Totoo po na ang Dios na ang Ama ay Tagapagligtas (Isa. 45:21-22) at ganun din si Cristo ay tagapagligtas (Juan 4:42; Efe.5:23). Samakatuwid, ang isipin na si Cristo ay Dios din dahil Siya ay Tagapagligtas ay ang ang maling aral mula sa Banal na Kasulatan kung paano Siya nagiging Tagapagligtas:
Gawa 13:23
" Sa binhi ng taong ito, ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas, na si Jesus "
Gawa 5:31
" Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan. "
Malinaw po, kung gayon, si Cristo ay Tagapagligtas dahil Siya ay ipinagkaloob at ginawa MULA SA DIOS. Ngayon, kung si Cristo ay Ginawa bilang Tagapagligtas na Siyang dahilan ng Pagiging DIOS, ay ang magiging resulta ay si Cristo ay naging Dios dahil ginawa lamang siya mula sa ibang Dios.
Ang Banal na kasulatan din ay nagtuturo na si Cristo ay nangangailangan din naman sa kaniyang sarili ng KALIGTASAN MULA SA DIOS.
Hebreo 5:7
" Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbabá."[MBB]
Ito ba ay nangangahulugan na ang Isang Dios ay " MANANALANGIN NA NANGANGAILANGAN NG KALIGTASAN SA IISA PANG DIOS NA MAKAPAGLILIGTAS SA KANIYA SA KAMATAYAN ?" Segurado pong HINDI sapagkat magiging Kontradiksyun na sa aral at doktrina sa Biblia na:
"...May iisang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa Kaniya ang lahat ng bagay...."(1Cor.8:6)
Sa malawak pang katanungan, BAKIT KAILANGAN PA NATIN SI CRISTO KUNG MAY AMA NA PARA SA KALIGTASAN? AT PAANO ANG TAO(jesus) MAKAPAGBIGAY NG KALIGTASAN....Ay ang makita na mula sa pagsasabi ng Biblia, na ang sa paanong paraan ibibigay ng Ama ang kaligtasan. Ang AMA, na Siyang IISANG DIOS (Juan 17:1,3), ay nagbibigay ng kaligtasan sa PAMAMAGITAN NG TAO na Kaniyang inordinahan, na si Jesucristo. Ganito ang sabi ng Biblia:
Judas 1:25
" sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin, sa kanya ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian at kapangyarihan, mula pa noong una, ngayon at magpakailanman! Amen ".[MBB]
Gawa 17:31
" Sapagka't siya'y[Dios] nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay. "
Bilang si Jesus ay inordinahan at itinalaga na maging " Ang Tao" na sa pamamagitan Niya ay hahatolan ng Dios ang sanlibutan, ay siya[Jesus] din ang darating sa katapusan ng sanlibutan (Mat.24:3) upang isagawa ang hatol sa lahat (Judas 1:14-15).
Si Jesus ay magbibigay ng kaligtasan at karapatan na MAGMAMANA SA KAHARIAN sa Kaniyang mga tupa (Mat.25:31-34) o sa mga kaanib ng Kaniyang Iglesia (Juan 10:16; Gawa 20:28, Lamsa trans. ; Efeso 5:23) Dahil ang Dios ay nagkaloob sa Kaniya ng Kapamahalaan at kapangyarihan na magbigay ng BUHAY NA WALANG HANGGAN (Juan 17:2).
Sa katunayan, nagiging tagapagligtas si Jesus sa pamamagitan ng kabutihan ng kapangyarihan na ibinigay sa Kaniya mula sa Ama..
At bilang pagkilala sa likas na katangian ng pagkatao ni Cristo, ang bibliya tahasang nagpaliwanag at nagdeklara sa Kanya sa pamamagitan ng paano at kanino ang kaligtasan ay matagpuan.
Gawa 2:22
" Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo "
Gawa 4:12
" At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas. "
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento