Ito ay isa sa katanungan mula sa isang nagsusuri na si Alex Cilo na ganito :
" Bro, Bakit hindi kayo naniniwala sa trinity? Diba nakasulat naman yan sa Biblia, at isa rito ay ang nakasulat sa Mateo 28:19 na totoong nagpapatunay na may trinity? "
Una sa lahat, salamat sa tanung at pagsusuri lalo na sa pagsuri ukol sa tunay na Diyos ayun sa Biblia. Bigyan nating linaw ang isa sa talata na tinanong ng ating kaibigan. Ganito ang laman ng nasabing talata :
Mateo 28:19
" Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. "
Sa ating pong napansin, mula po sa talata na ating sinipi. WALANG NAKASULAT sa talata na ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay Iisa sa Tatlong Diyos o tinatawag na trinity kundi ito po ay ang kanilang common na Pangalan.
Mapapansin din sa talata, gumamit ng katagang “OF” na tumutoy dun sa PANGALAN na common sa TATLO, pero hindi nangangahulugan na IISANG PANGALAN LAMANG IYON.Ganito sa Ingles sa salin ng American Standard Version :
Matthew 28:19
“Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the name OF the Father, and OF the Son, and OF the Holy Spirit”[ASV]
Kaya maaari rin itong unawain ng ganito:
” Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the NAME OF the Father, and the NAME OF the Son, and the NAME OF the Holy Spirit”
Kung ikukumpara natin halimbawa ito sa MATHEMATIC PRINCIPLE na DISTRIBUTION ay pareho lang ito, gaya ng ating halimbawa :
x(a + b + c) is also equal to xa + xb +xc
x of a, and of b, and of c
= x of a, and x of b, and x of c.
Kasi hindi naman nila itatanggi na ang “FATHER”, “SON”, at “HOLY SPIRIT”, ay mga PANGALAN. Dahil sa silang tatlo ay may PANGALAN, ibig sabihin nun iyon yung COMMON sa kanila, lahat sila may taglay na PANGALAN, pero hindi ibig sabihin nun ay IISA LANG ANG PANGALAN NILANG TATLO.
Maliwanag diyan na HINDI IISA LANG NA PANGALAN iyan, kundi TATLONG PANGALAN.Pero magkagayon man, tandaan natin sa kanilang TRINITY ang paniniwala nila ay Diyos ang ANAK at ESPIRITU SANTO…Kaya maaari natin silang tanungin ngayon na:
SAAN MABABASA SA BIBLIA ANG MGA KATAGANG ”DIOS ANAK” at “DIOS ESPIRITU SANTO” ?
Hindi nila masagot yan, sapagkat walang nakasulat sa Bibliya na maging batayan. Ang Diyos po ay iisa lamang at hindi trinity(Deut. 7:5; 6:4).
Balikan natin, Ano ba ang dahilan ni Cristo at nang ito ay kanyang Sabihin na ang babautismuhan, ay sa Pangalan ng Ama, At sa anak at sa Espirito santo ? Ganito po muli ang Pahayag ni Cristo :
Mateo 28:19
" Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo "
Sa Ating Napansin, Sa Pamamagitan ng Bautismo, ang mga tao ay magigin Alagad ni Cristo, sa paanong paraan?
"....Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo'y mga alagad ko,...."(Juan 8:31, Magandang Balita )
Kung gayon, kung ang tao ay magiging alagad na ni Cristo sa pamamagitan ng pagsunod ay mababautismuhan siya sa pangalan ni Cristo, sapagkat siya ay hinirang o alagad na Niya.Paano naman makakamit ang Espiritu Santo? Ganito po naman :
" At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. " Gawa 2:38
Sa pamamagitan naman ng bautismo , ay tatanggapin ang kaloob ng Espiritu Santo at ang ikapagpatawad naman ng kasalanan ng tao sa Dios.
"Ang mga gawain ng taong masama'y Dapat nang talikdan, at ang mga liko'y Dapat magbago na ng maling isipan;Sila'y manumbalik, Lumapit kay Yahweh upang kahabagan, At mula sa Diyos, Matatamo nila ang
kapatawaran. " (Isa. 55:7, MB )
Sa Pamamagitan naman ng Bautismo ay kapatawaran ng kasalanan mula sa Diyos Ang Matatamo. At ang pagiging hinirang na may tatak ng Espiritu Santo na ipinagkaloob ng Dios sa mga nanalig sa Kanya :
"Kayo ma'y naging bayan ng Diyos nang kayo'y manalig sa kanya matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan -- ang Mabuting Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Kaya't ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santong ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. " (Efeso1:13, MB )
Kaya, tamang sabihin ni Cristo na ang ang tao'y bautismuhan sa Pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espirito hindi sa dahilang kilalanin na Diyos sa Tatlong Persona, kundi ang kabutihan ng matatamo sa tunay na bautismo.Ang layunin ni Cristo ay hindi para kilalanin na may tatlong Persona, Bunga lamang ng maling haka-haka ng tao, sapagkat hindi binanggit na Sila ay Diyos. Ngayun dahil sa si Cristo ang may sabi, si Cristo rin ang ating tatanungin.
Ayun sa kanyang itinuro, Tatlong Persona ba ang dapat kikilalanin ng tao o iisang Diyos lamang at sino? Ganito po ang kanyang turo :
Juan 17:3,MBB
" Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo."
Sa tagpong ito, Kausap ni Cristo ang Ama na dito'y sinabi Niya, Ang makilala "KA" nila na iisang Diyos na tunay. Hindi po binanggit ni Cristo na "Ang makilala nila TAYO" na iisa sa isang Persona, hindi po kaylan man ipinakilala ni Cristo na Diyos ang Kaniyang sarili o bahagi sa Persona ng Diyos. At ang totoong Diyos , kaylan Ma'y hindi papayag na may kikilalanin pang ibang Diyos o kapantay na Diyos liban sa kanya (Isa. 45:5; 46:9;44:8;Deut.32:39). Na gaya ng pagpapakilala ni Cristo, na ito ay Ang Ama lamang at wala ng iba(1Cor.8:6; Mal.2:10;Deut.32:56; Efe.4:6; 1Ped.3:1; Juan 20:17).
Kaya mahalagang mauunawaan ng tao ang katotohanan kung sino ang tunay na Diyos at hindi ang tatlong Persona o trinity. Ang mga pari at papa ay hindi rin nauunawaan ang misteryo nito. Ganito ang patotoo :
Sa aklat ng katoliko na isinulat ni Martin J. Scott na piinamagatang
" God and Myself" , sa pahina 118-119:
" The trinity is a wonderful mystery. No one understand it. The most learned theologian, the holiest Pope, the greatest saints, all are mystified by it as the child of seven. It is one of the things which we shall know only when we see God face to face...."
Sa Pilipino :
" Ang trinidad ay isang kamangha- manghang misteryo. Walang sinumang nakakaunawa nito. Ang pinakamarunong na teologo, ang pinakabanal na Papa, ang pinakadakilang Santo, silang lahat ay nahihiwagaan dito tulad ng isang batang may pitong taong gulang. Isa ito sa mga bagay na malalaman lamang natin kapag nakita na natin ang Diyos nang mukhaan...."
Hindi nauunawaan maging ng nakakataas na posisyon ng Katoliko, at ito'y isa lamang misteryo. Sapagkat ito ay imbento lamang ng isang tao :
"The term 'Trinity' is not found in Scripture [Bible], ... The invention of the term is ascribed to Tertullian." [Systematic Theology, by Augustus Hopkins Strong, page. 304 ]
Salin sa Filipino:
“Ang terminong ‘Trinidad’ ay hindi matatagpuan sa kasulatan (Biblia), …ang pagkakaimbento ng termino ay ipinapalagay na gawa ni Tertulliano.”
Ang aral tungkol sa Trinidad ay isang katuruan na gawa lamang tao at ito’y tahasang inamin ng isang Awtoridad Katoliko. Kailanman ay hindi makikita o mababasa sa Biblia ang terminong ito. Ang mismong prinsipyo ng aral naito ay tahasang kumokontra o lumalabag sa aral ng Diyos, ni Cristo, at ng mga apostol. Ayon sa Biblia hindi tayo dapat magsalig ng paniniwala sa mga kautusan o aral na inimbento o kinatha lamang ng mga tao na di sang-ayon sa mga katotohanan ng Diyos na mababasa sa Biblia:
Tito 1:14
“Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.”
Hindi lamang ang terminong “Trinidad” ang wala sa Biblia, patutunayan sa atin iyan ng isang Catholic Bible Scholar:
"Though the exact terms in which the [Catholic] Church has formally defined the dogma of the Blessed Trinity ... are not in the Bible, and may, therefore, in a sense be called unscriptural. . ." [The Divine Trinity: A Dogmatic Treatise, by Rt. Rev. Msgr. Joseph Pohle, p. 22]
Salin sa Filipino:
“Bagamat ang eksaktong mga termino, kung saan pormal na ipinaliwanag sa atin ng Iglesia [Katolika] ang dogma tungkol sa Banal na Trinidad…ang mga ito ay wala sa Biblia, at maaari, kung gayon, na ito’y
tawagin na hindi maka- kasulatan…”
Ang mga tagapagtaguyod ng paniniwalang ito mismo ang umaamin at nagpapatunay na ang “dogma” [o nilikhang aral ng Iglesia Katolika] na ang Diyos ay may tatlong persona ay wala sa Biblia o hindi maka-kasulatan.
Kailan lamang ba pinasimulang ituro ang tungkol sa aral na ito?
"It is a simple fact and an undeniable historical fact that several major doctrines that now seem central to the Christian Faith – such as the doctrine of the Trinity and the doctrine of the nature of Christ – were not present in a full and self-defined generally accepted form until the fourth and fifth centuries. If they are essential today – as all of the orthodox creeds and confessions assert – it must be because they are true. If they are true, then they must always have been true; they cannot have become true in the fourth and fifth century. But if they are both true and essential, how can it be that the early [Catholic] church took centuries to formulate them?" [ The Doctrine of the Trinity Christianity’s Self- Inflicted Wound 1994 Anthony F. Buzzard Charles F. Hunting]
Salin sa Filipino:
“Ito ay isang simpleng katotohanan at hindi maitatangging katotohanang pangkasaysayan na ilan sa mga pangunahing doktrina na ngayon ay maituturing na mahalaga sa pananampalatayang Cristiano – gaya ng doktrina tungkol sa Trinidad at ang doktrina sa kalagayan ni Cristo – ay hindi umiral bilang isang ganap at mayroon nang maliwanag at katanggap-tanggap na anyo para sa lahat hanggang sa ika- apat at ika-limang siglo. Kung ang mga ito man ay mahalaga ngayon – gaya ngpinatutunayan ng mga Kredong ortodoksiya at mga kumpisal- ay marahil sapagkat ang mga ito ay totoo. Kung ang mga ito ay totoo, samakatuwid ito ay isang namamalaging katotohanan; at hindi naging totoo lamang noong ika-apat at ika-limang siglo. Ngunit kung ang mga ito ay kapuwa totoo at mahalaga, Bakit ang Iglesia [Katolika] noon ay gumugol ng napakaraming siglo para mabuo ang mga ito?”
Maliwanag na inaamin ng mga manunulat ng kasaysayan na ang aral na ito ay nabuo lamang noong ika-apat at ika- limang siglo, kaya malinaw na malinaw ang dahilan kung bakit hindi ito mababasa kailanman sa Biblia. Dahil matagal nang tapos ang Biblia noong Unang Siglo pa lamang, matagal nang patay ang mga Apostol, at matagal nang nasa langit ang Panginoong Jesus. Kaya walang kinalaman kailanman si Cristo, ang mga Apostol, at ang Biblia sa pagkakaroon ng aral tungkol sa Diyos na mayroong tatlong persona.. Kaya, Buksan ang isipan sa katotohanan at tuparin ang naayun sa Biblia. Na ang tunay na Diyos ay hindi tatlo. o walang Persona sapagkat. totoong Ang Ama lamang ang tunay na Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento