Lunes, Abril 7, 2014

Pag-iibigang magkakapatid





Nabubuhay tayo sa isang daigdig sa panahong napakabilis na ang takbo ng mga pangyayari anupa't maraming tao ang AGAD-AGAD NA NANGHUHUSGA SA KANILANG KAPUWA. Tila napakadali para sa iba na yurakan ang pagkatao o reputasyon ng isang tao---batay lamang sa hinala o PAKUNWARING PAGMAMALASAKIT---na hindi man lamang isinaalang-alang na baka ang nasabing tao ay may suliranin sa anak o kaya'y sa may asawang may sakit, may suliraning Pampinansiyal, may problema sa hanapbuhay o may isang malubhang karamdaman, ang masaklap pa, ang ilan ay mga KAPATID Sa laman o sa pananampalataya.



Dapat sana'y magturingan ang lahat nang may kabutihan sa paggalangan sa isa't isa. Subalit isang realidad na sa lipunan ay may mga tao na sadyang malupit at walang pagtuturing. Mayroon pa ngang ilan na hindi alintana kung sila ay nakapipinsala na sa iba, makuha lamang ang kanilang gusto o sa layuning makatawag pansin.


Tunay ngang ang kasakiman at malabis na pagka-makasarili ng tao ay nagdudulot ng di-mabilang na mga suliranin sa bawat bahagi ng kanyang buhay: sa pamilya, edukasyon, kalusugan, kabuhayan, pakikitungo sa kapuwa, at lalung-lalo na, sa kaniyang buhay-espirituwal. Ang makasariling gawi ng tao na ang tanging hinahangad ay ang para sa pansariling kapakanan lamang ay lalong nagpapalala ng situwasyon.


Kaibayo ng makasariling hangarin na naghahari sa maraming taon, itinuro ni Apostol Pedro sa mga Cristiano ang aral na dapat "IBIGIN ANG KAPATIRAN":




" Magpakita kayo ng paggalang sa lahat ng tao--makitungo kayo sa kanila nang marangal. Ibigin ang kapatiran(ang samahang Cristiano kung saan si Cristo ang Ulo). Matakot kayo sa Diyos. Parangalan ninyo ang hari ". (I Ped.2:17, Amplified Bible)




Kaibayo ng umiiral ngayon sa lipunang. kung saan ang kagaspangan ng ugali at kawalang pagtuturing ay tila isinusulong pa sa mga palabas sa telebisyon, pelikula, at maging sa mga institusyong pangkarunungan, ang mga Apostol ng Panginoong Jesus ay nagtagubiling sa mga Cristiano na magpakita ng PAGGALANG SA LAHAT, at umibig sa KANILANG KAPUWA CRISTIANO Ang kanilang itinuro ay hindi isang "SLOGAN" lamang.



Ang pag-ibig sa kapatiran ay ang pagmamahal sa ating mga kapatid sa pananampalataya--anuman ang kulay ng kanilang balat, ang kanilang lahi, o kalagayan sa lipunam. Ang mga tunay na tagasunod ni Jesus ay ang mga taong namumuhay nang may kaayusan at DISIPLINA, KATUWIRAN AT KATARUNGAN---na nagpapamalas sa daigdig ng mabuting halimbawa ng wagas ng Pag-ibig, kahabagan, at matuwid na pamumuhay.


Kung atin pang lalaliman ang pag-aaral, hindi na kataka-taka na magpayo ang mga Apostol sa mga Cristiano na ibigin ang kanilang kapanampalataya, yayamang ito ay natutuhae nila mula mismo sa Tagapagligtas:




"Isang bagong utos ang ibinigay ko sa inyo: Mag-ibigan kayo sa isa't isa. Kung paanong inibig ko kayo, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko " (Juan 13:34-35, NPV)





Ang maalab na pag-iibigan sa isa't-isa at pagkahabag sa lahat nang walang pagtatangi, gaya ng iniutos ni Cristo, ay mga patotoo ng pagiging tunay Niyang alagad. Jng magpahayag ng pagmamahal ay isang mabuting bagay, subalit dapat itong ipakita sa pamamagitan ng gawa. Itinuro ni Apostol Juan na:




1 Juan 3:17
" Datapuwa't ang sinomang mayroong mga pag-aari sa sanglibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at doo'y ipagkait ang kaniyang awa, paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya? "



Kung ang Isang nagpapakilalang Cristiano ay may tinatangkilik sa buhay na ito--may sapat na kayaman at salapi upang mamuhay nang maalwan--subalit hindi magawang tumulong sa kapatid niyang nangangailangan, ang pag-ibig ng Diyos ay hindi mananahan o mamamalagi sa nasabing tao. Wala rin siyang pinagkaiba sa pinakaipokrito at mapagkunwaring mga tao sa mundong ito na may lakas pa ng loob na SUMITAS NG BIBLIA, subalit ang kanilang loob namay naghahari ang POOT LABAN SA KANILANG KAPUWA.



Ang marapat na pagtulong sa kapatid na nangangailangan ay nilinaw ni Apostol Pablo sa pamamagitan ng kaniyang panawagan :




" lumayo kayo sa sinumang Cristiano na ginugugol ang kaniyang mga kaarawan sa katamaran at hindi sinusunod ang patakaran ukok sa kasipagan sa paggawa"
(II Tes. 3:6, Living Bible)



Si Apostol Santiago man ay nagturo ring tungkol sa kapatiran nang ipaalala niya ang mga ganitong utos:



Santiago 5:9
" Huwag kayong mangagupasalaan, mga kapatid, laban sa isa't isa, upang kayo'y huwag mahatulan; narito, ang hukom ay nakatayo sa harapan ng mga pinto. "




Ang pag-uupasalaan sa isa't-isa ay hindi marapat, sapagat sino sa atin ang walang kapintasan? Lalo pa nga kung ang pag-upasala ay may bahid ng GALIT at MASAKIT NA PANANALITA. Ang pagtatanim ng mga negatibong damdamin, na nagdudulot ng kalungkutan o kasiphayuan, ay nagpapaikli lamang ng buhay ng tao.



Upang maingatan ang kapatiran ay nagbigay rin si Apostol Pablo ng ganitong paalala:



"Subalit nagdedemanda ang kapatid laban sa kapatid, at sa harap pa nga mga hindi sumasampalataya . . Pero hindi--kung mayroon kayong mga karaniwang kaso, humaharap kayo sa mga di iginagalang sa iglesya. Nakakahiya kayo! Talaga bang wala ni isa man sa inyo ang maalam na kayang magpasya para sa kanyang mga kapatid? " (I Cor.6:6,4-5, Biblia ng sambayanang Pilipino)



Nabubuhay man tayo man tayo sa isang lipunan na tila naging kalakaran ang demandahan, subalit namamalaging ang mga tunay na Cristiano ay hindi dapat naghahabla laban sa Isat-isa, sa harap ng mga di sumasampalataya. Bakit babaling tayo sa labas ng mga di sumasampalataya. Bakit babaling tayo sa labas ng Iglesia upang dalhin ang ating usapan sa mga hukom na hindi naman Cristiano? Ang mga usaping bumabangon sa mga magkakapatid sa pananampalataya ay dapat isangguni sa mga taong kinikilala o iginagalang sa Iglesia upang kanilang gawan ng pasiya.



Ang isa sa mga pinakamalaking panganib na sumisira ra pag-iibigang magkakapatid---na dahil ito ay karaniwan nang nakikita kung kaya't hindi na namamalayan ng iba ang panganib na dulot nito--ay ang paghahatid-dumapit. Itinuro ni Apostol Pedro na:



" Sa wakas, magkaisang-loob kayong lahat :magdamayan sa isa't isa at mahalin ang kapatid;maging mahabagin at mapagmapakumbaba. Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama o ng alipusta ang pag-alipusta. Sa halip, magpala kayo sapagkat ito ang dahilan ng pagtawag sa inyo: na ariin ninyo ang pagpapala. Sapagkat kung ang umiibig sa buhay at gustong tamasahin ang mabuting mg araw, mag-ingat siya ng kanyang dila sa masama at huwag bigkasin ng kanyan mga labi ang paglilinglang "(I Ped. 3:8-10, BSP)



Dapat mag-ibigan sa isa't isa ang mga tunay na Cristiano at magtataglay ng mahabagin at mapagkumbabang pag-iisip(hindi hambog at mapagmataas). Ang pag-upasala sa mga taong maaaring nakapagsalita ng masama---sa pamamagitan ng panlalait o pag-alipusta--ang siyang ipinagbawal ng mga apostol. Sapagkat gaano man ito binibigyang katuwiran ng iba, nananatiling ang gayon ay pag-ganti ng masama sa masama, at ng alipusta sa pag-alipusta.


Kaya, ang mga tunay na mga lingkod ng Diyos, ay pinapayuhan na magturingan sa isa't isa na may kalakip na wagas na pag-ibig-- na ginagantimpalaan ang mabuting PANANALITA at pagpupuri ang TAMANG ASAL-- sa gayon ay nagpapahayag ng tunay na kaawaan. Sa gitna ng malupit na lipunan, namamamalagi silang tapat sa pagkatawag sa kanila ng Diyos, na nagbibigay-halimbawa ng pgkamatiisin, pagtitiyaga, kababaang-loob, at kabutihan.




BILANG KAANIB SA IGLESIA



Damang-dama ng buong IGLESIA NI CRISTO ang napakarubdob na hangarin ng Pamamahala na akayin ang bawat kaanib hindi lamang sa maalaa na mga paglilingkod sa Diyos at sa banal na pamumuhay, kundi sa maningas na pag-ibig sa isa't isa. Ang isang dahilan nito ay lalong malapit ngayon ang wakas kaysa noong ipayo ito ng mga namahala sa unang Iglesia :




1 Pedro 4:7-8
" Nguni't ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: kayo nga'y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin:
Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka't ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan "





Mahalaga ang kahinahunan at pagpipigil sa Sarili upang makapamuhay nang may kabanalan. Kailangang laging manalangin upang humingi ng lakag at makatakapi sa anumang makasisira ng paghahanda sa PAGSALUBONG SA PANGINOON (Lucas 21:36). Kalakip ng mga ito, mariing ibinilin sa mga apostol na :


"una sa lahat ay maningas kayo sa inyong pagiibigan. "




Ang tinutukoy rito na pag-ibig na mapat maghari sa mga Cristiano ay ang pag-iibigan magkakaptid:



1 Pedro 1:22 MBB

" Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa'y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan. "




Ang nilinis o tinubos na ng dugo ni Cristo ay ang mga kaanib sa tunay na IGLESIA NI CRISTO(Gawa 20:28, salin ni lamsa). Iniutos ng Panginoon na kung paanong sila'y inibig Niya--inihandog ang buhay para sa kanila (Efe.5:25)--ay mag-ibigan naman silang magkakatatid na siyang patotoong sila'y mga alagad Niya (Juan 13:34-35).


ANG KAHALAGAHAN



Hindi lamang nagpapayo, kundi nagpapakita ng halimbawa ang Pamamahala upang maghari ang maningas na pag-ibig sa kapatid sapagkat malaki ang kinalaman nito sa pagtatamo ng kaligtasan:



1 Juan 4:16-17
" At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.
Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito. "






Ang magiging mapalad sa Araw ng Paghuhukom ay ang patuloy na umiibig dahil nananatili siya sa Diyos at ang Diyos ay sa kaniya. Ang isang gawang naghahayag ng Pag-ibig sa AMA ay ang pag-ibig sa kapatid:



1 Juan 4:21

" At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid. "




Itinuro rin ni Apostol Pablo na ang Diyos ang may utos na ibigin ang kapatiran:




1 Tesalonica 4:9 MBB

" Tungkol naman sa pag-ibig na dapat iukol sa mga kapatid sa pananampalataya, hindi na kailangang paalalahanan pa kayo dahil itinuro na sa inyo ng Diyos kung paano kayo mag-iibigan. "




Madaling sabihin ng isang tao na mahal niya ang Diyos; ngunit "Ang nagsasabing 'Iniibig ko ang Diyos,' at napopoot naman sa kaniyang kapatid", ayon kay Apostol Juan, "ay sinungaling".



1 Juan 4:20
" Kung sinasabi ng sinoman, Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita? "



Ang bahagi ng sinungaling ay sa dagat-dagatang Apoy o sa impyerno (Apoc. 21:8).


Kaya tinitiyak na mabuti ng mga TUNAY na Iglesia Ni Cristo na patuloy na naghahari ang pag-ibig sa gitna na ang dakilang kapalarang naghihintay:



1 Juan 3:14
" Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan. "




Hindi lamang ang kamatayang tinutukoy rito ay ang pagkapugto ng hininga , kundi ang ikalawang kamatayan sa dagat-dagatan apoy (Apoc.20:14). Di-makapanaig ang mga ito ra nagtataglay ng maningas na pag-ibig sa kapatid sa Iglesia. Sa kabilang dako, 




1 Juan 3:15
" Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan. "




Kaya ang PAGKAPOOT sa kapatid ay walang puwang sa puso ng mga tunay na Iglesia Ni Cristo. Ngayong naghahanda sila sa nalalapit na Kaligtasan ay hindi na panahon na lumamig o mabawasan pa ang kanilang pag-ibig sa isa't isa.



ANG URI NG PAG-IBIG NA DAPAT IUKOL



NAPAKATAAS ng uri ng Pag-iibigang magkakapatid sa Iglesiang kay Cristo--pag-ibig na hindi MAKASARILI:



" Tayong malalakas ay dapat maging matiyaga sa kahinaan ng mahihina sa pananampalataya at huwag nating isipin ang sariling kasiyahan lamang. Bawat isa ay dapat magbigay-lugod sa kanyang kapwa para sa ikabubuti nito at ikalalago " 
Roma 15:1-2, NPV




Ano mang pakikipagkapuwa kaya ang maipakikita niyaong sarili lamang ang iniisip? Di ba't ang labi na pag-ibig sa sarili ang isa sa mga dahilan kaya naging mapanganib at pinaghaharian ng kasaam ang mga huling araw na ito (II Tim. 3:17-15)?



Hindi pahahawa ang mga TUNAY NA KAANIB SA Iglesia Ni Cristo sa ganitong isipan ng mga taga-sanlibutan. Manapa, ang prinsipyo nila sa pakikitungo sa isa't isa ay ang makapagbigay-lugod sa kapuwa. Kaya laging handa silang gawan ng mabuti ang kanilang kapatid sa ikatatag ng pananampalataya nito(Roma 15:1-2, MB,BSP). Pinapalakas nila ang lonb ng isa't isa sa panahoN ng pagsubok at kagipitan.


Ipinakilala ni Apostol Pablo ang katangian ng tunay na pag-ibig:




1 Corinto 13:4
" Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. "




Ang tunay na pag-ibig ay PASENSYOSO AT MARUNONG UMUNAWA sa kahinaan, kakulangan, o pagkakamali ng iba, ngunit hindi niya kinukunsinti ang masama. Ganito ang maraming MAYTUNGKULIN sa Iglesia. Matiyaga nilang dinadalaw ang mga kapatid upang hatdan ng mga payo at tagubiling ikauunlad ng kanilang buhay Espirituwal.

Madaling naaayos kung may bumabangong di-pagkakaunawaan sa gitna ng magkakapatid. Dahil, 

una - hindi sila naghihigantihan sa isa't isa:



1 Pedro 3:8-9
" Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, mangagibigang tulad sa magkakapatid, mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:
Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pagalipusta; kundi ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala. "




Ikalawa- sakali mang nagkasala sa kanya ang kapatid, ay ang magpaumanhin at magpatawad. Sa kabilang dako, marunong siyang humingi ng tawad kung siya naman ang may nagawang DI NAGUSTUHAN ng isang kakapatid. Nagagawa ng mga tunay na umiibig ang magpatawaran dahil di nila nalilimutang sila man ay pinatawad din ng Panginoon:




Colosas 3:13 MBB

" Magpasensiya kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon."



Tunay na pag-ibig ang tinanggap at tinamasa ng mga kaanib ng Iglesia mula sa Panginoon, at tinatamasa ng mga kaanib ng Iglesia mula sa Panginoon, at gayundin sa Pamamahala (II Cor. 7:3; Fil. 1:7; 2:17; I Tes. 2:8-9).

Marapat lamang na gayon ding uri ang taglayin ng bawat isa:



Roma 12:9 MBB

" Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti. "

Walang komento: