Biyernes, Disyembre 12, 2014

SAKIM BA SA KALIGTASAN ANG IGLESIA NI CRISTO?





Marami ang nagkaroon ng maling isipan at pag-aakala ng marami lalo na ng mga hindi pa kilala ang Iglesia ni Cristo. Sapagkat bunga ng maling isipan ay nagkaroon ng poot ang ilan dahil dito. Ganito ang sabi ng isang kapatid sa INC, na sinabi naman ng isang mang-uusig sa kaniya :

" Bakit kayong mga INC, ay laging nagsasabi na kayo lang ang maliligtas? Ang kaligtasan ay para sa lahat at hindi dapat angkinin ninyo, sakim kayo sa kaligtasan "


Totoo ba talagang sakim ang Iglesia ni Cristo sa kaligtasan? Totoo po na kami'y nagsasabi na ang Iglesia Ni Cristo lamang ang maliligtas. Katunayan nito, hindi LAHAT NG MAY RELIHIYON o Dumi-Dios ay may karapatan sa kaligtasan, Sapagkat sabi ni Jesus marami ang tumatawag na PANGINOON subalit may hindi MAKAKAPASOK SA KAHARIAN, kundi ang gumanap lamang ng kalooban ng Diyos o ng Ama :


Mateo 7:21
" Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."

Samakatuwid may mga tao na SUMUNOD lamang sa Diyos, sila lamang ang makakapasok sa kaharian o maliligtas. Subalit ano ang pruweba? May patotoo ba sa Biblia na ang Iglesia ni Cristo lamang?


Kung ang kaligtasan ay para pala sa lahat kahit wala ng effort o gawa na ipupuhunan ng tao, e bakit nagtuturo pa ang maraming relihiyon at mangangaral sa mga pamamaraan kung paano maligtas ang tao?. Hindi maipagkaila na ang ISA SA mga pangkaraniwang paksa ba itinuturo ng iba't ibang tagapangaral ng relihiyon ay kung paano makapagtatamo ang tao ng kaligtasan sa araw ng paghuhukom. Upang maipalaganap ang kanilang aral ukol diumano sa kaligtasan, sila ay pangkaraniwan nqng gumagamit ng MEDIA tulad ng telebisyon, radyo, at mga babasahin.

Hindi masama na akitin ang mga tao at papaniwalain ukol sa ikapagtatamo nila ng kaligtasan. Subalit ang dapat munang malaman ng tao ay kung sino ba ang may awtoridad sa pagtuturo ukol sa pagtatamo ng kaligtasan na siyang dapat sampalatayanan, at sundin ng lahat ng nagsisipaghangad na makapagtatamo nito?. Sa Biblia may maliwanag na na itinuro ng mga Apostol kung sino ang itinalaga ng Diyos na maging Tagapagligtas ng tao:


"Itinaas ng Diyos sa sarili niyang kamay bilang Prinsipe at Tagapagligtas upang maibigay niya ang pagsisisi't kapatawaran sa mga kasalanan ng Israel" [Gawa 5:31, New Pilipino Version]

Ang tinutukoy ng talata ay ang ating Panginoong Jesuscristo. Kaya, si Cristo ang dapat pakinggan natin ,paniwalaan at sundin ng sinomang tao na ibig maligtas sa Araw ng Paghuhukom. Ang itinuro ni Cristo na pangunahing hakbang na dapat isagawa ng tao para maligtas ay ang PAGSUNOD SA UTOS NIYA na pumasok sa loob ng KAWAN sa pamamagitan niya :


Juan 10:14, 7, 9
" Ako ang mabuting pastor; Nakikilala ko ang sa ganang akin at ang mga sa ganang akin ay nakikilala ako. Kaya muling nagsalita si Jesus: Katotohanan-katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng Kawan ng mga tupa. ... Ako ang pintuan, sinumang pumasok sa KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas " [ Revised English Bible]

Ang KAWAN na binabanggit ni Cristo ay ang Iglesia Ni Cristo na binili Niya ng Kaniyang dugo:


Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.” [Lamsa Translation]


Samakatuwid, ang tinitiyak ni Cristo na maliligtas ay ang mga taong pumasok o umanib sa Iglesia Ni Cristo. Ito ang dapat munang matiyak ng tao at pangunahing gawin niya para makatiyak ng kaligtasan pagdating ng Araw ng Paghuhukom. Ito ang dahilan bakit sinabi ng mga kaanib na ang IGLESIA NI CRISTO lamang ang maliligtas at laging nanghihikayat ng mga tao na umanib dito, dapat rin tandaan na HINDI KAMI SAKIM SAPAGKAT ang Iglesia Ni Cristo ay walang sawa na ipinaaabot at ipinakilala sa lahat ng tao na malaman din nila ang KATOTOHANANG ito ang Tunay na sakim ay ang itago ang KATOTOHANAN at hindi ibahagi sa iba ang tunay na PARAAN NG IKAPAGTATAMO ng Kaligtasan.


Ipinakilala rin at pinatunayan pa ng mga Apostol kung sino ang mga taong tiyak na maliligtas sa galit at poot ng Diyos sa araw ng Paghuhukom. Sila ang pinawalang sala sa pamamagitan ng dugo ni Cristo :

Roma 5:8-9
" Ngunit ipinadama ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. At ngayong napawalang- sala na tayo sa pamamagitan ng kaniyang dugo, lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan niya " [Magandang Balita Biblia]


Kung gayon, hindi maaaring basta angkinin na lamang ng sinuman na kabilang siya sa mga maliligtas kung hindi naman siy kabilang sa napawalang-sala sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Ang napawalang -sala ay ang Iglesia Ni Cristo, sapagkat ito ang ang tinubos o binili ni Cristo ng Kaniyang dugo (Gawa 20:28,Lamsa). Kaya ayon din sa mga Apostol, ang taong may bahagi sa mga pangako ng Diyos at kabilang sa mga maliligtas ay talagang nasa Iglesia:


Gawa 2:47
" ... na nangagpupuri sa Diyos, at nangagtamo ng paglingap ng buong bayan. At idinagdag ng Panginoon sa Iglesia araw-araw yaong mga dapat na maligtas " [King James Version]


Kaya, sa pamamagitan ng pagtuturo ng ating Panginoong Jesucristo at maging ng mga Apostol, nabatid natin na ang tiyak na maliligtas sa Araw ng Paghuhukom ay ang mga nasa loob ng Iglesia Ni Cristo at hindi gawa gawa lamang ng mga Ministro at Pamamahala.

Bukambibig ng maraming tao sa kasalukuyan na sila diumano ay Cristiano. Ano ang tawag ng mga Apostol sa mga NASA LABAS NG IGLESIA NI CRISTO kait magpakilala pa silang CRISTIANO? Ang sabi ni Apostol Juan, ang gayon ay sinungaling:

1 Juan 2:4
" Maaaring sabihin ng isang tao,'ako ay isang Cristiano, ako ay nasa daan patungo sa langit, ako ay na kay Cristo. 'Ngunit kung hindi naman niya ginagawa ang iniuutos sa Kaniya ni Cristo na gawin niya, siya'y isang SINUNGALING " [King James Version]


Kung sabihin ba ng isang tao na siya ay isang Cristiano, tunay naba siyang Kay Cristo? Hind!. Ano ang katunayan nito? Ang sabi ni Apostol Juan :


" Maaaring sabihin ng isang tao,'ako ay isang Cristiano, ako ay nasa daan patungo sa langit, ako ay na kay Cristo. 'Ngunit kung hindi naman niya ginagawa ang iniuutos sa Kaniya ni Cristo na gawin niya, siya'y isang SINUNGALING "


Tandaan natin na ang isa sa mga pangunahing ipinag-uutos ni Cristo na gawin ng Tao para siya ay kilalanin Niya at maligtas ay ang pagpasok o pag-anib sa Iglesia Ni Cristo.

Masama na ang tao ay nasa labas ng Iglesia Ni Cristo sapagkat ang gayon ay may hatol ng Diyos:


1 Corinto 5:12-13
" Ano ang karapatan kong humatol sa mga taga-labas ng Iglesya? Hindi ba kayo ang hahatol sa mga nasa loob? Ang Dios ang hahatol sa mga nasa labas. Itiwalag ninyo ang masama ninyong kasamahan' " [New Pilipino Version]


Kailan at ano ang hatol ng Diyos sa mga nasa labas ng Iglesia? Sa Araw ng Paghuhukom ay ibubulid sila sa Apoy:


2 Pedro 3:7
" Sa bisa rin ng salitang ito, nananatili ang langit at lupa upang tupukin sa apoy pagdating ng Araw ng Paghuhukom ag pagpaparusa sa masama " [Magandang Balita]

Apocalipsis 20:14-15
" At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinuman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. "


Kaya napakahalagang ang tao ay mapaloob sa Iglesia Ni Cristo. Napakadakilang kapalaran ang matatamo ng mga taong susunod sa ating Panginoong Jesucristo dahil tiyak silang maliligtas sa hatol ng Diyos.

2 komento:

Unknown ayon kay ...

Kahit po pala ang mga batang walang kamuwang muwang sa relihiyon ay masusunog sa impyerno pag di sila kasapi sa inyo?

@JRV Vlog", ayon kay ...

Ang sabi ni cristo, sinu mang pumasok sa loob ng kawan ay maliligtas, kaya kapag wala sa kawan ni cristo ay alam mo na yon