Lunes, Enero 6, 2014

SEMANA SANTA,KWARESMA,MGA MAHAL NA ARAW ,TAMA BANG IPAGGUNITA ITO?



Batid nating halos taon taon ay ito ang palagiang ginagawa ng karamihan Bilang paggunita at pag ala ala daw sa mga pagpapakasakit at pagkamatay Ni Cristo. Ito raw ang isan tanda ng tunay na Cristo sapagkat uto nga daw ito galing sa Biblia. .




Atin ngayung Isa isahin ang kanilang mga gawain sa ganitong okasyun, kung talaga bang nararapat ang mga ganitong Tradisyun o paniniwala. Ilan sa mga gawain ay una Ganito :




MYERKULES NG ABO





Ang Mahal na Araw ay nagsisimula pagsapit ng Miyerkoles ng Abo,ang araw na kinukrusan ng abo sa noo ang mga deboto bilang tanda ng kanilang pagsisisi.

Ayun sa Biblia, anu ba ang tanda na tinutokoy sa pag aantanda ng Ganito?karamihan kasi,basta't nakikiisa lang ay tama na,ayun sa biblia,may binanggit bang paunang pahayag ukol dito? narito :




Apocalypsis 13:16
“At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang TANDA sa kanilang KANANG KAMAY, o sa NOO;




Mabuti ba ang pagkakaroon ng tandang ito? Ano ba ang idududulot sa tao kung tayo ay mananatiling magkakaroon o magsasagawa ng tandang ito? Atin namang basahin :




Apocalypsis 14:9-11
"At ang ibang anghel, ang pangatlo ay sumusunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig,
Kung ang sinoman ay sumamba sa hayop at sa kaniyang larawan,at tumatanggap ng TANDA SA KANIYANG NOO, O SA KANIYANG KAMAY , Ay iinom din naman siya ng alak ng kaglitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y PAHIHIRAPAN NG APOY AT ASUPRE sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: AT ANG USOK NG HIRAP NILA AY NAPAIILANGLANG MAGPAKAILAN KAILAN MAN; AT SILA'Y WALANG KAPAHINGAHAN ARAW AT GABI, sila mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan."





Malinaw po ang kahahantungan ng mga tao na nagsasagawa ng Ganito.Ito ay tanda ng paparusahan ng Dios. Anu pa ang mga gawain nila na labag ayun sa Biblia?




PAGBABAWAL NG PAGKAIN NG KARNE



Ito naman ang Aral at utos na pinairal ng mga PAPA at mga pari sa kanilang mga pamamaraan ukol sa isinasagawa kapag Mahal na Araw o BERNES SANTO.Wala alam kasi ang iba at kung anung paraan ng kanilang kinagisan ay yun na lamang ang kanilang sinusunud na rin.

Makatwiran kaya sa harap ng Dios ang pagbabawal sa anu mang uri ng pagkain ? ating suriin :




“Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay iiwan ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga DEMONYO. Ang mga katuruang ito’y pinalalaganap ng mga taong SINUNGALING at may mga manhid na budhi. Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa at ang ILANG URI NG PAGKAIN, mga pagkaing nilikha ng Diyos upang kaining may pasasalamat ng mga mananampalataya at nakakaunawa ng katotohanan."
"Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat sapagkat ang mga ito’y nililinis
ng salita ng Diyos at ng panalangin.”
1 Timoteo 4:1-5




Ang linaw po ang banggit sa talata, Aral ng Demonyo lamang ang nagsasagawa ng mga ganyang mga gawain, kaya tiyak po ang mga pagkakamali na kanilang mga ginagawa.Masakit man po pero ito ay upang ihayag sa mga di pa nakakaalam.Ano pa ang nilabag na ginagawa nila?narito pa :




PAGPENITENSYA




Hayag sa atin ang kanilang ginagawa na pagpapalo,pagpapasakit sa kanilang sariling katawan,at ang Iba pa nagpapako pa sa Krus.Ito ay upang pagsunud daw sa krus kay Cristo at sa pagpapakasakit na kanyang tinamo.At bilang pag ala ala sa paghihirap ni Cristo.Tama bang saktan ang ating katawan? narito :




Colosas 2:23
"Sa pagpapakahirap sa katawan; nguni't walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman. "





Malinaw po na hindi dapat  pahihirapan ang ating katawan.Lalo nat sa walang kabuluhan. Sagot naman nila, ito naman daw ay pag alaala sa paghihirap ni Cristo at sa kapatawaran ng kasalanan.Tama ba ang palusot nila? sa anung paraan ba mapatawad ang kasalanan? at sa anu ang tamang paraan ng pag alaala ang kamatayan ni Cristo ? narito :





1 Corinto 11:24
“At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: GAWIN NINYO ITO SA PAGAALAALA SA AKIN.”

1 Corinto 11:25 
“At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: GAWIN NINYO ITO SA TUWING KAYO'Y MAGSISIINOM, SA PAGAALAALA SA AKIN.”





Ito  ay sa pagsasagawa ng pag BANAL NA HAPUNAN.Ito ang pamamaraang itinuro ni Cristo na ating pag ala ala sa kanya. Hindi sa pamamagitan na pagpapakahirap ng katawan.Sa anung Paraan naman mapapatawad ang kasalanan?sa pagpapako ba sa Krus at pagpenitensya?
Narito po :




Heb.9:22
"At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at
maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran."





Ang paraan ng pagpatawad ng mga kasalaan ay  sa kabilang lamang ng pagkabuhos ng dugo ni Cristo. Ang tinubos ng Dugo ni Cristo.Sa marami ng pag aaral, ang kabilang lamang sa kawan ni Cristo na tinubos ng kanyang dugo.
Narito :





"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito'y
hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo"
(Gawa 20:28lamsa)





Sila lamang ang may Karapatan na mapatawad ang kasalanan, at mali ang magpenitensya . Kaya po ang mga ginagawa nilang tradisyon gaya ng pagpapako sa krus at pagpenitensya ay di po ito naaayun sa turo mula sa biblia. Ano ang  mensahe ni Cristo sa kanilang mga ginagawa?
narito :




Mateo 15:3
"Sinagot sila ni Jesus, Bakit naman ninyo nilalabag angutos ng Diyos dahil sa inyongmga tradisyon?" (Ang BagongMagandang Balita Bibliya)





Labag po ang kanilang mga pamamaraan na syang kalooban ng Dios.Pwede kaya ang sariling ginagawa nila na pamamaraan?




Roma 10:3
"Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at nagsisikap silang gumamit ng
sarili nilang pamamaraan; hindi sila sumunod sa pamamaraang itinakda ng Diyos". (angBagongMagandang Balita Bibliya)





Di parin katanggap tanggap sa harap ng Dios.Sanay naintindihan po ito ng karamihan,Hindi po ito tamang na pamamaraan na siyang itinuro ng Dios. puntahan naman po natin ang Isa pang pagkakamali.





EASTER SUNDAY




Ito ay kung sa tagalog daw ay "Linggo ng muling pagkabuhay ni Jesucristo."


Ang pistang nabanggit ay alam ng marami na ito ay karaniwang tumatapat sa buwan ng Marso ,kundi nama'y sa buwan ng Abril. Palibhasa, ang mga buwang ito'y sinasakop ng tagsibul (Spring) sa mga bansang may apat (4) na taunang yugto ng panahon.



Ang Linggo na siyang huling araw ng kapistahan ay nakaugailang tawagin ng mga Ingles na ''Easter Sunday,'' at kung saan nag-ugat ang salitang ito'y Alam na kaya ng Karamihan?lalo na ng mga nagsasagawa nito? ating Alamin at nang malaman nila.



Ito ay nag-ugat sa sinaunang relihiyong politeyismo (pagsamba sa maraming dios ng mga pagano) na sinasang-ayunang lubos at binibigyang diin ng lahat ng mga iskolar. Ang salitang nabanggit ay hindi kailan man ginamit sa orihinal na kasulatan Maging sa Biblia .




Ang salitang “Easter” ay nagmula sa salitang Eastre, na ang kahulugan ay isang DIOSA NG TAGSIBOL (Goddess of Spring). Sa katotohanan, ang pinagmulan ng pangalan ay mula sa lubhang malayong nakaraan, na panahon tumutukoy pa sa panahun ng Tore ni Babel.
Ang pinag-ugatan nito’y hindi kalaunan matapos ang malaking baha sa panahun ni Noe.

Ang mga paniniwalang Pagano sa maraming pag aaral,sila ay ang kumikilala ng maraming mga Dios,na isa nanga rito  si Queen Semiramis, na siyang umano’y Inang diosa, o reyna ng langit.


Nang magsikalat ang mga tao,at gamit ang kanikanilang mga sariling wika ay marami parin ang patuloy sa pagtawag at nananatili sa kanilang gawain.

Marami ang nagsisitawag sa Inang diosa “Ishtar” na sa una’y sinasambit na “Easter.” Sa ibang mga lupain ay tinatawag siyang Eostre, Astarte, Ostera, at Eastre. Ang ibang pangalan patungkol kay Semiramis, ang Inang diosa ay kabilang ang:

" Asawa ni Baal (Wife of Baal, Ashtaroth o Ashtoreth, at Reyna ng Langit (Queen of Heaven). "





Ang Inang diosa (reyna ng langit) ng mga pagano ay kadalasang sinasamba bilang:


1.diosa ng fertilidad (Goddess of Fertility)

2.Inang Kalikasan (Mother Nature)

3.diosa ng tagsibul (Goddess ofSpring)

4.pag-ibig seksuwal at pagsilang (sexual love and birth)

5.tagapamagitan ng dios sa mga tao (mediator of god to man) .



Maliwanag ang paniniwala ng mga Katoliko ay nagmula parin sa mga pagano na ikinabit ang
pangalan ni Jesus sa kaganapan ng Easter, at ang petsa nito sa panahon ng tagsibul (Spring)
ang siyang tinukoy na araw ng pagkabuhay na muli ni Jesus.


Ang paggamit ng salitang Easter kakabit ang pangalan ni Jesus ay isang maliwanag na katuruang dumaya sa halos lahat ng mga tao sa kalupaan. Ang sinaunang kaugalian o tradisyon ng mga pagano ay hindi ang muling pagkabuhay ni Jesus ang ipinagdiriwang.

Kaya Hayag sa ating kaalaman ang lahat ng gawang aral ng tao ay kasuklam suklam. pinapauna na ng Biblia ang mga ganito mga tao. .



“Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod
sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio…” (I Tim.4:1)





Ang kanilang pagtatakwil sa aral.Pagtatakwil sa panginoon ,imbis aral ng Dios ay Aral ng tao ang sinusunud. .Maliligtas kaya ang ganitong mga gawain?




“…Sa inyo naman, may lilitaw namga bulaang guro. Gagamitin nilang katusuhan ang pagtuturo ng mga aral na makasisira sa inyong pananampalataya. Itatakwil nila ang Panginoong nagligtas sa kanila, kaya’t biglang darating sa kanila ang kapahamakan.”
(II Ped.2:1, Ibid.)




Totoong kapahamakan ang sasapitin ng mga gumagawa ng gawaing labag sa aral ng Dios. . Anu ang payo sa lahat tungkol sa mga gawain ito?




Efeso 4:17-18 (salita ngBuhay)
“.. Kaya’t ito ang masasabi ko, sapangalan ng Panginoon: Huwag nakayong mamuhay na gaya ng mga paganong walang kabuluhan ang mga iniisip at nadirimlan ang kaisipan. Dahil wala silang pagkaunawa at matigas ang kanilang puso, hiwalay sila sa Buhay na mula sa Dios.





Hiwalay sa tunay na Dios gaya ng mga paganu ang mga taong gumagawa ng mga karumaldumal na gawain. May Dios nga sila iba naman ang kinikilala.

Sanay maging aral sa lahat lalo na po sa ating mahal na mga kaibigang mga katoliko na patuloy sa ganitong gawain.Hangad po namin na mahatid ang lahat sa katotohanan at sa tunay na mga aral.Kaya po patuloy po naming ini imbita ang lahat na makinig ng mga aral sa loob ng Iglesia Ni Cristo.Sapagkat ang pananampalataya ay nanggagaling ito sa pakikinig ng tamang Aral.


Roma10:17
“Kaya nga ang paniniawala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.”

Salamat po.

Walang komento: