Lunes, Enero 13, 2014

Juan 20:28 Dios ba si Cristo nang makita ni Tomas?




Ito po ang Isa na man sa mga talata po na ginagamit ng mga naniniwalang Dios nga raw si Cristo sapagkat mababasa nga daw na tinawag ni tomas na Dios si Cristo. Ating Sipiin ang laman nitong talata narito po :



Juan 20:28
Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko.




Dios daw si Cristo sapagkat tinawag niya si Cristo na Dios.Tama kaya sila? Si Cristo ba talaga ang tinutokoy ni Tomas na Dios? atin munang balikan ang buong Eksina at pangyayari.


Juan 20:19-20
19"Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo".


20 "At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon"






Nagpakita po si Cristo sa kanyang mga alagad mula ng siyay binuhay, at ang kototohanang ito ay ipinakita nya ang kanyang mga kamay at tagiligaran. Ngunit atin munang titiyakin at suriin. Sa pagpapakita ba ni Cristo,nandun ba si Tomas?


Juan 20:24
“ Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, na tinatawag na Didimo, ay WALA SA KANILA NANG DUMATING SI JESUS .”



Absent pala talaga si Tomas sa panahong nagpapakita si Cristo sa kanila, at sa pagpapakita sa kanyang mga kamay at tagiliran. Anu pala ang paniniwala ni Tomas ng kanyang malaman ang balitang ito?


Juan 20:25
“Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, MALIBANG AKING MAKITA SA KANIYANG MGA KAMAY ANG BUTAS NG MGA PAKO, AT MAISUOT KO ANG AKING DALIRI SA BUTAS NG MGA PAKO, AT MAISUOT KO ANG AKING KAMAY SA KANIYANG TAGILIRAN, ay HINDI AKO SASAMPALATAYA.





Ayun na ang paniniwala ni Tomas.To see is to believe. Di siya Sasampalataya kung di nya maisuot ang kamay niya sa sa mga pinagpakuan at sa tagiliran. Sapagkat di sya naniniwala na nakikita nila si Cristo.Ngayun anu ang sunud na pangyayari? narito po :



Juan 20:26
“At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang
sumainyo.”




Ito na po. .Kasama na si Tomas at dumating na muli Si Cristo at nagpakita sa kanila, paanu pinatunyan ni Cristo kay Tomas? narito po :


Juan 20:27
“Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, IDAITI MO RITO ANG IYONG DALIRI, AT TINGNAN MO ANG AKING MGA KAMAY; AT IDAITI MO RITO ANG
IYONG KAMAY, AT ISUOT MO SIYA SA AKING TAGILIRAN: AT HUWAG KANG DI MAPANAMPALATAYAHIN, KUNDI MAPANAMPALATAYAHIN.”







Pinatutunayan na naman po ni Cristo at mismo kay Tomas para siya ay sumampalataya.Anu ang reaksyun at Sagot ni Tomas?narito po :




Juan 20:28
Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi,PANGINOON KO AT DIOS KO.




Makikita po natin ng pagkasunud sunud ng pangyayari. . Kaylan lang nasabi ni Tomas ang salitang



"Panginoon ko at Dios ko " ?



kung atin pong pansinin,nasabi lamang ni Tomas ang ganung Salita pagkatapos pinakita ni Cristo at sinabing ang ganito :


"Idaiti ang iyong kamay,isuot sa aking tagiliran"


Malinaw po sa bahaging ito kung paanu pinatutunayan ito ni Cristo sa ganitong paraan ay sasampalataya sila.
Ating pag Aralan, Sino sino ba ang tinutukoy at tinawag ni Tomas na


"Panginoon ko at Dios ko"?

Malinaw po na dalawa ang tinutokoy ni Tomas.Ano ba ang paniniwala ng mga apostol dito?


1 Corinto 8:6
“Nguni't sa ganang atin ay MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at ISA LAMANG PANGINOON, SI JESUCRISTO, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.



Maliwanag po ang kanilang paliwanag :


“MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA at ISA LAMANG PANGINOON, SI JESUCRISTO”


Kaya po ang tinutokoy ni Tomas na "Dios ko" ay ang AMA na siyang Iisang Dios lamang.


Si Cristo din kaya,anu ang pagpapaliwanag at pagpapakilala nya sa Dios.Mas mabuti din po na si Cristo mismo ang sumagot dito.Sino lamang ba ang dapat kilalanin na Dios ? siya ba o may ipinakilala sya?
narito :


Juan 17:3, 5-6
"At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. "

"At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon."

"Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at tinupad nila ang iyong salita. "




Malinaw po. .ang ipinakilala lamang ni Cristo ay ang pangalan ng AMA na siyang

"Tunay at iisang Dios"


Malinaw po kung sino lamang ang pinakilala ni Cristo.Kaya po kung sila naniniwalang si Cristo ang tinutokoy ni Tomas na "Dios ko",ay maling pag unawa yun sapagkat ayun kay Cristo, Ang Ama lamang ang Iisa at tunay na Dios.Ang ama lang ba talaga ang lahat lahat? di na ba kasama si Cristo? narito :


Efeso 4:6
"Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. "



Sa lahat lahat po,ang AMA lang talaga at wala nang iba.Kaya maling mali talaga na Isipin na Si Cristo ang tinutokoy ni Tomas na Dios.


_________________________________________________________________________________



Malinaw na sa atin sa taas kung sinu yung Panginoon na sinabihan ni Tomas,at kung sinu yung Dios.



Ang dahilan ng pagkasabi ni Tomas na "PANGINOON KO AT DIOS KO"


Ngayun dito tayo.Anu naman ang dapat nating mapansin? ang mga alagad ni Cristo at si Tomas ay nakita sya nang harapan.Kung ating basahin muli ang talata sa taas na napost,mula sa juan 20:19 ay kung saan nagpakita si Cristo sa mga alagad nya. Anu pala ang Reaksyun ng kanyang mga alagad? ganito din ang ating mababasa :


Lucas 24:36-37
"At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo".

"Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu."



Malinaw po na sila ay nag akala na nakakita ng Espirito. .e mas lalo na si Tomas na syang Personal na pinakitaan ni Cristo. Ito naman po ay tinuwid agad ni Cristo. Ano ang puna ni Cristo sa Kanila?



Lucas 24:39
"Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. "



Tiniyak ni Cristo na siya ay Hindi Espirito. Tao sya na may laman at buto.Sino naman yung Espirito ang kalagayan ni walang laman at buto?


Juan 4:24
"Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan."



Ito po ang pinuna ni Cristo na inakala ng kanyang mga alagad na nakakita sila ng Espirito. .at Tiniyak naman ni Cristo na sya ay hindi espirito sapagkat iba siya sa Dios. At siguradong Sigurado na ang nakita ng mga alagad, at lalo na si Tomas ay hindi yun Dios. Sapagkat ang tunay nga na Dios ay hindi rin nakikita,di namamatay .Ganito ang patotoo :


1 Timoteo 1:17
"Ngayon sa Haring walang
hanggan, walang kamatayan, DI NAKIKITA, sa iisang Dios, ay ang
kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa."



Malinaw na malinaw na po sa atin ngayun kung anu ang tunay na kahulugan at ang buong pangyayari.



Anu pa ang dapat natin pansinin?Bago po nagpakita si Cristo sa mga Alagad nya ay nakita na sya ni Maria magdalena,at may sinabi na si Cristo sa kanya.


Juan 20:18
"Naparoon si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito. "



Anu yung pinasabi ni Cristo?



Juan 20:17
"Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios. "



Malinaw po na si Cristo ay may Dios. .yun ang AMA nya kung saan siya paroroon at aakyat, Kaya ang mga Mensahe na natanggap ng kanyang mga alagad, isa na si Tomas ay malinaw po, yung Dios ni Tomas yun din po ang Dios ni Cristo. Yung Dios ng kanyang mga alagad, yun din ang Dios ni Cristo,at hindi si Cristo ang mismong Dios..


Sanay mas malinaw na po sa lahat.Salamat

4 (na) komento:

Unknown ayon kay ...

Kapatid, ito po ba ay isang official stand ng INC? Di po ba si Tomas ay nag-aalinlangan kaya napamali siyang sabihin ito kay Cristo? At kay Cristo lamang ito napapatungkol?

Pero, nag-aalinlangan siya gaya ng sabi ng Ka Joe kaya siya ay nagkamali ng pagbigkas ng salita.

Hihintayin ko po ang inyong tugon. Salamat

Unknown ayon kay ...

Nsn

Unknown ayon kay ...

Ito po ba ay isang official stand?

Unknown ayon kay ...

Mga Taga-Filipos 2:6-11 MBB05
Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao, nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus. At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon.