Martes, Abril 8, 2014

1 Corinto 10:4 Eksistido na ba si Cristo ?







Karaniwang naririnig nating aral sa mga nagtuturo sa pagka Dios ni Cristo ay ang umano'y eksistido na ito simula't simulat pa raw. Kaya naman, ginamit nila ang isa naman talata gaya ng nilalaman mula sa 1Cor. 10:4 na ganito ang ating mababasa :





1 Corinto 10:4
" At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo. "




Si Cristo nga raw ito, ang BATO na tinutukoy kung saan sila ay nagsiinum habang sila'y nasa paglalakbay na kasama si moises, Paano raw sila nagsiinum sa Bato na si Cristo ? Minsan ito ang talata na kanilang iuugnay :





Exodo 17:5-6
" At sinabi ng Panginoon kay Moises, Dumaan ka sa harap ng bayan, at ipagsama mo ang mga matanda sa Israel; at ang iyong tungkod na iyong ipinalo sa ilog, ay tangnan mo sa iyong kamay, at yumaon ka.
Narito, ako'y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng BATO sa Horeb; at iyong papaluin ang bato, at lalabasan ng tubig, upang ANG BAYAN AY MAKAINOM. At gayon ginawa ni Moises sa paningin ng mga matanda sa Israel. "




Dito ,malinaw raw na kasama na nila si Cristo at sila ay nag-siinom. May dapat po tayo mapansin sa Dalawang talata. :


1. sa talata ng 1 Cor. 10:4 ay binanggit dito na ang "BATO" ay AYUN SA ESPIRITO - At hindi isang literal na BATO.



2. Sa Exodo 17:5-6 ay Binanggit naman na ang "BATO" ay pinalo ni moises at lumabas ang tubig at dito sila nag-siinom-- Ito ay isa Literal na BATO.



Dito palang, isang maling aral at maling pagkaintindi sa talata, sapagkat lalabas na ang kanilang Dios ay pinalo ni Moises. Ating suriin Bakit si Cristo ay isang Bato na "AYUN SA ESPIRITU" ? ano ang katumbas nito? Mula sa ibang salin atin basahin :



“At uminom din ng iisang inuming
espirituwal, mula sa Batong espirituwal na sumubaybay sa kanila, at ang Batong iyon ay si
Cristo.”
I Corinto 10:4, MB


Si Cristo ay ang BATONG ESPIRITUWAL. Anu ang Katangian ni Cristo bakit itinuring na "BATONG ESPIRITUWAL?


Juan 4:10
" Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Kung napagkikilala mo ang kaloob ng Dios, at kung sino ang sa iyo'y nagsasabi, Painumin mo ako; ikaw ay hihingi sa kaniya, at ikaw ay bibigyan niya ng tubig na buhay. "


Ito ay Sapagkat si Cristo ay nagbibigay ng tubig na Buhay
Ang pag-inom naman at pagtanggap ng TUBIG NA BUHAY ay sa pamamagitan ng Pagsampalataya kay Cristo :




Juan 7:37
" Nang huling araw nga, na dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom. "


Juan 7:38
" Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay. "


Juan 7:39
" (Nguni't ito'y sinalita niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: sapagka't hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu; sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.) "




Malinaw po ayun sa talata, na ito ay ang Pagsampalataya kay Cristo. Anung dahilan ni Apostol Pablo sa kanyang pagkakasabi doon sa kanyang sulat sa talata ng 1cor.10:4? Ganito ang kanyang paglilinaw :





“Kaya't huwag na kayong pasasakop sa anumang tuntunin
tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa kapistahan, sa bagong
buwan o sa Araw ng Pamamahinga. Ang mga ito'y anino lamang ng
mga bagay na darating at si Cristo ang kaganapan nito.”
Col. 2:16-17,MB



Ito ay isa lamang anino ng mga bagay na darating, kung saan ang kaganapan ay si Cristo. Kaya hindi siya nagkakamali o walang kontradiksyon, siya ang sumulat at alam niya mismo kung sino lamang ang dapat ituturing na iisang Dios. Gaya nang kanyang pagtuturo:




1 Corinto 8:6
" Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya. "



Ang dapat paring kikilanin na iisang Dios ay walang iba kundi ang AMA lamang. Hindi nila naintindihan ang mga nakasulat sapagkat ayun na sa ating Pag-aaral, ang tumanggap lamang ay yaong mga SUMAMPALATAYA kay Cristo, at ang hindi sumampalatay ay binulag ng dios ng sanlibutang ito :




2 Corinto 4:4
" Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios. "




2 komento:

Unknown ayon kay ...

1 corinto 1:17-18
Makapangyarihan po ang Crus at dapat bigyan ng kabulohan

𝗝𝗼𝗻𝗮𝘁𝗵𝗮𝗻 𝗕𝗼𝘁𝗶𝗻 ayon kay ...

Ang Panginoon ang Tinutukoy na Bato na tinutukoy sa exodo 17:5-7..

Exodus 17:6 👉𝗡𝗮𝗿𝗶𝘁𝗼, 𝗮𝗸𝗼'𝘆 𝘁𝗮𝘁𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗺𝗼 𝗿𝗼𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮𝗯𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗼 sa Horeb; at iyong papaluin ang bato, at lalabasan ng tubig, upang ang bayan ay makainom. At gayon ginawa ni Moises sa paningin ng mga matanda sa Israel.

𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻[𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼] 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗺𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗴𝗽𝗼𝗻𝗴 𝘆𝗮𝗻… 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗔𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗘𝘀𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁𝘄𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗶𝗻𝘂𝗺𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮… 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗴 𝗯𝗮𝗯𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝗺𝗼 𝘀𝗮 𝗘𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗧𝗨… ..

𝗚𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁 𝘀𝗮
Ephesians 4:5 Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo,

𝗔𝘁 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗥𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗻𝗮 𝘁𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝗸𝗼𝘆 𝘀𝗮
Deuteronomy 32:3
Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon: Dakilain ninyo ang ating Dios.

Deuteronomy 32:4
𝗦𝗶𝘆𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗼[𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼],
ang 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗮𝘆 𝘀𝗮𝗸𝗱𝗮𝗹;
𝗦𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮'𝘁 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗵𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝗻:
𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝗽𝗮𝘁 at 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮𝗮𝗻, 𝗠𝗮𝘁𝘂𝘄𝗶𝗱 at 𝗯𝗮𝗻𝗮𝗹 𝘀𝗶𝘆𝗮.

𝗞𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗶 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝗸𝗼𝘆 𝗻𝗮 👉𝘀𝘂𝗺𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮… .

𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗶𝘁𝗶𝗿𝗮𝗹… 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝘆𝘂𝗻 𝗴𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝘄… .