y nagsisisamba. "
NAPAKALINAW po. Ang Dios ay hindi mangyaring IWAWANGIS o gawang ng REBULTO, sapagkat ito ay hindi kanais-nais at maling gawain. Sapagkat, Siya'y walang kawangis, kapareho o katulad man. Totoong nakasulat sa bibliya ang tao ay nilalang ng Diyos na maging kalarawan niya subalit natitiyak natin ang tinutukoy dito ay hindi sa likas na kalagayan ng Diyos kalarawan ang tao. Bakit? Sapagkat gaya din ng binanggit sa Juan 4:24 ang Diyos ay Espiritu:
“Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y naghsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.” [Juan 4:24]
Ang Diyos sa kaniyang likas na kalagayan ay espiritu. Ano ang ibig sabihin na ang Diyos ay espiritu? Pinaliwanag ni Jesus :
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagkat ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” [Lucas 24:39]
Pinatunayan ni JESUS na Siya ay hindi Espiritu. Na ang Dios ay Espiritu sapagkat walang taglay na laman at buto di gaya ng tao na may taglay nito. Ganito ang sabi niya :
“At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailanman sapagka’t siya ma’y laman:…” [Genesis 6:3 ]
Kung gayon, para saan nais ng Dios kalarawan ang pagkakalalang ng Dios sa Tao? Narito :
“Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip:” “at ang dapat makita sa inyo’y ang bagong
pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at
kabanalan.” Efeso 4:23-24, MB
Nais ng Dios na maging kalarawan niya ang tao sa BAGONG PAGKATAO na ito'y sa katuwiran at kabanalan. Bakit nais ng Dios na ang tao na kaniyang nilalang maging kalarawan niya sa kabanalan? Ano ang katangian mismo ng Diyos na lumalang sa tao? Narito :
1 Pedro 1:15-16
" Nguni't yamang BANAL ang sa inyo'y tumawag, ay MANGAGPAKABANAL naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; SAPAGKA'T AKOY BANAL. "
Dito nilalang ang layunin ng Dios sa paglalang sa TAO. Hindi dapat gamitin ang GEN.1:27, upang sabihin na ayun sa Pagkalarawan sa PagkaDios, kaya pwede na gawan ng REBULTO o IMAHE. Ang Biblia ay walang salungatan o kontradiksyun sa bawat bahagi nito. Kaya dito nagkakamali ng pagkagamit ang ilan. Ang Biblia, imbes sa katotohanan gamitin ay ginamit na sa kabulaanan.
“Mula pa sa pagkabata, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo Jesus.”
“Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag akay sa matuwid na pamumuhay.” I Tim.3:15-16, MB
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento