Sabado, Hunyo 14, 2014

Pagsabi ng "Opo, Amen" Sa pananalangin





Mula sa isang nagsusuri na nagtanung sa amin ukol sa, Bakit raw kami mga Iglesia Ni Cristo ay sumasagot ng "Opo,Ama,Amen" tuwing may pananalangin lalo na sa pagsamba.


Una sa lahat, kami po ay nagpapasalamat lalo na sa mga nagsusuri, at patuloy pa na nagsusuri. Tama po ang kanilang na obserbahan. Ang mga kaanib po ng Iglesia Ni Cristo ay sumasagot po ng "Opo,Ama, Amen o Siya nawa" kapag mananalangin. Gaya ng nakasulat:



1 Chronicles 16:36
" Blessed be the LORD God of Israel for ever and ever. And all the people said, Amen, and praised the LORD."



Ang pagsasagawa ng ganito, ay ginawa na ng mga sinaunang mga Cristiano. At ito ay pinatunayan ng Apostol Pablo :



" Kung nagpapasalamat ka sa Diyos sa pamamagitan ng espiritu lamang, paanong makakapagsabi ng “Amen” ang isang taong naroroon kung hindi niya nauunawaan ang iyong sinasabi? " (1 Corinto 14:16,MBB)


Ang salitang "Amen(Siya nawa)" ay tinukoy ito sa ganitong paraan :



“Siya Nawa, literal na 'totoo'; at, ginagamit bilang sa Isa. 65:16; ang salita na ginagamit sa taos pusong pagpapahayag , pag-aayos ng parang, ang silyo ng katotohanan sa mga badya kung saan ito sinamahan,at ginagawa itong bisa tulad ng isang panunumpa "(Smith’s Bible Dictionary, p.35, isinalin sa Pilipino)


Kaya, Kung sumasagot at nagsasabi po kami ng "Amen" tuwing bahagi ng pananalangin, itoy bilang pagpapakita ng aming pagsang-ayon kasama ang matibay na paniniwala na ang Panginoon ay tumanggap at dininig ang aming pananalangin.Samakatuwid, naging aktibo kami bilang kalahok o kasama sa pananalangin.



1 Corinto 14:16

" Kung nagpapasalamat ka sa Diyos sa pamamagitan ng espiritu lamang, paanong makakapagsabi ng “Amen” ang isang taong naroroon kung hindi niya nauunawaan ang iyong sinasabi? " (MBB)


Sa pagiging aktibo sa pakikiisa sa pananalangin, ang ating ISIPAN ay nakatoon sa bawat salita na sinalita at hindi LIBOT ang isipan. Ito ang bahagi ng sinabi ni Apostol pablo :



1 Corinto 14:15
...." Mananalangin ako sa espiritu, at mananalangin din naman ako sa pagiisip " (Revised Standard Version)

Kung sa pananalangin o anumang gawin sa paglilingkod sa Panginoon, ito ay mahalaga na ating sundin ang mga pamamaraan at prinsipyo na itinuro ng mga Apostol na :



...."Datapuwa't gawin na may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay." (1Cor.16:26,42)




Kaya, sana'y nakatulong at nabigyang linaw at sa mga nagsusuri sa mga kaayusan na isinasagawa sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

Walang komento: