Ang mga manunuligsa at Ibang mangangaral , masakit sa Loob nila tanggapin na pag mabanggit na ang "Hula o Propesiya" tungkol kay kapatid na FELIX Y MANALO yung sa isaias 46:11 ay Agad ito tutuligsain ng mga Kaibayo. Sapagkat Si Ciro nga talaga daw ang tinutukoy sa talatang Ito. Narito po ang laman ng talata ating balikan:
Isaias 46:11 “ Na tumatawag ng IBONG MANGDARAGIT mula sa silanganan, ng taong
gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”
Maliwanag po ang bangit sa talata na.
1.TAONG GUMAGAWA NG AKING payo
2.MULA SA MALAYONG LUPAIN
Atin po itong Isa isahin ang mga katangian na tinutokoy sa talata.Bilang pauna,Ang aklat po ni ISAIAS ay isang napakahirap unawaing aklat na tanging gabay ng TUNAY NA SUGO lamang ang makakapagbigay liwanag:
Gawa 8:27-31 “At siya'y nagtindig at yumaon: at
narito, ang isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan, at siya'y naparoon sa Jerusalem upang sumamba; At siya'y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo, at BINABASA ANG PROPETA ISAIAS. At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito. AT TUMAKBO SI FELIPENG PATUNGO SA KANIYA, AT NAPAKINGGAN NIYANG BINABASA SI ISAIAS NA PROPETA, AT SINABI, NAUUNAWA MO BAGA ANG BINABASA MO? At sinabi niya, PAANONG MAGAGAWA KO, MALIBAN NANG MAY PUMATNUBAY SA AKING SINOMAN? AT PINAKIUSAPAN NIYA SI FELIPE NA PUMANHIK AT MAUPONG KASAMA NIYA.
Gaya ng pangyayaring iyan, pinatunayan na malibang ang ISANG TUNAY NA SUGO NG
DIYOS gaya ni Apostol Felipe ang magpaliwanag, walang makakaunawa riyang sinoman.
Ngayun balikan natin ang unang patotoo mula sa ISAIAS 46:11
1. TAONG GUMAGAWA NG PAYO
Sa Banal na kasulatan, anu pala itong tinutokoy na PAYO?atin pong basahin sa aklat ng Awit :
Awit 107:11 “Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa MGA SALITA NG DIOS, at hinamak ang PAYO NG
KATAASTAASAN:”
ito pala ay ang mga SALITA NG DIOS.. anu pa ? .
Awit 119:172 “Awitin ng aking dila ANG IYONG
SALITA; sapagka't lahat ng mga utos mo ay KATUWIRAN.”
Ang Salita ng Dios. . ay ang payo ng Dios. .at ang mga utos ng Dios na siya namang Katuwiran. kaya atin ito mapapatunayan mula sa Aklat ng Daniel :
Daniel 4:27 “Kaya't, Oh hari, tanggapin mo ang AKING
PAYO, at lansagin mo ng KATUWIRAN ang iyong mga kasalanan, at ng pagpapakita ng kaawaan sa dukha ang iyong katampalasanan; baka sakaling ikatibay ng iyong katiwasayan.”
Matitiyak po natin, na ang Ibong mandaragit, ito ay ang TAONG GUMAGAWA NG MGA PAYO,at KATWIRAN.Paano naman inihalintulad ang gumagawa ng kanyang KATWIRAN ?
1 Juan 3:7 “Mumunti kong mga anak, huwag kayong
padaya kanino man: ANG GUMAGAWA NG KATUWIRAN AY MATUWID, GAYA NIYA NA
MATUWID”:
Sabi ng BIBLIA:
“ANG GUMAGAWA NG KATUWIRAN AY MATUWID.”
Isang TAONG MATUWID ang GUMAGAWA ng KATUWIRAN, at sino ang NAKAKATULAD?
“GAYA NIYA NA MATUWID”
Nakakatulad Niya na MATUWID, sino ang tinutukoy ni Apostol Juan na MATUWID?
1 Juan 2:1 “Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag
mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, SI JESUCRISTO ANG MATUWID:”
Maliwanag kung gayon:
"NA ANG IBONG MANDARAGIT NA TAONG GAGAWA NG PAYO O KATUWIRAN NG DIYOS AY ISANG “TAONG MATUWID” GAYA NI JESUCRISTO NA MATUWID.”
Ibig sabihin may pagkakatulad din kay CRISTO ang IBONG MANDARAGIT…
Ano ba ang TUNGKULIN ng TAONG MATUWID ayon sa aklat din ni Propeta ISAIAS?
Isaias 26:7 “ANG DAAN NG GANAP ay KATUWIRAN: IKAW NA MATUWID AY NAGTUTURO NG LANDAS NG GANAP.
Ito palang matuwid na na kagaya ng Gawain ni Cristo, ay tagapagturo o mangangaral ng mga Salita ng Dios. anu ang itinuro ni Cristo na mga salita?
Juan 14:24 “Ang hindi umiibig sa akin ay hindi
tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang
inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang
nagsugo sa akin.”
SALITA NG AMA NI CRISTO ang itinutoro ng MATUWID na kagaya ng gawain ni Cristo. . na Isang mangangaral. o gumagawa ng Payo ng Dios..
______________
Ngayun. puntahan naman natin Si CIRO.
Anu ba ang gawain ni CIRO,at anu ang kanilang pinanghahawakang mga talata? na sabi pa nila,kaya daw si Ciro yan ay sa mga naunang mga talata ay binanggit ang pangalan ni Ciro. Tama kaya ang haka haka nila?
Narito po ating Liwanagin.
Isaias 44:28 “Na nagsasabi tungkol kay CIRO, Siya'y
aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: NA NAGSASABI NGA RIN TUNGKOL SA JERUSALEM, SIYA'Y MATATAYO; AT SA TEMPLO, ANG IYONG PATIBAYAN AY MALALAGAY.”
Isaias 45:1, 4 “GANITO ANG SABI NG PANGINOON SA KANIYANG PINAHIRAN NG LANGIS, KAY CIRO, NA ANG KANANG KAMAY AY AKING HINAWAKAN, UPANG MAGPASUKO NG MGA BANSA SA HARAP NIYA; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;… Dahil sa Jacob na aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako.”
Makikita sa mga talatang iyan na si Ciro, hari ng Persia ay inatasan ng Diyos sa isang
tanging gampanin na:
“SA JERUSALEM, SIYA'Y MATATAYO; AT SA TEMPLO, ANG IYONG PATIBAYAN AY MALALAGAY.”
Upang magtayo ng Templo o Bahay ng Diyos sa Jerusalem, at:
“UPANG MAGPASUKO NG MGA BANSA SA HARAP NIYA.”
Maliwanag po ang kaniyang Misyon:
MAGTATAYO NG TEMPLO SA JERUSALEM at MAGPAPASUKO NG MGA BANSA
At ito ay pinatotohanan ni Haring CIRO na ipinagutos ng Diyos sa kaniya:
2 Cronica 36:23 “GANITO ANG SABI NI CIRO NA HARI SA PERSIA: LAHAT NG KAHARIAN SA LUPA AY
IBINIGAY SA AKIN NG PANGINOON, NG DIOS NG
LANGIT; AT KANIYANG BINILINAN AKO NA
IPAGTAYO SIYA NG ISANG BAHAY SA JERUSALEM, NA NASA JUDA. Sinomang mayroon sa inyo sa buong kaniyang bayan, sumakaniya nawa ang Panginoon niyang Dios, at umahon siya.”
Maliwanag po na ang Gawain ni Ciro ay hindi isang mangangaral na gumagawa ng kanyang payo para ipangaral ang kanyang mga Salita. .
ang ikalawang patotoo mula sa Isaias 46:11
2.MULA SA MALAYONG LUPAIN
Saan ba itong malayong lupain? may binanggit ba talagang dako na ating dapat mapansin?
sipiin natin muli ang talata :
Isaias 46:11 “Na tumatawag ng ibong
mangdaragit mula sa SILANGANAN, ng taong
gumagawa ng aking payo mula sa MALAYONG LUPAIN ; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”
Malinaw po na ang taong mangangaral na mula sa Malayong lupain ay yun din ay nagmula sa Silanganan. . Saan naman magmumula ang lahi ng Tao na ito?
Sa Isa. 43:5-6, ay sinasabi ang ganito:
“ Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa SILANGANAN, at pipisanin kita mula sa kalunuran; “Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.”
Malinaw po na na mula ito sa Malayo na silanganan,pero papalusot parin ang iba,sapagkat hindi raw magkarugtong ang SILANGANAN at MALAYO. magkaibang talata daw. .
Sa BIBLIANG ingles kaya. . ang MALAYO AT SILANGAN. magkadugtong kaya?
Sa Isa. 43:5, sa salin ni James Moffatt, ay ganito
ating Sipiin :
“From the far east will I bring your offspring…”
(Mula sa Malayong Silangan ay dadalhin ko ang iyong lahi…).
Malinaw na malinaw po na talagang mula sa malayong Silangan ang tao na mangangaral na tumupad ng kanyang payo. .TotoO po kaya na ang Pilipinas ay bahagi ng MALAYONG SILANGAN?
Sa World History nina Boak, Slosson at Anderson, sa Pahina 445, ay ganito ang
sinasabi:
“The Philippines were Spain’s share of the first
colonizing movement in the Far East.”
Sa Wikang Pilipino:
“Ang Pilipinas ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa MALAYONG SILANGAN”
at kung napansin din po ninyu. ito ay sa panahun ng MGA WAKAS NG LUPA na binanggit sa taas ng talatang Isaias 43:6. Anu ang kahalalan na bingay sa kanya?
Sa Isa. 41:9, ay ganito ang sinasabi:
“Ikaw na aking hinawakan mula sa mga WAKAS NG LUPA, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita,Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.”
Pinili sya ng Dios at pinili mula sa panahon ng mga WAKAS NG LUPA.Saan ba nagmula ang gawain at saan patungo ang gawain?
narito po :
Isaias 43:5 “ Huwag kang matakot, sapagkat ako'y
kasama mo! Titipunin ko kayo mula sa DULONG SILANGAN hanggang sa KANLURAN, at ibabalik ko kayo sa inyong DATING TAHANAN .”
[Magandang Balita, Biblia ]
Ang gawain ng sugo ay hindi lamang magsisimula sa Malayo o Dulong Silangan, kundi
makakaabot hanggang sa kanluran. Sa madaling salita, ang gawain ng Sugo na magsisimula sa Pilipinas ay tatawid-dagat at makakaabot hanggang sa mga bansa na nasa Kanluran – at natupad ang hulang ito ng Diyos ng ang Iglesia ay nakarating sa Hawaii noong 1968, at pagkatapos noon ito ay unti-unting na itong lumaganap sa mga Estado ng America at maging sa bansang Canada at sa mga iba pang bansa na nasa Kanluran. At doon na nagsimula ang paglaganap sa buong daigdig ng Iglesia na nagmula sa Pilipinas.
Sinabi rin ng Diyos na kaniyang ibabalik ang gawain ng sugo sa kaniyang DATING TAHANAN, na ang tinutukoy ay ang JERUSALEM.
Psalms 132:13,.14 " Lord. you have chosen Jerusalem as your home: 'This is my permanent home where I shall live' , you said, 'for I have always wanted it this way.¨ (The Living Bible)
Ang dating tahanan ay ang Jerusalem, doon din naitatag ni Cristo noong Unang Siglo ang Unang Iglesia ni Cristo na naitalikod ng mga bulaang propeta. Ngunit hindi pumayag ang Diyos na manatiling walang Tunay na Iglesia kaya siya nagsugo upang muling maitayo ang Iglesia ni Cristo . At natupad din ang hulang ito dahil muling nakabalik ang Iglesia ni Cristo sa Jerusalem noong Marso 31, 1996 na nakapagtatag ng local o Kongregasyon doon sa pamamagitan ng pangangasiwa ni Kapatid na Erano G. Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia na siyang nagpatuloy ng gawaing ito ng Sugo nang ang Ka Felix ay pumanaw noong 1968.
Kaya imposibleng maging si Ciro ang nasa hula. .naway malinaw ito para sa lahat.
salamat po.
2 komento:
Maraming salamat po kapatid. Pa copy po :)
Mandirigma si Haring Ciro
Ansabe ay
Isasagawa ang aking payo hindi ipapangaral ang aking payo
Naisagawa naman ni Haring Ciro sa Isaias 44:28
Nagtayu sya ng templo kaya nailapit muli ang tao
Gusto kase ng diyos mailapit muli ang tao kaya isinagawa ni Haring Ciro ang pagtatayo ng Templo sa Jerusalem
Mag-post ng isang Komento