Sabado, Mayo 10, 2014

Hanggang sa aming matatakan ang mga alipin ng ating Diyos







Para sa mga tapat na kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw na ito, ang Mayo 10 ay namamalaging isang mahalagang petsa, sapagkat sa araw na ito isinilang ang lalaking sa panukala at layunin ng Diyos ay kakasangkapanin sa pagtawag sa mga taong Kaniyang kikilalanin bilang mga anak na lalaki at babae sa panahong malapit na ang pagparitong muli  ni Cristo. Ang sampalatayan ang pagsususgong it okay Kapatid na Felix Y. Manalo ay katumbas ng pagsampalataya sa Gawain ng Diyos.

Ang pahayag ng hula na nakasulat sa Apocalipsis 7:2-3 ay nagpapakilala sa daigdig ng isang lalaking pinagkalooban ng Diyos ng banal na karapatan sa pangangaral ng dalisay na ebanghelyo ng kaligtasan. Isinasaad  ng hula na:


“ At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat  mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya’y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng Dios “ (amin ang pagdiriin)



Dahil sa kanyang tungkulin, ipinakilala ng Diyos si kapatid na Felix Manalo sa hula bilang isang “ANGHEL”. Sa Webster’s Third International Dictionary ay ganito binigyang-pakahulugan ang salitang ito:



“Anghel---sa literal na pakahulugan, sugo …3. Sinumang nagdadala ng banal na pasugo(gaya ng isang tagapangaral o propeta) …4. OBISPO,PASTOR <sa ~ ng iglesia sa efeso---Apoc. 2:1(RSV)> " (p. 82,isinalin sa Filipino)


Ang mga awtoridad ng iba’t- ibang relihiyon ay sumasang-ayon din na ang terminong “ANGHEL” ay maaaring ikapit sa isang tao. Pinatutunayan ng mga Protestante na:



“ang pinakamataas na paggamit ng salitang angel, makikita natin na ang parirala ay ginagamit upang tumutukoy sa sinumang sugo ng Diyos, gaya ng mga propeta, . .at ng mga tagapangasiwa ng mga iglesia Cristiana…” (Smith & Peloubet’s Bible Dictionary, p. 40, isinalin sa Filipino)




Ganito rin ang binigyang-diin ng mga saksi ni Jehova, sa pamamagitan ng kanilang pahayag na :

“ Anghel. Ang salitang ito, sa wikang Griego at maging sa Hebreo, ay nangangahulugang sugo. Tinutukoy nito ang tungkulin, at hindi ang kalikasan ng isinugo” (Emphatic Diaglott, p. 827, isinalin sa Filipino)



Mismong ang Panginoong Jesucristo ang nagpatotoo na ang isang tao, katulad ni Juan Bautista,ay maaaring maging isang anghel o sugo ng Diyos ( Juan 1:6,Magandang Balita Biblia; Mat. 11:7-10, Douay-Rheims Bible). Ang patotoong ito mula mismon tagapagligtas ang tila malamig na tubig na papatay sa liyab ng maling paniniwala ng iba na ang salitang “ANGHEL”, na sa literal na kahulugan ay “SUGO”, ay tumutukoy lamang daw sa mga nilalang na nasa kalagayang espiritu at hindi tao.

Lubos na nababatid ng Diyos ang paglipana ng maraming mga tagapangaral at tagapagturo sa panahong magsisimula ang Kanyang sugo, si kapatid na Felix Manalo ng kaniyang ministeryo. Dahil ditto, binigyan ng pagpapatibay ng Diyos ang kanyang kahalalan sa pamamagitan ng paglalarawan sa kanya bilang isang anghel—o sugo—na ang pangangaral ay may kalakip na “TATAK NG DIYOS NA BUHAY”, upang maalaman ng lahat sa daigdig na siya ang isang sugong inihalal ng Diyos upang mangaral ng dalisay na ebanghelyo ng kaligtasan.

Ang TATAK na binanggit sa hula ay ang Espiritu Santo, gaya ng ipinaliwanag ni Apostol Pablo :


“ Kayo ma’y naging bayan ng Diyos nang kayo’y manalig sa kanya matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan---ang Mabuting Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Kaya’t ipinagkaloob  sa inyo ang Espiritu Santong ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. Ang espiritu ang katibayan ng mga pangako ng Diyos sa ating mga hinirang hanggang kamtan natin ang lubos na kaligtasan. Purihin natin ang kaniyang kadakilaan! “ (Efe. 1:13-14, MB)


Ang mga nakarinig ng salita ng katotohanan---ang ebanghelyo ng kaligtasan na itinuro ng sugo—na pagkatapos ay nanalig at sumunod ditto, ay tinatakan ng Espiritu Santo na ipinangako. Hindi maaaring maliitin ang kahalagahan ng Espiritu Santo yayamang ito ang  “KATIBAYAN NG MGA PANGAKO NG DIYOS” --- ang katunayan na ang mga natatakan ay Kaniyang mga hinirang.
Hindi nag-iisa si kapatid na Felix Manalo sa gawaing ito ng pagtatatak sa mga hinirang ng Diyos, gaya rin ng isinaad sa nasabing hula na:


“ Hanggang sa aming matatakan. . . ang mga alipin ng ating  Diyos”


Sa pagpanaw ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw noong Abril 12,1963, ay hindi nawakasan ang gawaing pagtatatak. Ang kaniyang mga kasama sa banal na gampaning pangangaral ng dalisay na ebanghelyo—ang mga ministro at manggagawa—ay naging kasangkapan din sa pagtawag ng mga tao na ayon sa hula ay kikilanlin  ng Diyos na Kaniyang mga anak.

Ang gawaing pagtatatak na ito ay katulad din ng ginawa sa panahon ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo. Si Apostol Pablo, na ayun sa kaniyang sariling pahayag ay isang:


 “Ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging kalugod-lugod na handog, palibhasa’y pinapaging banal ng Espiritu Santo “ (Roma 15:16),  Isang ministro ni Cristo na ang ginawa ay: “ ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo” (Roma 15:19),  At ang naging bunga nito ay, ayon sa kaniyang patotoo, na: “ Kung magaganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila” (Roma 15:28), ang kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Ang ganito ring pagtatatak sa mga lingkod ng Diyos na ipinahintulot ng Diyos na ipagpatuloy ng Pamamahala ng Iglesia (Col. 1:25), ay sinimulan sa mga huling araw na ito ng sugo hanggang siya ay papagpahingahin ng Diyos. Hayag na hayag na ang marubdod na hangarin ng Sugo na ang tao ay mailapit sa Diyos ay buong giting na itinaguyod ng Kapatid na EraƱo G. Manalo at itinataguyod ng kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia, ang kapatid na Eduardo V. Manalo.
Pinagtibay ng Diyos ang kanilang karapatan sa pangangaral ng Kaniyang ipahayag na :


“ Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pag-iisip, At sa kanilang puso’y akingisusulat ang mga ito. At ako’y magiging Dios nila “ Hebreo 8:10


Ang masaganang pagdaloy ng Espiritu Santo, lalo na sa panahon ng mga pagsamba, ang matibay na nagpatotoo na tayo nga ang mga ipinagpalang anak ng Diyos. Ang hayag na pagtatagumpay at makabuluhang pagsulong ng gawaing ito ng kaligtasan, ay binigyang-pansin ng mga nagmamasid at nag-uulat ng mga  mahahalagang pangyayari sa larangan ng relihiyon:



“ Ang mga nagsasariling Iglesia ay masiglang umusbong sa marami, kung hindi man sa lahat, ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig. Ang isa sa pinakamalaki, pinakamayaman, at pinakamakapangyarihan sa mga ito ay ang Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas na napakabilis na lumaganap “ (Iglesia Ni Cristo: A study in Independent Church Dynamics, ni Arthur Leonard Tuggy, p. vii, isinalin sa Filipino)


Binigyang-diin ng nasabing manunulat-Protestante sa kaniyang aklat na :

 “ Sa pandaigdig na larangan ang kahalagahan nito ay dakila, unang-una na dahil sa kaniyang laki at kayamanan. Ang Iglesia ni Cristo ang pinakamalaki (non-mission related) na nagsasariling Iglesias a Asia “ (p. 224, Ibid., isinalin sa Filipino)



Sa isang pitak na may pamagat na : “ The Untold Story of the Iglesia Ni Cristo” inilarawan ng may-akda ang Iglesia, na :


“ Subalit higit pa sa mga programa at proyektong ito ay ang tunay na lakas ng pagtatagumpay ng Iglesia ni Cristo---ang kaniyang kakaibang doktrina. Binigyang-diin ng Iglesia ang pagiging  isa ng Diyos at hindi naniniwala sa pagiging Diyos ni Cristo at ng Espiritu Santo, at naninindigan sa nakasulat sa Banal na Kasulatan ukol sa pagiging ULO at tagapagligtas ni Cristo. . . Sa mga bagay na ukol sa pananampalataya, itinuturing ng Iglesia ang Biblia bilang tanging saligan “ ( Philippine Panorama, May 31, 1992, p. 7-8, ni Robert C. Villanueva, isinalin sa Filipino)



Isang kinikilalang haligi ng protestantismo sa Pilipinas ay nagpatotoo ukol sa lakas at paglago ng Iglesia:



“ Bunsod ng labis ng paghanga sa mga nagawa ng Iglesia ni Cristo, si Senador Neptali Gonzales, isang haligi ng Protestantismo, ay nagsabing, ‘Ang pagtatagumpay ng gawaing ito na kinasihan ng Diyos, na sinimulan ni kapatid na Felix Manalo noong 1914, ay totoong hayag na hayag sa kahanga-hangang paglago ng Iglesia ditto at sa ibayong dagat . Ang malalaki at mariringal na gusaling sambahan nito na nakapamamayani sa ating Skyline ay hindi mapapantayan sa kanilang karangyaan “ (Philippine Graphic, july 29, 1994, “From One-man Mission to Global Church” ni Isabelo T. Crisostomo, p. 16, isinalin sa Filipino)



Tunay ngang ang Sugo at ang mga Ministro ng Iglesia ni Cristo sa mga huling araw na ito, na taglay ang tatak ng Diyos na buhay, ay nangangaral ng salita ng Diyos  “ Hindi sa salita lamang kundi” may kapangyarihan at patotoo ng Espiritu Santo” (I Tes. 1:5, MB)---Anupa’t ang nakikinig sa kanilang pangangaral at lubos na nananalig ay tinatakan ng Espiritu Santo.

Habang patuloy na ipinapangaral ng mga sinugo ng Diyos ang dalisay na balita ng kaligtasan na mababasa sa Banal na Kasulatan, ang “PAGTATATAK” ay magpapatuloy upang marami pang mga tao sa malayong dako ang matawag sa paglilingkod sa Diyos. Ang bawat isang kaanib ng Iglesia ay marapat na magsikap hindi lamang upang matamo ang gantimpalang kaligtasan kundi maging ksangkapan din sa paghikayat ng milyun-milyon pang tao na nasa labas ng Iglesia na sundin ang kalooban ng Diyos.

Maaaring hindi lahat—gaano man ang ating maningas na hangarin na masalita sa kanila ang ukol sa kaligtasan—ay makikinig  sa panawagan ng Diyos. Nakakalungkot din na hindi lahat ay sasampalataya na si kapatid na Felix Manalo ay tunay ngang Sugo ng DIyos sa mga huling araw , gaano man karami ang mga pahayag ng hula na natupad at nagpatotoo sa kanyang kahalalang mula sa Diyos. Subalit tayo mismo, ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo, ang siyang matibay na katunayan, ang mga naging bunga at buhay na mga saksi ukol sa kanyang kahalalang mula sa Diyos, gaya rin ng itinuro ni Apostol Pablo na Sugo ng Diyos sa mga Gentil noon na nagsasabing :



 “Hindi man kilalanin ng ibang mga tao ang aking banal na kahalalang mula sa Diyos, subalit ako ay namamalaging tunay na sugo para sa inyo, yayamang kayo ang buhay na katunayan ng tawag ng Panginoon sa akin “( ICor.9:2, The New Testament in Modern English, isinalin sa Filipino)

1 komento:

Earl Geonanga ayon kay ...

http://www.thename.ph/thename/revelations/nosecondcoming-en.html