narito po :
1 Corinto 15:50
"Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan."
Malinaw daw po di makakapasok ang Laman at dugo at iniugnay naman nila ang talata na nasa mga unahan nito :
1 Corinto 15:44, 46
"Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman."
"Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu."
Ito ang pinanghahawakan na Aral ng ating mga mahal na kaibigan.Ngayun atin pong pansinin.Hindi po sinabi na
"Binuhay na naging Espirito"
kundi ang binanggit po ay ganito:
"Katawang ukol sa Espirito"
Ito po ang kalagayan na makapagmana sa kaharian ng Dios.Ngayun atin suriin parin sa Biblia.Bakit po ito ang makakapagmana ? anu ba kahulugan ng ito? narito po:
Galacia 5:16-17
"Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman."
"Sapagka't ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin."
Malinaw po na talaga pinaiba at magkaiba, Kaya po di makakapasok ang ayun sa laman sapagkat ang iniutos na magsilakad ayun sa Espirito. Anu pala itong mga nasa laman ?
narito :
Galacia 5:19-21
"At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay HINDI MAGSIPAGMANA SA KAHARIAN NG DIOS."
malinaw na malinaw po ang Detalye kung paanu pala di makakapasok sa kaharian ng Dios kung ang isang tao ay nasa gawang nasa LAMAN.
Ngayun e paanu ba magkakaroon ng buhay na ukol sa Espirito?
narito :
Galacia 5:24
"At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito."
Ito po ang mga nasa kay Cristo na wala na sa pita ng laman.paanu po?
Juan 1:12-13
"Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging MGA ANAK NG DIOS, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios."
Hayag kung sino yaong hindi sa kalooban ng laman at sa dugo,kundi ang kalooban ng Dios. Ang mga pinagkalooban na MAGING MGA ANAK NG DIOS.
Sila ang mga taong namuhay na nakay Cristo na wala na sa laman. at ang magmamana ng kaharian ng Dios. Ano naman po ito mga katangiang ukol sa Espirito ? atin muling sipiin ang talata :
1 Corinto 15:44
"Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman."
Bakit po ukol sa Espirito ang katawan na ipagkakaloob sa mga nakay Cristo? anu nga po ang katangian o uri ang ukol sa Espirito?
narito po :
Galacia 5:22-23
"Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan."
Malinaw po kung paanu ang buhay na ukol sa laman, at ukol sa Espirito. Kaya po malinaw ang mga talatang binanggit sa atin. Tiyak po ba nating mula sa unang katawan natin ay TAO, ang ikalawa naman na ipagkaloob na bagong katawan na syang babaguhin ay TAO parin ba ?
narito po :
1 Corinto 15:47
"Ang unang TAO ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang TAO ay taga langit. "
Malinaw po na TAO parin. ang ikalawang katawan na pinagkaloob sa mga nakay Cristo ay taong tao parin. Kaya kung pansinin at balikan natinbang 1 Cor. 15:50, ay hindi makakapasok ang ukol sa laman (Katawan na nagkakasala) at dugo (sapagkat may kasiraan), Kaya ang sabi ng kasunod na talata, LAHAT AY PAPALITAN. Ganito ang sabi ng Biblia:
1 Corinto 15:51
Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin,
1 Corinto 15:52
Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.
1 Corinto 15:53
Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
1 Corinto 15:54
Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.
Napakalinaw, na ang lahat lamang ay papalitan hindi upang maging Espiritu kundi gawing ang katangian ay UKOL SA ESPIRITU. TAO parin hanggang sa langit subalit taglay ang KATAWAN na walang kamatayan at walang kasiraan. Ngayun anu po ang sabi ng Biblia ukol naman sa pagkabuhay ni Cristo ?
1 Corinto 15:16
"Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:"
Bubuhayin ding muli ang mga patay kung paanong si Cristo ay muling binuhay. Ayun naman mismo kay Cristo,sa kanyang muling pagkabuhay, Espirito naba sya o tao parin ? narito :
Lucas 24:39
"Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang ESPIRITU'Y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin."
Pinakilala at pinakita mismo ni Cristo kung anu ang kalagayan nya sa muli nyang pagbuhay, siya ay hindi Espiritu kundi TAO na may laman at buto.
Hayag na hayag na po muli ang maling aral na turo na mula lamang sa kanilang sariling kaalaman.At ayun sa mga pinagkalooban na maging mga ANAK NG DIOS na siyang tagapagmana ng kaharian ng Dios ay batay sa ating pag-aaral kanina ang mga may kaugnayan kay Cristo. At yun lamang ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo
e click ito : MGA ANAK
NG DIOS
Sanay malinaw sa lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento