Ating Sariwain ang mga Uri ng Anghel na minsa'y nasa isip ng marami na pare-pareho ang uri. Ano ba ang kalagayan ng mga ANGHEL NG DIOS na taga langit.?
"Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo..." Hebreo1:14
Silang Lahat ay mga ESPIRITU sa kalagayan. Ano pa? Ang mga Anghel ay tinatawag ding mga '' ANAK NG DIOS"
Job 1:6
" Isang araw nga nang ang mga anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila. "
Job 38:7
" Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan? "
ANG ORGANISASYON NG MGA ANGHEL
A. ARKANGHEL - ang unlaping 'ARK' ay
nangangahulugan 'Kapitan' 'Pangunahin' o 'Pinuno'. Kapag binabanggit ang ARKANGHEL sa Biblia, ito ay tumutukoy lamang kay MIGUEL Arkanghel. sapagkat walang banggit ang Biblia na ''Mga Arkanghel", kundi ''Arkanghel''.
Si Miguel Arkanghel ay tinatawag na Dakilang Prinsipe :
Daniel 12:1
" At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat. "
Siya ay bantay at lumalaban para sa Israel
Daniel 10:21
" Nguni't aking sasaysayin sa iyo ang nakasulat sa kasulatan ng katotohanan: at walang sinomang tutulong sa akin laban sa mga ito, kundi si Miguel na inyong prinsipe. "
Si Miguel Arkanghel din ang mamumuno sa mga hukbo ng Dios at makikitang makikipaglaban kay Satanas sa araw ng Paghuhukom ...[ Apoc. 12:7-12.]
Sa muling pagbabalik ni Jesus, makakarinig tayo ng isang sigaw, at tinig ng Arkanghel, at ang mga namatay kay Cristo ay Unang Mabubuhay na mag uli. ...
1 Tesalonica 4:16-17
" Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. "
B. ANGHEL GABRIEL -
Madalas na tawagin ng Biblia si Anghel Gabriel na '' ANG SINUGO NG DIOS ". Si Anghel Gabriel ay apat na beses na binanggit sa Biblia, na laging binabanggit na " DALA DALA NIYA ANG MABUTING BALITA " ... [Daniel 8:16; 9:21; Lucas 1:9,16]…
C. SERAFIN -
Ang pangalang Serafin ay maaaring nagmula sa salitang Hebrew na nangangahulugang "PAG-IBIG" o "LOVE".
Matatagpuan lamang natin ang mga Serafin sa [Isaias 6:1-6]…
Ang tungkulin ng mga Serafin ay '' MAGPURI SA DIOS". Ang Serafin ay nakapwesto sa bahaging itaas ng trono ng Dios.At walang tigil sa Pagpupuri sa Dios.
Matututunan din natin na ang mga Serafin ay ginamit ng Dios upang linisin at dalisayin ang kanyang mga hinirang [Isaias 6:7].
Ang Serafin sa kanyang kaanyuan ay may 6 na pakpak. Dalawa ang nakatakip sa mukha, dalawa ang nakatakip sa kanyang mga paa, at ang dalawa pa ay ginagamit sa paglipad.
D. KERUBIN -
Kapag naririnig natin ang mga anghel Kerubin, di natin maiiwasang magunita ang 'PINAHIRANG KERUBIN' na naging Diablo at Satanas ... [Isaias 14:12; Ezekiel 28:14]…
Kasama ang maraming bilang na anghel sa paghihimagsik, sila ay inihagis sa lupa at maghihintay ng kahatulan sa Araw ng Paghuhukom [Judas 6]…
Kung ang mga Serafin ay nasa gawing itaas ng trono ng Dios..[Isa.6:1-2] Ang mga Kerubin naman ay nasa palibot ng Trono ng Dios [Awit 80:1; 99:1].
Gaya ng SERAFIN, ang mga KERUBIN ay wala ring tigil sa pagpupuri sa Dios. Makikita din natin na ang mga Kerubin ang nagbantay sa puno ng buhay sa Eden upang walang sinuman ang makalapit dito [Gen.3:24]…
Ang anyo ng mga Kerubin ay ginawang adorno sa Tabernakulo, at ito ay yari sa ginto [Exodo 25:18]…
Ano ba ang Itsura ng isang Kerubin?
Ezekiel 10:8-13 mb
"Ang mga kerubin ay may mga tila kamay nga ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak.
...may isang gulong sa tabi ng bawak kerubin. Ang mga gulong ay kumikislap tulad ng topasyo. Magkakamukha ang mga ito at parang iisa. Silay nakababaling kahit saan, hindi na kailangang pumihit. Saanman gumawi ang nasa unahan, sumusunod ang iba nang hindi na pumipihit. Ang kanilang katawan, likod, kamay, pakpak, pati mga gulong ay puno ng mata. Ang mga kerubin ay tigi-tig-isa ng gulong. Bawat kerubin ay tig-aapat ng mukha; kerubin, tao, leon at agila."
ILANG KATANUNGAN AT MAIKLING TUGON UKOL SA ANGHEL:
Ang mga Anghel ba ay Nahahawakan at Nakahahawak?
● Si Anghel Gabriel ay Humipo kay Daniel [Daniel 9:21]
● Si Jacob ay nakipagbuno sa Anghel [Gen.32:24]
● Si Lot ay halos kaladkarin ng anghel [Gen. 19:16mb]
● Binatak ng anghel si Lot [Gen. 19:10]
● Si Elias ay kinalabit ng anghel [1 Hari 19:5]
Ang mga Anghel na tagalangit ba ay KUMAKAIN?
● Binanggit ng Biblia na ang Manna ay pagkain ng mga Anghel [Awit 78:24-25]…
● Ang mga Anghel na dumalaw kay Abraham ay Kumain at Uminom [Gen.18:1-2,6-9]
● Naghapunan ang mga anghel na panauhin ni Lot [Gen. 19:1,3]
ILAN ANG KANILANG BILANG?
● 20,000 ang nakita at naitala ni David
Awit 68:17 KJV
"The chariots of God are Twenty Thousand, even thousands of angel.."
● 10,000 ang bumaba sa bundok ng Sinai.
Deut.33:2 KJV
"The Lord came from Sinai, and rose up from Se'ir unto them; he shined forth from mount Paran, ang he came with TEN THOUSANDS of saints:"
● Ang nakita ni Juan ay 10,000 x 10,000 and Thousands of Thousands angels (100 Million up )
Rev.5:11 KJV
"And I beheld, and I heard thd voice of many angels round about the throne, and the beasts, and the elders: and the number of them was ten thousand times ten thousand, and thousands of thousands."
● At ang mga Anghel na espiritu ay hindi nangag aasawa
Mateo 22:30mb
"Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa: sila ay magiging tulad ng mga anghel sa langit."
● Bawal ang pagsamba sa mga anghel.
Colosas 2:18
"Sinoman ay huwag manakawan ng ganting- pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at PAGSAMBA SA MGA ANGHEL,....."
5 komento:
May talata po ba sa biblia na kalarawan ng Ama ang mga anghel?
Kapatid, sensiya na po, may nagtanong lang kung alin daw po ang mataas Anghel o Tao kz si kaFYM daw ay Anghel ang pagkilala natin.
METAPHORICAL ANG PAGIGING ANGHEL NI FELIX HINDI LITERAL, HALIMBAWA, YUNG SANGGOL NG ISILANG TINATAWAG NA "ANGHEL NA HULOG NG LANGIT", KAPAG NAKAGAWA KA NG MABUTI SA KAPWA MO TINATAWAG KANG "YOU'RE MY ANGEL", O IKAW AY ISANG ANGHEL NA HULOG NG LANGIT!MAY KANTA PA NGANG "YOU'RE MY ANGEL" NI TROYE SIVAN YAN SAMPLE NG METAPHORICAL NA KAHULUGAN NG ANGHEL— PINATUTUNGKULAN SA TAONG PINAGMALASAKITAN MONG TULUNGAN. ANG KAY FELIX, TINAWAG SIYANG ANGHEL BECAUSE OF GOOD DEEDS NA ISHARE ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYANG ISPIRITWAL,AT SIYANG NAKATUKLAS AT NAKAPAGTAYONG MULI NG IGLESIA NI CRISTO SA SIGLO NA ITO. SINUNOD NYA ANG KAUTUSAN NG DIOS KAY CRISTO BY SPIRITUAL COVENANT NAGING INSTRUMENTO SIYA PARA IPAKILALA ANG IGLESIANG TUNAY NA KAY CRISTO KAYA SIYA ANGHEL DAHIL.NAKAGAWA NG MABUTI NA KINALULUGOD NG DIOS.
"METAPHORICAL" ANG PAGIGING ANGHEL NI FELIX HINDI LITERAL, HALIMBAWA, YUNG SANGGOL NG ISILANG TINATAWAG NA "ANGHEL NA HULOG NG LANGIT", KAPAG NAKAGAWA KA NG MABUTI SA KAPWA MO TINATAWAG KANG "YOU'RE MY ANGEL", O IKAW AY ISANG ANGHEL NA HULOG NG LANGIT!MAY KANTA PA NGANG "YOU'RE MY ANGEL" NI TROYE SIVAN YAN SAMPLE NG METAPHORICAL NA KAHULUGAN NG ANGHEL— PINATUTUNGKULAN SA TAONG PINAGMALASAKITAN MONG TULUNGAN. ANG KAY FELIX, TINAWAG SIYANG ANGHEL BECAUSE OF GOOD DEEDS NA ISHARE ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYANG ISPIRITWAL,AT SIYANG NAKATUKLAS AT NAKAPAGTAYONG MULI NG IGLESIA NI CRISTO SA SIGLO NA ITO. SINUNOD NYA ANG KAUTUSAN NG DIOS KAY CRISTO BY SPIRITUAL COVENANT NAGING INSTRUMENTO SIYA PARA IPAKILALA ANG IGLESIANG TUNAY NA KAY CRISTO KAYA SIYA ANGHEL DAHIL.NAKAGAWA NG MABUTI NA KINALULUGOD NG DIOS.
Kapatid Ang ni nabanggit bang angel sa apoca7:2-3 ay Hindi literal?
Mag-post ng isang Komento