Mula sa talata na ito, ay isa sa ginagamit na dahilan ng mga kaibayo at naniniwala sa pagka Diyos umano ni Cristo sapagkat sa dahilang may kakayahan sa isang bagay upang gawin, ang BUMUHAY NG PATAY. Marami ang nabulag sa katotohan upang makilala ang tunay na katangian lalo na sa taglay ni Cristo. Ganito ang nilalaman ng talata :
Juan 5:21
" Sapagka't kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila'y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin. "
Malinaw raw na nakasulat na may kakayahan ang Anak na gaya ng ginawa ng AMA,kaya Diyos na rin daw. Atin itong suriin at tiyakin kung Dios na ba ang bumubuhay ng patay. Paano ba naisagawa ng Anak ang ganitong bagay ? Ganito po mula sa taas ng talata :
Juan 5:19
" Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan. "
Ang ginawa ni Cristo ay siya ring Gawain ng kanyang AMA . Sariling kakayahan ba ni Cristo ang dahilan kung bakit ito naisagawa ?
Juan 5:20
" Sapagka't sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas. "
Ang lahat ng mga bagay na ginawa ng ANAK, ito ay mula sa AMA. Sa gayung paraan maisasagawa ng AMA ang kanyang gawain sa pamamagitan ng kanyang anak at hindi mismo ang anak ang may sariling kakayahan upang gawin ang mga ito. Ganito ang katiyakan ng Biblia :
Juan 6:38
" Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. "
Juan 6:39-40
" At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw.
Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw. "
Juan 12:49
" Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain. "
Lahat po ng Ginawa ni Cristo, ito'y Pag tupad sa gawain ng Dios na pagsusugo sa kanya at hindi ang kanyang sariling kalooban para gawin ang sariling kakayahan, kundi kakayahan Mismo at kagustuhan ng Dios ang kanyang ginawa at tinupad. Ayun sa Biblia, May mga Halimbawa ba na mga tao na bumuhay ng mga patay? kung ipipilit nila kung bakit si Cristo raw ay Dios dahil sa katanging ito. Sa Biblia may halimbawa ba? Ganito naman ang mga halimbawa :
MGA BUMUHAY NG PATAY
Pablo
Gawa 20:7-12
" At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi.
At may maraming mga ilaw sa silid sa itaas na pangkatipunan namin.
At may nakaupo sa durungawan na isang binatang nagngangalang Eutico, na mahimbing sa pagtulog; at samantalang si Pablo ay nangangaral ng mahaba, palibhasa'y natutulog ay nahulog buhat sa ikatlong grado, at siya'y binuhat na patay.
At nanaog si Pablo, at dumapa sa ibabaw niya, at siya'y niyakap na sinabi, Huwag kayong magkagulo; sapagka't nasa kaniya ang kaniyang buhay.
At nang siya'y makapanhik na, at mapagputolputol na ang tinapay, at makakain na, at makapagsalita sa kanila ng mahaba, hanggang sa sumikat ang araw, kaya't siya'y umalis.
At kanilang dinalang buhay ang binata, at hindi kakaunti ang kanilang pagkaaliw. "
PEDRO
Gawa 9:37-41
" At nangyari nang mga araw na yaon, na siya'y nagkasakit, at namatay: at nang siya'y mahugasan na nila, ay kanilang ibinurol siya sa isang silid sa itaas.
At sapagka't malapit ang Lidda sa Joppe, pagkabalita ng mga alagad na si Pedro ay naroroon, ay nangagsugo sa kaniya ng dalawa katao, na ipinamamanhik sa kaniya, Huwag kang magluwat ng pagparito sa amin.
At nagtindig si Pedro at sumama sa kanila. At pagdating niya, ay inihatid nila sa silid sa itaas: at siya'y niligid ng lahat ng mga babaing bao, na nagsisitangis, at ipinakikita ang mga tunika at ang mga damit na ginawa ni Dorcas, nang ito'y kasama pa nila.
Datapuwa't pinalabas silang lahat ni Pedro, at lumuhod, at nanalangin; at pagbaling sa bangkay ay kaniyang sinabi, Tabita, magbangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro, ay naupo siya.
At iniabot ni Pedro sa kaniya ang kaniyang kamay, at siya'y itinindig; at tinawag ang mga banal at ang mga babaing bao, at siya'y iniharap niyang buhay. "
ELIAS
1 Hari 17:20-22
" At siya'y dumaing sa Panginoon, at nagsabi, Oh Panginoon kong Dios, dinalhan mo rin ba ng kasamaan ang bao na aking kinatutuluyan, sa pagpatay sa kaniyang anak?
At siya'y umunat sa bata na makaitlo, at dumaing sa Panginoon, at nagsabi, Oh Panginoon kong Dios, idinadalangin ko sa iyo na iyong pabalikin sa kaniya ang kaluluwa ng batang ito.
At dininig ng Panginoon ang tinig ni Elias; at ang kaluluwa ng bata ay bumalik sa kaniya, at siya'y muling nabuhay. "
ELISEO
2 Hari 4:32-35
" At nang si Eliseo ay dumating sa bahay, narito, ang bata'y patay, at nakahiga sa kaniyang higaan.
Siya'y pumasok nga at sinarhan ang pintuan sa kanilang dalawa, at dumalangin sa Panginoon.
At siya'y sumampa, at dumapa sa ibabaw ng bata, at idinikit ang kaniyang bibig sa bibig niya, at ang kaniyang mga mata sa mga mata niya, at ang kaniyang mga kamay sa mga kamay niya: at siya'y dumapa sa kaniya; at ang laman ng bata ay uminit.
Nang magkagayo'y bumalik siya, at lumakad sa bahay na paroo't parito na minsan; at sumampa, at dumapa sa ibabaw niya: at ang bata'y nagbahing makapito, at idinilat ng bata ang kaniyang mga mata. "
Iilan sa mga Halimbawa ng Biblia na nakapagsagawa ng mga bagay na bumuhay ng patay. Subalit di natin dapat ituring na sariling kakayahan, kundi ang kapangyarihan ng pinagmulan nito . Gaya ng Panginoong JesuCristo na ang bagay na bumuhay ng patay ay kalooban ng Dios at hindi sa kanyang sarili.
Paano ba magkakaroon ng buhay na WALANG HANGGAN na ipagkakaloob ni Cristo ? Ganito po ang ating mababasa :
Juan 5:24
" Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan. "
Taandaan po natin . Upang makamit ang. BUHAY NA WALANG HANGAN ay ang sumampalataya doon sa Nagsuso kay Cristo. Anung uri na pagsampalataya? Ganito ating basahin :
Juan 17:1, 3 MBB
" Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya. Ito ang BUHAY NA WALANG HANGGAN: ang makilala KA NILA, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. "
Tandaan po natin, bubuhayin ng Dios sa pamamagitan ni Cristo ang mga patay, at bigyan ng buhay na walang hanggan. Subalit may paraan :
Kilalanin ang dalawang bagay
1. Ang AMA na iisang Dios na tunay
2. Ang pagkasugo ni Cristo
Ganito ipinakilala ni Cristo. At hindi ang ituring na pagka Dios ang kanyang nagawa. Kaya kung sino man ang pinaka una nating sampalatayanan, walang iba kundi ang Dios. Na ito naman ang itinuro ni Cristo na tunay na Dios na dapat sampalatayanan ng Lahat. . ang AMA sa lahat lahat.
Efeso 4:6
" Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. "
1 komento:
Ipaliwanag nga po ninyo and John 6:38.
John 6:38
"For I have come down from heaven not to do my will but to do the will of him who sent me."
Mag-post ng isang Komento