Linggo, Oktubre 26, 2014

INTERNATIONAL EVANGELICAL MISSION





Bilang bahagi sa patuloy na paglawak ng gawain ng Dios sa mga huling araw na ito, ay naglunsad ng iba't- ibang mga programa na mas madaling ma access ng mga mamamayan sa ibang panig ng mundo. Kaya, sa mas madaling maabot ay naglunsad ang PAMAMAHALA na mgakaroon ng ONLINE AND ON AIR, EVANGELICAL MISSION, sa tulong naman mg mga kaanib ng Iglesia ni Cristo. Ang daigdig ay balot na ng kasamaan kaya, ito ang dahilan kung bakit ang Dios ay nagkaroon ng GALIT AT POOT sa sangkalupaan.


Ano ba ang Isang dahilan ng Dios na sa kabila ng Kaniyang poot sa sanlibutan at pagtakda ng PAGHUHUKOM (Gawa 17:31) ay patuloy parin ang pagpapahinuhod Niya at pagbibigay ng pagkakataon sa lahat?

2 Pedro 3:9
" Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. "


Ito ay dahil sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat na makapagsisi upang hindi mapabilang sa mapapahamak. May paraan ba paano ang IKALILIGTAS?


Ang Dios ay hindi kailan man nagkukulang sa pagpapaalaala at pagbibigay ng babala bago Niya isagawa ang PAGHUHUKOM. Sa pamamagitan ng Biblia ay itinuro Niya kung ano ang kailangan ng tao upang maligtas:



Roma 5:8-9
" Ngunit ipinadama ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. At ngayung napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kaniyang dugo, lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan niya." (MB)


Kaya, sa lahat ng mga mahal na kapatid, kaibigan, kamag-anak....

Kaugnay sa kilusan na "MASAGANANG PAGBUBUNGA" , patuloy na sinisikap ng Pamamahala na magamit ang lahat ng kaparaanan sa ikaliligtas ng lalong maraming mga tao sa nalalapit na araw ng Paghuhukom.

Kaugnay nito ay isasagawa ng Iglesia ni Cristo sa buong mundo ang sabay-sabay na " 24 ORAS NA INTERNATIONAL EVANGELICAL MISSION ON AIR AND ONLINE", sa Oktubre 26, 2014 , sa araw ng linggo na magsisimula ng ika-10:00 ng gabi sa oras ng Pilipinas at mga katapat na oras nito sa iba pang mga bansa. Ang aktibidad ay magpapatuloy hanggang kinabukasan na.


Lahat po ay taos puso naming inaanyayahan sa pamamagitan ng PANONOOD sa INCTV at pakikinig sa INC radio DZEM 954. Mapapanood din ang mga programa sa mga telebisyon sa www.incmedia.org at ang programa sa radio sa pamamagitan ng Audio Streaming sa www.dzem954.com at INC Radio Android at iOS mobile application.

Malugod din naming ibinabalita sa inyo na ang aktibidad na ito ay ang magiging "launching" ng INC Radio USA.


Ang lahat po ay malayang makapagtanong at makapag komento  ng dirikta online, sa mga nasabing programa. .

Roma 10:17

"  Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo. "

2 komento:

IAM IGLESIA NI CRISTO 12/05/09 ayon kay ...

Hello, Kapatid Maari mo po bang Ipost dito ang Ikapitong PUNTO ni Dr. JESO RIZAL ang tungkol sa mga napansin niya sa Iglesia Katolika, at Kung sinu ang Religiong Malinis na sinasabi ni RIZAL na kay CRISTO.

SOURCE: http://www.gutenberg.org/files/17116/17116-h/17116-h.htm

IAM IGLESIA NI CRISTO 12/05/09 ayon kay ...

sa Liham ni RIzal sa mga kadalagahan ng Malolos Bulacan