Lagi na nating naririnig ang katawagang UNDAS dito sa pilipinas. Ito'y ating naririnig kadalasan kapag papalapit na ng buwan ng Nobyembre. Upang magkaroon tayo ng kaunting impormasyon ukol dito, mas mabuting suriin natin ang laman kung ano mayroon rito at kung naayun paba sa Biblia ang mga ginagawa.
" Ang Undas (na kilala din sa tawag na Todos los Santos o Araw ng mga Patay), ay isang pista opisyal na malawakang ipinagdiriwang sa Pilipinas upang magbigay galang at pugay sa mga yumaong kamag-anak. Libu-libong mga Pinoy ang dumadayo sa mga libingan at memorial parks tuwing Nobyembre 1 hanggang 2 upang magsama-sama at alalahanin ang kanilang namayapang kamag-anak at mag- alay ng bulaklak at magtirik ng kandila. Ang okasyon na ito ay kadalasang itinuturing na isang reunion ng mga kamag-anak kung saan sila ay nagdadala ng mga pagkain at inumin upang pagsalu-saluhan, at kung minsan ay doon namamaligi ng buong araw o di kaya ay doon sila natutulog ng magdamag.
Karamihan sa mga pamilyang Pilipino ay dumadayo sa sementeryo ilang linggo o araw bago sumapit ang undas upang linisin o di kaya ay pinturahan ang puntod ng yumao nilang kamag-anak. Nag-aalay din sila ng MISA para sa kaluluwa ng kanilang yumao.
Ang "Pangangaluluwa" naman ay isang kaugalian ng mga Pilipino na madalas na nakikita sa mga lalawigan, kung saan may isang grupo na humihingi ng limos at dasal. Sinasabing sila ay kumakatawan sa mga kaluluwang nananatili sa PURGATORYO, humihingi ng dasal mula sa mga buhay upang matulungan silang makarating sa langit.
Ang "Pag-aatang" o "Atang" naman ay isang paniniwala at kaugalian ng mga Ilokano kung saan nag-aalay ng pagkain para sa mga namayapang kamag-anak bilang pagbibigay respeto, alaala at pagmamahal para sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay."
SOURCE :
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Undas
Ang kaugnayan sa gawain ng UNDAS ay isang pagsasagawa ng karamihan upang pag-alaala sa mga yumao at PAG-AALAY NG DASAL AT PAGPAPAMISA SA PATAY upang makarating umano sa langit. Paano nila ito naisasagawa at kanino hihingi ng tulong upang ito'y maisagawa? Ating tunghayan :
" Ang kapistahan ng Todos los Santos, Araw ng Lahat ng mga Santo o Araw ng mga Santo, tinatawag na All Saints' Day , All Hallows o Hallowmas sa Ingles (ang katagang “hallows” ay “santo” at ang “mass” ay misa), ay ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Nobyembre o unang Linggo ng Pentekostes bilang paggunita sa lahat ng santo o banal, kilala o hindi. Ang araw nito ay tinatawag na Halloween sa Ingles, katumbas ng " Ang Bisperas ng Todos los Santos " o " Gabi ng Pangangaluluwa".
Ang Todos los Santos ay isa ring pormulang Kristiyano na HUMIHINGI NG TULONG SA LAHAT NG SANTO AT MARTIR, KILALA O HINDI. Sa Pilipinas, palansak na tinatawag itong Araw ng mga Patay , Pista ng Patay , o Undas .
Source :
http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Undas
Ayun sa ating nabasa, ang kaugaliang ito ay isang gawain na pagtulong umano sa mga mahal sa buhay na yumao na. Upang makarating sa langit ay nag-aalay ng dasal at pagpapamisa sa TULONG/PAMAMAGITAN ng mga SANTO upang makarating na ganap sa langit, sapagkat nasa purgatoryo pa umano ang mga ito.
Kung susuriin kaya natin ang mga ito at isasangguni natin sa Biblia, hindi kaya malalabag o sasalungatin ang mga tunay na itinuturo?
Kapag ang tao namatay, saan ba siya paroroon at ano ang kasunod nito? Agad agad bang papasa Langit o di kayay sa PURGATORYO upang dasalan?
Job 14:10-12
''Ngunit namamatay ang tao; siya'y ililibing, mapapatid ang kaniyang hininga at WALA NANG KASUNOD. Kung paanong ang tubig ay nawawala sa dagat o ang isang ilog ay natutuyo, gayon ang tao, nahihiga at di nagbabangon; HANGGANG SA MAWALA ANG KALANGITAN , ang tao'y di na gigising o mangangamba pa sa kaniyang pagtulog.''[NIV]
Tiniyak mula sa Biblia, na kapag ang tao ay namatay, siya ay nananatili sa libingan at wala ng ibang kasunod nito kundi babangon lamang hanggang sa mawala ang kalangitan. Kung gayon, lahat ng mga TAONG NAMATAY(kasama ang mga santo), ay nasa mga libingan pa hanggang sa araw na ito. Hindi totoo na agad agad haharap sa hukuman ng Dios o di kayay nasa purgatoryo ito, sapagkat ang kasunod ng Kamatayan ay ang paghuhukom :
Hebreo 9:27
" At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at PAGKATAPOS NITO AY ANG PAGHUHUKOM "
Kailan magaganap ang araw ng PAGHUHUKOM? Ito ang pagkawala ng SANGKALANGITAN n binanggit kanina sa Job 14:10-12, na ito ang katapusan ng lahat ng bagay :
2 Pedro 3:7, 10
" Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan SA ARAW NG PAGHUHUKOM at ng paglipol sa mga taong masama.
" Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog. "
Nilinaw at tiniyak ng Biblia, na ang lahat ng patay ay mananatili at mananatili sa libingan, at naghihintay hanggang sa araw ng paghuhukom. Kaya, isang sariling aral at imbento ng tao na ang tao pagkatapos mamatay ay agad agad papasalangit, o di kaya'y sa PURGATORYO, o impyerno. Tatlong dako ba ang itinuturo ng Biblia ang paroroon ang tao pagkatapos mamatay ? Ganito tiniyak ng Biblia :
Daniel 12:2
" At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ANG IBA'Y SA WALANG HANGGANG BUHAY, AT ANG IBA'Y SA kahihiyan at sa WALANG HANGGANG PAGKAPAHAMAK. "
Kung gayon, dalawang dako lamang ang maaaring mamanahin ng Tao, "WALANG HANGGANG BUHAY, at WALANG HANGGANG KAPAHAMAKAN". Saan naman ang mga dakong iyon? Ganito ang Mangyayari sa pagpaparitu ni Cristo upang ibukod-bukod ang tao :
Mateo 25:33
" At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing. "
Itinuring ang tao na dalawang uri, bilang mga TUPA(kanan), at mga KAMBING(kaliwa). Ano po ang kahulugan ng nasa KANAN, at ang nasa KALIWA ?
Mateo 25:34
" Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang KANAN, Magsiparito kayo, mga PINAGPALA ng aking Ama, MANAHIN NINYO ANG KAHARIAN nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan"
Mateo 25:41
" Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa MGA NASA KALIWA, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel "
Sa Ating nabasa, Dalawa lamang ang tiyak na paroroonan ng lahat ng tao :
1. KANAN ( Kaharian/langit)
2. KALIWA (Apoy na walang hanggan impyerno
Malinaw po, na walang binanggit na tatlo o mayroon mang purgatoryo. Ito lamang ay isang IMBENTONG ARAL NG TAO. Ganito ang mababasa sa Aklat Katoliko , Ang pag aming ng isang paring katoliko sa kanyang aklat na pinamagatang : "I WAS A PRIEST" ni lucien Vient sa pahina 44 :
'' Purgatory had been invented by Rome in A.D. 593 but remained a very unpopular doctrine for many centuries. ...
'' Purgatory, like Mass, has no foundation in holy scripture, Christ and First Christians never talked about it and never knew of its supposed existence...
'' We ex-priests, know very well that Mass and Purgatory are inventions that are exceedingly profitable.''
sa filipino :
" Ang Purgatoryo ay inembento ng Roma noong 593 A.D ngunit ito ay nanatili na isang lubhang di-kilalang doktrina sa loob ng maraming siglo..."
" Ang Purgatoryo, tulad ng Misa , ay walang saligan sa banal na kasulatan. Hindi kailanman nag-usap si Cristo at ang mga unang kristyano tungkol dito at kailanman ay wala silang kabatiran sa ipinalalagay na pagkakaroon nito. "
" Alam na alam naming mga dating Pari na ang Misa at Purgatoryo ay mga imbensyong lubhang mapagkakakitaan. "
Aminado po ang kanilang pari noon paman na ito ay isa lamang imbento aral upang mapagkikitaan. Ito po ay malaking paglabag kung maituturing. Paano ba maihahalintulad ang ganitong gawain ayun sa Biblia ?
2 Timoteo 4:3-4
" Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita;
" At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha. "
Hayag po kung bakit ,Sapagkat sabi nga talata, "IHIHIWALAY ANG KATOTOHANAN". Sariling Aral lamang ang pinapangaral at hindi ang ayun sa Banal na Kasulatan. Bakit nila hinihiwalay ang katotohanan?
ganito ang pauna ng Biblia :
Roma 10:2-3
"Mapatutunayan kong sila'y nagsisikap na maging kalugod-lugod sa Diyos, subalit mali ang kanilang batayan. Sapagkat hindi nila nakilala ang pagpapawalang- sala na kaloob ng Diyos, at nagsikap silang magtayo ng SARILI NILANG PAMAMARAAN sa halip na sundin ang pamamaraan ng Diyos" [Magandang Balita Biblia]
May sariling PAMAMARAAN o ARAL na kanilang ipinapangaral upang mailayo ang tao sa katotohanan. May mapapatunayan ba tayong ipinangaral nga nila ang ukol sa PURGATORYO?
SARILING ARAL/PAMAMARAAN
1. Sa isang aklat katoliko na pinamagatang "Catesismo ng Pinagpalamnan" na isinalin ng isang pari na si Padre Luis Amezquita. nai-published noong 1927,page 24, ay ganito po ang ating mababasa:
''T. Diyata ano ang purgatoryo?
''S. Pagsasangagan (cung baga sa guinto) sa mga caloloua ng cristianong banal na nacapagsisi man at nacapagcumpisal man datapoua't hindi nakapag-auas dito sa lupa ng buong auas sa mañga casalanan.'' [Catesismo ng Pinagpalamnan, pp.24 ]
2. Ang isa pang Aklat na pinamagatang : "Compendio Historico De La Religion" sa pahinang 598-599 ay ganito po ang ating mababasa.:
''T. Baquit cailañgan ang paglalagay sa gracia nang taong ibig magcamit nang
indulgencia?
''S. Sapagcat ang taong na sa casalanang mortal, hanggang hindi nagcacamit nang patauad sa tunay na pagsisising Contricion, o sa mabuting pañguñgumpisal, ay dapat magdusa magparating man saan sa apoy nang infierno, at hindi sa pugatorio lamang
''T. Bukod sa indulgencias, ? anuano ang ibang bagay na nacapapaui nang parusang nararapat sa taong nagcasala nang daquila, cung macamtan na niya ang capatauaran nang parusang ualang hanggan?
''S. Ang mabuting pag-ganap nang parusang ipinagbilin nang Confesor, at gayon din naman ang mga gauang cabanalan, at ang pagtitiis nang anumang
hirap, cung ang calulua ay na sa gracia: at cung hindi mapaui sa buhay na ito ang nasabing parusa, na pinañgañganlang pena temporal, ay sapilitang babayaran sa purgatorio.
''T. Baquit pinagquiquinabañgan nang mga calulua sa purgatoryo ang mga gauang magaling, na ipinatutungcol natin sa canila?
''S. Sapagcat sila ay mga catoto nang Dios: at inibig nang Dios na ang mga taong binigyan ay mapaquinabañgan nang
canicaniyang gauang cabanalan, cung na sa gracia ang pinatutungculan; at caya
dinadasal natin sa sumasampalataya ang mga uicang may casamahan ang mga Santos.'' [Compendio Historico de la Religion, pp. 598-599 ]
3. Sa isa pa rin pong Aklat Katoliko : " Siya ang inyung pakinggan" Ganito ang ating mababasa :
'' Ang dinadalita ng mga kaawa- awang kaluluwa sa purgatoryio ay ang hindi pagkakita sa Dios at maraming sarisaring hirap at sakit. Wala silang magagawa sa sarili nila upang makaalis sa kanilang kapahamakan. Ngunit tayong nabubuhay pa dito sa lupa ang makatutulong at makapagbabayad ng kanilang utang sa Dios. Tayo ay makakatulong sa kanila sa
paraan ng mga panalangin, ng mga indulgensiang ipinatutungkol sa kanila, ng mga paglilimos at ng ibang gawang kabanalan, lalong lalo na sa paraan ng sacrifisio ng Santa Misa.'' [Siya ang inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, p. 73]
Dito ating natunghayn ang ilang halimbawa ng kanilang mga aklat na pinanghawakan upang ipangaral sa mga tao upang ilayo sa katotohanan. Imbis na biblia ang gamiting basihan ay sariling pamamaraan at utos ang pinapatupad, isang labag na aral mula sa katotohanan.
Bigyang linaw din natin kung sasang
ayunan din kaya ng biblia ang kanilang sariling Aral gaya ng pahayag sa kanilang aklat na :
1. May magagawa pa ang mga buhay,para sa mga kaluluwa,
2. Alam ng mga patay ang ginagawa ng mga buhay
Gaya rin ng nakaugalian nang ginagawa tuwing ARAW NG UNDAS. Suriin po natin, Nang mamatay ang tao, anu po ang kalagayan niya?
“ Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon aymawawala ang kaniyang pagiisip.” Awit 146:4
Ang sabi po ng talata, sa araw ding yaon nang siya ay pumanaw "MAWAWALA ANG KANYANG PAG-IISIP". Tiyak po na wala nang maaalala ang mga patay, mawawala ang kanilang mga pag-iisip.
Ngayun , ayun sa kanilang aklat ay may magagawa daw ang mga buhay para sa mga mga namatay. tama po kaya ang kanilang aral ?Ganito ang sabi ng Biblia :
“Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.”
“Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.” Ecclesiastes 9:5-6
'' Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, at hindi niya nalalaman; At sila'y binababa, nguni't hindi niya nahahalata sila. '' Job 14;21
Ang sabi at paliwanag po ng biblia,WALA NA SILANG BAHAGI MAGPAKAILANMAN sa mga bagay na nagawa sa ilalim ng Araw o ng mga ginagawa ng mga buhay . Kaya po, ang ginagawang pagpapamisa sa mga kalulwa ay wala na itong kabuluhan sapagkat wala nang bahagi ang sinumang namatay sa mga ginagawa ng mga buhay. Ano po ba ang nangyayari sa kaluluwa kapag namatay ang tao ?
“At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, …” Ecclesiastes 12:7
“Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw; kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan…Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.” Awit 44:22,25
Ayun sa Biblia, ang Kalulwa po ay kasama ng katawan na dumidikit o nananatili sa lupa, ito po ba ay kasama ng katawan na namamatay ?
“Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.” Ezekiel 18:4
“Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok : buhayin mo ako ayon sa iyong salita.” Awit 119:25
" Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok : ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.” Awit 44:25
Malinaw po na ang KALULUWA AT KATAWAN ng tao ay kasamang mamamatay at walang magagawa dito ang mga buhay para sa mga patay, at walang magagawa ang mga patay sa ginagawa ng mga buhay. Ano po lamang ang hindi mamamatay kapag ang tao ay namatay ?
“At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya .” Ecclesiastes 12:7
Ano ba iyong diwa na tinutukoy sa itaas, basahin natin sa Ingles na Biblia sa parehong verse:
“Then shall the dust return to the earth as it was: and the spirit shall return unto God who gave it.” Eccl.12:7, King James Version
Ang diwa ay iyon din ang ating Espiritu. Na binabawi ng Diyos sa tao kapag siya ay pumanaw na. Samakatuwid, ang tao po ay binubuo ng TATLONG SANGKAP:
● ESPIRITU
● KALULUWA
● KATAWAN
Tiniyak po ba ng Biblia na ito ang tatlong sangkap ng tao ?
“At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong ESPIRITO at KALULUWA at KATAWAN ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.” I Tesalonica 5:23
Malinaw po na ito ay ang mga sangkap ng tao, at ang ESPIRITO an babalik agad sa Dios, at ang Kaluluwa at ang katawan ay kasamang mamamatay. Bakit po mamamatay ang kaluluwa? ganito naman ang paliwanag ng biblia :
“At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.” Genesis 2:7
Ito'y Sapagkat ang kalulwa ang may taglay ng buhay. Kaya po ang IGLESIA NI CRISTO ay walang sawa sa pag hihikayat sa mga tao upang mailapit ang tao sa katotohanan. Sapagkat ang karamihan ay nabulag sa tamang aral at nahikayat sa aral na aral lamang ng tao.
Ang UKOL naman sa paghingi ng tulong sa mga BANAL(SANTO) na ipanalangin at ipamagitan ang mga kanilang kamag-anak upang mapalangit raw at maalis sa Purgatoryo, isang maling pang unawa iyon. Sapagkat, gaya ng ating napag-aralan, lahat ng namatay(kasama ang kinilala nilang santo) ay nasa libingan pa hanggang sa ngayon. At isa pa, walang ibang tagapamagitan ng Tao sa Dios kundi si Cristo lamang :
1 Timoteo 2:5 MBB
" Sapagkat iisa ang Diyos, at TANGING si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos."
kapag sinabing "TANGI", ay wala na tayong iba pang mahihingan ng tulong upang makarating sa Dios ang ating daing, kundi kay Jesus lamang, siya lamang ang tanging Saligan at hindi na maaari pang dagdagan o palitan man :
1 Corinto 3:11
" Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito'y si Cristo Jesus. "
Sana ay mapukaw na ang mga puso at isipan ng maraming tao na nahuhulog sa ganitong pagkakamali. Ang Dios po ay mabait at nais niya na ang Tao ay magbago at magsisis :
2 Pedro 3:9
" Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. "
Isang TAOS PUSONG pagkilala ng buong Iglesia sa mga NAMAMAHALA nito. Muli, sa pagsapit ng Oktubre 31 ay isang biyayang kaloob ng Dios sa pagsapit ng ika 58 taon ng pagkasilang ng kapatid na Eduardo V. Manalo.
Nang papagpahingahin na ng Dios ang tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, ang kapatid na Erano G Manalo, nakakatawag-pansin at marahil ay ipinagtataka pa ng Iba ang nakikita nilang walang pasubaling pagsunod at pagpapasakop ng mga kaanib sa humalili sa kaniya sa pamamahala rito, ang kapatid na Eduardo V. Manalo. Palibhasa, mula pa nang una, ang pagkilala ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa Namamahala sa Iglesia ay hindi tulad ng karaniwang pagkilalang iniuukol ng ibang tao patungkol sa kanilang namiminuno, na nababatay lamang sa katangiang panlabas, impluwensiya o popularidad-mga katangiang maaaring makamit ng sinuman sa sariling pagsisikap. Ang pagkilala ng mga kaanib sa Iglesia sa Namamahala rito ay pagkilala sa banal na karapatang kaloob ng Dios sa kaniya. Tulad ng ipinagunita ni Apostol Pablo kay Timoteo nang sabihin niyang,
"....yamang kilala mo ang nagturo nito sa iyo" ( 3 Tim.3:14, MBB)
Taglay din ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ang gayong pagkilala sa Namamahala sa kahit anong panahon.
KINASANGKAPAN PARA MAPABILANG SA MGA TINAWAG NG DIOS
Kinikilala ng mga kaanib sa Iglesia na ang karapatang tinataglay ng SUGO NG DIOS sa mga huling araw, ang Kapatid na Felix Y. Manalo, ay tinaglay rin ng humalili sa kaniya, si Kapatid na Erano G. Manalo, at ngayon ay ipinagkaloob din sa kasalukuyang Namamahala, si Kapatid na Eduardo V. Manalo. Sila ang mga kinasangkapan upang mapabilang ang mga tao sa mga tinawag ng Dios sa tunay na Iglesia. Ang pangangaral ng salita ng Dios ay karapatang kaloob sa mga sinugo Niya (Roma 10:15) at ang kanilang pangangaral ay ang paraan ng pagtawag ng Dios sa mga tao (2 Tes.2:15; 14, NPV). Ang mga tinawag ng Dios ay nagiging bahagi ng iisang katawan o Iglesia ni Cristo (Col.4:15,18 MB; 1Cor.12:28; Roma 16:16,NPV).
Pansinin na ang mga kinasangkapan sa pagtawag o pangangaral tulad ng mga apostol at mga guro o tagapagturo noon, ay nanggagaling sa tunay na Iglesia at dito rin inilalagay ang mga bunga ng kanilang pangangaral na siya ring mga ililigtas ng Panginoong Dios (Gawa 2:47).
UPANG MANATILING KAISA NG DIOS AT NI CRISTO
Hanggang ngayon, sa ilalim ng kasalukuyang Namamahala, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, ay patuloy na nakararating ang pangangaral ng mga salita ng Dios sa Iglesia ni Cristo. Ang mga aral ng Dios na itinuturo ng Sugo at itinaguyod ng Kapatid ng Erano G. Manalo nang siya'y nabubuhay pa ang patuloy niyang inihahatid sa Iglesia lalo na sa panahon ng mga pagsamba. Tunay nga, hindi hahayaang maputol o malagot ang kaugnayan ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Pamamahala. Sinisikap ng mga ulirang kaanib na makapamalagi sa biyayang natamo nila, ANG PAGIGING SA DIOS AT KAY CRISTO (Juan 17:9-10), sa paraang itinataguyod nila ang turo ng Biblia upang magkaroon ng pakikisama o pakikipagkaisa sa Ama at sa Kaniyang Anak na si Jesus ay dapat silang makipagkaisa o makisama sa Namamahala na nagpapahayag ng mga salita ng Dios :
" Ipinahahayag nga namin sa inyo ang aming nakita't narinig, upang makasama namin kayo sa pakikiisa sa Ama at sa Kanyang Anak na si Jesus-Cristo. " 1Juan 1:3, MB
SA IKAKABUTI, IKATITIBAY AT IKALILIGTAS
Lubusan ang pagpapasakop ng mga kaanib sa Namamahala ng Iglesia ni Cristo magpahanggang ngayon sapagkat ang Namamahala ang pinagkatiwalaan ng Dios na mangalaga sa Iglesia :
" Sa matatandang namamahala sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang tulad ninyo. Nasaksihan ko ang mga paghihirap ni Cristo at makakahati naman ako sa karangalang nalalapit nang ipahayag. Ipinamamanhik kong alagaan ninyo ang kawang ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos. Pamahalaan ninyo ito nang maluwag sa loob, hindi napipilitan lamang, sapagkat iyan ang ibig ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa masakim sa paghahangad ng pansariling kapakinabangan, kundi sa katuwaang maglingkod. " 1 Pedro 5:1-2, MB
Sinasampalatayanan din ng mga kaanib sa Iglesia na sa kanilang ikabubuti at ikatitibay ang pagpapasakop sa Namamahala :
" Pasakop kayo sa mga nangangasiwa sa inyo. Sila'y may pananagutang magbantay sa inyo, at magbibigay-sulit sila sa Dios ukol dito. Kung sila'y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kung hindi, sila'y mahahapis, at hindi ito makakabuti sa inyo. " Hebreo 13:17, MB
" Sapagka't bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya." 2 Corinto 10:8
Kung papaano noon, gayundin naman ngayon ay dama ng mga kaanib ang malaking paghahangad ng KASALUKUYANG PAMAMAHALA na sila ay maligtas kung kaya ang Iglesia ay patuloy na iginagayak sa nalalapit na pagsalubong sa Panginoon. Natutupad sa Namamahala ang sinabi ni Apostol Pablo:
" Pinagtiisan ko ang lahat ng mga bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magtamo rin sila ng kaligtasang mula kay Cristo Jesus, at ng walang hanggang kaluwalhatian. " 2 Timoteo 2:10, MB
AMING NAKITA ANG MABUTING HALIMBAWA
Ang pangangaral ng Namamahala na inilagay ng Dios sa Iglesia ay may kapangyarihan at patotoo ng Espiritu Santo na nagpapalakas ng loob at umaaliw sa mga nawawalan ng pag-asa. Kaya naman tinatanggap ng mga kaanib ang kaniyang pangangaral bilang tunay na salita ng Dios. Ang bisa ng Kaniyang ipinangangaral ay unang-unang nakikita sa kanilang pamumuhay. Kapag sinabi niyang pagbutihin ng mga kaanib ang kanilang pamumuhay nang maging kalugod-lugod sa Dios ay gayon ang matututuna mula sa kaniyang halimbawa. Nakikita ng mga kaanib kung paano siya namumuhay sa piling ng mga hinirang ng Dios. Hindi siya gumagamit ng pakunwaring papuri. Hindi siya naghahangad ng kapurihan. Nagpapagal at gumagawa siya araw at gabi para sa kapakanan ng Iglesia. Huwaran siya sa katapatan sa pagtupad ng tungkulin at ganap sa pakikitungo sa mga kapatid. Naririnig ng mga kaanib na kasama silang lagi sa kaniyang pananalangin. Sinasabi rin niya ang sinabi ni Apostol Pablo sa unang Iglesia :
" Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin.
" Ang Mabuting Balitang lubos naming pinaniniwalaan ay ipinahayag namin sa inyo hindi sa salita lamang. Ito'y may kapangyarihan at patotoo ng Espiritu Santo. Nakita ninyo kung paano kami namuhay sa inyong piling; ito ay ginawa namin para sa inyong kabutihan.
" Alam ng Diyos at alam din ninyo na sa aming pangangaral ay hindi kami gumamit ng pakunwaring papuri o ng mga salitang nagkukubli ng masakim na hangarin. Hindi kami naghahangad ng papuri ninyo o ninuman, bagamat may katwiran kaming maghintay niyon bilang mga apostol ni Cristo. Naging magiliw kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak. Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, itinalaga namin ang aming sarili sa pangangaral sa inyo ng Mabuting Balita. Hindi lamang iyan, pati na aming buhay ay inihahandog namin, kung kakailanganin. Lubusan na kayong napamahal sa amin. Tiyak na natatandaan pa ninyo, mga kapatid, kung paano kami gumawa at nagpagal araw-gabi para hindi kami maging pasanin ninuman samantalang ipinahahayag namin sa inyo ang Mabuting Balita. Saksi namin kayo at gayon din ang Diyos na kami ay tapat, mabuti, at ganap sa pakikitungo sa inyo na mga sumasampalataya. Tulad ng alam ninyo, kami'y parang naging ama ng bawat isa sa inyo. Pinalalakas namin ang inyong loob, inaliw kayo at hinimok na mamuhay nang tapat sa paningin ng Diyos na humirang sa inyo upang makahati sa kanyang kaharian at kaluwalhatian. Ito pa ang lagi naming ipinagpapasalamat sa Diyos: ang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, tinanggap ninyo ito bilang tunay na salita ng Diyos, at hindi ng tao. Anupat ang bisa nito'y nakikita sa buhay ninyong mga sumasampalataya.
" Mga kapatid, isa pang bagay ang ipinapayo namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesus. Sana'y lalo pang pagbutihin ninyo ang pamumuhay ninyo ngayon--pamumuhay na ayon sa inyong natutuhan sa aminupang kayo'y maging kalugod-lugod sa Diyos."
1 Tesalonica 1:2,5; 2:5-13; 4:1, MB
IBIBIGAY ANG SARILI
Walang sukat maigaganti ang mga kaanib sa Namamahala sa kaniyang pagmamalasakit at pagmamahal kundi ang laging ilakip sa mga panalangin ang Pamamahala , tulad ng itinuro ni Apostol Pablo :
" Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,
At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,
Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. " Efeso 6:18-20
Wala bang halimbawa sa Biblia na katangi-tanging pakikisama o pakikipagkaisa sa pangangasiwa? Kapanatikuhan ba na matatawag ang ganito?
" At ito, ay hindi ayon sa aming inaasahan, kundi ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon, at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Dios. "
2 Corinto 8:5
Hindi kapanatikuhan kung makikita man ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ngayon sa lubos at walang pasubaling pagpapasakop sa Namamahala sapagkat gaya ng nailahad na, aral ito ng Banal ng Kasulatan. Mabuting tularan ang ipinakitang halimbawa ng mga unang Cristiano na ibinigay na ang kanilang sarili una sa Panginoon at sa Namamahala sa kanila, at ito ay sa KALOOBAN NG DIOS..
MULI, KAMI PONG LAHAT AY MALUGOD NA BUMABATI NG "MALIGAYANG KAARAWAN" SA MAHAL NA KAPATID, na EDUARDO V. MANALO.
Bilang bahagi sa patuloy na paglawak ng gawain ng Dios sa mga huling araw na ito, ay naglunsad ng iba't- ibang mga programa na mas madaling ma access ng mga mamamayan sa ibang panig ng mundo. Kaya, sa mas madaling maabot ay naglunsad ang PAMAMAHALA na mgakaroon ng ONLINE AND ON AIR, EVANGELICAL MISSION, sa tulong naman mg mga kaanib ng Iglesia ni Cristo. Ang daigdig ay balot na ng kasamaan kaya, ito ang dahilan kung bakit ang Dios ay nagkaroon ng GALIT AT POOT sa sangkalupaan.
Ano ba ang Isang dahilan ng Dios na sa kabila ng Kaniyang poot sa sanlibutan at pagtakda ng PAGHUHUKOM (Gawa 17:31) ay patuloy parin ang pagpapahinuhod Niya at pagbibigay ng pagkakataon sa lahat?
2 Pedro 3:9
" Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. "
Ito ay dahil sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat na makapagsisi upang hindi mapabilang sa mapapahamak. May paraan ba paano ang IKALILIGTAS?
Ang Dios ay hindi kailan man nagkukulang sa pagpapaalaala at pagbibigay ng babala bago Niya isagawa ang PAGHUHUKOM. Sa pamamagitan ng Biblia ay itinuro Niya kung ano ang kailangan ng tao upang maligtas:
Roma 5:8-9
" Ngunit ipinadama ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. At ngayung napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kaniyang dugo, lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan niya." (MB)
Kaya, sa lahat ng mga mahal na kapatid, kaibigan, kamag-anak....
Kaugnay sa kilusan na "MASAGANANG PAGBUBUNGA" , patuloy na sinisikap ng Pamamahala na magamit ang lahat ng kaparaanan sa ikaliligtas ng lalong maraming mga tao sa nalalapit na araw ng Paghuhukom.
Kaugnay nito ay isasagawa ng Iglesia ni Cristo sa buong mundo ang sabay-sabay na " 24 ORAS NA INTERNATIONAL EVANGELICAL MISSION ON AIR AND ONLINE", sa Oktubre 26, 2014 , sa araw ng linggo na magsisimula ng ika-10:00 ng gabi sa oras ng Pilipinas at mga katapat na oras nito sa iba pang mga bansa. Ang aktibidad ay magpapatuloy hanggang kinabukasan na.
Lahat po ay taos puso naming inaanyayahan sa pamamagitan ng PANONOOD sa INCTV at pakikinig sa INC radio DZEM 954. Mapapanood din ang mga programa sa mga telebisyon sa www.incmedia.org at ang programa sa radio sa pamamagitan ng Audio Streaming sa www.dzem954.com at INC Radio Android at iOS mobile application.
Malugod din naming ibinabalita sa inyo na ang aktibidad na ito ay ang magiging "launching" ng INC Radio USA.
Ang lahat po ay malayang makapagtanong at makapag komento ng dirikta online, sa mga nasabing programa. .
Roma 10:17
" Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo. "
SA NAKARAANG artikulo ay ating nilinaw ang ukol sa GENESIS 1:27, Na kaya raw nagkaroong na REBULTO o IMAHE ang DIOS na kanilang ginawa, ay dahil sa nakasulat na KALARAWAN NG DIOS ANG TAO. At ito naman ay atin nang naituwid. Ngayon, atin namang suriin kung SINONG TAO ANG KALARAWAN NG DIOS.
IKAW, AKO, maging ang ating kapuwa ay hindi kabilang sa tinatawag na ANIMAL KINGDOM. Tayong mga tao ay iba sa hayop.
Isa sa ma itinuturo sa paaralan ngayon ay ang paniniwalang ang tao ay kabilang sa ANIMAL KINGDOM bagama't ito raw ay ang nasa pinakamataas na uri. Ang paniniwalang ito ay nakaugnay o nakasalig sa teorya ng ebolusyun. Maging sa kasalukuyan ngayon ay may relihiyon nang sumang-ayon sa paniniwalang ito at laman pa ng balita noong nakaraang mga linggo
Gustong isulong at patunayan ng teoryang ito na ang lahat ng mga bagay ay bunga ng katalagahan lamang. Ang tao raw ay nakarating sa gayong kalagayan mula sa mas mababang uri ng pag-iral. Galing Siya sa isang ninuno ng ninuno na ninuno rin ng UNGGOY, bung ng NATURAL SELECTION o pag-aangkop ng sarili sa kapaligiran upang mag-survive o mabuhay.
Ang epekto sa marami nang kanilang marinig o malaman ang teorya ng ebolusyon ay ang pag-aalinlangan nila sa tunay na pinagmulan ng tao. Totoo ng ba ang mga bagay, kabilang na ang tao, ay bunga lamang ng katalagahan at siya ay kabilang sa ANIMAL KINGDOM?
Kung lubos tayong sumasampalataya na ang Biblia ay katotohanan yayamang ito ay SALITA NG DIOS (Juan 17:17; 2 Tim.3:15), hindi tayo malilito o mag aalinlangan pa kung totoo nga o hindi na ang pagkakaroon ng tao at ng iba pang bagay na may buhay ay bunga ng EBOLUSYON. Tiyak nating hindi ito totoo, bagkus ito ay isang maling paniniwala sapagkat nilalabag nito ang Banal na Kasulatan na ang lahat ng bahay ay may nagtayo at ang nagtayo o gumawa ng daigdig na ating tahanan at lumalang ng lahat ng bagay rito ay ang DIOS na Makapangyarihan sa lahat (Heb.3:4; Isa.45:18).
Bukod sa itinuturo ng Biblia na may MAKAPANGYARIHANG DIOS na lumalang, pinatunayan din nito na iba ang TAO SA HAYOP.
PAGKAKAIBA NG TAO SA HAYOP
Malinaw na ipinakikita ng Biblia ang malaking kaibahan ng tao sa hayop. Narito ang ilan:
UNA, magkabukod ang paglalang sa dalawang ito. Nang lalangin ang lahat ng uri ng hayop ay hindi kasama ang TAO:
Genesis 1:24-26 MBB
" Sinabi ng Diyos: “MAGKAROON NG LAHAT NG URI NG HAYOP SA LUPA—maaamo, maiilap, malalaki at maliliit.” At gayon nga ang nangyari. Ginawa nga niya ang lahat ng ito, at nasiyahan siya nang ito'y kanyang mamasdan. Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “NGAYON, LIKHAIN NATIN ANG TAO........ ”
PANGALAWA, nilalang ang tao na kalarawan ng Dios, samantalang ang hayop ay hindi:
Genesis 1:27
" At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. "
AT, ang tao ay may kapangyarihan sa mga hayop:
Genesis 1:26
" At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at MAGKAKAROON SILA NG KAPANGYARIHAN sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. "
Kaya iba ang tao sa hayop. Ang tao ay hindi kabilang sa mga HAYOP.
KALARAWAN SA KABANALAN AT PAG-IBIG
Nilalang ng Dios ang tao upang maging kalarawan Niya sa kabanalan at pagibig:
Efeso 1:4
" Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig "
Hindi sa likas na kalagayan kalarawan ng Dios ang tao. Ang Dios ay espiritu, walang laman at buto, walang materyal na anyo, di gaya ng tao na nagtataglay ng mga ito (Juan 4:24; Luc.24:39). Manapa , sa lahat ng nilalang ng Dios, ang tao pinili Niya upang magiging kalarawan Niya sa kabanalan at pag-ibig.
Hinahanap ng Dios na magpakabanal ang tao sapagkat Siya na lumalang ay banal (1 Ped.1:15-16). Nais niyang ang Tao ay umibig, unang-una na sa Kaniya, sapagkat Siya'y pag-ibig (Mar.12:30; 1Juan 4:16).
Kaya, sa pagkapanukala at pagkakalalang ay iba ang tao sa hayop. Hindi nilayaon ng Dios na ang tao ay magiging katulad lamang ng hayop. Nilalang ang tao upang mag-pakabanal at umibig sa Dios.
ANG PAGKAKATULAD SA HAYOP
Tunay na may pagkakatulad din ang tao sa hayop. Bukod sa parehong may hininga at may laman o pisikal na anyo, ang isa pang pagkakatulad ng tao sa hayop ay siya'y may kamatayan din:
Ecles. 3:9, MB
" Ang hangganan ng tao at ng hayop ay iisa, kamatayan. Iisa ang kanilang hihinga. Ang tao ay wala nang kaibahan sa hayop, pare-parehong walang kabuluhan "
Bagaman ang tao ang pinili ng Dios sa lahat ng Kaniyang nilalang upang maglingkod sa Kaniya (Awit 100:2-3), sa harap Niya ay nawalan ito ng kabuluhan, at katulad ng hayop, ang tao ay nagkaroon ng kamatayan. Ang ugat na dahilan ay kasalanan:
Roma 5:12, MB
".....lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala "
Bago nagkasala sina Adan at Eva, wala pang kamatayan ang tao. Pumasok lamang ang kamatayan sa sangkatauhan nang sila ay sumuway sa utos ng Dios at nagkasala (1 Juan 3:4). Tinakdaan ng Dios ng kamatayan ang tao :
Roma 6:23
" Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan "
Ang pagkakasala ang kabaligtaran ng pagpapakabanal. Kaya, dahil sa kasalanan ay nabigo ang tao na makatugon na maging LARAWAN NG DIOS SA PAGIBIG AT KABANALAN:
Roma 3:23
" Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; "
Dahil dito, napakalaki ng suliranin ng tao. Nawala siya sa pagiging KALARAWAN NG DIOS at nagkaroon na ng kamatayan, hindi lamang sa pagkalagot ng hininga, kundi ang IKALAWANG KAMATAYAN na kaparusahang walang hanggan sa dagat-dagatang apoy (Apoc.20:14)
MULING MAGING KALARAWAN
Upang maligtas sa parusa ay kailangang makabalik ang tao sa uring kalarawan ng Dios. Paano mangyayari ito? Dapat siyang maging katulad ng LARAWAN NG ANAK NG DIOS:
Roma 8:29
" Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid "
Ito ay sapagkat si Jesuscristo ang larawan ng Dios.
Colosas 1:15
" Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang "
Ayon sa Biblia, si Cristo lamang ang taong hindi nagkasala [ Juan 8:40; 1 ped. 2:21-22]. Kaya Siya lamang ang nakatupad ng layunin ng Dios na ang tao ay maging kauri Niya (Dios) sa pag-ibig at kabanalan. Ang mga taong larawan ni Cristo, kung gayon, ang kalarawan ng Dios.
Maging larawan ni Cristo ang tao kung papayag siyang malalang kay Cristo :
Efeso 2:10
" Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran ".
Malalalang kay Cristo ang taong sa paraang ang " DALAWA AY LALANGIN SA KANIYANG SARILI ANG ISANG TAONG BAGO " (Efe.2:15), na binubuo ni Cristo bilang ulo at ang Iglesia bilang katawan Niya (Col.1:18). Si Cristo at ang Kaniyang Iglesia ay hindi na dalawa sa harap ng Dios kundi iisa lamang--ISANG TAONG BAGO.
Kaya, malalalang kay Cristo ang tao kung siya ay magiging bahagi ng isang TAONG BAGO na ang katumbas ay umanib sa Iglesia ni Cristo sapagkat Siya na ulo at ang Iglesia na katawan ay iisang tao lamang sa paningin ng Dios.
Dahil larawan na sila ni Cristo, ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ay larawan na ng Dios. Hindi dahil si Cristo ang Dios kundi dahil si Cristo, sa Kaniyang pagiging walang kasalanan, ang tanging tao na nakatugon sa pagiging larawan ng Dios sa PAGIBIG AT KABANALAN (1Ped.2:21-22).
TINUBOS AT BINANAL
Kailangan ng tao ang PANGINOONG JESUCRISTO upang siya'y mabanal at sa gayo'y magiging kalarawan mg Lumalang sapagkat ba kay Cristo ang katubusan:
" Sapagkat hinirang niya tayo sa kanya bago pa nilalang ang sanlibutan, upang maging banal at walang kapintasan sa kaniyang paningin. Sa pag-ibig, tayo'y kaniyang itinalaga sa pagkukupkop bilang kaniyang mga anak sa pamamagitan ni Jesu-cristo, ...sa kanya'y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, ang kapatawaran ng mga kasalanan, ayon sa masaganang biyaya ng Dios " Efeso 1:4-5,7, NPV
Upang mabanal ang tao, kailangang matubos siya at mapatawad sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, sa gayong paraan, magiging kalarawan na siya ng Dios.
Kung na kay Cristo ang katubusan, bakit kailangan pang umanib sa Iglesia? Sapagkat ang Iglesia ang tinubos :
Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.” (isinalin mula sa lamsa translation)
Kaya, hindi sapat na tanggapin at sampalatayanan lamang si Cristo kundi kailangan ding umanib sa Iglesia ni Cristo. Hindi maiiwasan ng sinumang nagnanais mapatawad sa kaniyang kasalanan na umanib sa IGLESIA NI CRISTO sapagkat:
" Maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran " Heb.9:22
Kung gayon, sa ganang sarili ng tao, anuman ang kaniyang gawin ay hindi siya mababanal. Sa Iglesia ni Cristo lamang niya ito matatamo dahil ito ang tinubos at nilinis ng dugo ni Cristo. Kaya, sa Iglesia ni Cristo matutupad ang layunin ng Dios na magiging kalarawan Niya ang tao sa KABANALAN.
WALANG KAMATAYAN
Paano ang suliranin sa kamatayan? Abutan man ng kamatayan ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo, nakakatiyak silang makakasama sa unang pagkabuhay na muli :
1 Tesalonica 4:16-17
" Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
" Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. "
Sa pagbabalik ng Panginoong Jesucristo sa Araw ng Paghuhukom ay unang bubuhaying muli ang mga "NAMATAY KAY CRISTO " samantalang ang mga aabutang buhay na kay Cristo ay hindi na makakaranas pa ng kamatayan.
Ang mga taong kay Cristo ay nasa Iglesia na itinayo Niya at kinilala Niyang "AKING IGLESIA "(Mat.16:18) na tinawag ng mga apostol na IGLESIA NI CRISTO:
" Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng Iglesiya ni Cristo ay bumabati sa inyo " Roma 16:16 NPV
Kaya, ang mga kay Cristo ay mga kaanib sa Iglesia ni Cristo. Tiniyak ng Biblia na sila ang maliligtas sa Araw ng Paghuhukom. Hindi na sila parurusahan sa ikalawang kamatayan :
Apoc. 20:6
" Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan........"
Ayun sa mga naniniwala sa Trinidad, o nagtataglay ng mga larawan ng Dios sa rebulto. Ito ang talata na kanilang sagot kung may nagtatanong.
Tanong:
BAKIT NINYO NAGAWAN NG IMAHE/REBULTO ANG DIOS? MAY ANYO BA SIYA PARA MAILARAWAN O O MAGAWAN NG LARAWAN ?
Ang sagot nila. Mababasa raw sa Genesis 1:27. Ganito ang laman ng talata:
Genesis 1:27
" At nilalang ng Dios ang tao ayon sa KANIYANG SARILING LARAWAN, AYON SA LARAWAN NG DIOS siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. "
Dito'y binanggit na KALARAWAN NG DIOS ANG TAO na nilalang Niya. Kaya, conclusyun agad nila, MAY LARAWAN TALAGA ANG DIOS na pareho ang hugis sa TAO. Kaya, nagawan ng LARAWAN O IMAHE.
Ayun ba sa Banal na Kasulatan, MAIWAWANGIS BA ANG DIOS? MARAPAT BANG GAWAN NG REBULTO ANG DIOS? Sasagutin lahat mula sa Biblia :
Isaias 40:18-20
" Kanino nga ninyo itutulad ang Dios? o ANONG WANGIS ANG IWAWANGIS ninyo sa kaniya?
" Ang LARAWANG INANYUAN na binubo ng mangbububo, at binabalot ng ginto ng platero, at binubuan ng mga pilak na kuwintas.
" Siyang napakadukha sa gayong alay ay pumipili ng isang punong kahoy na hindi malalapok; siya'y humahanap sa ganang kaniya ng isang bihasang manggagawa UPANG IHANDANG LARAWANG INANYUAN, na hindi makikilos. "
Isaias 46:5-6
" Kanino ninyo ako ITUTULAD, AT IPAPARIS, at IWAWANGIS AKO, upang kami ay magkagaya?
Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; sila'y nangagpapatirapa, oo, sila'y nagsisisamba. "
NAPAKALINAW po. Ang Dios ay hindi mangyaring IWAWANGIS o gawang ng REBULTO, sapagkat ito ay hindi kanais-nais at maling gawain. Sapagkat, Siya'y walang kawangis, kapareho o katulad man. Totoong nakasulat sa bibliya ang tao ay nilalang ng Diyos na maging kalarawan niya subalit natitiyak natin ang tinutukoy dito ay hindi sa likas na kalagayan ng Diyos kalarawan ang tao. Bakit? Sapagkat gaya din ng binanggit sa Juan 4:24 ang Diyos ay Espiritu:
“Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y naghsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.” [Juan 4:24]
Ang Diyos sa kaniyang likas na kalagayan ay espiritu. Ano ang ibig sabihin na ang Diyos ay espiritu? Pinaliwanag ni Jesus :
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagkat ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” [Lucas 24:39]
Pinatunayan ni JESUS na Siya ay hindi Espiritu. Na ang Dios ay Espiritu sapagkat walang taglay na laman at buto di gaya ng tao na may taglay nito. Ganito ang sabi niya :
“At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailanman sapagka’t siya ma’y laman:…” [Genesis 6:3 ]
Kung gayon, para saan nais ng Dios kalarawan ang pagkakalalang ng Dios sa Tao? Narito :
“Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip:” “at ang dapat makita sa inyo’y ang bagong
pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at
kabanalan.” Efeso 4:23-24, MB
Nais ng Dios na maging kalarawan niya ang tao sa BAGONG PAGKATAO na ito'y sa katuwiran at kabanalan. Bakit nais ng Dios na ang tao na kaniyang nilalang maging kalarawan niya sa kabanalan? Ano ang katangian mismo ng Diyos na lumalang sa tao? Narito :
1 Pedro 1:15-16
" Nguni't yamang BANAL ang sa inyo'y tumawag, ay MANGAGPAKABANAL naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; SAPAGKA'T AKOY BANAL. "
Dito nilalang ang layunin ng Dios sa paglalang sa TAO. Hindi dapat gamitin ang GEN.1:27, upang sabihin na ayun sa Pagkalarawan sa PagkaDios, kaya pwede na gawan ng REBULTO o IMAHE. Ang Biblia ay walang salungatan o kontradiksyun sa bawat bahagi nito. Kaya dito nagkakamali ng pagkagamit ang ilan. Ang Biblia, imbes sa katotohanan gamitin ay ginamit na sa kabulaanan.
“Mula pa sa pagkabata, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo Jesus.”
“Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag akay sa matuwid na pamumuhay.” I Tim.3:15-16, MB