Sabado, Agosto 30, 2014

Juan 1:3, Diyos ba Si Cristo at Siya ba ang Manlalalang?




Sa maraming beses at pagkakataon ginagamit ng ilan ang pagkakamali ng pagkaintindi, ang binanggit sa Biblia na ukol kay Cristo, ang sinasabing “ANG LAHAT AY GINAWA SA PAMAMAGITAN NIYA” Ganito ang isa sa pinanghahawakan nila:


Juan 1:3
" Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. "



Ito ay hindi nangangahulugang si Cristo ay ang lumalang, kundi, ang kahulugan nito ay ipamamagitan ni Cristo ang lahat ng bagay. Ganito ang Sabi ng talata :



“Sapagka’t marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, …..” Heb. 2:10




Pinatunayan pa ni Apostol Pablo sa ibang pagkakataon na talagang ang lahat ng bagay na nilalang ay iniukol kay Cristo at sa pamamagitan Niya:



“Sapagka’t sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya.” Colosas1:16



Kailangan ng lahat ng taong nilalang ng Diyos na sila’y ipamagitan ni Cristo sapagkat sa pamamagitan Niya ay papagkakasunduin ang tao sa Diyos:



“At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan. At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama. Gayon ma’y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo’y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya.” Colosas 1:20-22



Kaya, kung sinabi man sa Juan 1:3 na :


“ang lahat ng bagay ay ginawa (o nilalang) sa pamamagitan Niya” (o ni Cristo), hindi ito nangangahulugang si Cristo ay Diyos na MANLALALANG. Ipinakikilala lamang nito na si Jesus ay Tagapamagitan ng tao sa Diyos :


1 Timoteo 2:5
" Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus "



Si Cristo’y hindi Diyos na Manlalalang Ang isa pang katibayan na si Cristo’y hindi Diyos na Manlalalang ay ang katotohanang Siya man ay nilalang din ng Diyos:



“Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang.” Col. 1:15



Isa ito sa lalong nagpapatunay na mali ang pagkaunawa ng mga naniniwalang si Cristo’y Diyos sa talatang ginamit sa Juan 1:3. Si Cristo ay hindi manlalalang, kundi isa Siyang nilalang. Siya ang panganay sa lahat ng nilalang.

Bakit sinabing si Cristo ang panganay sa lahat ng nilalang gayong hindi naman Siya ang unang taong nilalang? Sapagkat nakilala na Siya nang una bago pa itinatag ang sanlibutan. Siya ang una sa pagkapanukala. Nasa isip na Siya ng Diyos bago pa lalangin ang sanlibutan. Ngunit wala pang Cristo sa kalagayan noong pasimula ng paglalang. Inihayag lamang Siya nitong mga huling panahon:



“Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni’t inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo.” I Ped. 1:20




Nahayag o nagkaroon ng katuparan ang nasa isip ng Diyos noong una ukol sa pagkakaroon ng Cristo nang Siya ay ipanganak ng isang babae, si Maria na Kaniyang ina:



“Datapuwa’t nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan.” Gal. 4:4


Paano ngayon sasabihing si Cristo ang Siyang Diyos na Manlalalang? Si Cristo mismo ay hindi papayag sa gayong aral. Manapa, ipinakilala ni Cristo kung sino lamang ang Diyos na dapat sampalatayanan upang makamit ng tao ang buhay na walang hanggan – ang Ama at hindi ang Anak ang iisang tunay na Diyos:



“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: … At ito ang buhay na walang hanggan, na IKAW AY MAKILALA nila na IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo.”Juan 17:1,3



Hindi ipinakilala ni Cristo ang Kaniyang sarili na Diyos, kundi “ANAK” at “SINUGO” ng Ama na Siyang iisang Diyos na tunay.

Samakatuwid, nagkakamali sa pagkaunawa at paggamit ng mga talata ng Banal na Kasulatan ang mga nagtuturo at naniniwalang si Cristo ay Diyos. Ang iisang tunay na Diyos ay ang Ama na lumalang ng lahat ng bagay. Hindi si Cristo ang Diyos na lumalang. Si Cristo ay nilalang. At bagama’t Siya ay pinagkalooban ng Ama ng maraming katangian at karangalang wala sa ibang tao, Siya ay tao sa likas na kalagayan. Ito ay isa sa mga aral na dapat panindiganan at sampalatayanan sapagkat ito ay ikapagkakaroon ng buhay na walang haggan.

Miyerkules, Agosto 27, 2014

Ang aral ng mga Mormon tungkol kay Cristo





HALOS LAHAT NG pangkatin ng pananampalataya na nagpapakilalang Cristiano ay nag-uukol ng pagkilala at pagsamba sa Panginoong Jesucristo. Subalit mahalagang maging wasto ang pagtuturo at pagkilala tungkol sa Kaniya. Ang may maling pagtuturo ay wala sa katotohanan. At, ang katotohanan ang dapat maging saligan ng paglilingkod ng tao sa Diyos at kay Cristo.



1 Samuel 12:24
" Matakot lamang kayo sa Panginoon, at maglingkod kayo sa kaniya sa katotohanan ng inyong buong puso; dilidilihin nga ninyo kung gaanong dakilang mga bagay ang kaniyang ginawa sa inyo."



Ang Church of Jesus Christ of Latter-day Saints na karaniwang tinatawag na MORMONS CHURCH ay nagpapahayag din ng pananampalataya tungkol kay Cristo.

Ipinanganak daw sa Jerusalem

Ano ang isa sa mga itinuturo ng mga Mormon tungkol kay Cristo? Ayon sa kanila, si Cristo ay ipinanganak ni Maria sa Jerusalem:



Alma 7:10 Book of Mormon, p. 224
" Masdan, siya ay ipinanganak ni Maria sa Jerusalem, na siyang lupain ng ating mga ninuno."



Dito pa lamang ay mali na ang kanilang pagtuturo. Nakasulat sa Biblia na si Cristo ay ipinanganak sa Betlehem ng Judea. Ayon kay Apostol Mateo:



Mateo 2:1,4-5
" Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi, At pagkatipon sa lahat ng mga pangulong saserdote at mga eskriba ng bayan, ay siniyasat niya sa kanila kung saan kaya ipanganganak ang Cristo. At sinabi nila sa kaniya, sa Bet-lehem ng Judea: sapagka't ganito ang pagkasulat ng propeta."


May limang milya ang layo ng Betlehem sa Jerusalem (Unger's Bible Dictionary, p.165). Ang Jerusalem ay ang kabisera ng Israel.


Sa pagsasama raw nina Adan at Maria


Si Brigham Young, kinikilalang propeta ng mga Mormon, ay nagtuturo na si Jesus ay nilalang ni Adan na "Diyos." Nagkaroon daw ng kaugnayan si Adan kay Maria at ang naging bunga raw ay si Cristo Jesus. Ayon kay Ravi Zacharias, ganito ang nasusulat sa Journal of Discourses, Vol 1, pp. 50-51 :

Sa Filipino na:


"Nang ipagdalangtao ng Birheng Maria ang batang si Jesus, nilalang Siya ng Ama sa Kaniyang wangis. Hindi Siya lalang ng Espiritu Santo. At sino naman ang Ama? Siya ang kaunaunahan sa pamilya ng tao ... Si Jesus, na ating nakatatandang kapatid, ay nilalang na nasa laman ng gayon ding katuhan ng nasa halamanan ng Eden na siyang ating Ama sa Langit.
Pakinggan ninyo ngayon, o mga nananahan sa lupa, Judio at Gentil, banal at makasalanan. Nang ating Amang si Adan ay napasa halamanan ng Eden, naparoon siya na may makalangit na katawan, at isinaman si Eba na isa sa kaniyang mga asawa. Tumulong siya sa paglikha at pagsasaayos nitong mundo ... siya ang ating Ama at ating Diyos, at siya ang nag-iisang Diyos kung kanino tayo may kaugnayan. (Investigating the claims of Mormonism, pp. 24-25)



Taliwas sa itinuturo ng Mormon Church, walang sinasabi ang Biblia na si Cristo ay nilalang sa pamamagitan ng pagsasama ni Adan (ang diumano'y "Diyos") at ni Maria. Si Cristo ay nilalang hindi sa pamamagitan ng pag-aasawa kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo:



Mateo 1:18
" Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo."




Salungat din sa aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia na si Cristo ay tawaging Anak ni Adan, na diumano'y ang Diyos. Si Adan na kinikilalang Diyos ng mga Mormons at matagal nang patay nang isilang si Jesus. Itinuturo ng Biblia na si Cristo ay anak ng Diyos na buhay:



Mateo 16:16
" At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay."



Nag-asawa raw sa Cana 


Ipinangaral din ng mga tagapagturong Mormon na so Jesucristo ay nag-asawa sa Cana ng Galilea. Siya raw ang lalaking ikinasal kay Maria, kay Marta na kapatid ni Lazaro, at kay Maria Magdalena. Ganito ang pahayag sa mga sinipi ni Ravi Zacharias sa kaniyang aklat.



"Jesus was the bridegroom at the marriage of Cana of Galilee (Orson Pratt, "The Seer" ,p.159). ... If all the acts of Jesus were written, we no doubt should learn that these beloved women (Mary, Martha, and Mary Magdalene) were his wives." (Journal of Discourses, vol . 2, p.82[Si Jesus ang lahat ng mga ginawa ni Cristo ay isinulat, walang pag-aalinlangan nating malalaman na ang mga minamahal na mga babaing ito (Maria, Martha, at Maria Magdalene) ay kaniyang mga asawa.](Investigating the claims of Mormonism, p.26)



Salungat sa itinuturo ng Biblia ang mga aral na ito ng mga Mormon. Hindi totoong si Cristo ay asawa ni Maria, ni Marta na kapatid ni Lazaro, at ni Maria Magdalena. Hindi rin ang Panginoong Jesucristo ang ikinasal sa Cana ng Galilea. Si Cristo at ang Kaniyang mga alagad ay inanyayahan
lamang na dumalo sa kasalanang yaon:




Juan 2:1-11
"At nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa Cana ng Galilea; at naroon ang ina ni Jesus: At inanyayahan din naman si Jesus, at ang kaniyang mga alagad, sa kasalan. At nang magkulang ng alak, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Wala silang alak. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, anong pakialam ko sa iyo? ang aking oras ay hindi pa dumarating. Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila, Gawin ninyo ang anomang sa inyo'y kaniyang sabihin. Mayroon nga roong anim na tapayang bato na nalalagay alinsunod sa kaugaliang paglilinis ng mga Judio, na naglalaman ang bawa't isa ng dalawa o tatlong bangang tubig. Sinabi sa kanila ni Jesus, Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan. At kanilang pinuno hanggang sa labi. At sinabi niya sa kanila, Kunin ninyo ngayon, at inyong iharap sa pangulo ng kapistahan. At kanilang iniharap. At nang matikman ng pangulo ng kapistahan ang tubig na naging alak nga, at hindi niya nalalaman kung saan buhat (datapuwa't nalalaman ng mga alila na nagsikuha ng tubig), ay tinawag ng pangulo ng kapistahan ang kasintahang lalake, At sinabi sa kaniya, Ang bawa't tao ay unang inilalagay ang mabuting alak; at kung mangakainom nang mabuti ang mga tao, ay saka inilalagay ang pinakamasama: itinira mo ang mabuting alak hanggang ngayon. Ang pasimulang ito ng kaniyang mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea, at inihayag ang kaniyang kaluwalhatian; at nagsisampalataya sa kaniya ang kaniyang mga alagad." 


Ang "Ama" ay ipinatutungkol daw kay Cristo



Ayon sa mga tagapagturong Mormon, ang
terminong "Ama" ay tumutukoy sa Diyos, ang Ama, at kung magkaminsan daw ay ipinatutungkol kay Jesus:


"Sa kasulatan ang salitang Ama kung minsan ay ipinatutungkol sa Diyos, ang Ama, at kung minsan naman ay ipinatutukol kay Jesus..."
[He that Receiveth My servant Receiveth Me- Melchizedek Priesthood Personal Study Guide 1979-80, p. 16]






Maling ipatungkol kay Cristo ang salitang "Ama." Hindi kailanman inangkin ni Cristo na Siya ang Ama. Si Cristo ay anak ng Diyos:



Lucas 1:35

" At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios."



Itinuturo ng mga propeta na iisa ang Ama,
ang iisang Diyos:



Malakias 2:10
" Wala baga tayong lahat na isang ama? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mgamagulang?"



Ipinangaral din ng mga apostol na iisa lamang ang Diyos-ang Ama.


Efeso 4:6
" Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat."



Ipinakilala ng Panginoong Jesucristo na ang Ama lamang ang dapat makilala na iisang tunay na Diyos.



Juan 17:1,3
" Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak. At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo."



Sa kabilang dako, ipinangangaral ng mga
tagapagturong Mormon na si Jesucristo ang Lumalang. Siya raw ang tinatawag na walang hanggang Ama sa langit at lupa:

Sa Filipino na:


" Si Jesucristo, bilang Lumalang, ay tinatawag na Ama ng langit at lupa sa lahat ng pagkakataon ... at dahil ang kaniyang mga nilalang ay may katangiang pangwalang hanggan, Siya ay nararapat na tawaging walang hanggang Amang langit at lupa."[He that Receiveth My servant Receiveth Me- Melchizedek Priesthood Personal Study Guide 1979-80, p. 94]







Labag sa aral ng Biblia na si Cristo ay tawaging walang hanggang Ama ng langit at lupa. Ang Panginoong Jesucristo ay hindi maaring maging Diyos na Lumalang sapagkat kabilang Siya sa mga nilalang. Ito ay pinatutunayan ng Biblia:



Colosas 1:15
" Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang."


Itinuturo ng Biblia na ang Diyos ang mag-
isang lumikha ng lahat ng bagay:



Efeso 3:9 (MBB)
" at magpaliwanag sa lahat kung paano
isasagawa ng Diyos ang kanyang lihim na
plano. Sa mga nakaraang panahon ay inilihim ito ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay."



Ang Diyos na Lumalang na lumikha ng lahat ng bagay ay ang Diyos na kinikilala ni Cristo- ang Ama:



Juan 17:3,1
" " Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak. At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo."




Ibang-iba ang Cristo na ipinakikilala ng mga tagapagturong Mormon kaysa sa tunay na Cristong itinuturo ng Biblia. Ang ganitong maling pagkakilala kay Jesus ay ipinangamba na ni Apostol Pablo noon pa man:




2 Corinto 11:3-4
" Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain. Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo."


Source:

Pasugo Issue: May 2002

Volume 54 • Number 5
ISSN number: 0116-1636 • Page 16-18

Huwebes, Agosto 21, 2014

Dios ba si Cristo dahil Tagapagligtas? Paano makapagliligtas ang tao




Totoo po na ang Dios na ang Ama ay Tagapagligtas (Isa. 45:21-22) at ganun din si Cristo ay tagapagligtas (Juan 4:42; Efe.5:23). Samakatuwid, ang isipin na si Cristo ay Dios din dahil Siya ay Tagapagligtas ay ang ang maling aral mula sa Banal na Kasulatan kung paano Siya nagiging Tagapagligtas:


Gawa 13:23
" Sa binhi ng taong ito, ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas, na si Jesus "


Gawa 5:31
" Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan. "


Malinaw po, kung gayon, si Cristo ay Tagapagligtas dahil Siya ay ipinagkaloob at ginawa MULA SA DIOS. Ngayon, kung si Cristo ay Ginawa bilang Tagapagligtas na Siyang dahilan ng Pagiging DIOS, ay ang magiging resulta ay si Cristo ay naging Dios dahil ginawa lamang siya mula sa ibang Dios.


Ang Banal na kasulatan din ay nagtuturo na si Cristo ay nangangailangan din naman sa kaniyang sarili ng KALIGTASAN MULA SA DIOS.


Hebreo 5:7
" Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbabá."[MBB]


Ito ba ay nangangahulugan na ang Isang Dios ay " MANANALANGIN NA NANGANGAILANGAN NG KALIGTASAN SA IISA PANG DIOS NA MAKAPAGLILIGTAS SA KANIYA SA KAMATAYAN ?" Segurado pong HINDI sapagkat magiging Kontradiksyun na sa aral at doktrina sa Biblia na:


"...May iisang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa Kaniya ang lahat ng bagay...."(1Cor.8:6)


Sa malawak pang katanungan, BAKIT KAILANGAN PA NATIN SI CRISTO KUNG MAY AMA NA PARA SA KALIGTASAN? AT PAANO ANG TAO(jesus) MAKAPAGBIGAY NG KALIGTASAN....Ay ang makita na mula sa pagsasabi ng Biblia, na ang sa paanong paraan ibibigay ng Ama ang kaligtasan. Ang AMA, na Siyang IISANG DIOS (Juan 17:1,3), ay nagbibigay ng kaligtasan sa PAMAMAGITAN NG TAO na Kaniyang inordinahan, na si Jesucristo. Ganito ang sabi ng Biblia:


Judas 1:25
" sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin, sa kanya ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian at kapangyarihan, mula pa noong una, ngayon at magpakailanman! Amen ".[MBB]


Gawa 17:31
" Sapagka't siya'y[Dios] nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay. "


Bilang si Jesus ay inordinahan at itinalaga na maging " Ang Tao" na sa pamamagitan Niya ay hahatolan ng Dios ang sanlibutan, ay siya[Jesus] din ang darating sa katapusan ng sanlibutan (Mat.24:3) upang isagawa ang hatol sa lahat (Judas 1:14-15).


Si Jesus ay magbibigay ng kaligtasan at karapatan na MAGMAMANA SA KAHARIAN sa Kaniyang mga tupa (Mat.25:31-34) o sa mga kaanib ng Kaniyang Iglesia (Juan 10:16; Gawa 20:28, Lamsa trans. ; Efeso 5:23) Dahil ang Dios ay nagkaloob sa Kaniya ng Kapamahalaan at kapangyarihan na magbigay ng BUHAY NA WALANG HANGGAN (Juan 17:2).

Sa katunayan, nagiging tagapagligtas si Jesus sa pamamagitan ng kabutihan ng kapangyarihan na ibinigay sa Kaniya mula sa Ama..



At bilang pagkilala sa likas na katangian ng pagkatao ni Cristo, ang bibliya tahasang nagpaliwanag at nagdeklara sa Kanya sa pamamagitan ng paano at kanino ang kaligtasan ay matagpuan.


Gawa 2:22
" Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo "


Gawa 4:12

" At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas. "

Martes, Agosto 19, 2014

Taglay na Katangian ng tunay na Diyos





Maliwanag na mababasa sa Biblia ang mga katangian ng tunay na Diyos kung kaya't hindi dapat pagkamalang Diyos ang sinomang hindi naman nagtataglay ng mga katangiang iyon. Ang maraming pagtatalo sa kasalukuyan tungkol sa kung tunay na Diyos ba o hindi ang Panginoong Jesucristo ay maaring lutasin sa pamamagitan ng paghahambing na itinuturo ng Biblia na mga katangiang taglay ng Diyos sa mga katangiang taglay ng ating Panginoong Jesucristo.

Totoong may mga katangian ang ating Panginoong Jesucristo na hindi taglay ng sinumang tao. Halimbawa itinuro ng Biblia na si Cristo ay BANAL at hindi siya NAGKASALA (Juan 10:36; 1 Ped. 2:22) samantalang ang lahat ng tao ay nagkasala (Roma 5:12). At si Cristo ay:


" binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan upang sa pangalan niya ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa....."(Filip.2:9-10)

Na ito ay hindi ginawa sa ibang tao. Si Cristo ay ginawa ng Diyos na Panginoon at Tagapagligtas (Gawa 2:36; 5:31)mga karapatan at katangiang hindi ipinagkaloob sa ibang tao.

Subalit ang pagtataglay ni Cristo ng mga katangiang ito ay hindi nangangahulugang Siya'y hindi TAO sapagkat napakaraming talata ng Biblia ang nagpapatotoong si Cristo, sa likas na kalagayan, ay TAO (Juan 8:40; Gawa 2:22-23; 1Tim. 2:5).

Kung ang pag-uusapan naman ay ang mga katangian at likas na kalagayan ng TUNAY NA DIYOS, isa lamang sa mga ito ang hindi taglay ng sinuman ay hindi na siya maaaring kilalaning Diyos, lalo na kung higit sa isa sa mga ito ang hindi niya taglay.


ANG TATLO SA MGA KATANGIAN NG DIYOS


1.) * Sa 1 Corinto 8:6 ay maaring ipinahayag ni Apostol Pablo na ang tunay na Diyos ay isa lamang, ang Ama. Ganito ang sabi niya:


1 Corinto 8:6
" Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya. "


Malinaw na kapag higit na sa isa o may mga kasamang iba pang diumano'y diyos din, ay hindi na tunay na Diyos. Malinaw rin na kapag hindi ang Ama na pinagmulan ng lahat ng bagay, ay tiyak din na hindi ito ang tunay na Diyos.

Kung si Cristo ang tunay na Diyos, disin sana'y ipinakilala ng Biblia na Siya ang Ama na pinagmulan ng lahat ng bagay. Subalit si Cristo ay ipinakikilala ng Biblia na Anak ng Diyos, hindi ang Ama (Mat.4:17). Si Cristo mismo ay nagpakilalang Siya ang Anak at nilinaw din Niyang hindi Siya ang Ama gaya ng ipinahihiwatig ng ipinahayag Niya nang manalangin Siya sa Ama at sinabing

"Ama........ Ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay " ( Juan17:1,3)


2.) * Sinabi sa Efeso 4:6 na ang iisang Diyos at Ama ay sumasa ibabaw ng lahat. Ganito ang nakasulat sa talata:


Efeso 4:6
" iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.[MBB]


Sabihin pa, ang sinumang nasa ilalim ng iba ay tiyak nang hindi siyang sumasa ibabaw ng lahat at kung gayon ay wala sa kaniya ang katangian ng tunay na Diyos.

Si Cristo ba ay sumasa ibabaw ng lahat? Sa Biblia ay sinasabi ang ganito :



Efeso 1:20-22

" Na kaniyang [ng Diyos] ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan,
Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating: At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, "




Ang talatang ito ay pinakahuluganan ng iba na isang katunayang si Cristo ang Diyos na sumasa ibabaw ng lahat gayong malinaw naman na may gumawa sa Kaniya upang malagay Siya sa kaibaibabawan ng lahat ng nilalang.

Ang naglagay sa Kaniya sa kaibaibabawan ng lahat ng nilalang at nagpasuko ng lahat ng bagay sa ilalim ng Kaniyang mga paa ay hindi kasama sa susuko at paiilalim sa Kaniya. Manapa si Cristo mismo ay susuko sa nagpasuko ng lahat ng bagay sa ilalim ng Kaniyang mga paa, gaya ng nilinaw ni Apostol Pablo:


1 Corinto 15:27-28
" Ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kanyang kapangyarihan.” Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat. " [MBB]


Ang Diyos ang gumawa upang ang lahat ay mapasailalim ng mga paa ni Cristo; hindi ito nagawa ni Cristo sa ganang Kaniyang sarili lamang. Dito ay walang pag-aalinlangang iba si Cristo sa Diyos. Si Cristo na Anak ay paiilalim sa Diyos. Malinaw na ang Anak ay hindi Diyos. Hindi maaaring, sa isang pagkakataon, ang nasa ilalim ay siya ring nasa ibabaw ng umiilalim sa kaniya.

Si Cristo mismo ay hindi papayag na sinasabi ng iba ngayon na Siya ay kapantay ng Ama. Ang sabi ni Cristo sa Juan 14:28 ay ganito:


Juan 14:28
" Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin. "


Hindi lamang iyon, kinilala rin Niya na ibinigay lamang sa Kaniya ang lahat ng kapamahalaan kaya ito'y napasa Kaniya. Ganito ang mababasa sa Biblia:


Mateo 28:18
" At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. "


Paano magiging Diyos ang taong kaya lamang nagkaroon ng kapamahalaan o kapangyarihan ay binigyan lang nito?



3.) * Ang likas na kalagayan ng Diyos ay ipinakilala ni Cristo mismo sa Juan 4:24:


Juan 4:24
" Ang Dios ay ESPIRITU: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. "

Palibhasa'y espiritu, ang Diyos ay hindi nakikita. Ang sabi ni Apostol Pablo:


1 Timoteo 1:17
" Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, DI NAKIKITA, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa. "


Itinuro ni Cristo, at malinaw na mababasa sa Biblia, na itinanggi ni Cristo na Siya'y espiritu nang mapagkamalang Siyang gayon ng Kaniyang mga alagad. Ang sabi Niya'y ganito:


Lucas 24:39
" Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. "


Pinatutunayan dito ni Cristo na iba Siya sa Diyos: ANG DIYOS AY ESPIRITU, samantalang si Cristo ay hindi espiritu. Ang Diyos palibhasa ay espiritu, ay hindi nakikita, samantalang sa talatang ating sinipi ay tatlong beses Niyang nakikita Siya:


" TINGNAN ninyo......hipuin ninyo ako, at TINGNAN.....na gaya ng NAKIKITA na nasa akin "


Talaga na lamang ayaw dumilat ng taong hindi makita ang linaw ng mga katotohanang itinuturo ng Biblia
.

Miyerkules, Agosto 13, 2014

Katoliko ba ang itinatag ni Cristo, at hindi naitalikod?






Pilit na pinapalitaw ng Katoliko na Sila umano ang tunay na Iglesia na Siyang itinayo ng Panginoong Jesucristo. Subalit, kung susuriin ba natin ang Biblia ay sasang-ayunan kaya ang mga pinanghahawakan nilang mga patotoo umano ukol sa kanila, isa na.rito ay ang HINDI RAW NAITALIKOD ang Iglesia noong unang siglo. May pagtatalakay na rin tayong naibigay ukol sa patunay ng Pagkatalikod ng unang Iglesia ni Cristo noong unang siglo.

Maaring bisitahin:

http://iglesianicristolahingtapat.blogspot.com/2014/03/ang-pagtalikod-ng-iglesia-ni-cristo.html?m=1


Subalit, bago po iyun, Suriin muna natin ang kanilang dahilan bakit raw hindi naitalikod ang unang Iglesia.Ngayon, ay ating suriin naman ang kanilang mga ginagamit na patotoo bakit raw sila ang tunay na Iglesia, ang KATOLIKO. Hindi nila matanggap na magkaroon ng pagtalikod, kaya kapit sila sa Mateo 16:18, na hindi nga raw makapananaig ang kamatayan kaya hindi nawala ang Iglesia mula paman sa pagkakatag ni Cristo. Ganito ang sabi ng Biblia:


Mateo 16:18
" At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga PINTUAN NG HADES ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. "

At kung sa Ingles ay ganito naman

Matthew 16:18
" And I say also unto thee, That thou art Peter, and upon this rock I will build my church; and the gates of hell shall not prevail against it. " [kjv]



Ano po ba ang ibig sabihin ng "the gates of hell shall not prevail against it ?"

ganito sa ibat-ibang salin, ating tunghayan:



“…. and death itself will not have any power over it.” [Contemporary English bible]



“….and the power of death will not be able to defeat it.” [New century version]

“…. and the forces of Hades will not overpower it.“[Holman Christian standard bible]

“….The power of death will not destroy it.” [Worldwide English]


".....and the gates of Hades will not overpower it."[ New English Translation]



Ang tinutukoy po na “death” sa talata ay ang ikalawang kamatayan o ang ganap na kabayaran ng kasalanan ng mga kaanib sa tunay na kaanib ng Iglesia(Rom. 6:23; Rev. 20:14) tungkol ito sa “pagkabuhay na magmuli.” Ganito ang nakasulat:



Juan 5:28-29
" Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,
At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol. "



Sa Biblia, dalawang uri po ang PAGKABUHAY MULI, Ang una po ay pagkabuhay na magmuli sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan at ang isa naman ay ang pagkabuhay na magmuli para sa kapahamakan . Ganito ang nakasulat sa Biblia:



1 Tesalonica 4:16-17
" Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. "



Saan po naman ang hantungan ng mga mapapalad?


Apoc. 21:1-4 
" At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na ".


Sa bayang banal o sa bagong jerusalem. Ano po sabi? WALA NG KAMATAYAN... Kaya sa bibliang Ingles Ganito naman. :


"Now I saw a new heaven and a new earth, for the first heaven and the first earth had passed away. Also there was no more sea. Then I, John, saw the holy city, New Jerusalem, coming down out of heaven from God, prepared as a bride adorned for her husband. And I heard a loud voice from heaven saying, “Behold, the tabernacle of God is with men, and He will dwell with them, and they shall be His people. God Himself will be with them and be their God. And God will wipe away every tear from their eyes; THERE SHALL BE NO MORE DEATH, nor sorrow, nor crying. There shall be no more pain, for the former things have passed away.” Rev. 21:1-4




Pansinin po ang nakasulat:

“THERE SHALL BE NO MORE DEATH”

Kaya po doon sa Mateo 16:18, ay ganito ang nakasaad:


“and the power of DEATH will not be able to defeat it” Mateo 16:18


Maliwanag na po ngayun sa atin kung anong uri ng kamatayan ang hindi makapananaig, ito ay ang ukol sa ikalawang kamatayan, doon sa dagat-dagatang apoy, kaya nga po, doon sa talata ay sinabi namang "PINTUAN NG HADES" ay hindi makapananaig, saan yun?



Apoc. 20:14
" At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. "

Doon sa dagatdagatang apoy. Walang mali sa talata, kundi ang maling pag-unawa nito. Paano pa ang maling pag unawa sa iba? Ang pag aankin at pag-aakala na nakasulat ang KATOLIKO. Kaya, sila nga raw ang tunay at hindi natalikod. Paano nila ito dinipensahan? Sa Biblia raw na saling Latin at Greek Bible sa Gawa 5:11; 9:31, ay malinaw raw na KATOLIKO . Pero suriin natin, tama ba ang pagkaintindi?



ACTS 5:11 SA VULGATA LATINA

Latin (Biblia Sacra Vulgata)
11 et factus est timor magnus in universa ecclesia et in omnes qui audierunt haec


Greek NT Majority Text
(Act 5:11) καὶ ἐγένετο φόβος μέγας ἐφ᾿ ὅλην τὴν ἐκκλησίαν καὶ ἐπὶ πάντας τοὺς ἀκούοντας ταῦτα.


Transliterated


Acts 5:11 kai egeneto foboj megaj ef olhn thn ekklhsian kai epi pantaj touj akouontaj tauta


Douay-Rheims (Catholic) Bible
Acts 5:11 "And there came great fear upon THE WHOLE CHURCH and upon all that heard these things."



Ang orihinal na wika na ginamit sa Bagong Tipan ay Greek. Sa Gawa 5:11 ang pariralang Griego na : ὅλος ἐκκλησία (holos ekklesia) sa Latin ay universa ecclesia ay isinalin ng mga Catholic Scholars sa english na THE WHOLE CHURCH - HINDI PALA CATHOLIC CHURCH!


Kaya HINDI ANG CATHOLIC CHURCH ang tinutukoy sa Acts 5:11 kundi ANG KABUUAN NG IGLESIA na umiiral sa panahon ng mga Apostol. Magkatulad rin dito sa isa pang talata na ginamit nila, ang Gawa 9:31


ACTS 9:31 sa GREEK TEXT

Acts 9:31 (Greek New Testament Majority Text)
ἡ μεν ουν εκκλησια καθ᾽ὁλης της ιουδαιας και γαλιλαιας και σαμαρειας ειχεν ειρηνην οικοδομουμενη και πορευομενη τω φοβω του κυριου, και τη παρακλησει του ἁγιου πνευματος επληθυνοντο.


Act 9:31 (Transliteration)
aye men oon ekklaysiaye kath olays tays ioodayeas kaye galilayeas kaye samarayas aycon ayraynayn oikodomoomenaye kaye poryoomenaye tow fobow too kurioo kaye tay paraklaysay too agioo pnyoomatos eplaythunonto


Act 9:31 (1899 Douay-Rheims Bible [Catholic Translation])
Now, the church had peace throughout all Judea and Galilee and Samaria: and was edified, walking in the fear of the Lord: and was filled with the consolation of the Holy Ghost.




Sa patuloy pa nilang kapipilit na ang
salitang “catholic” ay nasa Biblia daw, nahulog sila sa isa pang kamalian. Ang binabanggit daw sa Gawa 9:31 na “Kata Holos” ay “catholic” raw. Ganito pa ang isinasaad ng Greek Text ng talatang ito:



Acts 9:31
ho men oun EKKLESIA KATA HOLOS ho ioudaia, kai galilaia, kai samareia echo eirene oikodomeo kai poreuomai ho phobos ho kurios kai ho paraklesis ho hagios pneuma plethuno



Talagang sa Greek text ng talatang ito ay
may binabanggit na “Iglesia” (“ekklesia”) at may binabanggit din na “Kata Holos.

Ipinagpipilitan ng mga Catholic Defenders na ang mga salitang “Kata Holos” ay “catholic” kaya ang banggit daw ng Greek text ng Gawa 9:31 na “ekklesia kata holos? Ay “Iglesia Katolika” (“Catholic Church”) daw.


Isang MALAKING KAMALIAN NA SABIHIN NA ANG “KATA HOLOS” NA BINABANGGIT SA NEW TESTAMENT GREEK (SA GAWA 9:31) AY “CATHOLIC.”


Subalit, ano ang ating mga dapat mapansin?

ANG SALITANG “CATHOLIC” AY ISANG
SALITA LAMANG, SAMANTALANG ANG
“KATA HOLOS” AY “DALAWANG SALITA:




The Acts 9:31 Young's Literal Translation
of the Holy Bible

“Then, indeed, the assemblies THROUGHOUT ALL Judea, and Galilee, and Samaria, had peace, being built up, and, going on in the fear of the Lord, and in the comfort of the Holy Spirit, they were multiplied.”



Ang literal na katumbas ng “kata Holos” ay “throughout all.


Ano pa? ANG MGA SALITANG “KATA HOLOS” SA GAWA 9:31 AY HINDI SASALITANG “IGLESIA” (CHURCH) kundi Sa mga salitang “JUDEA, GALILEA AT SAMARIA”:




Acts 9:31 NIV

Then THE CHURCH THROUGHOUT JUDEA, GALILEE AND SAMARIA enjoyed a time of peace. It was strengthened; and encouraged by the Holy Spirit, it grew in numbers, living in the fear of the Lord.



Kaya kung sabihin man na ang “Kata Holos” ay “catholic”, ang nasa Gawa 9:31 ay hindi “Catholic Church” kundi “Catholic Judea, Galilee and Samaria” sapagkat ang sabi sa talata ay “The Church throught Judea, Galilee, and Samaria.”



Ano pa?

Ang mga CATHOLIC ENGLISH BIBLE NA DOUAY RHEIMS ay hindi ito isinalin na “CATHOLIC CHURCH” sapagkat hindi nga ito ganun:




The Acts 9:31 Douay Rheims Version

Now, THE CHURCH HAD PEACE THROUGHOUT ALL JUDEA AND GALILEE AND SAMARIA: and was edified, walking in the fear of the Lord: and was filled with the consolation of the Holy Ghost.



Ano pa ?

Hindi ito ISINALIN ng mga kilalang CATHOLIC ENGLISH BIBLE sapagkat kahit sa kanilang LATIN VULGATE (ANG PINAKA-OPISYAL NA BIBLIA NG IGLESIA KATOLIKA ROMANA) ay hindi “CATHOLIC” ang katumbas ng “KATA HOLOS”:




The Acts 9:31 Latin Vulgate

ECCLESIA QUIDEM PER TOTAM IUDAEAM ET GALILAEAM ET SAMARIAM habebat pacem et aedificabatur ambulans in timore Domini et consolatione Sancti Spiritus replebatur



Kaya po , kung may lalabas na “bagong salin” ng Biblia na babanggit ng “Iglesia Katolika” sa Gawa 9:31 ay tiyak na niloloko lamang nila ang tao at pinilipit lamang nila ang pagsasalin.



Ano pa?


Ang salitang “CATHOLIC” ay hinango lamang sa “KATA HOLOS” at hundi “CATHOLIC” ang “KATA HOLOS.”


Tulad lang ito ng salitang “Geography” na hango sa mga salitang Griego na “geo” at “graphia.” Walang sasang-ayon na ang “geo” at “graphia” ay “geography.” At lalong mangangatuwiran na ang mga banggit sa Griego na “geo” at “graphia” ay “geography” ang tinutukoy. At lalong-lalong walang mag-aangkin na ang salitang “geography” ay nasa Greek.




Kaya, makikita at malalaman natin na ang kanilang pagtuturo ay bunga lamang ng pilitang pagpapakamali sa tunay na nilalaman ng tunay na nakasulat.

Ang Iglesia Katolika ay UMIRAL LAMANG PAGKAMATAY NG MGA APOSTOL Kaya nga noong ika-2 siglo na lamang INIMBENTO NI IGNACIO ANG PANGALANG KATOLIKA. Ganito ang patotoo ni Rev. Edward K. Taylor na NAGPAPATOTOONG ang terminong “CATHOLIC” ay INIMBENTO LAMANG NI IGNACIO NOONG IKA-2 SIGLO. Kaya sa panahon ni Ignacio (110 A.D.—2nd century) sinimulan na palitan ang pangalang Iglesia ni Cristo ng tawag na “Iglesia Katolika.”



“Catholic’ is the ancient name by which the church of Christ has been known for nineteen centuries, and this name was given to her not for reasons of controversy, to prove something, but because it identifies her uniquely. It was first used by St. Ignatius, bishop of Antioch in Syria, who was martyred about A.D. 110.. .The Church founded by Christ is here for the first time called 'the CATHOLIC CHURCH’ …It was to stress the unity of the universal Church that St. IGNATIUS INVENTED THE NAME “The name CATHOLIC was soon commonly used … about A.D. 155” (Taylor, Edward K., Rev., C.M.S. Roman Catholic. Incorporated Catholic Truth Society, London: © 1961, p. 3-4)




KARANIWAN NA NILA ITONG GINAGAMIT SIMULA NOONG IKA-2 SIGLO BAGAMA’T WALA SA CREDO HANGGANG NOONG IKA-6 NA SIGLO



" The name Catholic was soon commonly used. In The Martyrdom of St. Polycarp, written about A. D. 155, it occurs three times. It became the normal name for the Church in literature and popular usage, although it was not included in the Creed until the sixth century."



IDINAGDAG NG KONSILYO SA TRENTO ANG “ROMANA” NA BAHAGI NG PANGALAN NG IGLESIA NILA.



"The council of Trent made ‘Roman’ part of the official title of the Church,and the Council of the Vatican definitively, after a dispute to be discussed later, adopted as the name of the Church the formula, ‘The Holy Catholic Apostolic Roman Church." (Roman Catholic, p.7)



HINDI NAIBIGAN NG IBANG MGA KATOLIKO ANG PANGALANG “ROMAN CATHOLIC” KAYA MARAMING TUMUTOL



“English-speaking Catholics dislike the term ‘Roman Catholic’ because as used by our non-Catholic friends it is bad grammar and bad theology.…
Dr. Lingard in his ‘Catechetical Instructions on the Doctrines and Worship of the Catholic Church’, sums up the matter simply and precisely:
‘What is the meaning of the word ‘Roman Catholic?’ – It means a Catholic in communion with the See of Rome. Do you accept these names? – We glory in our communion with the see of Rome, but we call ourselves English Catholics. ‘Why not Roman Catholics? – Because that name implies what we cannot admit, that a man be a Catholic without being in communion with the center of Catholic unity, the See of Rome.” To this he added a note: ‘Roman Catholic: There is nothing offensive in this appellation, as in other names with which we are frequently honoured, If we refuse to accept it, the reason is because, it imports what is irreconcilable with our principles, that church which have separated from the ancient Catholic Church may still have a right to the title Catholic. The learned Jesuit, Father Thurston, is stronger in his rejection of the name. He writes: WE SHOULD UNIFORMLY PROTEST AGAINST THE USE OF THE NAME ‘ROMAN CATHOLIC’…” (Roman Catholic, pp. 14, 15-16 )



ANG VATICAN COUNCIL LAMANG ANG GUMAWA NOONG 1870 NA MAGING OPISYAL NA PANGALAN NG SIMBAHAN NILA ANG “ANG BANAL NA IGLESIA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA


“In 1870, at the Vatican Council, the name ‘Roman Catholic Church’ was proposed, but it was rejected. The bishops assembled unanimously decided upon this official name: ‘The Holy Catholic Apostolic Roman Church’ as
descriptive of Christ’ church.” (Crock,Clement H., Rev., Discourses On The Apostles’ Creed. Nihil Obstat: Arthur J. Scanlan. Imprimatur: Patrick Cardinal Hayes. Joseph F. Wagner Inc., New York: © 1938, p. 191.)




Kaya malinaw na malinaw po. Kaya, sa hindi pa nakaalam ng katotohanan, magsuri na po kayo. Mahalaga po ang bawat sandali ng ating buhay at pagkakataon upang ito ay makita at makasunod sa tamang aral.

Linggo, Agosto 3, 2014

Nagmamagaling na Mangangaral ng Katoliko

Ang nagpapakilalang Larry Mallari o Tatang Mallari ay nagpamalas muli ng kanyang pahayag na tila animo'y pumupuna na nasa tama, hanggang ngayun ay walang sawa po ang mga kaibayo sa pagtuligsa, hinggil sa mga gawain ng Iglesia Ni Cristo. Ating ihayag ang katalinuhan ng isang mangangaral ng Katoliko na sa akala'y mula sa Dios.



Sa mga magsusuri, at sa mahal naming kaibigan na katoliko, suriin po natin kung sino ang paniniwalaan ninyo. ITO GUMAWA NG HAKA-HAKA o ang ARAL MULA SA BIBLIA.

Ayun po sa Kaniya:

"Kailan pa naging Bahay-dalanginan ang "arena o sports complex"


Una, naintindihan niya kung ano bahay dalanginan? Ganito po ang Sabi ng Biblia:

Isaias 56:7
" Sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking BAHAY DALANGINAN: ang kanilang mga HANDOG na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; sapagka't ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan. "

Kung gayong, ang tinatawag pala na BAHAY DALANGINAN, ay ang Templo ng Dios. Na doon ay ginagawa ang paghahandog. Ano pa?


Awit 5:7
" Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo. "


Malinaw na ang BAHAY NG DIOS ay ang kaniyang Banal na Templo, at yun ang tinatawag na Bahay-dalanginan, at wala pong sinabi at aral ng Iglesia ni Cristo na ginawa naming BAHAY NG DIOS ANG arena, sapagkat mayroon po namang itinalaga na BAHAY O DAKO NA TEMPLO NG DIOS kung saan palagiang ginagawa ang mga pagsamba..


Ito pa sabi niya:


" Sino ba ang ipinakilala nila, ang PHIL.ARENA o ang tunay na simbahan NI JESUS? Para sa kapurihan nino?!!! "



Sa kaalaman ng lahat, sa sinabi po namin..hindi po iyon ang tinutukoy na BAHAY NG DIOS(templo). Ang ipinakilala ng Iglesia ay ang nakakahigit sa lahat kundi ang DIOS na nagbuhos ng biyaya upang maipatayo ang Phil. Arena..at pangalawa.. philippine Arena po ang nakapangalan sa dakong Iyon na makikilala ng Buong Mundo, hindi po lamang ang Iglesia Ni Cristo ang makikinabang kundi makikita pa mismo at ang mas nakalagay ay  ang pangalan ng Bansa, at tiyak ako alam ng mga manunuligsa yan..

Ito pa sabi niya:

"Ang aking Bahay ay tatawaging bahay dalanginan ng lahat ng bansa"(Mar.11:17)


Wala po kaming tutol ukol diyan.ituwid lang natin..

Marcos 11:17
" At siya'y nagturo, at sinabi sa kanila, Hindi baga nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa? datapuwa't ginawa ninyong yungib ng mga tulisan. "



Ang ipinayo po sa talata na iyan ay sa kanila rin babalik.. Minsan nga makikita pa natin sa Telebisyon o sa tunay ng pangyayari ng kadalasan pang makikita nating eksina ay simbahan ng mga katoliko ang ginawang tambayan ng mga tulisan.Ginawang tulugan kaya walang paggalang sa tinatawag na BANAL NA TEMPLO.... Bigyan natin ng patotoo.




Pero balik tayo sa talata.. Halos po lahat ng ibinigay ni Larry Mallari ay ukol sa Templo ng Dios, Subalit, nakakalungkot lang sapagkat, ang alam lamang niyang dako na dalanginan ay sa Simbahan lamang nila. Siguro, baka tsaka lamang siya nananalangin kung nasa Simbahan nila..Subalit ano po ang turo ng Biblia?


Efeso 6:5, 18
" Mga alipin, magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, na may takot at panginginig, sa katapatan ng inyong puso, na gaya ng kay Cristo;
Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal, "



Sa Lahat po palang pagkakataon ay gawin ang mga bagay na ito..Kaya pala hindi nila alam ito...Ano lang po ang dapat gawin?


1 Corinto 14:40
" Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay. "



Gawin na may kaayusan... Yun po ang dahilan kung bakit ginawa ng Iglesia ni Cristo na may kaayusan ang lahat..At iwan ang masamang pang unawa na masama sapagkat ikakamatay ng tao iyan(Ezek.33:18).. ang kamatayan na tinutukoy ay ang dagat-dagatang apoy(Apoc.20:14).


Kaya, payo alang alang sa lahat, ang biyaya na gaya nito na kaloob mg Dios, ay pakikinabangan ng lahat, at hindi lamang ng Iglesia ni Cristo, at iwas iwasan na ang kakalat ng tsismis o bulong-bulong sapagkat hindi ito nakakabuti:


1 Pedro 4:9-10
" Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan:
Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios "


Kaya, wala pong mali ang ginawa ng Iglesia ni Cristo sa pagpapasalamat sa lahat ng Panahon, lalo na sa pagkakaloob ng mga biyaya mula sa Dios.


1 Corinto 1:4
" Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus; "