Kapag sinabi ng isang nagpakilalang "CRISTIANO" na siya ay "Ligtas" o "Maliligtas", subalit wala namang mga awtoridad na nagpapatotoo sa kaniya ukol dito, ang sinabi niyang ito ay hindi dapat kaagad na paniwalaan.
Juan 5:31-32
" Kung ako'y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan.
Iba ang nagpapatotoo sa akin; at talastas ko na ang patotoong isinasaksi niya sa akin ay totoo. "
Dahil dito, ang Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 - Sa kaniyang pagtuturo na siya ang maliligtas sa parusa ng Diyos sa araw ng paghuhukom - ay hindi nagpapatotoo sa kaniyang sarili lamang, kundi nagbabatay sa mga patotoo ng mga awtoridad ukol sa kaligtasan. Ginagamit niya bilang batayan ang mga patotoo ng ating Panginoong Jesucristo, Apostol, at higit sa lahat, ng Panginoong Diyos, na pawang nakasulat sa Biblia. Bukod dito, ginagamit din niya ang mga patotoo ng mga awtoridad ng ibang mga relihiyon - Ngunit hindi na bilang batayan ng kaniyang pananampalataya sa katotohanan ng kaniyang kaligtasan, kundi bilang mga karagdagang saksi, upang matikom ang bibig ng sinumang kaanib sa mga relihiyong yaon na tumututol sa naturang katotohanan.
Ito ang ilan sa mga nagpapatotoo na ating patutunayan at ilalahad
1. Cristo
2. Apostol Pablo
3. Diyos
4. Papa
5.Mga Pari
6.Adventista
7 At siyempre ang Biblia
CRISTO : Ang pumasok Ang Maliligtas
Sino ang pinatotohanan ng Tagapagligtas at Panginoong Jesucristo na maliligtas?
Juan 10:7, 9
" Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa.
" Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas,..."
Ayon sa patotoo ng Tagapagligtas na si Cristo, ang maliligtas ay ang "Pumasok" sa Kaniya - hindi ang sumampalataya lamang sa Kaniya, hindi ang tumanggap lamang sa Kaniya, hindi ang tumawag lamang ng "Panginoon" sa Kaniya. Ano ang pagkilala ni Cristo sa mga taong pumasok o dumaan sa Kaniya? Mga tupa Niya. Ano ang ginagawa Niya sa mga tupa o mga tao na pumasok sa Kaniya?
Juan 10:16
" At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor. "
Ang mga tao na pumasok sa ating Panginoong Jesucristo ay ginawa Niyang "isang Kawan". Alin ang tinutukoy Niyang kawan?
Gawa 20:28, Lamsa
" Ingatan ninyo kung gayong ang inyong sarili at ang buong kawan na dito'y itinalaga kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang Iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo. "(pagkakasalin sa Pilipino)
Ang kawan ay ang Iglesia ni Cristo. Kaya, kung ang mga pumasok kay Cristo ang maliligtas at ang mga pumasok kay Cristo ay naging isang kawan o Iglesia ni Cristo, ang mga pumasok sa Iglesia ni Cristo ang tunay na maliligtas. Ito ang patotoo ng Tagapagligtas.
APOSTOL PABLO: Katawan Ang Ililigtas
Ang patotoo ba ng Tagapagligtas na si Cristo ay siya ring patotoo ng Kaniyang mga Apostol? Narito ang di-matututulang patotoo ni Apostol Pablo:
Efeso 5:23
" Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa,tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan,at siyang Tagapagligtas nito ." (Magandang Balita)
Pinatutunayan dito ni Apostol Pablo na ang ililigtas ni Cristo ay ang Iglesia, sapagkat ito ang Kaniyang katawan. Dapat mapansin na ang pagtuturo ng mga kasalukuyang tagapangaral ng maraming relihiyong nagpapakilalang Cristiano sa talatang ito ay " Kalahati " lamang ang katotohanang itinuro ni Pablo. Itinataguyod ng maraming tagapangaral ngayon na "Si Cristo ang tagapagligtas. . . .!" ngunit pinuputol nila ang karugtong-"...ng Iglesia".
Ang Iglesia, ayon din sa patotoo ni Apostol Pablo,ang ililigtas ni Cristo? Ano ang pangalan ng Iglesiang ito?
Roma 16:16
" Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo. "
Ang Iglesiang ililigtas ni Cristo, ayon sa patotoo ni Apostol Pablo, ay ang Iglesia ni Cristo.
DIYOS: Sa Iglesia Idinaragdag Ang Maliligtas
Sa ibabaw ng mga patotoo ng ating Panginoong Jesucristo at ng mga Apostol na ang Iglesia ni Cristo ang maliligtas, ay ang patotoo ng Diyos, na ayon kay Cristo ay Siyang sumasaksi sa Kaniyang patoto.
Ano ang patotoo ng Diyos tungkol sa Iglesia Ni Cristo?
Gawa 2:47
" Na nangagpupuri sa Diyos, at nangagtamo ng paglingap ng boong bayan. At idinaragdag ng Panginoon sa iglesia araw-araw yaong dapat maligtas. " (KJV, pagkakasalin sa Pilipino)
Maliwanag na idinaragdag o dinadala ng Diyos ang mga dapat maligtas - sa Iglesia. Hindi sa kung saan-saan. Mali, kung gayon, ang paniniwala na ang sinumang tao, na basta't sumasampalataya sa Diyos at gumagawa ng mabuti, kahit wala sa Iglesia ni Cristo, ay maliligtas.
Kaya, ang sinumang tumatanggi sa Iglesia ni Cristo ay tumatanggi sa Diyos, kay Cristo, at sa mga Apostol. Ang gayong tao ay hindi maliligtas. Sa kabilang dako, ang sinumang tumatanggap at nakahandang umanib sa Iglesia ni Cristo ay tumanggap sa Diyos, kay Cristo at sa mga Apostol. Ang gayon ang tiyak na maliligtas.
PAPA : Ang Iglesia Ni Cristo Ay Para Sa Kaligtasan
Maaaring hindi alam ng maraming kaanib sa iba't ibang relihiyon ang katotohanang Iglesia ni Cristo lamang ang maliligtas. Ngunit ang katotohanang io ay hindi nalingid sa kaalaman ng mga awtoridad ng kanilang relihiyon. Sa katunayan, hindi lamang nalalaman ng mga awtorid nila ang katotohanang ito kundi opisyal pa nilang ipinahayag ito sa kanilang mga aklat. Isang aklat ng binubuo ng mga pagtuturo ng mga naging papa ng Iglesia Katolika, bilang halimbawa, ang nagpapatotoo nang ganito:
"...the church of Christ, which has been devinely instituted for the sake of souls an of eternal salvation...." (Anne Fremantle, The Papal Encyclicals: In Their Historical Context, p. 153)
Sa Pilipino :
"...ang iglesia ni Cristo, na banal na itinatag sa kapakanan ng mga kaluluwa at ng walang hanggang kaligtasan...."
Pinatutunayan ng aklat na ito na naglalaman ng mga pahayag ng mga papa na ang itinatag ng ating Panginoong Jesucristo para sa "Walang hanggang kaligtasan" ay ang Iglesia ni Cristo.
MGA PARI : Hindi Maliligtas Ang Hindi Kaanib
Dahil dito, ano ang patotoo ng mga paring Katoliko tungkol sa Iglesia ni Cristo at ano ang babala nila sa mga ayaw umanib dito?
"...the Church of Christ today must be in nature, in power, in teaching, what it was when it served men through the twelve Apostles. It is to this Church that all are obliged to belong in order to be saved. Those people who through their own grave fault do not know the true Church, or, knowing it, refuse to join it, cannot be save. " (Most Rev. John Francis Noll and Rev. Lester J. Fallon, Father Smith Instructs Jackson, pp. 35-36)
Sa Pilipino :
"...ang iglesia ni Cristo ngayon sa kalagayan, sa kapangyarihan,sa aral ay dapat maging katulad ng kaniyang dating kalagayan nang ito ay maglingkod sa mga tao sa pamamagitan ng labindalawang Apostol. Sa Iglesiang ito ang lahat ay nananagot na umanib upang maligtas. Yaong mga taong sa pamamagitan ng kanilang lubhang kapabayaan ay hindi nakilala ang Iglesia,o, kung nakilala man ito, ay tumanggin. umanib dito, ay hindi maliligtas. "
Ayon sa dalawang paring may akda ng aklat na ito, obligado ang lahat ng mga tao na umanib sa Iglesia sa Iglesia ni Cristo upang maligtas. Nagpapatotoo rin sila na ang sinumang hindi aanib dito ay hindi maliligtas.
ADVENTISTA : Kasangkapan Ang Iglesia Sa Ikaliligtas
Maging ang mga awtoridad ng mga Iglesiang Protestante ay nagpapatotoo sa kaligtasan ng Iglesia ni Cristo. Ganito ng patotoo ng mga Adventista tungkol sa Iglesia ni Cristo sa isang polyetong pinamagatang "Pansabado" :
" Ang iglesia ni Kristo ang hinirang na kasangkapan ng Diyos sa ikaliligtas ng mga tao. Ang misyon nito ay dalhin ang ebanghelyo sa sanlibutan. " (p.33)
Biblia : Tanging Batayan
Bakit natin tinatanggap at pinaniwalaan ang mga patotoo ng mga awtoridad ng Iglesi Katolika at Protestante na ang Iglesia ni Cristo ang maliligtas? Hindi dahil sa sumasang-ayon ang mga ito sa doktrina ng Iglesia ni Cristo, ni dahil sa ang mga ito ang batayan ng ating pananampalataya, kundi dahil sa ang mga ito ang mismong pinatutunayan ng Biblia, gaya ng inaamin ng isang paring katoliko na si Francis B. Cassily sa kaniyang aklat na pinamagatang (Religion: Doctrine and Practice, pp. 442-444) na Ganito :
"5. Did Jesus Christ establish a Church?
"Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, we learn that Jesus Christ established a Church, which from the earliest times has been called after Him the Christian Church or the Church of Christ.
" The Church, founded and organized by Christ and preached by the Apostles is the Church of Christ, ... It is the only true Church, and the one which God orders all men to join. "
"Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, we learn that Jesus Christ established a Church, which from the earliest times has been called after Him the Christian Church or the Church of Christ.
" The Church, founded and organized by Christ and preached by the Apostles is the Church of Christ, ... It is the only true Church, and the one which God orders all men to join. "
Sa Pilipino :
"5. Si Jesucristo ba ay nagtatag ng Iglesia?
" Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa panlupa at hindi pangkabanalan, gayundin mula sa Biblia na kinikilalang isang makataong kasulatan, ating nalaman na si Jesucristo ay nagtatag ng isang Iglesia, na mula sa kauna-unahaeg panahon ay tinawag na sunod sa Kaniyang pangalan, ang Iglesia Cristiana o ang Iglesia ni Cristo.
"Ang Iglesiang ito, na itinatag at binalangkas ni Cristo at ipinangaral ng mga Apostol, ay ang Iglesia ni Cristo,...Ito lamang ang tunay na Iglesia, at siyang ipinag-utos ng Diyos na aniban ng lahat ng tao. "
" Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa panlupa at hindi pangkabanalan, gayundin mula sa Biblia na kinikilalang isang makataong kasulatan, ating nalaman na si Jesucristo ay nagtatag ng isang Iglesia, na mula sa kauna-unahaeg panahon ay tinawag na sunod sa Kaniyang pangalan, ang Iglesia Cristiana o ang Iglesia ni Cristo.
"Ang Iglesiang ito, na itinatag at binalangkas ni Cristo at ipinangaral ng mga Apostol, ay ang Iglesia ni Cristo,...Ito lamang ang tunay na Iglesia, at siyang ipinag-utos ng Diyos na aniban ng lahat ng tao. "
Ayon kay Cassilly, nalaman natin mula sa kasaysayan at mula sa Biblia na si Jesucristo ay nagtatag ng isang Iglesia na tinawag na Iglesia ni Cristo. Pinatutunayan din niya na ang Iglesia ni Cristo lamang ang tunay na Iglesia, at ito ang ipinag-utos ng Diyos na aniban ng lahat ng tao.
Kung gayon, nananatiling ang Biblia ang tanging batayan ng Iglesia ni Cristo sa pinanghahawakan niyang katotohanan ng kaniyang kaligtasan.
Ang Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay maraming mga patotoo ng Diyos, ni Cristo, ng mga Apostol, at ng mga Propeta. Kaya , kapag sinabi ng isang kaanib sa Iglesia ni Cristo na siya ay maliligtas, tiyak at totoo ang sinabi nya .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento