Biyernes, Mayo 30, 2014

Ang Diyos Ng Mga Cristiano


Ang mga tunay na Cristiano,ay ang mga hinirang at pinili ng Diyos na silang tunay na nakakikila sa Tunay na Diyos. Ang kaalamang ito ay ang kaligtasan at ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan na siyang pinakilala ng tagapagligtas na si Jesucristo:


Juan 17:3, MBB
" Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.
SINONG DIYOS ANG TUNAY NA DIYOS?



-Siya ay ang Diyos ni Abraham,Isaac, at Jacob (Exo. 3:6)


- ang Diyos ng Israel (II Cron. 33:16)


- Siya ang Diyos ni Cristo at ng kaniyang mga alagad (Mar. 15:34; Mat.27:46; Juan 20:17)


- Siya ang Diyos ng mga tao na magmamana ng Bagong Jerusalem (Apoc. 21:2-3)


- Siya ay hindi ang "Dios ng Dios". at Walang nauna at walang Dios pa na susunod, Walang iba kundi siya lamang (Isa. 43:10)


-At hindi ang Diyos ng mga patay kundi ng buhay (luc. 20:38).Ang patay na tinutukoy ay ang mga patay dahil sa pagkakasala (Efe.2:1), at yaong mga mamamatay sa ikalawang kamatay sa Dagat-dagatang Apoy (Apoc. 20:14).


- Siya ay hindi ang Diyos ng mga nasa labas ng Iglesia ni Cristo dahil wala silang Diyos sa sanglibutan ( Efe. 2:12).


- Samakatuwid, siya ay hindi Diyos ng hindi Cristiano o hindi kabilang sa Iglesia ni Cristo.



NATATANGI AT PAGKAKAISA NG DIYOS



- Ang Diyos ng mga Cristiano ay isa lamang -- hindi isa sa tatlo o tatlo na iisa, walang persona.


-Walang iba liban sa kanya (Isa. 45:5).


-Walang kasamang iba pang Diyos (Deut.32:39)


- Walang Diyos na katulad (Isa.46:9)


-Nag iisa lamang (Awit 86:10)


-Walang Diyos na una,at wala nang susunod (Isa. 43:10) na gayun din ang sinabi Niya sa kanyang mga hinirang (Isa. 48:12).


-Bakit ang Biblia ay may sinabing ibang mga diyos? mayroon mang binanggit na mga dios,subalit walang isa sa kanila na kagaya at katulad ng Tunay na Diyos(Awit 86:8).Gaya ng sinalita ni Cristo (Juan 10:34-35), maging ni Apostol Pablo (1Cor.8:5).


Samakatuwid, ang Diyos ay ang nakakataas sa tinawag na mga diyos(Awit 95:3),na kinatatakutan  higit kay sa lahat ng mga diyos(Awit 96:4).


Ano ngayun itong ibang mga diyos? Sila itong mga maling diyos dahil sila'y walang diyos(Jer. 2:11) at ang mga diyos na binanggit ni Cristo sa Juan 10:34-35 ay talagang sa wala (Isa. 41:23-24). At ang pinuno ng mga maling diyos ay ang diyos ng sanglibutang ito na siyang bumulag sa isipan ng hindi mananampalataya (IICor.4:3-4).Itong diyos ay ang satanas. Ang pagsamba sa maling diyos ay pagsamba sa demonyo (Deut.32:17).


Kaya, ang pagkilala o kumilala na may kapantay at kapareho ng Ama ay maling diyos dahil ang Diyos kaylan ma'y walang kapantay.


- Ang Diyos ng mga Cristiano ay lumikha ng langit at lupa at ng lahat (Neh.9:6).

-Ginawa niya itong mag-isa (Isa.64:8).


- Nang sinabi Niyang : "lalanganin natin ang tao", Siya'y nagsasalita sa mga anghel kung saan palaging nasa palibot ng ng Kaniyang trono (Apoc. 7:11)

-subalit nagpatuloy at ginawa niya ang paglalang na mag-isa (Gen.1:26-27;2:7).


-At ang Manlilikha na ito ay mag-isa lamang at walang iba kundi ang Ama (Mal. 2:10; Deut.32:56).


Ang Diyos samakatuwid, ay ang Ama, at habang ang Ama lamang itong manlilikha na mag-isa, ay wala nang magiging Diyos anak o Diyos Espiritu Santo.Kaya, ang pagkilala ng dios anak at dios espiritu santo liban sa tunay na Diyos na ang Ama, ay pagkilala sa maling diyos.


KAALAMAN AT KAPANGYARIHAN NG DIYOS


Ang Diyos ng mga Cristiano ay Makapangyarihan(Gen.17:1),Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa(Jer. 10:12). Walang imposible sa Diyos (Luc.1:37) na gayon din ang sinabi ni Cristo tungkol sa Diyos (Mat.19:26).



Bilang makapangyarihan, ay walang nagbigay o walang pinagmulan ang Kaniyang kapangyarihan. Ngunit Si Cristo, na Siyang kinilala ng maraming tao na kanilang Diyos, ay ibinigay lamang ang lahat ng kapangyarihan ng langit at lupa(Mat.28:18), Ang kapangyarihan na Kaniyang isusuko rin sa Makapangyarihang Diyos pagdating ng wakas (I Cor.15:22-28). Ang sabihin at paniwalaang si Cristo ang Diyos ay isang malaking pagkakamali sapagkat hindi Siya ang Makapangyarihan sa lahat.


Ang Diyos ng mga Cristiano ay Alam ang lahat ng bagay. Alam Niya ang nakaraan at ang hindi pa nangyayari( Isa.46:9-10) at lahat ng sekreto(Ecc.12:14).Ito ay wala kay Cristo na pagkakaroon ng karunungan sa lahat ng bagay, gaya ng hindi nya alam ang araw at oras ng ikalawang pagparitong muli(Mar.13:32).


Kaya, sa mga gumawa kay Cristo bilang kanilang Diyos ay gumawa sa kanilang sarili ng maling Diyos.




ANG KATANGIAN NG DIYOS


- Ang Diyos ng mga Cristiano ay Espiritu(Juan 4:24), walang laman at buto(Luc.24:39).

- Siya ay walang katapusan,walang kamatayan, at di nakikita(I Tim. 1:17;Juan 5:37), na hindi nagbabago ang kalagayan (Mal.3:6;Sant.1:17).


- At dahil ganun, Siya ay hindi tao(Hosea 11:9) at hindi anak ng tao(Bilang 23:19). Hindi pinapayagan na ang tao ay magiging Diyos (Ezek. 28:2; Gawa 12:21-23) ; Samakatuwid, Siya'y hindi naging tao o Diyos-tao.


Kaya, ang Diyos na nagiging tao o isang Diyos-tao ay isang maling diyos at hindi ang Diyos ng mga Cristiano. Kaya, kung ang ibang diyos ay walang diyos, at yung may mga diyos na iba sa Diyos ng mga Cristiano ay walang Diyos sa kanilang lahat.


PAGKILALA SA TUNAY NA DIYOS


Ang pagkaroon ng kulang sa kaalaman at pagkilala sa tunay na Diyos ay hindi ikaliligtas ng tao. At hindi lamang sapat ang pananalig kung ano ang katangian nito kundi ang pagkakaroon ng takot at pagkilala :



Kawikaan 9:10
" Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan. "


Kaya , pagkatapos na malaman ang katotohanan tungkol sa katangian ng Diyos, dapat unawain at gawin kung ano ang kalooban ng Diyos (Efe.5:17) at pag-alam na ang buong katungkulan ng tao ay magkaroon ng takot at pagsunod sa utos ng Diyos(Ecc.12:13)

Walang komento: