Maaaring kayo ay nabautismuhan na sa relihiyong inyong kinaaniban. Ngunit sinuri na ba ninyo ang bautismong inyong tinanggap, kung iyan nga tunay na bautismong itinuro ng Biblia?
Sa aming malaking pagnanasa na ang tao ay magkaroon na kabatiran tungkol sa tunay na bautismong itinuro ng Biblia at sa kahalagahan nito, minarapat naming talakayin ang paksang ito.
KAHALAGAHAN NG BAUTISMO
Bago umakyat si Jesus sa langit, inutusan Niya ang Kaniyang mga Apostol na gawing alagad ang lahat ng mga bansag Kaugnay nito ay ipinag-utos din Niya na sila'y bautismuhan upang maging Kaniyang mga alagad :
Mateo 28:19
" Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo "
Samakatuwid, ipinag-utos ni Cristo ang bautismo upang sa pamamagitan nito ang mga tao ay gawing mga alagad Niya. Ang ibig sabihin ng "GAWING ALAGAD" ay gawing tagasunod ni Cristo gaya na rin ng Kaniyang ipinahayag :
"....Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo'y mga alagad ko,...." (Juan 8:31, Magandang Balita)
Ang mga binautismuhan o ginawang mga alagad ni Cristo ang tinawag na Cristiano ayon sa Biblia :
Gawa 11:26
" At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano, sa Antioquia. "
Kung gayon, mahalaga na ang tao ay mabautismuhan upang siya ay maging alagad ni Cristo o maging tunay na Cristiano.
Batid natin na halos lahat ng relihiyon sa kasalukuyan, tulad ng Iglesia Katolika, ng iba't ibang sekta ng Protestante, at ng marami pang iba, ay nagsasagawa rin ng pagbabautismo. Nangangahulugan ba na dahil sa nabautismuhan ang isang tao saan man siyang relihiyon napaanib ay naging tunay na siyang Cristiano o alagad ni Cristo? Tunghayan natin ang sinasabi ng Biblia :
" Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan.... " (1 Cor. 12:13,MB)
Maliwanag sa talatang ating sinipi, na ang mga binautismuhan ay nasa isang KATAWAN. Alin ang isang katawan na doon napaanib ang binautismuhan? Sa colosas 1:18 ay ganito ang ating mababasa :
"Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan...." (Ibid.)
Sa talatang ito ay tiniyak na Iglesia ang katawan ni Cristo. Kaya ang binautismuhan ay ginagawang sangkap ng katawan ni Cristo o kaanib sa Iglesia. Alin ba ang Iglesia na katawan ni Cristo? Ganito ang pahayag ng Biblia :
" Magbatian kayo bilang magkakatatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo. " (Roma 16:16, Ibid.)
Samakatuwid, ang mga naging tunay na Cristiano ay ang mga nabautismuhan na naging Iglesia ni Cristo. Kaya, kahit nabautismuhan na ngunit hindi naman sa Iglesia ni Cristo napaanib ay hindi pa rin tunay na Cristiano at hindi tunay na bautismo.
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN
Tangi sa ang mga binautismuhan ay naging Iglesia ni Cristo o tunay na Cristiano, ano pa ang kahalagahan ng tunay na bautismo na itinuro ng Biblia? Basahin namn natin ang sinasabi ni Apostol Pedro:
" At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. " Gawa 2:38
Dalawang bagay ang tatamuhin ng mga binautismuhan ayon kay Apostol Pedro. Una, ang kapatawaran ng kasalanan at ikalawa, ang kaloob ng Espiritu Santo. Ayon kay Apostol Pedro, upang mapatawad ang tao sa kaniyang mga kasalanan ay dapat siyang mabautismuhan. Samakatuwid, hindi tatanggapin ng tao ang kapatawaran ng kaniyang mga kasalanan kung siya ay tangging mabautismuhan.
Aling kasalanan ang ipinatatawad sa mga binautismuhan? Yaon ang mga kasalanang nagawa nila mula nang sila'y magkaisip hanggang sa sandali ng kanilang pagpabautismo. Upang ang mga babautismuhan ay mapatawad sa kanilang mga kasalanan at tumanggap ng kaloob ng Espiritu Santo, Sila'y inuutusan na magsisi sa kanilang mga kasalanan. Sa pagsisisi ay dapat talikdan ng tao ang kaniyang mga kasalanan gaya ng itinuturo ng Biblia:
"Ang mga gawain ng taong masama'y Dapat nang talikdan, at ang mga liko'y Dapat magbago na ng maling isipan;Sila'y manumbalik, Lumapit kay Yahweh upang kahabagan, At mula sa Diyos, Matatamo nila ang kapatawaran. " (Isa. 55:7, MB)
Hindi natin dapat makaligtaan na sa tunay na bautismo, ang mga binautismuhan ay tatanggap ng kaloob ng Espiritu Santo. Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang kayo ay bautismuhan? Kung wala kayong malay ukol sa Espiritu Santo na dapat tanggapin ng mga binautismuhan, ang inyong tinanggap ay hindi ang tunay na bautismo.
Bakit mahalaga na tanggapin ng mga binautismuhae ang Espiritu Santo? Ganitnd ang pahayag sa atin ng Biblia:
"Kayo ma'y naging bayan ng Diyos nang kayo'y manalig sa kanya matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan -- ang Mabuting Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Kaya't ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santong ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. " (Efeso 1:13, Ibid.)
Ang Espiritu Santo ay siyang patotoo sa mga binautismuhan na sila ay hinirang ng Panginoong Diyos. Kaya ang mga binautismuhan ay dapat tumanggap ng Espiritu Santo. Kung wala ito, hindi tunay ng bautismo na natanggap ng tao at hindi siya mapapabilang sa mga hinirang ng Diyos.
PAGLUBOG ANG TUNAY NA BAUTISMO
Sa ibat-ibang relihiyon ay maroong tatlong paraan na karaniwang ginagamit sa pagbautismo :
1. Paglubog (immersion)
2. Pagbubuhos (infusion o pouring)
3. Pagwisik (aspersion o springkling)
Alin sa tatlong paraang ito ang tunay na bautismo na itinuturo ng Biblia? Upang makatiyak tayo sa kasagtuan ay alamin natin ang kahulugan at pinagmulan ng salitang BAUTISMO. Ang salitang BAUTISMO ay nagmula sa wikang Griego na BAPTISMA na ang kahulugan ay paglulubog. Maging ang New Catholic Encyclopedia ay nagsasabi ng ganito :
"Terminology. The name baptism came from the greek noun Baptisma, 'the dipping, washing,'..." (Vol. II, p. 54)
Sa Pilipino:
"Mga katawagan. Ang katawagang bautismo ay nagbuhat sa pangngalang Griego na Baptirma, 'ang paglubdng, paghuhugas,'..."
Ang wastong paraan ng pagbautismo ay paglulubog gaya ng ibinigay na kahulugan ng salitang ito. Bagama't ang wastong paraan ng pagbabautismo ay paglulubog (immersion), ito ay pinalitan ng Iglesia Katolika ng PAGBUBUHOS (infusion o pouring) noong ika-12 siglo. Ito ay pinatunayan ng isang kardinal na katoliko :
" Sa loob ng ilang siglo pagkatapos ng pagkakatatag ng Cristianismo ang bautismo ay karaniwang iginagawad sa pamamagitan ng lubog;nguni't mula ng ikalabingdalawang siglo ang kaugaliang pagbibinyag sa pamamagitan ng buhos ay namayani sa loob ng Iglesia Katolika, yayamang ang paraang ito ay walang gasinong sagabal na di gaya ng Bautismo sa pamamagitan ng lubog. " (James Cardinal Gibbons, Ang Pananampalataya Ng Ating Mga Ninuno, p. 274)
Ayon sa aklat na sinulat ni James Cardinal Gibbons ang bautismo sa pamamagitan ng buhos (infusion o pouring) ay noon lamang ika-12 siglo namayani sa Iglesia Katolika. Kung gayon, hindi ito ang paraan ng pagbabautismo na ipinag-utos ni Cristo at isinagawa ng mga Apostol. Ang pagbabautismo sa pamamagitan ng paglulubog(immersion) ang siyang tinupad ng Iglesia noong unang siglo. Ito ay sinasang-ayunan ng paring si James Finley:
" In the early Church, Baptism was administered in rivers, in lakes, and even in the sea.... In those days Baptism was given by immersion." (James Finley and Michael Pennock, Your Faith and You: A Synthesis Of Catholic Belief, p. 5)
Samakatuwid, kung kayo ay binautismuhan ngunit ang bautismo na tinanggap ninyo ay buhos(infusion) o wisik(aspersion), ang bautismo na tinanggap ninyo ay hindi tunay na bautismo, sapagkat ang tunay na bautismo ay sa pamamagitan ng paglulubog.
Maramihang pagbabautismo na isinagawa
sa Swan Resort, Bagong Calzada, Calamba, noong Hulyo 23,1988
ANG DAPAT MATUPAD SA TUMANGGAP NG BAUTISMO
Ano ang dapat matupad sa tumanggap ng tunay na bautismo? Tunghayan natin ang pahayag ng Apostol Pablo:
" Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan:..." (Roma 6:4)
Itinulad ni Apostol Pablo ang bautismo sa paglilibing. Kung paanong inilibing ay dapat matabunan ng lupa, gayon din ang babautismuhan ay dapat "matabunan" ng tubig. Ito ay nagpapatunay na ang tunay na bautismo ay paglubog. Bakit itinulad sa paglilibing ang bautismo at alin ang dapat ilibing ng mga babautismuhan? Ganito ang paliwanag ni Apostol Pablo:
" Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama niya upang mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. " (Roma 6:6, MB)
Ayon kay Apostol Pablo, ang dating pagkatao ng mga babautismuhan ay kasama ni Cristo na napakuan sa krus. Kaya, nang si Cristo ay namatay sa krus, kasama ring namatay ang dating pagkatao ng mga nabautismuhan. Ito ang dahilan kaya ang bautismo ay itinulad sa paglilibing sapagkat dapat ilibing ng mga babautismuhan ang kanilang dating pagkatao. Alin ang tinatawag ng Biblia na "dating pagkatao" na siyang dapat ilibing ng mga babautismuhan? Ang Biblia ay nagsasabi:
"Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao, na napapahamak dahil sa masasamang pita. " (Efe. 4:22,Ibid.)
Ang dating pagkatao na tinutukoy ng Biblia ay ang dating masamang pamumuhay. Ang dating pamumuhay na masama at labag sa kalooban ng Diyos ang dapat ilibing ng mga babautismuhan. Paano inililibing sa bautismo ang dating pamumuhay na masama at labag sa kalooban ng Diyos? Tiyak ang sagot ng Apostol Pablo, "Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao...."
Samakatuwid, sa tunay na bautismo ay hindi sapat na mailubog lamang sa tubig ang pisikal na katawan ng mga babautismuhan. Ang paglulubog ay sumasagisag sa paglilibing, kaya ang babautismuhan ay dapat na pumayag na mailibing ang kaniyang dating pagkatao sa paraang iwan na niya ang kaniyang nakaraang masamang pamumuhayg Ang kaniyang pag-ahon sa tubig ay sagisag ng kaniyang paglakad sa panibagong buhay.
Pagkatapos ninyong matunghayan ang artikulong itog. inaasahan namin na hahangarin ninyo ang tunay na bautismo upang kayo ay mapabilang sa mga tunay na hinirang ng Diyos, magkamit ng kapatawaran ng kasalanan at tumanggap ng pangakong Espiritu Santo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento