Isang pag-aangkin na naman ang pilit ipinapalabas at itinuturo ng mga Catholic Faith Defender(CFD). Sila ra ang tunay na Iglesia Ni Cristo na itinayo ni Cristo noong 33 AD. Subalit kung ating pansinin at basahin ang pangalan at kabuuan ng Kanilang relihiyun ay isang "Iglesia Katolika Apostolika Romana" (IKAR).
Dito palang, bagsak na ang kanilang pangalan na pinaniwalaan. Kung Bagsak na, isang pagpapanggap lang pala ang ginawa ng mga Katoliko.
Iba-iba ang palusot ng mga hindi Iglesia Ni Cristo upang palabuin na hindi ito ang tunay na pangalan. Ang ilan ang sabi,
1. Hindi raw Iglesia Ni Cristo ang tawag sa itinayo ni Cristo
2. Di mahalaga ang Pangalan kung ano ito
3. At ang iba, walang pangalan ang Iglesiang itinayo ni Cristo
Pero itong pag-aangkin naman ng mga CFD na sila raw ang tunay na Iglesia Ni Cristo, ay ating linawin.
ANG PANGALAN NA ITINATAWAG SA ITINAYO NI CRISTO NA IGLESIA
Ating unahing itanung, may pangalan bang itinatawag sa itinayo ni Cristo? Ganito ating suriin :
Santiago 2:7
" Hindi baga nilalapastangan nila yaong marangal na pangalan na sa inyo'y itinatawag? "
Maliwanag at malinaw na ang mga Cristiano ay tinatawag sa “marangal na pangalan” na ayon sa saling Magandang Balita Biblia ay ito ang pangalang ibinigay sa kanila ng Diyos:
“Hindi ba't sila rin ang dumudusta sa marangal na pangalang ibinigay sa inyo ng Diyos?” Santiago 2:7, MB
Ito ang PANGALAN ni Cristo ayon naman sa pinatutunayan sa Gawa 4:12, Ganito ang patunay :
“Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit,ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.”Gawa 4:12, MB
Maging ang Panginoong Jesucristo ay nagpapatotoo na ang Kaniyang mga hinirang na tinatawag din Niyang Kaniyang mga tupa ay “tinatawag sa pangaln”, Ganito ang patotoo :
“Binubuksan siya ng bantay-pinto; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig: at TINATAWAG ANG KANIYANG SARILING MGA TUPA SA PANGALAN, at sila'y inihahatid sa labas.” Juan 10:3
Bago umakyat ang Panginoong Jesucristo sa langit ay idinalangin Niya sa Diyos na ingatan ang Kaniyang mga hinirang sa pamamagitan ng PANGALAN na ibinigay sa Kaniya ng Diyos:
“At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila. Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, kung paanong tayo'y iisa.” Juan 17:11,MB
Samakatuwid, ang mga hinirang ni Cristo ay tunay na may pangalang itinatawag sa kanila, ang pangalang ibinigay ng Diyos sa Panginoong Jesucristo. Kaya, malaiwanag sa Biblia na ang tunay na Iglesia na itinayo ni Cristo ay tinatawag sa pangalan ni Cristo.
Maling pag-iisip at aral pala ang sabihing. DI NA MAHALAGA ANG PANGALAN, AT WALANG PANGALANG DAPAT ITAWAG. Subalit. Baka naman aangkinin na ito agad at sabihing sila itong Iglesia na itinawag sa sunod pangalan ni Cristo? Kung suriin at pag isipan natin, Bagsak na at malayo na sa katotohanan "IGLESIA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA" ,.
Paano kung itawag ang pangalan ni Cristo sa tunay na Iglesia na itinayo ni Cristo? Sa Roma 16:16, Ganito ang pahayag :
“Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.” Roma16:16, NPV
Ang tawag ng mga apostol sa Iglesiang itinayo ni Cristo ay “iglesya ni Cristo” o “Iglesia ni Cristo” (ang “Iglesya ni Cristo” at “Iglesia ni Cristo” ay iisa at hindi magkaiba).
Marapat lamang na ang tunay na Iglesia ay tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo o sa pangalang “Iglesia ni Cristo” sapagkat:
Una,Si Cristo ang nagtatag ng tunay na Iglesia:
“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO
ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” Mateo 16:18
Kung si Cristo ang nagtatag ng tunay na Iglesia, marapat lamang na tawagin ito sunod sa Kaniyang pangalan.
Pangalawa, Pinatutunayan din sa Mateo 16:18 na ang tunay na Iglesia ay kay Cristo o pag-aari Niya:
“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” Mateo 16:18
Ang sabi ni Cristo ay “itatayo ko ang AKING IGLESIA.” Kung si Cristo ang may-ari at ang Iglesiang itinayo Niya ay Kaniyang pag-aari, marapat lamang na tawagin sunod sa Kaniyang pangalan.
Pangatlo, Si Cristo ang ulo at ang Iglesia ay katawan ni Cristo:
“At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia…” Colosas 1:18
Bilang Siyang ulo ng Iglesia, marapat lamang na tawagin ang Iglesiang itinayo ni Cristo sunod sa Kaniyang pangalan. May mga nagpapatunay din ba mula sa kanila ? Ito ang mga awtoridad Katoliko mismo na nagpapatunay na ang Iglesiang itinayo ni Cristo ay tinatawag sa pangalang “IGLESIA NI CRISTO.” Ganito ang pahayag ng isang paring Katoliko sa aklat na Religion: Doctrine and Practice, sa pahina :
“5. Did Jesu Christ established a Church? “Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document,we learn that Jesus Christ established a Church, which from the earliest times has been called after Him the Christian
Church or the Church of Christ.” (Cassily, Francis B., S.J. Religion: Doctrine and Practice for use in Catholic High Schools . 12th and revised edition. Imprimi Potest: Charles H. Cloud, S.J. Provincial of the Chicago Province. Imprimatur: George Cardinal Mundelein, Archbishop of Chicago. Chicago: Loyola university Press, 1934, p. 442-443.)
Kaya ang hindi tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo ay hindi tatag ni Cristo. Hindi kay Cristo, at hindi ang Kaniyang pinangunguluhan. Kung hindi tatag ni Cristo, ay segurado tatag lamang ng tao. Aminado silang "Iglesia Ni Cristo" ang tatag ni Cristo, at hindi naman pala ang "Iglesia Katolika Apostolika Romana"
ANG KAHALAGAHAN
Ano ang pinatutunayan na ang Iglesia Katolika ay hindi tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo? Sa Gawa 4:12 ay ganito ang sinasabi:
“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” Gawa 4:12
Ganito kahalaga na tinatawag sa pangalan ni Cristo. Ang sabi ng Biblia,
“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan.”
Kaya kung walang kaligtasan, ay kapahamakan ang kahahantungan.Kaya ang pangalan at titulong IGLESIA NI CRISTO ay hindi basta basta na lamang ina angkin kundi ito ay naaayun sa tamang pagkatawag sa pangalang ni Cristo.
halimbawa nito gaya nalang ng kung hahanap tayo ng tunay na may- ari ng isang lupa. Kung ang tunay na may-ari ay “Juan dela Cruz,” kung gayun, ang taong nagsasabing siya ang may ari ng lupa subalit hindi naman “Juan dela cruz” ang pangalan, ay tiyak na tiyak na hindi siya ang may-ari ng nasabing lupa. Kung higit din naman sa isa na may pangalang “Juan dela Cruz” ang nag-aangkin ng lupa, tiyak na ang mga hindi tinatawag sa pangalang ito ay hindi na isasama ng korte sa sisiyatin kung sino nga ang tunay na “Juan dela Cruz” na may-ari ng lupa.
Kaya, Isang Bagsak na paniniwala at aral ang basta-basta na lamang na pag-aangkin ng katawagan ng tunay na itinatag ni Cristo. Kaya dapat tiyakin at seguraduhin ng tao ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo ,na walang iba kundi ang Iglesia ni Cristo .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento