Martes, Abril 8, 2014

BAKIT HINDI NAG-AASAWA ANG MGA PARI AT PAPA




Isang aral o bahagi sa pagiging Papa/pari sa loob ng CATHOLIC CHURCH ay ang hindi pagpasok sa buhay may asawa sapagkat ito umano'y ay bilang tunay na itinuro ng biblia. Ito ang ating suriin at pag-aaralan at ang ilan sa ginamit nilang talata upang patunayan ito. Bilang IGLESIA NI CRISTO, may bahagi namang binabatikos nila na na ito raw ang katuparan ng aral demunyo Sapagkat nagbabawal sa pag-aasawa sa di kaanib o hindi kapananampalataya. Ating suriin muna, talaga bang ayun sa Biblia ay may iniutos na pagbabawal sa pag-aasawa sa hindi kapananampalataya? Ganito ang ating matutunghayan :




2 Corinto 6:14-15
" Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya? "





Ano ang kahulugan ng sinabi ng Biblia na "PAKIKIPAMATOK"?Ang salitang "pakikipamatok" ay ipinaliwanag ng isang paring Katoliko, na nagsalin ng Biblia at isang dalubwika, na nangangahulugang pag-aasawa.



"6,14: Makipamatok: ang tinutukoy ay ang pag-aasawa..." (footnote Bagong Tipan isinalin sa wikang Pambansa ni P. Juan Trinidad, SJ)





MALINAW. Ito ay ang pag-aasawa. Kaya mali pala ang pag-aakala nilang ARAL DEMONYO ang itinuro ng IGLESIA NI CRISTO sapagkat ito ay naayon sa utos at aral ng Biblia na sinusunod at ito ay hindi bagong aral kundi mula pa ito sa LUMANG TIPAN((Deut. 7:3-4) . Hindi kaylan man ipinagbawal sa loob ng IGLESIA NI CRISTO ang pag-aasawa sa lahat ng kaanib , ang utos lamang ay huwag makipamatok o mag - aasawa sa hindi kapananampalatay.






Ngayun Puntahan naman natin ang aral ng Biblia na bakit masama ang Pagbabawal sa Pag-aasawa na gaya ng mga ka parian at papa ng Katoliko? Ganito po ang mababasa :




1 Timoteo 4:1

" Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio, "



BAKIT ARAL DEMONIO? Sa talang 3.




1 Timoteo 4:3
" Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan. "




Pagbabawal sa Pag-aasawa ay isa rito. Na gaya ng Sabi ng talata, ito ay kanilang tinanggap na sila nga raw ang nagkaalam ng katotohanan. Di ito ikapagtataka,Bakit? dahil minsan ginamit nila ang talatang ito para patunayan na katuparan raw sa kanilang mga Pari at papa. Ganito ang laman ng talata :




Mateo 19:11-12
" Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi matatanggap ng lahat ng mga tao ang pananalitang ito, kundi niyaong mga pinagkalooban.
Sapagka't may mga bating, na ipinanganak na gayon mula sa tiyan ng kanilang mga ina: at may mga bating, na ginagawang bating ng mga tao: at may mga bating, na nangagpapakabating sa kanilang sarili dahil sa kaharian ng langit. Ang makakatanggap nito, ay pabayaang tumanggap. "




Nangagpapakabating raw sa kanilang sarili dahil sa kaharian sa langit. Ginamit ang talatang ito upang ipakita umano'y pagkakaloob sa kanilang kaparian ng bagaya upang hindi mag-asawa.




Pansinin ninyo sa talata,may tatlong uri ng bating :



1.Ang Bating mula palang sa tiyan ng kanyang Ina.



2.May Bating na Ginawang bating ng mga tao


3.May Bating na nagpapakabating sa kanilang sarili dahil sa kaharian ng Dios .




Iyan po ko ating isa-isahin. Ngayon ang hindi pag-aasawa ng pari ito'y hindi pagpapakabating sa sarili sa kaharian ng Dios, Bakit? Naging bating sila dahil ginawa silang bating ng mga tao dahil sa mga UTOS NG TAO na nilagdaan sa mga konselyo. Ganito ang kanilang patotoo sa kanilang aklat :




"Ang disiplina ng Iglesia (katolika)ay ipinatupad buhat pa sa pasimula,sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga Sacerdote (pari) na mag-asawa pagkatapos na sila'y maordena."
(Ang pananampalataya ng ating mga ninuno p.396 )



Hayag at malinaw na mula palang nang maordinahan, talagang TIYAK na ipinagbawal na ito sa Kanila. Ang pagpakabating sa kaharian ng Dios ay isang kaloob na biyaya ng Langit sa isang Lingkod.Hindi ito ginawa sa dikta at utos ng tao. Ang hindi pag-aasawa ng mga pari ay payo at utos lamang ng tao na ipinatupad pagkatapos ito maordinahan.hindi ito kaloob na mula sa langit. At maraming pari ang gusto mag-asawa na hindi ipinapahintulot ng simbahan dahil ito ay batas na ginawa ng konselyo na ang nagpapari ay hindi pinapayagang mag- asawa.


Kaya ang pari na nag-aasawa ay naaalis sa serbisyo ng pagpapari kasi bawal talaga sa kanila ang mag-asawa.ginawa silang bating ng mga tao ayon sa utos ng mga tao:



Marcos 7:7
" Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao. "



Magkaiba ag pagpapakabating sa sarili dahil sa Kaharian ng Dios sapagkat ito ay kaloob mula sa langit at malayang ipinasya ng isang tao sa kanyang sarili.



Ngayon may ginagamit pang talata na pinangangatuwiran ang mga defensor katoliko(CFD) para pangatuwiranan ang hindi pag- aasawa ng kanilang mga pari.ito ang Mat.19:27,29 :



Mateo 19:27
" Nang magkagayo'y sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Narito, iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo: ano nga baga ang kakamtin namin? "


Mateo 19:29 

" At ang bawa't magiwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, dahil sa aking pangalan, ay tatanggap ng tigisang daan, at magsisipagmana ng walang hanggang buhay".


Kung ating pansinin, walang sinabi dyan na iiwanan ng isang tinawag ang kanyang asawa Ito ang nakasulat



"...At ang bawat magiwan ng bahay o mga kapatid na lalaki ,o o mga kapatid na babae ,o ama o ina ,o mga anak ,o mga lupa dahil sa aking pagalan ay tatanggap ng tigisang daan at magsisipagmana ng walang hanggang buhay."




Hindi ito tumutukoy sa pagpapari at hindi kasama sa talata na yan ang pag-aasawa. Ayon mismo kay Apostol Pablo may matuwid silang magsipagsama ng isang asawa na sumasampalataya:



1 Corinto 9:5
" Wala baga kaming matuwid na magsipagsama ng isang asawa na sumasampalataya, gaya ng iba't ibang mga apostol, at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Cefas? "





At hindi pwedi Iwan ng lalaki ang kanyang Asawa sapagkat iisang laman sila :



Marcos 10:7-9
" Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa;
At ang dalawa ay magiging isang laman; kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman.
Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao. "



Malinaw na hindi kasama dyan ang
asawa kasi paano mo iwan ang iisang laman mo, at ito ay kasuklam suklam sa harap ng Dios.



Tandaan natin, ang Bating na ginawang bating ng mga tao ay tao ang gumagawa.(1 tim.4:3) na yun ang aral ng Tao na aral ng demunyo kaya ang payo ng Bilia :


Awit 1:1
" Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak. "



At ang bating na nagpapakabating sa kaharian ng Dios ay Dios ang gumagawa at hindi tao.




Ano pa ang kanilang talatang ginagamit upang ito depensahan na totoong nga umanong aral ang hindi pag-aasawa ng mga kaparian?




1 Corinto 7:32
" Datapuwa't ang ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan. Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, kung paanong makalulugod sa Panginoon "




Mabuti raw ang walang asawa, ito ang ginagawa di umano ng mga pari upang ipagmalasakit at makakalugod sa Dios. at Iniugnay naman sa talatang ito :





1 Corinto 7:38
" Kaya nga ang nagpapahintulot sa kaniyang anak na dalaga na magasawa ay gumagawa ng mabuti; at ang HINDI nagpapahintulot na siya'y magasawa ay gumagawa ng lalong mabuti. "



Ipinahayag ni Apostol Pablo ang mga bagay na ito at hindi isang utos o doktrina na kinakailangan sundin na HUWAG MAG-AASAWA na gaya ng mga kaparian. Ito ay isang pagpapayo bilang nakakabuti o hindi, at walang binanggit na kinakailangan na huwag mag-asawa. Hindi maaring maging kontradiksyon ang pahayag ni Apostol Pablo , anu ang halimbawa dito? Ganito ang patotoo :


1 Timoteo 3:2
" Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo. "



Malinaw , dapat asawa lamang nang isang babae, kung may asawa, anu ang katangian?



1 Timoteo 3:4-5
" Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong kahusayan;
(Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong MAKAPAMAMAHALA sa iglesia ng Dios?)




Kung may Asawa, isang may pamilya. Isang namamahala ng mabuti. Ganito ang pahayag ng Apostol na hindi maaarin magka kontradiksyun man. Kaya sa mga nagsusuri huwag po kayo padala sa Aral ng Demunyo na nangangaral upang iligaw ang karamihan.



Tito 1:14
" Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan. "






1 komento:

d00mknight ayon kay ...

Basta Iglesia ni Manalo BOBO! Walang kwentang article mula sa kulto ni Manalo.