Halatang nanggagalaiti ang mga tao na nag aantay lamang ng maibabato upang masiraan ang imahe ng INC. Kamakailan lamang ay kumalat ang balita ukol sa Puting Van na ginamit sa tangkang Pagdukot sa mga Estudyante. Nakita lang nila ang logo ng Iglesia e agad ng sumagi sa isipan ang pag atake sa Iglesia Ni Cristo, na para bagang BUONG IGLESIA na ang pinatutungkulan. Sa madaling salita, " BANTAY SALAKAY"...^__^
Ang bilis ng numero unong Website na Splendor of the Church sa PAGPOST na pangangatake sa INC :
www.splendorofthechurch.com.ph/2014/12/04/van-na-gamit-ng-mga-kidnappers-may-sticker-ng-iglesia-ni-manalo/
Sa paglalagay palang ng TITLE ng Post ay Maling Pagbanggit na. Kahit batang hindi pa nakapag Aral alam na ang relihiyon na katawagan ay " IGLESIA NI CRISTO" at hindi Iglesia ni Manalo. Parang napaghahalataan na tuloy na " FALSE REPORT" ang ibinabalita. Kalat nila agad na INC member raw ang may gawa nun, kaya masasabi mo ba na KATOTOHANAN ang kanilang agad-agad na akusasyun o baka magiging SINUNGALING ang kalalabasan nito o PAGKAKALAT NG MALING BALITA o IMPORMASYON? Ano ang tawag o babala ng Biblia ukol sa pagkakalat ng Ganito? Ganito ang sabi ng Biblia :
Exodo 23:1 MBB05
“Huwag kayong gagawa ng anumang PAHAYAG NA WALANG KATUTUHANAN. HUWAG KAYONG MAGSISINUNGALING para lamang tulungan ang isang taong may kasalanan. "
Upang magkumbinsi ng mga tao, ay hindi pala paraan ang ganitong uri na ginagawa ng mga TAGAPAGTANGGOL nila. May babala na pala mula pa noong una. Kaya, ano ang dapat gawin lalo na sa mga kaanib ng Relihiyong iyan? Kasunod na talata :
Exodo 23:2, 7
" Huwag kayong makikiisa sa karamihan, sa paggawa ng masama o sa paghadlang sa katarungan. Huwag kayong magbibintang nang walang katotohanan.... "[ibid]
Kaya, mga mahal naming kaibigan. Huwag po tayong makiayon sa ugali at pamamaraan ng mga ganoong tao. Sapagkat ang totoong Mangangaral ay hindi ganyan ang ugali na ipinapakita sa lahat. Ano dapat?
Eccles. 12:9 At bukod dito, sapagka't ang Mangangaral ay pantas, ay nagpatuloy siya ng pagtuturo ng kaalaman sa bayan; oo, siya'y nagaral, at sumiyasat, at umayos ng maraming kawikaan.
Eccles. 12:10 Humanap ang Mangangaral ng mga nakalulugod na salita, at ng nasusulat na matuwid, na mga salita ng katotohanan.
Eccles. 12:11 Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti, ang mga salita ng mga pangulo ng mga kapulungan, na nabigay mula sa isang pastor.
Napakalinaw hindi po ba.. Ano dapat ang Gawin?
Kawikaan 20:3 Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway.
Mag-ingat raw tayo sa mga ganitong pakikipagkaalit. Kaya ang Iglesia ni Cristo ay hindi sa ganoong mga pamamaraan ang pag abot ng mga mabubuting aral kundi sa mabuting pakikitungo at pagkaawa sa mga tao na ninanais na maligtas. Ganito ang mga iniutos sa loob ng Iglesia ni Cristo :
Judas 1:23 MBB
" Agawin ninyo ang mga hahatulan sa apoy ng paghuhukom. Ang iba nama'y KAAWAAN ninyo nang MAY HALONG PAG-IINGAT; kasuklaman ninyo kahit ang mga damit nilang nadumihan dahil sa kahalayan. "
Ang sabi. KAAWAAN NA MAY PAG IINGAT, sila na mga nakalaan sa Apoy at hahatulan sa Paghuhukom. Ganito ang antas at uri ng Iglesia tunay na sa Dios at kay Cristo..Kaya ang Biblia ay nagbigay ng Option sa Tao, lalo na po sa mga kabilang pa sa pangkat na yaon. Ganito ang pagpipilian :
Ezekiel 33:18-19
" Pagka iniwan ng matuwid ang kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, kaniyang ikamamatay yaon.
" At kung hiwalayan ng masama ang kaniyang kasamaan, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ikabubuhay yaon. "
Kung iiwan ang katuwiran, ay ikakamatay, kung hiwalayan naman nila ang gayong pamamaraan ay ikabubuhay nila iyon. Yun ang isaalang-alang ng maraming tao. Ang KAMATAYAN po na tinutukoy ay ang Kamatayan sa Dagatdagatang Apoy na doon nakalaan ang mga masama at bulaang mangangaral [ Apoc.21:8; 19:20; 20:10,14-15]…
Balikan natin ang ukol sa VAN na ginamit sa umanoy tangkang pagtangay sa mga Estudyante.
May mga dapat po tayong mapansin, Ayon po sa abs-cbn, buluntaryo na isinuko ng Anak ng may ang Van, at ang sabi ng may ari ay nirintahan daw ito ng Kilalang kaibigan, at sinabing WALANG KINALAMAN SA KREMING NAGANAP. May kaunting pagkakaiba sa kanilang kinunan ng Balita.
maaaring bisitahin at panoorin :
http://rp1.abs-cbnnews.com/video/nation/metro-manila/12/04/14/tangkang-pagdukot-sa-5-estudyante-itinanggi-ng-may-ari-ng-van
Sa loob po ng Iglesia, may PAGTITIWALAG na ipinapatupad, kaya, kung ipagpalagay mang ISANG KAANIB ang sangkot sa gayong kremin ay aasahan nang PANANAGUTIN siya ng Batas ng TAO, sa karampatang parusa sa Kaniya, at higit sa lahat sa Batas ng Diyos na ITITIWALAG iyan. Ganito ang sabi ng Biblia :
1 Cor.5:13
" Hindi ba't ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, “Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao.” [ MBB]
Kaya, malinaw na may BATAS SA LOOB NG TUNAY NA IGLESIA na pagtitiwalag. Ang TANONG? Ipinapatupad ba sa kanila iyan? Ang sagot, HINDI! . Bago din naman ipapataw ang gayong parusa ay tinitiyak din naman kung ano ang katotohanan kung tiyak na ang Isang kaanib ay tunay na lumabag sa mga ARAL at Doktrina na ipinapatupad ng Diyos. Kaya ang paggawa agad ng KUNKLUSYON na wala pang kasiguraduhan ay parang suntok sa hangin sabi pa ni Apostol Pablo [1 cor.9:26].
Kaya, sa mga mahal naming mga kaibigan. Kayo napo ang humusga. Ang tunay na Pagmamalasakit ay ang pagakay sa mga tao sa mabubuting layunin na naayun sa Katotohanan, at hindi ang paraang ihiwalay ang tao sa tamang landas hatakin sa uri ng pamamaraan upang kayo'y dalhin sa kanilang paraan na isang layon ng masamang pita. Kaya ganito ang HULA ng BIBLIA sa mga ganitong mga araw na darating :
2 Timoteo 4:3-4
" Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita;
At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha."
Sana'y may pasya na Kayo... .
Kamakailan lamang ay matagumpay na naidaos ng buong Iglesia ni Cristo ang NAPAKABIYAYANG PAGTITIPON na Pinangangasiwaan ng mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo sa ika-anim ng umaga(phil.time) mula sa Templo Central ng Iglesia Ni Cristo. At ito ang napabalitang unang pagkakataon na PAGKAKATIPON NG MAYTUNGKULIN na pang buong mundo kahit sa iba't ibang timezone sa ibang bansa.
Sa kabila ng kanilang nagsisiksikan at sunod-sunod na gawain, ay lubos parin ang kanilang pagmamalasakit sa kabuuan ng Iglesia, upang lalo pang mapatibay ang PANANAMPALATAYA ng BAWAT ISA, higit naman ang pagdadala ng mga tungkulin upang mas mapangalagaan ang buong kawan na ditoy hinirang ang bawat isa. Sadyang napakabuti ng Diyos sapagkat Siya'y nagkaloob ng mga Pamamahala na walang sawang nagmalasakit sa Kaniyang Kawan. Ang maging tunay at karapatdapat na lingkod sa harap ng Diyos ay ang pinakamahalagang bahagi sa buhay ng tao, sapagkat dito nakasalig ang kanilang kaligtasan.
Ang Pagkakaroon ng tungkulin ay napakahalaga, gaya ng itinuro ng Kapatid na Eduardo Manalo na itoy isang Biyayang kaloob ng Diyos, sa dahilan rin upang maipagmalasakit ang mga pangangalaga ng mga tupa, sa mga dinodoktrinahan, at mga sinusubok na tatawagin na sa Kawan. Sariwain natin ang iilang talata na na itinuro sa atin. Gaano kahalaga ang tungkulin ayon sa turo ng mga Apostol? At paano ito ituring at sundin?
" Bawat isa sa inyo ay BINIYAYAAN NG ISA SA MARAMING KAMANGHA-MANGHANG MGA KALOOB NG DIYOS na magamit sa mga paglilingkod sa iba kaya GAMITIN NINYONG MABUTI ang inyong kaloob.
" Kung taglay ninyo ang kaloob sa pagsasalita ipangaral ninyo ang mga salita ng Diyos, Kung taglay ninyo ang kaloob sa PAGTULONG sa mga iba, gawin ninyo ito na taglay ang lakas na ibinibigay ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay dapat gawin sa paraan na NAGDUDULOT NG KARANGALAN sa Diyos. " 1 Pedro 4:10-11
Ayun sa ating natunghayan, ITO AY ISANG KALOOB ng Diyos na ating tinanggap sa Kaniya. Ang pagkakaroon ng tungkulin ay hindi sa pansariling kapurihan o pagkakakilanlan lamang sa ating sarili, kundi ito'y natanggap sa KAPURIHAN NG DIYOS upang magamit rin sa pangangalaga ng Kaniyang tupa.
" Ginawa Niya ito upang ihanda ang lahat sa bayan ng Diyos para sa gawain ng paglilingkod upang patatagin ang katawan ni Cristo " Efeso 4:12
Bilang may tungkulin ay nararapat na ang lahat ng kaniyang kinasasakupan o pinangangalagaan ay maging matibay, sa ikatitibay rin ng katawan ni Cristo o ng Iglesia. Sapagkat tunay na ang Diablo ay masipag rin sa paghatak ng kaniyang madadaya upang maisama sa kapahamakan. Kaya, marapat na pagtalagahan ang TUNGKULING kaloob. Kaya ano ang marapat na gawin?
" Hinihikayat ko kayo kung gayon ako na isang bilanggo sapagkat ako ay naglilingkod sa Panginoon Mabuhay kayo na nakatutugon sa PAMANTAYAN NA ITINAKDA NG DIYOS ng tawagin Niya Kayo , maging laging mababang loob, mahinahon at matiyaga, ipakita ninyo ang inyong pagibig sa pamamagitan ng mapagparaya sa iba, gawin ninyo ang pinakamabuting magagawa ninyo upang maingatan ang pagkakaisa na ibinibigay ng Espiritu sa pamamagitan kapayapaan. " Efeso 4:1-3
Ang sabi po, TAYO AY SUMUNOD ayon sa pamantayan o PANUKALA ng Diyos, hindi sa pansariling pamamaraan. Maging MAHINAHON, MATIYAGA at MAY PAGIBIG sa ikapagkakaisa na bigay ng Dios.Kaya, ang Pagkakaroon ng Tungkulin ay NAPAKAHALAGA sapagkat tayo ang naging katuwang ng PAMAMAHALA sa ikatitibay ng Iglesia.
Makabuluhan ang pagpapagal na naipunla ng maraming maytungkulin sa Iglesia, ang iba ay may taglay pang karamdaman at mahihina na ang katawan, subalit, dahil sa pananampalataya ay HINDI NAGSASAWA na bigyang lugod ang Diyos sa mga pagtupad ng naipangakong gampanin. Kung kayo'y saksi sa naisagawang pagkakatipon, ramdam nyu rin ang kagalakan at tuwa ng maraming kapatid, na sa Pagkakatipong iyon ay NATAMO ANG KAPAYAPAAN sa kabila ng mga kinakaharap na mga pagsubok sa buhay bunga nga kahirapan at suliranin na iba't ibang uri, subalit ang pinaghuhugutan ng lakas ay ang kapalit na KAPAHINGAHAN NG BAWAT Kaluwa sa araw ng muling pagparitu ng Panginoong Jesuscristo. Saludo po kami, ang pamamahala at higit sa lahat ang Diyos sa mga Maytungkulin na lubos na nakapagtalaga sa kanilang gampanin. Sila ang tinatawag na " BAYANI NG PANANAMPALATAYA".
Laging sariwa sa isipan ng maraming kapatid ang Mensahe ng Mahal na Pamamahala, at nabigyan ng karagdagang LAKAS AT TIBAY. Nakakataba ng puso ang makita ang marami sa positibong pananaw.
Sana'y patuloy na magpakatatag ang bawat isa hanggang sa araw ng kaligtasan...
Marami na tayong naririnig na iba't ibang pangyayari na naging tatak na sa isip ng marami sapagkat nagdulot ng pagkitil ng maraming buhay. NAAALALA paba ninyo ang ukol sa bagyong "YOLANDA"?
" Niragasa ni super typhoon Yolanda ang Kabisayaan hanggang Kabikulan at ito na ang sinasabing pinakamalakas na bagyo na tumama sa kalupaan sa buong mundo ngayong 2013 at maituturing ding isa sa pinakamalakas sa kasaysayan.
Biyernes, Nobyembre 8 nang tumama sa kalupaan ng bansa si Yolanda at anim na beses pang nag- landfall bago tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Sabado ng hapon. Umabot ng 235 kilometer per hour ang taglay nitong lakas ng hangin at pagbugsong nasa 275 kilometer per hour na pagbugso, ayon sa PAGASA.
Sa loob ng isang taon, may average na 20 bagyo ang tumatama sa Pilipinas na nabubuo sa Pacific Ocean malapit sa equator. Ayon sa National Geographic, hindi pangkaraniwan ang taglay na lakas ni Yolanda lalo't nabuo ito sa labas ng typhoon season.
Isinisisi ito ng karamihan sa mga eksperto sa climate change.
Narito ang 10 pinakamapaminsalang bagyo sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon:
● Typhoon Uring (international name Thelma)
-Nobyembre 15, 1991 nang ragasain ni Uring ang Ormoc, Leyte kung saan 5,100 ang mga nasawi.
● Typhoon Pablo (international name Bopha)
-Disyembre 3, 2012 nang tumama sa hilagang bahagi ng Mindanao ang bagyo. Mahigit 1,900 ang mga nasawi na karamihan ay nagmula sa Compostela Valley at Davao Oriental.
● Typhoon Nitang (international name Ike)
-Tumama sa Pilipinas noong Agosto 31, 1984 kung saan 1,363 ang mga nasawi. Typhoon Sendong (international name Washi)
-Disyembre 16, 2011 nang hagupitin ng bagyo ang hilagang bahagi ng Mindanao kung saan hindi bababa sa 1, 080 ang mga nasawi.
● Typhoon Trix
-Oktubre 16, 1952 nang maminsala ito sa Bicol region kung saan 995 ang mga nasawi.
● Typhoon Amy
-Disyembre 9, 1951 nang manalasa sa gitnang rehiyon ng bansa ang bago kung saan 991 ang mga nasawi. Malaking bahagi ng Negros ang nawasak dahil sa bagyo.
● Typhoon Nina
-Nobyembre 25, 1987 nang bayuhin ng bagyo ang Bicol region dahilan para rumagasa ang mga putik at lahar mula sa Bulkang Mayon. Tinatayang 979 ang nasawi sa bagyo.
● Typhoon Frank (international name Fengshen)
-Hunyo 20, 2008 nang tumama ito sa Pilipinas kung saan 938 ang mga nasawi
Typhoon Angela
-Isang category 5 typhoon na tumama sa
Pilipinas noong Nobyembre 2, 1995 na ikinasawi ng 936.
● Typhoon Agnes
-Nobyembre 5, 1984 nang masalanta ang gitnang rehiyon ng bansa kung saan 895 ang mga nasawi.
Source :
http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/10_pinakamapaminsalang_bagyo_na_tumama_sa_Pilipinas.html
Iilan lamang ang mga ito sa mga pangyayaring nakaukit na sa gunita ng marami sa dahilang lubhang napakarami ng NAPINSALA. Sino ang makalilimot sa larawan ng mga taong nasawi at binawian ng buhay, maging ng mga ari-ariang nasalanta dahil sa malakas at malagim na mga pangyayaring ito?
Kung nalaman lamang ng mga taong binawian ng buhay na sa oras, araw, at lugar na yaon ay magwawakas ang kanilang buhay, di sana'y umiwas sila upang hindi mapahamak kundi maingatan ang kanilang buhay. Hindi sana sila pumayag na naroon sila sa ganoong lugar nang oras na yaon. KUNG ALAM LANG NG TAO ...
WALANG TAO NA PINAPANGINOON NG KAMATAYAN
Likas sa tao na ingatan at ipagsanggalang ang kaniyang buhay, gawin ang lahat ng makakabuti rito, at hanapin ang mga bagay na makakatulong upang ito ay mapanatili. Ang totoo, maraming malalagim na pangyayari sa mundo ang naiwasan sana ng tao kung nalaman lamang niya ang mangyayari sa kinabukasan o sa hinaharap. Subalit gaya ng ipinahayag sa Banal na Kasulatan, hindi ito alam ng tao:
Santiago 4:14
" Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi. "
Napakarupok ng buhay ng tao. Anuman ang kaniyang kalagayan sa buhay ay hindi siya sisinuhin ng kamatayan; mamamatay siya pagdating ng kaniyang takdang oras. Tiniyak ni Apostol Pablo na oras-oras at araw-araw ay nanganganib sa kamatayan ang tao :
1 Corinto 15:30
" Bakit baga naman tayo'y nanganganib bawa't oras?
1 Corinto 15:31
" Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo, mga kapatid, na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako. "
Sapagkat ang kamatayan ay itinakda ng Diyos, hindi ito maiiwasan ng tao. Ganito ang sabi ng Biblia :
Hebreo 9:27
" At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom "
Inilarawan din ng Biblia ang abang kalagayan ng tao sa harap ng kamatayan nang ganito:
Ecles. 8:8
" Walang tao na may kapangyarihan sa diwa upang pumigil ng diwa; ni walang kapangyarihan siya sa kaarawan ng kamatayan......."
Roma 7:24
" Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? "
ANG LALONG MALAKING KAPAHAMAKAN
Tangi sa kamatayan, hindi rin alam ng tao ang araw at oras ng ikalawang pagparito ni Cristo o ng Araw ng Paghuhukom:
Mateo 24:36, 44
" Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.
Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip. "
Nagbigay ng palatandaan ang ating Panginoong Jesucristo upang ating malaman kapag ang Araw ng Paghuhukom ay malapit nang mangyari o "nasa mga pintuan nga ". At sapagkat ang mga palatandaang Kaniyang ibinigay ay natupad na,katulad ng mga digmaang aalingawngaw o mababalita, na susundanng digmaan ng bansa laban sa bansa, na ang kinatuparan ay ang dalawang digmaang pandaigdig na naganap noong nakaraang siglo, at ang iba pa (ang kagutom, lindol, at kahirapan) ay patuloy pang natutupad [Mat.24:3, 33, 6-9], natitiyak nating ang wakas ay totoong malapit na.
Ayon din sa Biblia, sa Araw ng Paghuhukom, "Bawat isa ay haharap sa hukuman ni Cristo" (2Cor.5:10, MBB) at magbibigay sulit sa Diyos (Roma 14:12). Ang masasama ay pahihirapan sa " dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre," at " sila'y walang kapahingahan araw at gabi " (Apoc.21:8; 14:10-11; 2Ped.3:10,7). Ganito naman ang pahayag ni Propeta Zefanias ukol sa katapusan ng mundo:
Zefanias 1:18
" Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain. "
Palibhasa'y hindi alam ng tao ang tiyak na araw at oras ng Paghuhukom, hindi ba makatuwiran lamang na ito ay kaniyang paghahandaan? Hindi ba marapat lamang na paunlarin niya ang kaniyang buhay espirutuwal at huwag gugulin ang kaniyang buhay sa mga bagay na walang kabuluhan, ni ubusin ang kaniyang panahon, salapi, at lakas sa mga materyal na bagay lamang? Hindi ba matuwid lamang na gugulin niya ang nalalabing panahon upang tiyakin na siya ay makakasama sa pagtahan sa Bayang Banal o makabilang sa mga maliligtas at magmamana ng buhay na walang hanggan?
ANG WASTONG PAG-IINGAT NG BUHAY
Gaanon man ang paghahangad ng tao sa ganang sarili lamang niya na mapabuti at maingatan ang kaniyang buhay, nakikita natin na siya ay nabibigo sapagkat hindi niya hawak ang kaniyang buhay at hindi niya tiyak ang sasapitin:
Jer. 10:23, MB
" Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay; at walang makakatiyak ng kanyang sasapitin. "
Wala ring sapat nakaalaman at kakayahan ang tao upang maiseguro ang kaligtasan ng kaniyang buhay. Napakaikli at may hangganan ang kaniyang natatanaw, na maaaring sa kaniyang panukat ay tama ngunit magbubunga pala ng kaniyang kasawian at kapahamakan [Kaw. 14:12, MB]. At kahit na sa bawat sandali ay mabalisa ang tao sa pag-iisip tungkol sa mga pangangailangan niya sa buhay na ito ay hindi niya madaragdagan ang haba ng kaniyang buhay. Ganito ang tanong ng Panginoong Jesucristo:
Lucas 12:25
" At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay? "
Paano matututuhan ng tao ang wasto at karapatdapat na pag-iingat ng kaniyang buhay? Napakahalaga na kilalanin ng tao ang Diyos sa lahat ng kaniyang lakad sapagkat ang Diyos ang Siyang nagtuturo ng landas na dapat lakaran ng tao. Isinasaad ito sa Kawikaan 3:6 at 5 :
" Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. "
" Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan "
Ano pa ang kahalagahan ng pagkilala ng tao sa Diyos? Siya ang tanging nakakaalam ng mabuti para sa ating buhay:
Jer. 29:10-11, MB
" Ito pa ang sabi ni Yahweh: ... 'Ako lamang ang nakakaalam ng mga panukalang inihanda ko para sa ikakabuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap. "
Ang tunay na kumilala sa Diyos sa pamamagitan ng pagtalima sa Kaniyang mga utos [Juan 2:3, MB] ang siyang tunay na nag-iingat ng kaniyang buhay. Marapat lamang, kung gayon, na sangguniin ng tao ang Diyos sa kaniyang mga mithiin o plano sa buhay, at patuloy na sumunod sa Kaniyang mga utos upang mapanuto ang kaniyang buhay.
Napakalaki ng kinalaman ng relihiyon sa pag-iingat ng buhay ng tao. Ano ang utos o kalooban ng Diyos tungkol dito?
Jer. 6:16, MB
" Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan: 'Tumayo kayo sa panukalang-daan at magmasid; hanapin ninyo ang dating landas, alamin kung nasaan ang pinakamabuting daan. Doon kayo lumakad, at magtatamo kayo ng kapayapaan'. Subalit ang sabi nila, ' Ayaw naming dumaan doon'. "
Utos ng Diyos nahanapin ang pinakamabuting daan at pagkatapos ay lakaran niya ito. Hindi Niya sinabi na sapat nang hanapin at sampalatayanan ang mabuting daan...KAILANGAN AY LUMAKAD DOON. Ang daang tinutukoy ay na dapat lakaran na tao ay ang Panginoong Jesuscristo. Ayon sa ating Tagapagligtas,:
" Ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa" Juan 10:7, MB
Ang pagdaan kay Cristo ay ang pagpasok sa Kaniya sa paraang pumaloob sa KAWAN o sa Iglesia Ni Cristo :
" Ako ang Pintuan; sinumang pumasok sabloob ng KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas " [Juan 10:9, Revised Standard Version]
Ang KAWANG binanggit ay ang Iglesia Ni Cristo:
" Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo. [Gawa 20:28, Lamsa Translation]
Kaya, kapag ang tao ay pumaloob sa Iglesia Ni Cristo at pinapangyari ang gusto o kalooban ng Diyos, nagawa niya ang tunay na pag-iingat ng kaniyang buhay. Sa katunayan, tiniyak ng ating Panginoong Jesuscristo na hindi makapananaig ang kamatayan sa Iglesiang itinayo Niya. Ganito ang Kaniyang pahayag :
" At sinabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at HINDI MAKAPANANAIG SA KANYA KAHIT ANG KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN. " [Mat.16:18, MB]
Ang kamatayan, na kaibayo ng buhay at hindi nalalaman ng tao kung kailan darating, ay hindi makapanaig sa kaniya kung siya'y kaanib sa Iglesiang itinayo ni Cristo. Aagawin siya ng Diyos sa kamay ng kamatayan. Ganito ang isinasaad ng Biblia :
Awit 49:10,12,15, MB
" Ang lahat ay mamamatay ... Dumakila man ang tao, di niya maiiwasan, Tulad din ng mga hayop, tiyak siyang mamamatay ... Ngunit ako'y ililigtas, hindi ako babayaan, Aagawin ako ng Diyos sa kamay ng kamatayan. "
Katulad ng Panginoong Jesucristo, ang mga taong Kaniya o nasa labas labas Niya na malalagutan ng hininga ay bubuhaying mag-uli. Sila ang maliligtas. At dahil sa mapagtatagumpayan nila ang kamatayan, sila ang tunay na nakapag-ingat ng kanilang buhay.
ANG WASTONG PAGHAHANDA
Ang Panginoong Jesucristo mismo ang nagpaalaala na dapat paghandaan ang pagparitu Niya sa Araw ng Paghuhukom:
Mateo 24:44
" Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip. "
Kaya, kung iniingatan man ng tao ang kaniyang kasalukuyang buhay o ginagawa niya ang lahat upang huwag itong mapahamak, lalong dapat niyang paghandaan ang ARAW NG PAGHUHUKOM sapagkat ang nakasalalay rito ay ang kaligtasan ng kaniyang kaluluwa.
Itinuro ni Apostol Pedro kung paano magagawa ng tao ang wastong paghahanda sa Araw ng Paghuhukom:
2 Pedro 3:14
" Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya. "
Samakatuwid, anumang oras at araw dumating ang Araw ng Paghuhukom, ang tao ay dapat na nasa kapayapaan. Ipinaliwanag ni Apostol Pablo ang kahulugan nito:
Colosas 3:15
" At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat. "
Ayon kay Apostol Pablo, ang katawan ang kinaroroonan ng kapayapaan, at ang katawan na tinutukoy ay ang IGLESIA NI CRISTO (Col.1:18; Roma 16:16). Kaya, ang wastong paghahanda sa pagdating sa Araw ng Paghuhukom ay ang maratnan ang tao ng araw na iyon sa loob ng tunay na Iglesia na tumupad sa mga utos ng Diyos nang walang dungis at walang kapintasan.
Dakilang biyaya ang dulot ng pag-anib sa Iglesia ni Cristo sapagkat sa pamamagitan nito ay mapagtatagumpayan ng tao ang kamatayan at maliligtas siya sa kaparusahan sa Araw ng Paghuhukom.
Gaano ba kahalaga sa isang tunay na hinirang ang kaniyang pananampalataya sa Diyos? Ang Diyos ay tumatawag sa ilan sa pamamagitan ng iba't ibang paran at baka isa tayo minsan na ginawang kasangkapan. Atin pong tunghayan ang TRUE STORY OF FAITH ng Isang Kapatid na namumuhay sa ngayon sa labas ng Bansa na tawagin nalang raw sa pangalang "SON" sa ating pamagat na:
"BUHAY ABROAD"
Ako po ay isang handog masiglang kaanib sa aming lokal CAMARINES SOUTHWEST, Dahil sa pangangailan ay nagpasya na lumabas ng bansa, dahil sa kasamaang palad po ay iba ang lugar o project na nadestinohan ko. Seguro'y may plano ang Diyos kung bakit niya ako dinala dito.
Nadestino ako sa isang malayong pook sa isang bahagi ng desyerto at tanging kampo (accommodation) lang namin ang nandoon. Malayo sa bayan, aabot ng 100 kilometro patungo sa kinalalagyan na gitna ng desyerto. Ang nasaisip ko agad kung sa papaanong paraan na ako makakasamba at baka hindi na ako magkaroon ng pagkakataon dahil sa sitwasyon kong ito. Lumuluha ang aking mata habang dumulog sa Diyos sa pananalangin, na Siya'y gumawa ng paraan upang ako'y hindi mahadlangan.
lumipas ang 3 linggo may isang katrabaho ako na naaksidente at napilayan, kaya ako'y lumapit at binigyan siya ng 1st aid. Nagkakwentuhan kami at napagtanong kung taga saan at, nabanggit ko sa kaniya na sa manila ako nakatira sa CULIAT Q.C. at agad niyang tinanong kung malapit ba kayo sa iglesia ni cristo templo. Sabi ko naman oo dun lang kami sa likod nuon nakatira, sabi nya Iglesia kaba?... sabi ko OO , kaanib din po ako.
Sa pagkakataong iyon, napagtanto ko agad na siya'y isang kapatid rin at dala nya ang transfer nya na umabot ng 9 months na, at hindi pa nya naipapatala, sabi ko bakit di mo pinatala? Sagot niya'y di nya mahanap ang dako kung saan may Samabahan. Sabi pa niya, mayroon pang isang kapatid dito electrician, ipapakilala ko sayo mamayang gabi. Di naglao't nagkakila-kilala kaming tatlo. Yung isang kapatid ay nababa sa karapatan dahil nakapagasawa ng sanlibutan, sabi ko gawa tayo ng marapat na paraan upang sama-samang makadalo. Tumawag kami sa pinsan ko na kapatid na nandito din sa saudi. Nakipag-ugnayan kami para mahanap ang dako. Unang pagsamba namin sinundo kami ng mga scan sa bayan at hinatid sa dako, nakasamba kami. Hindi namin mapigilang pumatak ang mga luha bunga ng tuwa at kaligayahan, halos simula nuon tuwing araw ng samba ay pumapara kami ng mga truck na papunta sa bayan para lamang makisabay, at pag nsaa bayan na ay magtataxi papunta sa dako. Sobrang galak at saya ang aming nadarama tuwing makapasok na sa loob ng sambahan. Masaya kaming tatlo at higit sa lahat nagbabalikloob narin yung ksama. Pag-uuwi kami'y nagtataxi papunta sa gasolinahan upang doo'y mag-abang ng truck na dadaan sa tirahan namin, ganun ang ginagawa naming lagi para lamang makadalo, kailangang mamuhunan ng pagtitiis..
Kami ay umaalis sa kampo ng 5pm at nakakauwi kami ng 2am na, dahil sa layo at hirap ng sasakyan. Dahil sa awa ng Diyos, Siya ay nagbigay na paraan upang kami ay mas makatugon pa, may isang engineer na may sasakyan at nasa dulo pa ng kampo namin ang pinagtatrabahuan. Nakilala namin at simula nuon tuwing dadalo siya ay dinadaanan nya na kami kaya di na kami pumapara pa ng truck.
Simula noon, sobrang saya ng aming nararamdaman na ramdam ang patnubay at awa ng Maykapal. Kami'y magkakasama na dumadalo, lumipas ang mga araw at natapos na ang kontrata ng mga kapatid ko at nag EXIT na sila at bumalik na sa Bansa. Yung isang kapatid ay tumanggap agad ng tungkuling pagka diakono sa NUEVA VISCAYA nababalitaan kong masiglang tumutupad. Dati natagpuan ko siya na nasa kalayawan at gawang sanlibutan dahil 9 na buwang hindi nakakasamba at kasama ay sanlibutan ganun din yung isa tiwalag at nakapagbalikloob dito bago paman umuwi ng pilipinas. Tinuruan ko rin silang maglagak at maghandog para sa pasalamat at lingap at tanging handugan bago paman sila nakabalik. Nabago ang mga buhay ng kapatid na dati'y gipit na gipt sa pamilya at kulang ang sweldo pero nang matuto silang sumunod sa mga tungkuling paghahandog at pagsamba ay nabago lahat ang takbo at uri ng pamumuhay na may kasamang pagpapala sapagkat nababalitaan kong payapa ang pamamuhay kahit kaunti ang sweldo ay nagkakasya. Iniwan nila akong masaya dahil napasigla ko sila, natupad ko ang misyon ko kung bakit ako napadpad sa isang desyerto at tigang na lugar malayo sa paglilingkod subalit yun ay isang tungkulin na tulungan ang mga kapatid duon na malapit ng mahulog sa bangin ng kapahamakan. Salamat sa Diyos at kinasangkapan nya ako upang may makapag-balikloob sa Kaniya.
Naranasan namin nuon ang matinding pag-uusigi ng sanlibutan dahil nakikita nila kaming tatlo na tuwing byernes ay lumuluwas at pag gabi naman ay nagpapanata kami sa isang lugar na walang tao. Kami ay inuusig pero nagtagumpay parin kami. Gumwa sila ng mga tsismis sa aming tatlo dahil palagi kami magkakasama at pag gabi ay nakikita kaming tatlo na pumupunta sa isang lugar at duon ay nagpapanata, at sa pag-aakala nilang may ginagawa kaming masama, ngunit kami'y hindi nagpahadlang at sa awa at gabay ng Diyos ay naipagpatuloy namin ang aming mga paglilingkod. Mayroon din kaming mga naisasamang makinig sa pamamahayag.
Ako ay kasalukuyang nasa labas parin ng bansa hanggan sa matapos ko itong aking kontrata habang patuloy na nagpupuri at naglilingkod sa Diyos. Gabayan sana tayong lahat lagi ng Diyos na buhay..
My Comment:
Sa ating natunghayan, malaki ang magagawa ng taimtim na pagtitiwala sa ating Diyos sapagkat totoong nakasulat na, ang lahat ng may tiwala ay hindi mabubuwal, gaya ng nakasulat :
Nahum 1:7 NPV
“Ang PANGINOON ay mabuti, isang kanlungan sa panahon ng kaguluhan. Ipinagmamalasakit niya ang mga nagtitiwala sa kanya.”
Ano ang pangako sa mga nagtitiwala?
Isaias 30:18 MB
“Ngunit ang Diyos ay naghihintay Upang tulungan kayo at kahabagan; Diyos na makatarungan itong si Yahweh, Mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.”
Awit 32:10 NPV
“Maraming kapighatian ang masasama, ngunit ang di nagmamaliw na pag-ibig ng PANGINOON ang nasa paligid ng taon gnagtitiwala sa kanya.”
Totoong hindi madali ang buhay sa labas ng bansa. Hindi porke naririnig nating " NASA ABROAD" ay mayaman na agad at masarap ang buhay. Ang Diyos ang higit na kayamanang walang kupas kung siyay nasa atin. Napakalaki ang kaugnayan at magagawa ng PANANALANGIN AT PAGTIWALA sa Diyos. Sa lahat po ng mga kapatid na naghahanapbuhay, o nasa labas man ng bansa, tandaan po na kahit saan man tayo mapadpad, HUWAG NATIN BITAWAN ANG ATING KAHALALAN at ito'y lagi nating dala-dala hanggang sa hantungan ng ating buhay. Pahirap na ang mundo at itoy mas lalong hihirap pa, subalit ang ating TANGING hangad nalang na natitirang pag-asa ay ang buhay na walang hanggan. Oo malayo man sa pamilya at mga anak kung may pamilya, subalit bawat PATAK NG LUHA sa ating pagsisikap at kayod araw-araw ay hindi masasayang at hindi magiging walang kabuluhan sapagkat ang pangako ng Diyos, TITIPONIN NIYA TAYO AT MAGSAMA-SAMA PAGDATING SA BAYANG PANGAKO AT HINDI NA MAGKAKALAYO PA.
Sana po ay may natutunan tayo sa kwentong ito. At salamat po sa ating kapatid na nagpadala ng kaniyang kwento ukol sa pananampalataya. ^__^
Sabi ng ilan, hindi raw nila mauunawaan ang Iglesia ni Cristo dahil umano sa pagsasabi na wala pang Cristo mula ng pagkatatag ng sanlibutan. Katunayan nito ay ginamit nila ang iilang talata at iisa na rito ang nilalaman ng Juan 17:5. Na Tinamo na ni Cristo sa Ama ang kaluwalhatian bago paman ginawa ang sanlibutan. Ating suriin ang talata, ganito ang isinasaad sa ibang salin na:
Juan 17:5 " At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking TINAMO sa iyo BAGO ANG SANLIBUTAN AY GINAWA." [New English Trans]
Sa kaluwalhatian raw na kaniyang natamo ni Jesus bago paman ang sanlibutan ay naging gayon. Sa katunayan raw, ay sinabi ni jesus ang past tense form ng Verb na "TINAMO" doon sa kaniyang panalangin sa Ama. Hindi ba raw ito patotoo na Dios si Jesus?
Kung atin pong tatanggapin agad ang kadahilanan nilang ito upang isipin na Dios si Jesus, ay dadami ang Dios nila. Iisa na rito si Apostol Pablo o maging ang mga Cristiano. Ganito ang sinabi ni Pablo sa kaniyang sulat sa Efeso:
" kaya PINILI Niya tayo kay Cristo BAGO ANG SANLIBUTAN AY GINAWA upang maging banal at walang dungis sa harapan Niya sa pag-ibig " [Efeso 1:4, New Jerusalem Bible]
Pansinin ang VERB na "PINILI" kung saan pareho rin ang pagkasabing " BAGO ANG SANLIBUTAN AY GINAWA" bilang ponto ng reperensiya. Masasabi ba natin ngayong si Pablo at ang mga Cristiano ay eksistido narin mula pa sa pasimula? Seguradong ang isasagot nila'y HINDI!
Totoo po na masasabi nating may eksistido na ukol kay Cristo mula sa pagkakatatag ng sanlibutan, subalit hindi sa sariling haka-haka na may Cristo na kundi ayun sa turo ng Banal Na Kasulatan. Si Apostol Pedro na isa sa totoong tagasunod ni Cristo ay may itinuro ukol sa Panginoong Jesucristo kung saan maglilinaw sa isyung ito :
1 Peter 1:20
" FOREKNOWN, indeed, BEFORE THE FOUNDATION OF THE WORLD, he has been manifested in the times for your sakes." [Confraternity Version]
Ang sabi, si Cristo ay "FOREKNOWN" o " NASAISIP" bago paman naitatag ang sanlibutan. Kung si Cristo ay eksistido na bago paman ang pagkakatatag, ay hindi na dapat "NASAISIP" pa si Cristo o salitain. Sa katunayan, ang kadahilalang nasa ISIP pa siya bago paman ang pagkakatatag ng sanlibutan ay patotoo na sa pagkakataong yun ay hindi pa eksistido si Cristo.
Sa papaanong paraan naman tinamo ni Cristo ang kaluwalhatian mula sa Dios ayun sa Juan 17:5 kung siya'y hindi pa eksistido "bago paman naitatag ang sanlibutan"? Upang sagutin ito, mas makakatulong kung sabihin rin ang magkatumbas na tanong : Sa papaanong paraan naman ang Dios ay pumili sa Cristiano " bago naitatag ang sanlibutan"? (Efe.1:5) kung hindi pa sila eksistido? Ang mga sagot dito ay makikita sa mga kasunod na mga talata :
Ephesians 1:5
" God PLANNED long ago that we become His Own sons through Jesus Christ. This would please God; it is what He wanted." [Simple English Bible]
Ayun sa Talata, " GOD PLANNED LONG AGO" o Nasa Plano/nasaisip na nang Dios ang Kaniyang " PAGPILI BAGO NAITATAG ANG SANLIBUTAN" (Efe.1:4), at sa ibang salin ay pagtalaga " Destined" [Revised Standard Version] sa upang maging Kaniyang mga anak. Tandaan na dito'y malinaw na ang mga tao ay hindi pa eksistido mula sa simula at lalong hindi rin Dios.
Sa parehong paraan, "TINAMO" ni Cristo ang kaluwalhatian " bago naitatag ang sanlibutan" [Juan 17:5] hindi sa pagiging eksistido na o pagiging Dios man kundi sapagkat ito'y PLANO o kaalamang mula pa sa simula mula sa Dios bago paman itinatag ang sanlibutan [1Pedro 1:20, CV] upang :
Colosas 1:16
" .... ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at UKOL SA KANIYA ."
" Bago naitatag ang Sanlibutan, pinili ng Dios si Jesus" [1Ped.1:20, SEB] "Siya ay itinalaga" [1Ped. 1:20, RSV] upang magkaroon ng gayong kaluwalhatian, bagaman Siya, gaya ng mga Cristiano ay hindinpa eksistido sa panahong yaon. Sa katotohanan din na ang Biblia naman ay nagtuturo kung kailan ang takdang panahon ng katuparan ng pag eksistido ni Jesus, ng Siya'y ipinanganak ng Isang babae na si Maria :
Galacia 4:4
" Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan "
Mateo 1:18
" Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. "
Upang sa mas malinaw na patotoo na si Cristo ay hindi Dios ayun sa mga talata na kanilang ginamit, ay mas mabuting basahin ang mga naunang talata na pahayag at pagpapakilala ni Cristo kung sino ba ang dapat na kilalaning TUNAY AT IISANG DIOS. Ganito ang kaniyang sinabi :
Juan 17:1 MBB
" Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “AMA, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya."
Juan 17:3 MBB
" Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ANG IISA AT TUNAY NA DIYOS, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo."