May nagtatanung na mula sa isang nagsusuri . Bakit raw ang Iglesia ni Cristo ay hindi nagsasaulo ng "panalanging ng panginoon na "AMA NAMIN" lalo na sa mga pagsamba ?
Atin pong bigyan ng kaukulang tugon, alang alang na rin sa mga nagsusuri.
Sa panahon ng Panginoon Jesucristo sa lupa, sa maraming mga halimbawa, Siya mismo ay
nag uutos sa Kanyang mga tagapaglingkod na palaging manalangin at mapanalanginin at huwag mawalan ito sa puso.
Lucas 18:1
" At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay "
Ang mga apostol din nagtuturo sa mga Cristiyano upang maging mapanalanginin na magmapuyat o walang kapaguran , at matatag sa panalangin.
Colosas 4:2
" Manatili kayong palagi sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na may pagpapasalamat. "
At kanilang hinikayat na maging mapanalanginin sa lahat ng pagkakataon:
1 Tesalonica 5:17
" Magsipanalangin kayong walang patid "
1 Timoteo 2:8
" Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin sa bawa't dako, na iunat ang mga kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo. "
Ang panginoong Jesucristo ay nagsabi -- "Na , magsidalangin ng ganitong paraan " :
Mateo 6:9-13
" Magsidalangin nga kayo ng ganitong paraan: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. " (New English Translation)
Ang panginoong Jesucristo ay hindi nag-utos na itoy kabisaduhin o isaulo ito na panalangin na walang bawas ang mga salita at bumulung-bulong ng paulit ulit nito sa tuwing tayo ay manalangin sa Diyos .Sa halip, sinabi niya , Sa ganitong paraan, samakatuwid, manalangin .Itong panalangin , samakatuwid, ay ibinigay bilang isang halimbawa, isang pattern para sa ating mga panalangin.
Tandaan na ang Panginoong Jesucristo ay nagbabawal Mismo sa mga walang kabuluhan paulit ulit na panalangin , Sapagkat ito'y isang gawaing pagano. Dagdag pa rito ,ang isang panalangin ay sinabi ayon sa mga pangyayari at pangangailangan ng isang nanalangin.
Mateo 6:7
“.. Huwag kayong manalangin nang paulit-ulit, na gaya ng ginagawa ng mga pagano. Akala
nila’y diringgin sila dahil sa marami nilang salita. [New International Version]
Si Cristo ay nanalangin sa iba't ibang pagkakataon ngunit hindi kailanman sinaulo ang panalangin sa walang kabuluhan paulit-ulit na gaya ng mga paganong gawain. Ito mga halimbawa :
Mateo 26:39
" At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo. "
Juan 11:41-42
" Kaya't inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako'y iyong dininig.
At nalalaman ko na ako'y lagi mong dinirinig: nguni't ito'y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila'y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin. "
Juan 17:1, 3
" Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. "
Kaya, Mali po na gawin ang pananalangin na gaya nang paulit-ulit. At sana'y nakatulong sa ilang nagsuri kung baki hindi isinasaulo ng Iglesia Ni Cristo ang Gaya ng "Ama Namin". Sapagkat ito ay isang halimbawa lamang o pattern. .
3 komento:
ano po ang patrern na iyon paki dictate nalang po, malapit na po ako mabautismuhan, paghahanda lmang po sa pagkuha ng tungkulin kung maari po ay magbigay ng halimbawa
Pattern po iyon, pasensiya po
Ano po ung tamang pattern kapatid? Sa panalangin
Mag-post ng isang Komento