Miyerkules, Agosto 13, 2014

Katoliko ba ang itinatag ni Cristo, at hindi naitalikod?






Pilit na pinapalitaw ng Katoliko na Sila umano ang tunay na Iglesia na Siyang itinayo ng Panginoong Jesucristo. Subalit, kung susuriin ba natin ang Biblia ay sasang-ayunan kaya ang mga pinanghahawakan nilang mga patotoo umano ukol sa kanila, isa na.rito ay ang HINDI RAW NAITALIKOD ang Iglesia noong unang siglo. May pagtatalakay na rin tayong naibigay ukol sa patunay ng Pagkatalikod ng unang Iglesia ni Cristo noong unang siglo.

Maaring bisitahin:

http://iglesianicristolahingtapat.blogspot.com/2014/03/ang-pagtalikod-ng-iglesia-ni-cristo.html?m=1


Subalit, bago po iyun, Suriin muna natin ang kanilang dahilan bakit raw hindi naitalikod ang unang Iglesia.Ngayon, ay ating suriin naman ang kanilang mga ginagamit na patotoo bakit raw sila ang tunay na Iglesia, ang KATOLIKO. Hindi nila matanggap na magkaroon ng pagtalikod, kaya kapit sila sa Mateo 16:18, na hindi nga raw makapananaig ang kamatayan kaya hindi nawala ang Iglesia mula paman sa pagkakatag ni Cristo. Ganito ang sabi ng Biblia:


Mateo 16:18
" At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga PINTUAN NG HADES ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. "

At kung sa Ingles ay ganito naman

Matthew 16:18
" And I say also unto thee, That thou art Peter, and upon this rock I will build my church; and the gates of hell shall not prevail against it. " [kjv]



Ano po ba ang ibig sabihin ng "the gates of hell shall not prevail against it ?"

ganito sa ibat-ibang salin, ating tunghayan:



“…. and death itself will not have any power over it.” [Contemporary English bible]



“….and the power of death will not be able to defeat it.” [New century version]

“…. and the forces of Hades will not overpower it.“[Holman Christian standard bible]

“….The power of death will not destroy it.” [Worldwide English]


".....and the gates of Hades will not overpower it."[ New English Translation]



Ang tinutukoy po na “death” sa talata ay ang ikalawang kamatayan o ang ganap na kabayaran ng kasalanan ng mga kaanib sa tunay na kaanib ng Iglesia(Rom. 6:23; Rev. 20:14) tungkol ito sa “pagkabuhay na magmuli.” Ganito ang nakasulat:



Juan 5:28-29
" Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,
At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol. "



Sa Biblia, dalawang uri po ang PAGKABUHAY MULI, Ang una po ay pagkabuhay na magmuli sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan at ang isa naman ay ang pagkabuhay na magmuli para sa kapahamakan . Ganito ang nakasulat sa Biblia:



1 Tesalonica 4:16-17
" Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. "



Saan po naman ang hantungan ng mga mapapalad?


Apoc. 21:1-4 
" At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na ".


Sa bayang banal o sa bagong jerusalem. Ano po sabi? WALA NG KAMATAYAN... Kaya sa bibliang Ingles Ganito naman. :


"Now I saw a new heaven and a new earth, for the first heaven and the first earth had passed away. Also there was no more sea. Then I, John, saw the holy city, New Jerusalem, coming down out of heaven from God, prepared as a bride adorned for her husband. And I heard a loud voice from heaven saying, “Behold, the tabernacle of God is with men, and He will dwell with them, and they shall be His people. God Himself will be with them and be their God. And God will wipe away every tear from their eyes; THERE SHALL BE NO MORE DEATH, nor sorrow, nor crying. There shall be no more pain, for the former things have passed away.” Rev. 21:1-4




Pansinin po ang nakasulat:

“THERE SHALL BE NO MORE DEATH”

Kaya po doon sa Mateo 16:18, ay ganito ang nakasaad:


“and the power of DEATH will not be able to defeat it” Mateo 16:18


Maliwanag na po ngayun sa atin kung anong uri ng kamatayan ang hindi makapananaig, ito ay ang ukol sa ikalawang kamatayan, doon sa dagat-dagatang apoy, kaya nga po, doon sa talata ay sinabi namang "PINTUAN NG HADES" ay hindi makapananaig, saan yun?



Apoc. 20:14
" At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. "

Doon sa dagatdagatang apoy. Walang mali sa talata, kundi ang maling pag-unawa nito. Paano pa ang maling pag unawa sa iba? Ang pag aankin at pag-aakala na nakasulat ang KATOLIKO. Kaya, sila nga raw ang tunay at hindi natalikod. Paano nila ito dinipensahan? Sa Biblia raw na saling Latin at Greek Bible sa Gawa 5:11; 9:31, ay malinaw raw na KATOLIKO . Pero suriin natin, tama ba ang pagkaintindi?



ACTS 5:11 SA VULGATA LATINA

Latin (Biblia Sacra Vulgata)
11 et factus est timor magnus in universa ecclesia et in omnes qui audierunt haec


Greek NT Majority Text
(Act 5:11) καὶ ἐγένετο φόβος μέγας ἐφ᾿ ὅλην τὴν ἐκκλησίαν καὶ ἐπὶ πάντας τοὺς ἀκούοντας ταῦτα.


Transliterated


Acts 5:11 kai egeneto foboj megaj ef olhn thn ekklhsian kai epi pantaj touj akouontaj tauta


Douay-Rheims (Catholic) Bible
Acts 5:11 "And there came great fear upon THE WHOLE CHURCH and upon all that heard these things."



Ang orihinal na wika na ginamit sa Bagong Tipan ay Greek. Sa Gawa 5:11 ang pariralang Griego na : ὅλος ἐκκλησία (holos ekklesia) sa Latin ay universa ecclesia ay isinalin ng mga Catholic Scholars sa english na THE WHOLE CHURCH - HINDI PALA CATHOLIC CHURCH!


Kaya HINDI ANG CATHOLIC CHURCH ang tinutukoy sa Acts 5:11 kundi ANG KABUUAN NG IGLESIA na umiiral sa panahon ng mga Apostol. Magkatulad rin dito sa isa pang talata na ginamit nila, ang Gawa 9:31


ACTS 9:31 sa GREEK TEXT

Acts 9:31 (Greek New Testament Majority Text)
ἡ μεν ουν εκκλησια καθ᾽ὁλης της ιουδαιας και γαλιλαιας και σαμαρειας ειχεν ειρηνην οικοδομουμενη και πορευομενη τω φοβω του κυριου, και τη παρακλησει του ἁγιου πνευματος επληθυνοντο.


Act 9:31 (Transliteration)
aye men oon ekklaysiaye kath olays tays ioodayeas kaye galilayeas kaye samarayas aycon ayraynayn oikodomoomenaye kaye poryoomenaye tow fobow too kurioo kaye tay paraklaysay too agioo pnyoomatos eplaythunonto


Act 9:31 (1899 Douay-Rheims Bible [Catholic Translation])
Now, the church had peace throughout all Judea and Galilee and Samaria: and was edified, walking in the fear of the Lord: and was filled with the consolation of the Holy Ghost.




Sa patuloy pa nilang kapipilit na ang
salitang “catholic” ay nasa Biblia daw, nahulog sila sa isa pang kamalian. Ang binabanggit daw sa Gawa 9:31 na “Kata Holos” ay “catholic” raw. Ganito pa ang isinasaad ng Greek Text ng talatang ito:



Acts 9:31
ho men oun EKKLESIA KATA HOLOS ho ioudaia, kai galilaia, kai samareia echo eirene oikodomeo kai poreuomai ho phobos ho kurios kai ho paraklesis ho hagios pneuma plethuno



Talagang sa Greek text ng talatang ito ay
may binabanggit na “Iglesia” (“ekklesia”) at may binabanggit din na “Kata Holos.

Ipinagpipilitan ng mga Catholic Defenders na ang mga salitang “Kata Holos” ay “catholic” kaya ang banggit daw ng Greek text ng Gawa 9:31 na “ekklesia kata holos? Ay “Iglesia Katolika” (“Catholic Church”) daw.


Isang MALAKING KAMALIAN NA SABIHIN NA ANG “KATA HOLOS” NA BINABANGGIT SA NEW TESTAMENT GREEK (SA GAWA 9:31) AY “CATHOLIC.”


Subalit, ano ang ating mga dapat mapansin?

ANG SALITANG “CATHOLIC” AY ISANG
SALITA LAMANG, SAMANTALANG ANG
“KATA HOLOS” AY “DALAWANG SALITA:




The Acts 9:31 Young's Literal Translation
of the Holy Bible

“Then, indeed, the assemblies THROUGHOUT ALL Judea, and Galilee, and Samaria, had peace, being built up, and, going on in the fear of the Lord, and in the comfort of the Holy Spirit, they were multiplied.”



Ang literal na katumbas ng “kata Holos” ay “throughout all.


Ano pa? ANG MGA SALITANG “KATA HOLOS” SA GAWA 9:31 AY HINDI SASALITANG “IGLESIA” (CHURCH) kundi Sa mga salitang “JUDEA, GALILEA AT SAMARIA”:




Acts 9:31 NIV

Then THE CHURCH THROUGHOUT JUDEA, GALILEE AND SAMARIA enjoyed a time of peace. It was strengthened; and encouraged by the Holy Spirit, it grew in numbers, living in the fear of the Lord.



Kaya kung sabihin man na ang “Kata Holos” ay “catholic”, ang nasa Gawa 9:31 ay hindi “Catholic Church” kundi “Catholic Judea, Galilee and Samaria” sapagkat ang sabi sa talata ay “The Church throught Judea, Galilee, and Samaria.”



Ano pa?

Ang mga CATHOLIC ENGLISH BIBLE NA DOUAY RHEIMS ay hindi ito isinalin na “CATHOLIC CHURCH” sapagkat hindi nga ito ganun:




The Acts 9:31 Douay Rheims Version

Now, THE CHURCH HAD PEACE THROUGHOUT ALL JUDEA AND GALILEE AND SAMARIA: and was edified, walking in the fear of the Lord: and was filled with the consolation of the Holy Ghost.



Ano pa ?

Hindi ito ISINALIN ng mga kilalang CATHOLIC ENGLISH BIBLE sapagkat kahit sa kanilang LATIN VULGATE (ANG PINAKA-OPISYAL NA BIBLIA NG IGLESIA KATOLIKA ROMANA) ay hindi “CATHOLIC” ang katumbas ng “KATA HOLOS”:




The Acts 9:31 Latin Vulgate

ECCLESIA QUIDEM PER TOTAM IUDAEAM ET GALILAEAM ET SAMARIAM habebat pacem et aedificabatur ambulans in timore Domini et consolatione Sancti Spiritus replebatur



Kaya po , kung may lalabas na “bagong salin” ng Biblia na babanggit ng “Iglesia Katolika” sa Gawa 9:31 ay tiyak na niloloko lamang nila ang tao at pinilipit lamang nila ang pagsasalin.



Ano pa?


Ang salitang “CATHOLIC” ay hinango lamang sa “KATA HOLOS” at hundi “CATHOLIC” ang “KATA HOLOS.”


Tulad lang ito ng salitang “Geography” na hango sa mga salitang Griego na “geo” at “graphia.” Walang sasang-ayon na ang “geo” at “graphia” ay “geography.” At lalong mangangatuwiran na ang mga banggit sa Griego na “geo” at “graphia” ay “geography” ang tinutukoy. At lalong-lalong walang mag-aangkin na ang salitang “geography” ay nasa Greek.




Kaya, makikita at malalaman natin na ang kanilang pagtuturo ay bunga lamang ng pilitang pagpapakamali sa tunay na nilalaman ng tunay na nakasulat.

Ang Iglesia Katolika ay UMIRAL LAMANG PAGKAMATAY NG MGA APOSTOL Kaya nga noong ika-2 siglo na lamang INIMBENTO NI IGNACIO ANG PANGALANG KATOLIKA. Ganito ang patotoo ni Rev. Edward K. Taylor na NAGPAPATOTOONG ang terminong “CATHOLIC” ay INIMBENTO LAMANG NI IGNACIO NOONG IKA-2 SIGLO. Kaya sa panahon ni Ignacio (110 A.D.—2nd century) sinimulan na palitan ang pangalang Iglesia ni Cristo ng tawag na “Iglesia Katolika.”



“Catholic’ is the ancient name by which the church of Christ has been known for nineteen centuries, and this name was given to her not for reasons of controversy, to prove something, but because it identifies her uniquely. It was first used by St. Ignatius, bishop of Antioch in Syria, who was martyred about A.D. 110.. .The Church founded by Christ is here for the first time called 'the CATHOLIC CHURCH’ …It was to stress the unity of the universal Church that St. IGNATIUS INVENTED THE NAME “The name CATHOLIC was soon commonly used … about A.D. 155” (Taylor, Edward K., Rev., C.M.S. Roman Catholic. Incorporated Catholic Truth Society, London: © 1961, p. 3-4)




KARANIWAN NA NILA ITONG GINAGAMIT SIMULA NOONG IKA-2 SIGLO BAGAMA’T WALA SA CREDO HANGGANG NOONG IKA-6 NA SIGLO



" The name Catholic was soon commonly used. In The Martyrdom of St. Polycarp, written about A. D. 155, it occurs three times. It became the normal name for the Church in literature and popular usage, although it was not included in the Creed until the sixth century."



IDINAGDAG NG KONSILYO SA TRENTO ANG “ROMANA” NA BAHAGI NG PANGALAN NG IGLESIA NILA.



"The council of Trent made ‘Roman’ part of the official title of the Church,and the Council of the Vatican definitively, after a dispute to be discussed later, adopted as the name of the Church the formula, ‘The Holy Catholic Apostolic Roman Church." (Roman Catholic, p.7)



HINDI NAIBIGAN NG IBANG MGA KATOLIKO ANG PANGALANG “ROMAN CATHOLIC” KAYA MARAMING TUMUTOL



“English-speaking Catholics dislike the term ‘Roman Catholic’ because as used by our non-Catholic friends it is bad grammar and bad theology.…
Dr. Lingard in his ‘Catechetical Instructions on the Doctrines and Worship of the Catholic Church’, sums up the matter simply and precisely:
‘What is the meaning of the word ‘Roman Catholic?’ – It means a Catholic in communion with the See of Rome. Do you accept these names? – We glory in our communion with the see of Rome, but we call ourselves English Catholics. ‘Why not Roman Catholics? – Because that name implies what we cannot admit, that a man be a Catholic without being in communion with the center of Catholic unity, the See of Rome.” To this he added a note: ‘Roman Catholic: There is nothing offensive in this appellation, as in other names with which we are frequently honoured, If we refuse to accept it, the reason is because, it imports what is irreconcilable with our principles, that church which have separated from the ancient Catholic Church may still have a right to the title Catholic. The learned Jesuit, Father Thurston, is stronger in his rejection of the name. He writes: WE SHOULD UNIFORMLY PROTEST AGAINST THE USE OF THE NAME ‘ROMAN CATHOLIC’…” (Roman Catholic, pp. 14, 15-16 )



ANG VATICAN COUNCIL LAMANG ANG GUMAWA NOONG 1870 NA MAGING OPISYAL NA PANGALAN NG SIMBAHAN NILA ANG “ANG BANAL NA IGLESIA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA


“In 1870, at the Vatican Council, the name ‘Roman Catholic Church’ was proposed, but it was rejected. The bishops assembled unanimously decided upon this official name: ‘The Holy Catholic Apostolic Roman Church’ as
descriptive of Christ’ church.” (Crock,Clement H., Rev., Discourses On The Apostles’ Creed. Nihil Obstat: Arthur J. Scanlan. Imprimatur: Patrick Cardinal Hayes. Joseph F. Wagner Inc., New York: © 1938, p. 191.)




Kaya malinaw na malinaw po. Kaya, sa hindi pa nakaalam ng katotohanan, magsuri na po kayo. Mahalaga po ang bawat sandali ng ating buhay at pagkakataon upang ito ay makita at makasunod sa tamang aral.

9 (na) komento:

Unknown ayon kay ...

ahm., huwag nyo na pong i-post ang komentong ito.., pero., magtatanong po ako., naniniwala po ako na ang UNANG IGLESIA ay natalikod at ang iba na naninindigan ay pinatay... marami na pong mga hula ng BANAL NA KASULATAN na nagsasabi na ang KAWAN ay lalapain ng mga LOBO NA NAGDADAMIT TUPA., sa aklat ng propeta (zacharias 11:7-11) na ang UNANG IGLESIA AY MATATALIKOD., TANONG: bakit po tinulutan ng PANGINOON NG MGA HUKBO na matalikod ang UNANG IGLESIA at tinulotang patayin ng mga kumakaaway sa UNANG IGLESIA.,? may pagkukulang ba sa panig ng mga apostol? ANONG PLANO NG PANGINOONG DIYOS na siyang AMA? MERON BANG HINDI NAGUSTUHAN ANG PANGINOONG DIYOS sa unang IGLESIA., kaya ito natalikod???

Unknown ayon kay ...

ahm., huwag nyo na pong i-post ang komentong ito.., pero., magtatanong po ako., naniniwala po ako na ang UNANG IGLESIA ay natalikod at ang iba na naninindigan ay pinatay... marami na pong mga hula ng BANAL NA KASULATAN na nagsasabi na ang KAWAN ay lalapain ng mga LOBO NA NAGDADAMIT TUPA., sa aklat ng propeta (zacharias 11:7-11) na ang UNANG IGLESIA AY MATATALIKOD., TANONG: bakit po tinulutan ng PANGINOON NG MGA HUKBO na matalikod ang UNANG IGLESIA at tinulotang patayin ng mga kumakaaway sa UNANG IGLESIA.,? may pagkukulang ba sa panig ng mga apostol? ANONG PLANO NG PANGINOONG DIYOS na siyang AMA? MERON BANG HINDI NAGUSTUHAN ANG PANGINOONG DIYOS sa unang IGLESIA., kaya ito natalikod???

Lahing Tapat ayon kay ...

Salamat po, hayaan nyu nalang po na makita po ng marami ang inyong opinyon, lalo na po ang inyong katanungan..


Hindi po Kagustuhan ng Dios na ang kaniyang Bayan ay maitalikod.... Subalit, Alam na po ng Dios ang mangyayari sa hinaharap ng kaniyang bayan. magkaiba po ang ALAM na..at Hindi kagustuhan...


Gaya po ng unang bayan ng Diyos, ang bayang Israel. Mahal po ng Dios ang bayan na yun (1hari 10:9 ; 2Cron.9:8).. Subalit, ang bayan po ay tumalikod sa Dios ..

Daniel 9:11 Oo, buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan, sa pagtalikod, upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig: kaya't ang sumpa ay nabuhos sa amin, at ang sumpa na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng Dios; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa kaniya.



Ito po ay kagagawan ng tao, at hindi po kagustuhan ng Dios. Ang Dios po ay mabuti... Paano niya binigyan ng pagkakataon ang bayan niya? Sila po ay PINAPABALIKLOOB NG DIOS SA HARAP NIYA AT IWAN ANG PAGSALANGSANG AT MGA DIOSDIOSAN(Ezek.14:6; 18:30)....


Ganyan po ang Dios, mapagmahal, mapahinuhod... Ganoon din po sa panahon ng Cristiano. Hindi po ginusto ng Dios at ni Cristo na mawala ang unang Iglesia, subalit alam po nila at may hula na sila na may iba pang babangon na Ibang alagad at ibang tupa na magmumula sa panahon ng MGA WAKAS NG LUPA. Narito po ang kanilang mga HULA AT PATOTOO




http://lahingtapat.blogspot.com/2014/04/ang-mga-nagpapatotoo-tungkol-sa-iglesia.html?m=1


SALAMAT PO.... :)

Unknown ayon kay ...

maraming salamat po! sa pagsagot sa aking katanungan :) i hope na marami ang maliwanagan ng mga dalisay na aral ng DIYOS

Lahing Tapat ayon kay ...

Walang anuman po. Sana nga ay marami pa ang matawag, magbalikloob at mamulat sa katotohanan upang sa gayon ay magkamit ng kaligtasan..

Paloyelisan ayon kay ...

Ano paliwanag niyo sa apoc.9:15 sino ang papatayin jan at kailan nangyari?tnx

Paloyelisan ayon kay ...

Naganap na ba ang pagpatay sa apoc.9:15 at sino ang papatayin jan?

Salamat sa makakasagog

Unknown ayon kay ...

Hind man tayo mapalad sa buhay na ito dahil karamihan sa atin ay dukha lamang,pero ito lng masasabi ko,.NAPAKASWERTE KO DAHIL ANG BUONG PAMILY AY IGLESIA NI CRISTO..

Babaeng Mananampalataya kay Ama ayon kay ...

Hello po sana po gumawa rin po kayo tungkol sa Exodo 33:23 kase po ang Diyos ay espiritu at ang espiritu ay walang laman at walang buto. Gusto ko lang po maunawaan tungkol sa Exodo 33:23 salamat po alam ko pong tutulungan niyo po ako❤