Ang Aral ng ADD o Ang Dating Daan , Ay ang Iglesia daw ay hindi ito kay Cristo. . Kundi Sa AMA.
Ating e review ang Aral na palpak ng Mga ADD. Kung anu ang kanilang paniniwala ukol sa tunay na Iglesia. Ayun sa ating makikita sa larawan, ay Inamin ng Isa sa ating kaibigan na Si Charlie Castro na talagang ang Iglesia ay Sa AMA nga at Hindi kay Cristo. Ating isa isahin ang mali sa hanay mula palang sa pangalan ng kanilang relihiyun.
kung ating pansinin. Ang buong pangalan ng kanilang Relihiyun ay MCGI na pinagbasihan ni Eliseo Soriano mula sa dating kinaugatan na :
e click
Iglesia ng Dios kay Kristo
Hesus, Haligi at Suhay ng
Katotohanan
Sa pangalan palang Malinaw na po aminado nang kay Kristo, kung ganito sana ay hindi pa halata
"Iglesia ni Cristo sa AMA,Haligi at Suhay ng Katotohanan"
Mas may kunting tama pa. Kita nyu po kung panu nila binuo ang kanilang pangalan ng Relihiyun. Ngayun ating Suriin ,kung Anu ang mga talata na kanilang ginagamit para palabasin na talagang sa Dios ito ? ganito po :
Hebreo 3:4
" Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios. "
Kaya daw hindi kay Cristo ang Iglesia sapagkat sa Dios daw lahat. E di aminado nga sila na Di nga Dios si Cristo sapagkat itinakwil na nila na Ang lahat ay naitayo ng Dios, malinaw na di nila tinanggap na si Cristo ay kasama sa tinawag nilang Dios.mula pa sa pangalan ng kanilang Relihiyun na pinangalanan ni Eliseo Soriano na ganito :
"Members Church of God International"
Isang mali na naman. E sana tulad ng inamin nila na ang Iglesia
ay ito ay sa AMA. Bakit Mali? Dios din si Cristo sa kanila e, Hindi Espisipiko ang tinutokoy nila na Dios dyan kung ang AMA ba o si Cristo. .Dapat ang pangalan nila ganito :
"Members Church of The Father International"
Kitang kita po natin ang kabaluktutan ng Kanilang mga Aral.
Ngayun, sa aral naman sa Loob ng Iglesi Ni Cristo.
May aral bang pinagbatayan na totoong kay Cristo nga ang Iglesia?
narito po :
Mateo 16:18
"At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya."
Malinaw po pala ang banggit ni Cristo. .
"ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA"
Pag sinabi po ang Salitang "Akin" Kahit naman po seguro bata ay nakakaintindi nito. Malinaw naman po na ang itatayo ni Cristo ay sa kanya . ito ang Iglesia na kay Cristo.
Ngayun baka naman itanung nila. Hindi pala yan Sa AMA? ang Sagot po ay ang Iglesia ni Cristo, Ito po ay sa AMA din. . Bakit? ito po atin tunghayan :
"ANG LAHAT NG SA AMA AY AKIN , kaya ko sinabing
tatanggapin ng Espiritu
ang mula sa akin at
ipahahayag niya ito sa
inyo." Juan 16:15
"Idinadalangin ko sila;
hindi ang sanlibutang ito
ang idinadalangin ko,
kundi ang lahat ng
ibinigay mo sa akin,
sapagkat sila'y sa iyo. ANG LAHAT NG SA AKIN AY SA IYO,
at ang LAHAT NG SA IYO AY AKIN ; at napaparangalan ako sa
pamamagitan nila." Juan
17:9-10
Hayag po at malinaw ang ating mababasa.Kung anu po ang pagmamay ari ni Cristo ay sa AMA. . ang lahat naman ng sa AMA ay kay Cristo.
Malinaw pala na ang Tunay na Iglesia ni Cristo. .ito din ang tunay na Iglesia ng Dios. . .sapagkat ang Dios na tinutokoy ng mga nasa kay Cristo ay ang AMA lamang sa lahat lahat (efeso 4:6).
Bakit Hindi tinawag ang tunay na relihiyun na Iglesia Ng Dios?. Ito po ay isang Adjective o inuuri lamang na ang tunay na Iglesia ni Cristo ay yun din sa Dios. Sapagkat ang tunay na nagtayo ay Si Cristo. Na ito naman ang kanyang tinubos ng kanyang Dugo ang Iglesia Ni Cristo.( Gawa 20:28 lamsa trans.)
Sana ginawa nalang nilang:
"Members Church of the Father and JesusChrist International"
Kasi malinaw naman na ang lahat ng sa AMA ay kay Cristo. .Ang lahat ng Kay Cristo Sa AMA para may kunting tama naman kahit mali.
Dahilan lang kasi ng sariling pamamaraan ng Tao kay naging ganito ang kinalabasan ng kanilang Relihiyun.Itinakwil ang salita ni Cristo na magtatayo sya ng kanyang Iglesia na ito naman ay sa Dios,Anu ang kahihinatnan ng ganitong mga tao ?
“Na maghihiganti sa hindi
nagsisikilala sa Dios, at sa
kanila na hindi nagsisitalima
sa evangelio ng ating
Panginoong Jesus: Na siyang
tatanggap ng kaparusahan,
na walang hanggang
kapahamakang mula sa
harapan ng Panginoon at
mula sa kaluwalhatian ng
kaniyang kapangyarihan” (II Tes. 1:8-9).
Kapahamakan pala ang ayaw tumanggap sa mga pahayag ni Cristo.Kaya di na tayo dapat magtaka pa.Maling paraan.Maling batayan ang kanilang ginamit gaya ng nakasulat :
"Mapatutunayan kong sila'y
nagsisikap na maging
kalugod-lugod sa Diyos,
subalit mali ang kanilang
batayan. Sapagkat hindi nila
nakilala ang pagpapawalang-
sala na kaloob ng Diyos, at
NAGSISIKAP SILANG MAGTAYO NG SARILI NILANG PAMAMARAAN sa halip na sundin ang
PAMAMARAAN NG DIOS" (Roma 10:2-3,Magandang Balita Biblia).
May pamamaraan po ang Dios. .Ano yun ? narito :
Mateo 17:5
“Samantalang
nagsasalita pa siya,
narito, ang isang
maningning na alapaap ay
lumilim sa kanila: at
narito, ang isang tinig na
mula sa alapaap, na
nagsasabi, ITO ANG
SINISINTA KONG ANAK,
na siya kong
kinalulugdan; SIYA ANG
INYONG PAKINGGAN.”
Ang pakinggan po natin ang mga Salita at mga pahayag ni Cristo. Na gaya ng Anu?nang kanyang sinabi na kanyang itatayo ang Kanyang Iglesia. .Na ito ay sa Dios o AMA naman.
Ano pa ang talagang Mali ang kanilang pag angkin? Aral o Salita po ni Cristo ay ay nagbabago.Kaya kung paano at ano ang kanyang itinatag, ay Yun na yun. Di na pwede pa bago bago.Kung anung Iglesia ang Itinayo ni Cristo. Di lilipas yun, na gaya ng Sinalita nya :
Mateo 24:35
" Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas. "
Malinaw po na kung anu yung Sinalita ni Cristo. .di na yun nagbabago at di na Lilipas. Kung anu ang Iglesiang Sinimulan ay yun na dapat. E ang ADD kaya? gusto nyu malaman kung ilang beses paulit ulit si Soriano sa kanyang pagkakamali ng pangalan sa pagrehistro? narito po :
Click Here
Maraming beses na pa bago bago ang pangalan.Klarong klaro po na ito ay hindi gawain ni Cristo, Sapagkat ang Salita at Aral nya,di pa bago bago.Gaano po ito kasama ang ganitong aral o paniniwala? narito po .:
Kawikaan 24:21-22
“ Anak ko,
sa PANGINOON at sa hari ay
matakot ka, sa mga PABAGU-
BAGO ay huwag kang
makisama. Sapagkat biglang
dumarating mula sa kanila
ang kapahamakan, at ang
pagkawasak na nagmumula sa
kanila ay sinong
nakakaalam?” [ Ang Bagong
Ang Biblia ]
Talagang hindi po katanggap
tanggap ang ganitong uri ng
Aral. .malinaw na ito ay labag sa
Dios. Sapagkat Aral lamang ito na
tao.
Colosas 2:22-23
"Ang lahat ng alituntuning
ito ay masisira sa paggamit,
palibhasa'y mga utos at mga
aral lamang ng tao. Ang mga
bagay na ito'y mayroong
anyo ng karunungan sa
pagsambang ayon sa sariling
kagustuhan, sa
pagpapakababa, at sa
pagpapahirap sa katawan,
ngunit wala silang kabuluhan
laban sa kalayawan ng
laman" (Ang Bagong Biblia ).
Kaninung gawain ang ganitong
mga aral ng tao
Tito 1:14
“Na huwag
mangakinig sa mga katha
ng mga Judio, at sa mga
utos ng mga tao na
nangagsisisinsay sa
katotohanan.”
Gawain at aral lamang ng Tao o mala hudyong gawain.Hayag na hayag na po sa atin kung anu ang pagkakamali ng kanilang pagkakatatag.
Sanay may naliwanagan at nakaunawa nito. Salamat.
2 komento:
salamat malaki po ang pakinabang na makabasa po dito po sa website ninyo
bakit kayo gumamit ng lamsa translation sa gawa 20:28? di po ba natatag ang inyong samahan ay 1914 lamang, at sa taong yn doon pa lang kayo nangaral, eh ang lamsa was published just 1933.. nauna pa po kayo sa lamsa
Mag-post ng isang Komento